Share

Chapter 7.1

CHAPTER 7.1

NAGPATULOY pa sa pag-uusap si Lyle at Gian tungkol sa mga damit na minsan niya nang na-exhibit sa event noon sa Manila. Marami pa silang napag-usapan ngunit mas natuon ang pansin nilang dalawa roon sa damit na idinisenyo niya para kay Ridge. Hindi maiiwasan, doon din kasi ibinuhos ni Lyle ang oras at atensyon. Gustung-gusto niyang i-flex iyon pero hindi niya lamang ginagawa, ngunit ngayon, ewan ba niya pero may kung ano kay Gian na nagtutulak sa kanya para hayaan ang sarili na magmalaki. Marahil dahil comforting ang aura na ine-emit ni Gian? Tipong parang kahit na anong sabihin niya, hindi siya kailanman huhusgahan ng binata.

Ngunit bukod sa damit na pinag-uusapan nila, hindi lingid sa kaalaman ni Lyle kung paanong napukaw ng sketchbook niya ang atensyon ni Gian. Paano ba naman kasi ay nanatili ang mga mata ng binata roon. Ilang beses itong lumunok at nagpabalik-balik ang mga mata sa kanya at sa kagamitan, mukhang napapaisip kung paano ba nito itatanong kun

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status