THE COLORS WE HIDE

THE COLORS WE HIDE

last updateLast Updated : 2026-10-16
By:  Ansh Marie ToperzUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
43Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Jia ang kahulugan ng perpeksyon— seryoso, tapat, at inosenteng Student Council President na bulag sa totoong kulay ng kaniyang bagong girlfriend na si Jiwoo. Akala ni Jia ay natagpuan niya ang perpektong pag-ibig, nang hindi niya nalalamang papasok sa eksena si Yuna, isang mapang-akit at free-spirited na Fine Arts student. Ngunit ang paglapit ni Yuna ay hindi isang aksidente o biglaang paghanga; ito ay isang malamig at planadong paghihiganti. Si Jiwoo ay ang ex-girlfriend ni Yuna na nanakit, nagtaksil, at nag-iwan sa kaniya noon. Nang makita ni Yuna na masaya, may bago nang karelasyon si Jiwoo, binuo niya ang isang mapanganib na plano: aakitin niya si Jia, paghihiwalayin ang dalawa, at wawasakin ang kaligayahan ni Jiwoo para maranasan din nito ang matinding sakit na kaniyang dinaanan. Gagamitin niya si Jia bilang isang kasangkapan, pira-pirasong trophy sa kaniyang laro ng resbak. Ginamit ni Yuna ang kaniyang karisma at sining para mapalapit sa presidente. Nagtagumpay siya—nag-away sina Jia at Jiwoo, at sa bawat patak ng luha ni Jia, si Yuna ang naging sandalan. Subalit habang unt-unting nahuhulog ang inosenteng puso ni Jia sa kaniya, isang hindi inaasahang twist ang naganap. Sa likod ng pagiging perpekto ni Jia, nakita ni Yuna ang isang dalisay at mapag-alagang kaluluwa. Ang huwad na pang-aakit ni Yuna ay unt-unting naging totoong pagmamahal. Nahulog si Yuna sa sarili niyang patibong. Ngunit bago pa man maitama ni Yuna ang kaniyang mga pagkakamali, natuklasan ni Jiwoo ang kaniyang motibo at ibinunyag ang lahat ng ebidensya kay Jia. Nadurog si Jia nang malalamang ginawa lang siyang laruan para sa isang personal na paghihiganti. Sa mundong nabalot ng kasinungalingan at guilt, kailangang patunayan ni Yuna na ang pag-ibig niya ngayon kay Jia ang pinakatotoong kulay na kailanman ay hindi niya itinago, bago tuluyang mawala ang natatanging babaeng bumihag sa kaniyang puso.

View More

Chapter 1

Prologue: Obra Maestra ng Isang Kasinungalingan

Some people paint to remember, pero si Yuna? She painted to destroy.

Ang tapang ng amoy ng acrylic at turpentine sa loob ng cramped Fine Arts studio, humahalo sa malamig na hangin ng bumubuhos na ulan ngayong gabi. Outside, the rain was mercilessly battering the glass windows of the university building. It was the perfect background noise para sa nagwawalang gulo sa loob ng utak ni Yuna.

Sa gitna ng kwarto, nakapatong sa easel ang kaniyang pinakabagong canvas. Hindi ito ang tipikal na magagandang landscape o portrait na madalas purihin ng mga professor niya. It was a messy, violent explosion of dark colors—heavy strokes of crimson overlapping with midnight blue, na parang sinasakal ang maliliit at pira-pirasong streaks of gold na nakatago sa ilalim.

That gold was Jia. At si Yuna ang kadiliman na kasalukuyang lumalamon dito.

Yuna took a step back, her hands trembling habang mahigpit niyang hawak ang paint-stained brush. Ang oversized black apron niya ay puno ng random splatters ng pintura, pero walang-wala 'yon kumpara sa internal mess na ginawa niya. Looking at the painting felt like staring directly into a mirror of her own sins.

"Ano'ng nagawa ko?" she whispered to the empty room. Ang boses niya ay gumaralgal habang unt-unting bumabagsak ang buong realidad sa kaniya.

It was supposed to be a simple game. Isang maingat, kalkulado, at flawless na plano ng paghihiganti.

Six months ago, Yuna’s life was completely ruined by one person: Jiwoo. Si Jiwoo, na may napakagandang ngiti pero punung-puno ng manipulasyon. She took everything from Yuna—her peace, her trust, and her dignity—bago siya nito tinalikuran na parang basura pagkatapos siyang pagsawaan. Yuna promised herself na pagbabayarin niya si Jiwoo. Gusto niyang maranasan nito ang eksaktong sakit ng pinapanood ang taong mahal mo na dahan-dahang nawawala sa'yo.

And then, she saw Jia.

Jia was the ultimate prize. Ang seryoso at untouchable Student Council President ng unibersidad. Isang babaeng sobrang pure, sobrang honest, at blindingly perfect na lahat ng estudyante ay tinitingala siya. Kaya noong makita ni Yuna si Jiwoo na mayabang na naka-akbay sa bewang ni Jia sa simula ng semester, soft-launching her as the new girlfriend, a dark, wicked idea sparkled sa utak niya.

Aakitin ko si Jia. I’ll make her fall so deeply in love with me hanggang sa iwanan niya si Jiwoo nang walang pag-aalinlangan. At kapag broken at mag-isa na si Jiwoo... I'll throw Jia away too.

It was a brilliant script, and Yuna executed every scene perfectly. Pinag-aralan niya ang bawat kilos ni Jia, kinuha ang kape na paborito nito, at sinasadya niyang sumulpot sa mundo nito bilang isang free-spirited storm na hindi kayang iwasan ng presidente. She became Jia’s escape mula sa suffocating expectations ng strict parents nito. Step by step, Yuna carefully pulled Jia away from Jiwoo’s grasp.

Everything went exactly according to plan. Nag-away sila ni Jiwoo, nag-crumble ang relationship nila, and eventually, Jia walked away from her ex.

But Yuna forgot one fatal flaw sa ginawa niyang obra maestra. Isang plot twist na hindi niya inaasahan.

Nakalimutan niyang protektahan ang sarili niyang puso.

Somewhere sa pagitan ng mga late-night rooftop conversations, sa tuwing banayad na pinupunasan ni Jia ang uling sa pisngi niya, at sa kung paano siya tingnan ni Jia na tila ba siya ang pinakamahalagang tao sa mundo... the lines became blurred. Ang mga plastik na ngiti ni Yuna, naging totoong tawa. Ang mga pinag-praktisang hawak, biglang nagkaroon ng kuryente.

Yuna fell. Nahulog siya nang napakasalimuot sa mismong patibong na hinukay niya para sa iba. Hindi niya na gustong sirain si Jiwoo; she desperately wanted to keep Jia. Gusto niyang magmahal nang totoo, at burahin ang lahat ng kasinungalingan na nag-umpisa ng lahat.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana kapag karma na ang naniningil.

Just yesterday, nalaman ni Jiwoo ang lahat. Nang makita nitong talo na siya sa laro, Jiwoo played the ultimate wild card. Kinuha niya ang lahat ng lumang ebidensya—ang mga chat logs, ang mga plano, ang mga bitter notes ni Yuna tungkol sa paghihiganti—at diretsong inabot kay Jia.

Yuna would never forget the look on Jia’s face nang harapin siya nito sa gitna ng malakas na ulan. Ang matapang na President ay mukhang sobrang liit, basang-basa ang kaniyang malinis na white blazer, habang nanginginig ang kaniyang mga balikat sa iyak.

"Ginamit mo lang ako?" Jia’s voice broke into a thousand pieces, hawak-hawak ang mga screenshots ng lumang plano ni Yuna. "Lahat ba ng 'to, Yuna... lahat ng pinakita mo sa akin, palabas lang? Was I just a trophy para lang patunayan mong kaya mo akong agawin para makaganti?"

Yuna tried to reach out, to beg, to scream na mahal niya ito ngayon—na ang mga kulay ay hindi na peke. But the damage was done. Ang inosenteng kinang sa mga mata ni Jia ay tuluyang nawala, napalitan ng isang malamig at blangkong pagkandor.

"I hate you," bulong ni Jia, bago binitawan ang mga papel sa maputik na sahig at tinalikuran si Yuna. "I hate you for making me believe na may tao palang kayang magmahal sa hindi perpektong parte ng buhay ko."

Ngayon, nakatayo si Yuna mag-isa sa madilim na studio. She let out a shaky breath habang isang pumatak ang luha sa kaniyang pisngi, nag-iiwan ng malinis na linya sa mukha niyang may dumi ng uling.

Tiningnan niyang muli ang canvas. Ang mga streaks ng gold ay halos hindi na makita, tuluyang natakpan ng madidilim na kulay ng kaniyang galit. She successfully destroyed Jiwoo, yes. Pero sa proseso, she completely shattered the only girl who ever gave her pure, unselfish love.

The game was over, tapos na ang paghihiganti, at nanalo si Yuna.

Pero habang nakatitig siya sa bakanteng espasyo sa tabi ng easel kung saan madalas tumayo at ngumiti si Jia... Yuna knew she had never lost so miserably sa buong buhay niya. This wasn't art. This was a tragedy. At siya ang nagpinta nito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
43 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status