CHAPTER 6.2
“Hoy! Tungkol sa’n ‘yong tsismis?” Iyon kaagad ang ibinungad ni Leon pagkatapak na pagkatapak sa loob ng bahay ng mga Chastain.
Nabato tuloy ito ni Zamiel ng throw pillow dahil abala pa rin sila ni Ridge na manood ng chic flick. Na siyang halos tulugan na naman ni Ridge kung hindi lang nabubuhay ang diwa nito sa salitang tsismis.
“Basta, tsismis! Ka-eexcited niyo naman. Baka lamunin ng kaba si Gian, umiyak pa siya!”
Sabi na nga ba, e! “Wala nga lang ‘yong kanina, Zach! Ang kulit ng butsi mo!”
Gusto na lamang niyang lamunin ng lupa o hindi naman kaya tumakbo pauwi. Lalo na nang sabay-sabay ang lingon nina Zamiel, Ridge, at Leon sa kanila. Lalo siyang pinangilabutan noong mahina pang tumawa si Ridge, animo’y alam na kung tungkol saan ang tsaa.
*
MABILIS na lumipas ang katapusan ng linggo at natutuwang inabangan ni Lyle ang Lunes. Hindi niya lubusang maintindihan ang nararamdaman ngunit masaya siyang nakapag-usap sila ni Gian
CHAPTER 7.1NAGPATULOY pa sa pag-uusap si Lyle at Gian tungkol sa mga damit na minsan niya nang na-exhibit sa event noon sa Manila. Marami pa silang napag-usapan ngunit mas natuon ang pansin nilang dalawa roon sa damit na idinisenyo niya para kay Ridge. Hindi maiiwasan, doon din kasi ibinuhos ni Lyle ang oras at atensyon. Gustung-gusto niyang i-flex iyon pero hindi niya lamang ginagawa, ngunit ngayon, ewan ba niya pero may kung ano kay Gian na nagtutulak sa kanya para hayaan ang sarili na magmalaki. Marahil dahil comforting ang aura na ine-emit ni Gian? Tipong parang kahit na anong sabihin niya, hindi siya kailanman huhusgahan ng binata.Ngunit bukod sa damit na pinag-uusapan nila, hindi lingid sa kaalaman ni Lyle kung paanong napukaw ng sketchbook niya ang atensyon ni Gian. Paano ba naman kasi ay nanatili ang mga mata ng binata roon. Ilang beses itong lumunok at nagpabalik-balik ang mga mata sa kanya at sa kagamitan, mukhang napapaisip kung paano ba nito itatanong kun
CHAPTER 7.2KINABUKASAN, noong mag-lunch break siya ay bumalik siya sa café nina Gian. Hati ang agenda niya noong araw na iyon. Bukod kasi sa gusto niyang makapagtrabaho rito, gusto niya rin sanang makipagkwentuhan. Kaya lang, noong dumating na siya sa café, imbes na si Gian ang sumalubong sa kanya ay ibang tao ang bumungad sa kanya!Parehong namilog ang mga mata nila at sabay silang natigilan. Tila ba nirerehistro sa isipan ang mga kaganapan. Ito iyong parehong lalaki na nangutang kay Gian noong araw na unang beses silang personal na nakapag-usap ng isa! Ngayon lang din! Ngayon lang din rumehistro kay Lyle na hindi basta-bastang estranghero lamang ang nagmamasid sa kanila noong araw na iyon kung hindi si Zachariel Chastain!Ang kakambal ni Zamiel Chastain at ang naging bagong captain ng basketball team bago siya grumaduate ng junior high school! Naabutan niya ito dahil hindi siya kaagad nakapag-resign sa team noong siya ang naging bagong ace. So far, ito rin an
CHAPTER 7.3NOONG mai-send na ni Lyle ang mensahe, isang malalim na buntong hininga ang siyang kumawala sa mga labi niya bago inilapag ang cellphone sa tabi. Tinapos na rin niya ang kinakain sa kabila ng kawalan ng gana, pati na rin ang mga gawaing tinatamad na siyang tapusin dahil wala namang makausap, naisip niyang simulan na nang sa ganoon e kahit paano, mapatay niya ang kabagutan.Iyon ay hanggang sa mayroong mag-reply sa kanya. Dahil abala, hindi niya kaagad iyon pinagbigyang pansin. Nanatili ang mga mata niya sa mga papeles at noong nagkaroon na ng oras mula sa mga ginagawa, doon pa lamang niya nakuhang tignan ang mensahe.+639XXXXXXXXX:Hello? Sino 'to?Nagtagal ang mga mata niya sa reply nito at napaisip sa isasagot. Ano ang isasagot niya sa “sino ‘to?” samantalang siya dapat ang nagtatanong niyan dahil ipinipilit na iabot sa kanya ang numero nito. Ilang sandali rin siguro niyang pinagmasdan ang mensahe hanggang sa wakas, nakaisip na rin siya n
CHAPTER 8.1HANGGANG ngayon, isang malaking palaisipan para kay Lyle kung paanong numero ni Gian ang nakasulat sa papel na madalas na ibinibigay sa kanya. Nagsuspetya siya, oo. Sino ba naman ang hindi? Iniisip niyang baka tipo nga siya ni Gian at malapit na siyang maniwala sa sinasabi ni Keegan na baka nga may gusto sa kanya ang binata, ngunit kapag titignan niya si Gian, ang hirap maniwala na may gusto nga ito sa kanya.“Alam mo na ba kung sinong nagbibigay ng numero mo sa ‘kin?” Dahil sa totoo lang, ang galing noong strategy. Kung sinumang nagsulat noon at nagpapabigay sa kanya, alam na ang pipiliing i-text ni Lyle e iyong numero pala ni Gian.Napalunok si Gian nang magtanong siya. In-adjust din nito ang kwelyo ng suot na polo shirt bagamat hindi naman ito nasasakal. Kumunot ang noo ni Lyle habang pinanonood ang binata ngunit hindi niya rin maiwasan ang maaliw. Sobra ang kaba nito at bakas iyon sa kung paanong takasan ng kulay ang mukha ng binata.
CHAPTER 8.2 “SO, it was really Ridge who gave your number to me, isn’t he?” Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Gian nang mapansin niya ang pagkadismaya sa boses ni Lyle. Sabi na nga ba, e. Kaya ayaw niyang sabihin dito na kay Ridge galing ang kalokohan, alam niya kasing malulungkot ang binata. Ayaw pa naman niyang ganoon dahil mabait itong si Lyle. Kaya ito siya ngayon, pilit na itinatago ang hiyang nadarama sa pamamagitan ng pag-aktong malakas. Ikinasisiya niya pa ang katotohanang hindi naman siya nakikita ni Lyle kung kaya malakas ang loob niyang umarte—hindi nito makikita na maging siya rin e nadidismaya. Gusto ni Lyle si Ridge, kaya sino ba ang hindi madidismaya kung iyong taong gusto mo, isi-set up ka sa iba? He, too, would feel upset if this also happened to him. Alas diyes na noon ng gabi at magkatawagan na lamang sila ngayon ni Lyle. Hindi na mabilang ni Gian kung gaan
CHAPTER 8.3NOONG oras na matapos ang pag-uusap nilang dalawa ni Gian, bumagsak ang mga balikat ni Lyle. Gusto niyang matawa na ewan sa mga ganap sa buhay niya. Parang pinipiga ang puso niya bagamat ilang oras na ang lumipas mula noong makumpirma niyang si Ridge nga ang nag-set up sa kanilang dalawa ng binata. Sa totoo lang, lalong kumikirot ang dibdib niya sa tuwing maririnig ang boses ni Gian.Wala itong kasalanan, oo, pero hindi niya maiwasang masaktan lalo na at itinago rin nito ang katotohanan sa kanya. Kahit pa na siya lang din ang iniisip nito kaya ayaw nitong ipaalam ang totoo, medyo sumama ang loob niya kay Gian.Isang marahas na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Lyle bago niya dinala ang mga mata sa sketchbook. Ang dami niyang pending designs. Ni isa, wala siyang matapos-tapos. Kanina pa niya ito sinusubukang ayusin, e. Noong mga oras na magkausap sila ni Gian, sinusubukan niyang ibaling ang atensyon sa
CHAPTER 9.1DAHIL nakapaglabas ng sama ng loob kay Keegan kagabi, kahit paano e pumasok ng trabaho si Lyle na magaan ang loob. Hindi na tulad kagabi na halos hindi niya maituon ang atensyon sa trabaho, ngayon e kahit paano, ganado siyang tapusin ang mga naiwang sketches na kagabi ay pinagkakatulalaan niya na lang."Sabi mo kagabi, pupunta ka na naman sa café no'ng kaibigan ni Ridge. Napapadalas ka ro'n, a."Natigilan si Lyle mula sa pag-eeksamina ng mga damit nang marinig ang pagpuna sa kanya ng kaibigang si Keegan. Binisita siya nito ngayon sa trabaho dahil naka-vacation leave ito sa gym. Pagod din daw ito sa trabaho kagabi ngunit ayaw na mabagot kaya siya kaagad ang unang pinuntahan. Aalis din daw ito bukas at may dadaluhang event sa Manila, hindi niya alam kung para saan pero ang sabi ni Keegan, para raw iyon sa mga katulad niya na mahilig sa anime at laro."Oo nga pala, binisita mo ako," natatawa niyang sabi dahil nakalimutan niya talaga ang presensya
CHAPTER 9.2 NAKANGIWING pinagmasdan ni Lyle si Keegan, hindi makapaniwala sa kapal ng mukha nitong umarteng close rin sila ni Gian. Hindi ba nito nakikitang natatakot sa kanya iyong isa? Mas malaki si Gian in terms of height pero kung usapang katawan e mas malaman ng kaunti kaysa rito si Keegan. Paniguradong ang iniisip noong isa e baka itapon siya nitong si Keegan na puro yabang lang din ang alam. "Anong itatanong? Tumigil ka nga. Para kang mambubugbog sa itsura mo." "Sa hirap ng buhay ko, tingin mo ba talaga e afford kong makulong? May itatanong lang ako sa kaibigan mo. Harmless iyon!" Imbes na pansinin ang kaibigan, hinarap ni Lyle si Gian at alanganin itong nginitian. It was an apologetic smile and the taller male seemed to have caught on, which is why he received a quick nod from the other. Naawa si Lyle sa binata noong oras na mapansin niyang sapo ni Gian ang dibdib. Lihim din siyang bumuntong hininga—ewan niya pero sa pakiramdam ni Lyle, mayroo