CHAPTER 21.2
KUMUNOT ang noo ni Gian. Wala rin ito sa sariling sumagot. "Um, nasa 'yo lahat ng pera ko, Lyle?"
"'Di 'yan ang ibig kong sabihin." Hindi niya napigilan ang mapahalakhak, pero wala na rin siyang balak na magpaliwanag pa. Sa halip, inabot niya ang kamay ni Gian saka ipinagsaklob ang mga palad nila. Nabigla siya nang mapagtantong ang lambot at ang init ng kamay nito. Samantala, mahina namang sumigaw si Gian at makapukaw ng mangilan-ngilan na atensyon.
"L-Lyle?!" Hindi nito makapaniwalang sigaw.
Umangat ang mga kilay niya bago hinayaang bumagsak ang mga kamay nila.
"O, bakit? Mas magandang maghawak kamay nalang tayo kaysa sa hawakan mo 'ko sa sleeve ng damit, 'di ba? 'Di mo ba naisip 'yon?"
Nanginginig ang mga labi ni Gian na sumagot. "Naisip ko pero baka kasi 'di mo magustuhan."
"'Di magustuhan?" Ang dating ng sagot ni Lyle e tila ba hindi siya makapaniwala sa paratang ng binata. "E, ayos lang din sa 'kin na maghawak
Chapter 22.1 Naputol ang iniisip ni Lyle nang marinig ang pagkatok sa labas ng opisina niya. Hindi nagtagal, iniluwa ng pinto ang ulo ni Kaleb. Mukhang tinitignan kung abala siya dahil hindi siya sumagot. Nang masigurong hindi, saka ito tuluyang pumasok ng opisina niya. "Bakit, Kaleb? May problema ba?" Bungad niya rito. Umiling naman ang binata bago iniangat ang mga kamay upang marahan na iwagayway ang mga iyon. "Wala naman, boss. Gusto ko lang talaga sabihin na may naghahanap sa 'yo." Kumunot ang noo niya bago inilipat ang mga mata sa wall clock. Alas kwatro na ng hapon noon at malapit na rin na matapos ang working hours nila. Hindi niya akalain na may bibisita dahil wala naman siyang natanggap na mensahe mula sa mga kliyente? But then, an unexpected meeting does not sound so bad. Mayroon pa rin naman silang dalawang oras noon sa trabaho kaya tatapusin nalang niya kaagad ito. "Sige, papasukin mo na, Kaleb," aniya. Tuma
CHAPTER 22.2BAGAMAT alam na ang nararamdaman pero hindi pa rin matanggap, palagi pa ring pumupunta si Lyle sa café nina Gian para kumain. Ang dahilan e kasi, ayaw niyang isipin nitong wala na siyang oras na makipag-usap sa kanya. Thing is, he doesn't stay in his café for too long unlike before. Sinasabi na lang niya na busy siya at hinahayaan naman siya ng binata.He can't stay not because he feels suffocated. But because his heart can't keep up with every simple gestures that Gian does to him.Hindi naman kailangang espesyal. Hindi rin siya kailangang hawakan ni Gian o kausapin ng matagal. Makita niya lang na sinusubukan nitong alagaan siya at i-accommodate kahit hindi sila direkta na magkasama, parang sasabog ang puso niya.Lalo na sa tuwing mapagtatanto niyang ganito ito dahil magkaibigan sila at customer siya. Tapos, wala siyang karapatang makaramdam ng tuwa dahil hindi ba nga at ipinipi
CHAPTER 22.3Ang unang stop ni Lyle noon ay ang gym kung saan nagta-trabaho si Keegan. Dahil kilala na siya rito, hinayaan na siyang pumasok. Hinanap lang din niya ang kaibigan saka ito naabutan na kasama si Ridge.And the sight of him made Lyle press his lips together while taking his time to walk towards his friend and his… first love. Pinakiramdaman niya rin ang sarili at ganoon pa rin naman ang reaksyon ng katawan niya sa paligid ni Ridge. Walang nagbago, sinabayan lang ni Gian."Ah. Long time, no see Lyle," bati sa kanya ni Ridge na noon ay nakaupo sa isa sa mga weights, may bitbit na maliit dumbbell sa kanang kamay at marahan iyong itinataas baba. His eyes instantly focused on Ridge's biceps. Kinailangan pang palagitikin ni Keegan ang mga daliri bago siya mahimasmasan at sumagot dito."A-ah, long time no see rin, Ridge," kalauna'y sagot niya. Dahilan upang pasimpleng bumuntong hininga si Keegan.Tila ba nilukob ng tuwa ang dibdib niya
CHAPTER 23.1 BAGAMAT sinabi niya kay Keegan na hindi niya pupuntahan si Gian, sa huli, dumaan pa rin siya roon. He does not want to be a let down. Nag-bake si Gian ng carrot cake para sa pamilya niya. Bukod sa sayang ang pagkain, ayaw niya ring ibalewala ang effort nito dahil lang sa personal niyang problema. Okay, mukhang magsusuot nga siya ng clown wig sa harap ni Keegan. Pero kaagad niyang pinagsisihan ang pagdaan dito dahil pagbaba niya sa motorsiklo, siya ring paglabas ni Gian mula sa sariling café kasama ang isang hindi kilalang babae. Masyado noong abala ang dalawa sa pagkukwentuhan kaya hindi siya napansin. Nagtatawanan pa nga at hindi rin napansin ni Lyle na nanatili ang mata niya sa dalawa. More so, he was unconsciously looking at the woman walking beside Gian. From head to toe. Matangkad ito pero mas maliit kay Lyle. She has a long and wavy hazel nut hair and porcelain skin. Her eyes are round while her nose is tall, her lips are thin and t
CHAPTER 23.2 Noong ipakita niya sa pamilya ang carrot cake at sabihin na ipinapabigay iyon ni Gian, halos magpa-fiesta ang mga magulang niya dahil sa tuwa. Maging ang kapatid niya na alam na alam na may gusto pa rin siya kay Ridge, tila ba na-reset ang isipan at botong-boto rin kay Gian. Sinabi pa na nami-miss na nito ang "future" brother-in-law nito samantalang wala namang ganon! Moreover, he also figured out that night that Gian has bombarded with him texts. Sobra yata itong nag-alala na hinayaan siyang bumyahe na mag-isa. Hence, Lyle decided to call him. Pagka-dial niya sa numero nito, halos hindi man lang natapos ang isang ring nang marinig niya ang boses ng binata. It took him aback because Gian's response to his call was really quick. Inaabangan ba nito ang pagtawag niya? "Hello? Nasa bahay ka na ba?" Ganoon kaagad ang bati sa kanya ni Gian nang sagutin nito ang tawag. Ni hindi man lang siya hina
CHAPTER 24.1 "IKAW ang… magmo-model sa magazine tapos si Lyle ang designer na ka-collab mo?" Tila ba hindi ma-pick up ni Gian ang impormasyong natanggap mula kay Ridge. Sa katunayan, napatulala siya rito at ilang beses na napapakurap-kurap, hindi malaman kung anong dapat niyang sabihin. Samantala, mukhang naaaliw si Ridge sa kanya. Sumimsim ito ng tsaa bago siya pinasadahan ng tingin. May pilyong ngiti rin na naglalaro sa mga labi nito. Nakagat tuloy ni Gian ang pang-ibabang labi. "Magazine lang naman 'yon," paliwanag ni Ridge bago ito mahinang tumawa, "'di pa rin namin pinupuntahan ni Wade 'yong Primivère dahil next week pa ang resume ng trabaho ko." "A-anong gagawin mo ro'n?" "Fitting. Nang maihanda iyong size ng mga damit. Gusto mo ba na sumama sa 'min?" Napamaang siya at tumuwid sa pagkakaupo. Nang matantong hindi niya naintindihan ang tanong ni
CHAPTER 24.2"O, ba't ka tumigil sa paglalakad?" Tanong ni Zachariel na tumigil din ilang hakbang lamang ang layo sa kanya.Halos manubig ang mga mata ni Gian nang harapin ang kaibigan. Nagulat tuloy ito at kaagad na rumehistro sa mukha nito ang pag-aalala. Mataman din siyang tinitigan. Hinila pa nga siya sa isang tabi nang sa ganoon e hindi sila maging harang sa daan."H-hoy?! Tinatanong ko lang naman progress niyo. Na-basted ka na ba ng hindi namin alam?!"Anong na-basted?! Hindi na kailangan ni Gian ng ganoon. Simula't sapul, alam niya kung anong lugar niya sa buhay ni Lyle kahit noong natanto niyang gusto niya ito. Kaya nga... ayaw niyang gumawa ng kahit ano, e.He'll stay here, he wants to stay beside Lyle even though the male would never choose him nor see him as a man."M-matagal na 'kong basted kahit 'di pa 'ko umamin!" Kaagad niyang sagot bago pinalis ang namumuon
CHAPTER 25.1 A closure. Lyle knew he needed a closure for his feelings towards Ridge. Alam niyang hindi siya worthy para magkaroon noon dahil kahit kailan, hindi lumalim ang relasyon nilang dalawa. Pero para nalang din sa puso niya at sa batang siya na hindi matigil sa kaaasa. Si Ridge ang una niyang pangarap, ang dahilan kung bakit nagkaroon ng saysay ang buhay niya. Ito ang rason para magkaroon ng pagbabago sa kanya. Binitiwan niya ang lahat ng sama ng loob at umasa sa mas mabuting kinabukasan dahil dito. Ito ang naging inspirasyon niya upang abutin ang lahat ng kagustuhang marating. Pero mula noon at hanggang ngayon, kahit kaila'y hindi masusuklian ang pagmamahal niya sa paraang gusto niya. Alam niya iyon at humingi siya ng mas mababaw na kapalit - pagkakaibigan - kahit na sa kaloob-looban niya, gusto niya na mahalin din siya ng binata... sa paraan kung paano nito mahalin si Zamiel.