Share

Chapter 15.1

CHAPTER 15.1

ALAS otso na ng umaga nang dumating si Lyle sa kwartong ipinahiram sa kanila ng dati niyang boss. Naabutan niya ang mga kasama na noo'y abala nang kumpletuhin ang mga dapat gawin, at nakaramdam siya ng kaunting konsensya dahil naisip niya talagang magpa-late.

"Mukhang nahuli ka ng gising ngayon, sir? Maganda rin naman 'yan, ilang araw ka nang hindi natutulog."

Natigilan siya sa pasimpleng pag-iinspeksyon ng mga damit na kasalukuyan pang inaayos nang marinig ang boses ni Kaleb sa tabi niya. Awtomatiko siyang tumingin sa gawi nito at marahang tumango, nginitian niya rin ang binata bago mahinang tumawa.

"Hindi naman. Na-late lang ako dahil mayroon akong kinausap. Pasensya na kayo."

Umangat ang mga kilay ni Kaleb. "Ah, oo nga pala, sir… nakausap mo na ba iyong kaibigan mo? Nitong minsan, nag-aalala ka na hindi mo ma-contact."

Napahimig siya. Hindi mapigilang mas lumawak ang pagkakangiti at kinuha naman na iyong sapat na sagot

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status