Share

Chapter 3: Stay Away

Halos isang oras na ang lumipas magmula ng maging abala ako sa harap ng laptop ko. Napagdesisyunan ko kasi na mangalap ng mahahalagang impormasyon tungkol kay Stephen Anderson.

Kung dati ay iniignora ko lamang ang mga balita na naririnig at nababasa ko tungkol sa kanya, ngayon ay kailangan ko ng magkaroon ng pakielam. I need to know every single detail about him.

I should be aware of who he really is and what is he capable of doing.

Aside from killing and manipulating people.

Napailing na lang ako at halos malukot ang aking mukha, dahil karamihan sa artikulong nababasa ko tungkol sa kanya ay puro negatibo. Marami na pala talagang issue ang naikabit sa pangalan niya. Though there are some recognition as well.

But still, it wouldn’t change the fact that he’s indeed a bad person, and it won’t cover his bad deeds.

Just this recently, he’s been accused as the one who killed the well-known businessman, Mr. Choi. Bali-balita na isa raw ito sa matinding karibal niya sa negosyo at kamakailan lang ay nagkaroon sila ng malaking alitan. Dahilan para magkaroon ng konklusyon ang mga tao na siya ang may pakana sa nangyaring aksidente nito. Rumors spread that the incident is intentional.

Ang isa pang bagong balita na iniuugnay sa kanya ay ang pagkakasangkot niya sa ilegal na gawain. Diumano ay isa siya sa mga nagpapalakad ng malaking bentahan ng droga sa bansa.

Natigilan ako. Hindi kaya ito ang bagay na tinutukoy noong lalaking pinatay niya?

Hindi ko naiwasan ang manginig nang mabasa ko ang parteng ‘yon ng isang artikulo.

So, I’m not just dealing with a killer. But with a drug lord as well. Who knows what’s running inside his fucked up mind?

Good heavens.

Pero ang lahat ng akusasyon na ‘yon ay nagawa niyang malusutan ng walang kahirap-hirap. Wala rin naman kasing matibay na ebidensya na magdidiin sa kanya sa mga paratang na ‘yon.

Napabaling ako bigla sa phone ko na nakalapag sa tabi ng laptop. Kung ebidensya lang naman ang problema ay confident kong masasabi na mayroon ako nito. Sa oras na kumalat ang nilalaman nito sa media ay paniguradong hindi na siya makakalusot pa at mapagbabayaran na niya ang lahat ng mga kasalanan na nagawa niya.

Lalo na siguro kung magagawa ko pang makuha ang flash drive na kinuha niya roon sa lalaking pinatay niya. Paniguradong may mga confidential files na naka-save roon na hindi puwedeng mag-leak.

If that’s the case, I have to get it as soon as possible.

But I must ensure my own safety first once I made a move. Especially the security of my family and friends. One wrong click and surely, everyone around me will suffer. Which, of course, I can’t take a risk.

Napahilot ako sa ‘king sentido, bago muling ibinaling ang atensyon sa screen ng laptop ko at nakipagtitigan sa mga mata niyang malamig at walang buhay. Kahit sa picture ay dala-dala niya ang nakaka-intimidate niyang aura. Tila nangungusap ang mga ito na wag mo na siyang tangkain na kalabanin pa.

Nasa malalim akong pag-iisip ng muntik na akong mahulog mula sa kinauupuan ko, nang biglang bumukas ang pinto. Dali-dali kong isinara ang laptop ko at binalingan ang aming mayordoma na si Manang Felicity.

“Magandang gabi po, Miss Nathalia. Pasensya na po at pumasok na ako. Kanina pa po kasi ako nakatok pero hindi po kayo nasagot. Ang akala ko po ay nakatulog na kayo.”

Napakunot noo ako. Gaano na ba kalalim ang iniisip ko na hindi ko man lang narinig ang pagkatok ni Manang?

“Pinapatawag na po kayo ni Don Edwin upang kumain na ng hapunan,” nakangiti niyang anyaya sa ‘kin.

Tumayo ako at pilit na ngumiti, habang lihim na pinapakalma ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan na baka may makakita sa ginagawa kong pag-iimbestiga kay Stephen.

“Susunod na po ako.”

Tumango naman si Manang, bago lumabas. Sa pagsara ng pinto ay roon lang ako nakahinga nang maluwag. Inayos ko lang saglit ang pagkakasalansan ng mga nagkalat na papel sa mesa ko, bago tuluyang lumabas at bumaba. Pero nasa kalagitnaan pa lamang ako ng hagdan ng marinig ko ang maingay na boses nina Papa at Mama na tila may kakuwentuhan at katawanan sa hapag kainan.

Napasinghap ako at halos talunin ko naman ang hagdan pababa nang marinig ang isang pamilyar na tinig.

Why didn’t he inform me that he will go home today the last time we talked?

Nang tuluyan na akong makababa at makapasok sa kusina ay nakumpirma ko ang hinala ko. A smile formed on my lips the moment I saw him.

“William!” sigaw ko na nagpatahimik sa kanila at nagpabaling sa direksyon ko.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa labi pagkakita sa ‘kin. Kahit ang mga mata niya ay tila nakangiti nang dahil sa pagkakasingkit nito. Half-Chinese kasi ang Mama niya na si Tita Lou.

“Princess!”

Tinakbo ko ang distansya sa pagitan naming dalawa. Tumayo naman siya at ibinuka ang magkabilang braso para salubungin ako. Agad ko siyang niyakap na nakapagpatawa sa kanya dahil muntikan na kami matumba pareho.

He chuckled and I felt his lips on my temple. “I miss you too, my princess. Wag kang mag-alala dahil marami akong pasalubong sa ‘yo.” Kinurot niya ang magkabila kong pisngi nang humiwalay ako sa yakap naming dalawa.

Napasimangot ako. Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong hiniling sa kanya. Ilang beses ko na siyang sinabihan na wag akong bilhan ng kung ano-ano sa tuwing napapadpad siya sa ibang bansa.

But he wouldn’t listen. According to him, he loves to spoil me, since I’m his little sister that he ever have.

“Hindi naman ako humiling ng pasalubong, ah. Sapat na sa ‘kin na umuwi ka. Nabawasan na naman tuloy ang kayamanan mo.” Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

I hate to admit it to him, but I really missed my cousin. Ilang buwan din siyang nawala dahil may pinaasikaso si Tito Walter sa kanya sa negosyo nila sa ibang bansa.

Surely, we bond a lot. Magmula palang ng mapunta ako sa pamilyang ito ay siya na ang madalas na naging kasama ko.

“Aww. Ang sweet naman ng pinsan ko.” Muli niyang kinurot ang magkabila kong pisngi.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang hilig talaga niyang lamugin ang kaawa-awa kong pisngi.

“Wag kang mag-alala sa kayamanan ko dahil hindi naman ‘yon mauubos. Ang totoo niyan, sa sobrang dami nga, wala na akong paglagyan.” He laughed heartily. Nakitawa rin sina Mama at Papa na halos makalimutan kong nandito pala.

Napailing na lang ako. Napakahambog talaga niya kahit kailan.

Minsan pa nga ay wala na siyang pakielam kung pera lang ang habol ng mga babae sa kanya. Pareho naman daw kasi silang nagbe-benefit sa isa’t isa. Halos masuka naman ako nang ipaliwanag pa niya sa ‘kin ang tungkol sa bagay na ‘yon. Pasaway talaga.

That’s why I’m really hoping that he will meet his match soon.

Sabay na kaming umupo at nagsimulang kumain. Muli silang bumalik sa pagkukuwentuhan tungkol sa negosyo, habang ako naman ay inuusisa nila tungkol sa ‘king pag-aaral at sa nalalapit kong kaarawan. Sobrang saya ko na nakauwi siya, bago sumapit ang isa sa mga espesyal na araw ng buhay ko.

It’s an enough gift for me. To spend the special day of my life with my loved ones.

“Thalia, hindi ako papayag na wala kang 18 roses, 18 candles at kung ano-ano pang 18 ‘yon!” pagmamaktol niya ng ipaliwanag ko ang napagkasunduan na naming plano nila Mama sa darating kong kaarawan.

I rolled my eyes. Though I already expected that reaction from him. “Ikaw ba ang may parating na birthday? Isa pa ay kaunti lang naman ang iimbitahan ko. I want it to be solemn and private.”

He looked at me in disbelief. “Seriously? What are you actually planning to have? A general meeting? Thalia naman—”

Pinandilatan ko siya ng mga mata. “My decision is final, Liam. No buts and no more arguments.”

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Mama sa tabi ko. Nasa gitna naman si Papa at kaharap ko naman si Liam.

“Hay naku, Liam. Hayaan mo na si Thalia sa gusto niya. You know too well that you can’t do anything about it once she’s already decided,” Mama said in a nonchalant voice.

“Besides, we already have a deal,” masayang saad ni Papa, habang sumasandok ulit ng kanin.

Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere bilang pagsuko. “Fine! Pero hindi ako papayag na hindi ko maisasayaw ang prinsesa namin, okay?”

That made me smile and nodded. Kahit kailan ay walang sinuman sa pamilya na ‘to ang nagparamdam sa ‘kin na hindi nila ako tunay na kadugo.

William Sarmiento is four years older than me. But he didn’t like it every time I called him Kuya. As time passed by, I used to call him just by his name. Solong anak siya at tagapagmana. Kaya naiintindihan ko kung gaano siya kaabala nitong mga nakaraang buwan, lalo pa at unti-unti ng ipinagkakatiwala nina Tito Walter at Tita Lou sa kanya ang negosyo nila.

Somehow, the kind of relationship that I have with my family right now made me understood my friend’s situation. Mahirap talagang saktan at basta na lang talikuran ang mga taong tumulong sa ‘yo na makabangon at makapagsimulang muli, lalo na noong mga panahon na halos sumuko ka na sa buhay at pakiramdam mo ay wala ka ng iba pang malalapitan.

I’ve been there, and I know how painful the feeling is.

Dahil wala ng mas sasakit pa sa katotohanan na sa isang iglap ay biglang nawala ang lahat sa ‘yo, na biglang nawala ang mga magulang mo.

That one tragic night changes my whole life, and it will forever scar my whole being.

Oo nga at unang beses kong nakakita ng taong pinatay sa abandonadong gusali na ‘yon. Pero hindi naman ‘yon ang unang pagkakataon na nakaranas ako ng panganib sa buhay ko.

Napailing ako. Ang kaibahan ko nga lang sa mga kaibigan ko ay alam ko na ang pamilyang kinalakihan ko ay walang itinatago sa ‘kin at hindi gumagawa ng anumang kasamaan.

Unlike the Anderson’s whose been hiding something under their sleeves.

“Oh, wait. What deal are you referring to, Uncle?” Pinagsiklop ni Liam ang dalawang kamay, bago bumaling kay Papa na patuloy lang sa pagkain.

Now, he’s curious. Akala ko pa naman ay hindi na niya mapapansin ang tungkol sa bagay na ‘yon.

“That she will be in charge of the company once we retired,” nakangiting sabi ni Papa, bago matiim na tumitig sa ‘kin.

I sighed in defeat and looked away. Here we go again.

Kunot noong bumaling si Liam sa ‘kin. “Okay? But, what’s the use of a deal anyway? Obviously, you are the heiress of Sarmiento Hotel Group.”

Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang bahagyang pag-iling ni Mama at ang paglambot ng ekspresyon ng kanyang mukha.

“Yeah. But she kept on insisting to us before that we should let you take over the company instead, and she will just help you out.”

Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Liam. “Okay. Now, I’m lost. Princess...” he called out that made me look at him. “You knew too well that I have our own company to run, right?”

Napahinga ako nang malalim, bago dahan-dahang tumango. “I know. But my point here is, I’m not a real Sar—”

“You’re our family. That’s what made you a Sarmiento. That fact alone explains everything and nothing can ever change that,” putol niya sa anumang sasabihin ko.

In an instant, his face became emotionless, and his eyes turns cold.

Hindi na lang ako umimik pa. There’s no used to argue with them anyway.

Huminga ulit ako nang malalim nang may bigla akong maalala, bago dahan-dahang binitiwan ang kutsara’t tinidor na hawak ko. That made them look at my direction. May halong pagtataka at pagtatanong ang kanilang mga mata.

Kagabi ko pa ‘to pinag-isipan. Sana lang talaga ay umayon sila sa gusto kong mangyari. Para ang pagkumbinsi na lang sa mga kaibigan ko ang magiging problema ko.

“Is there a problem, hija?” malambing na tanong ni Mama. She’s always like that. The sweet and softy one.

Tipid akong ngumiti at pinaglipat ang tingin sa kanila ni Papa. “I just have a question.”

“Okay. That made me curious. Let’s hear it out,” saad naman ni Papa pagkapunas ng table napkin sa kanyang bibig.

“If you’re going to ask if you can now be courted, then the answer is firmly no,” seryoso pa ring sabat ni Liam na nagpatawa sa mga magulang ko. Somehow, that lessens the tension that’s been surrounding us.

I admit, he’s stricter when it comes to that topic compared to my parents. Pakiramdam ko nga ay isa siya sa mga dahilan kung bakit walang nanliligaw sa ‘kin, eh.

“No. It’s not about that.” Napatango naman siya. Kaya muli akong bumaling kay Papa. “Anyway, I just want to know if it is okay for my friends to work in our hotel?” I looked at him hopefully.

Saglit na napahinto sa akmang pag-inom ng tubig si Papa at nakakunot na bumaling sa ‘kin. Ramdam ko rin na natigilan si Mama.

“Why? Aalis na ba sila sa hotel kung saan sila nagpapart-time?”

Napailing ako. “No. I’m just asking if it’s fine with you, if ever.”

Nagkibit balikat ako at nagkunwaring hindi naman ako ganoon kaseryosong malaman kung ano ang magiging sagot nila. Kahit pa ang totoo ay gusto kong malaman ang opinyon nila.

He glanced at Mama beside me, then cough a little. “Well, of course, hija. Not because they’re your friends. But because I knew how dedicated they are when it comes to their job.”

That made me sighed in relief. “Thank you po.”

“Anyway, kinontak ko na pala ang mga organizers para sa magiging theme at decorations na gagamitin sa darating na birthday mo.” Pag-iiba ni Mama ng usapan.

I don’t know why. But it felt like she somehow wants to divert the topic.

“But, Ma—”

“Hija.” Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa at bahagyang pinisil ‘yon. She smiled warmly at me. “Don’t worry. There will be no big celebration as you requested. Maliit na preparations lang,” paniniguro pa ni Mama.

I pouted. “Fine. But just small preparations.”

“Yes,” nakangiting tugon ni Mama.

Nang matapos ang lahat sa pagkain ay akmang tatayo na sila, nang may biglang sumagi sa isip ko.

“Pa, may tanong pa po pala ako.”

Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong ang tungkol sa bagay na ‘to. Pero hindi talaga ako mapalagay. Sa tingin ko, bukod sa mga articles sa internet ay mas makakakuha ako ng impormasyon kina Papa tungkol kay Stephen.

“Spill it.” Bahagya niyang inayos ang nagusot na damit.

Napalunok ako, bago mahinang nagtanong. “What do you know about the Anderson’s?”

Bigla siyang napaubo at mabilis na uminom ng tubig. Habang si Mama naman ay nawala ang ngiti sa mga labi at biglang kumunot ang noo. Nanlaki naman ang mga mata ni Liam.

“Why are you asking?” gulat na tanong ni Papa ng mahimasmasan.

Nagdududa ko silang tiningnan. What’s with their reaction?

“I’m just curious. You know, my friends are working for him,” I lied.

“Why don’t you ask them, then?” naguguluhang tanong ni Mama.

“I already did. Pero wala naman silang ibang sinabi kung hindi puro papuri. I mean, hindi naman sa gusto kong makarinig ng masama tungkol sa kanya. I just want to know more about him. Lalo pa at isa siya sa kakumpetensya natin.” Okay. That’s partly true.

Gulat na napaangat ang tingin ko kay Liam nang tumayo siya at mahinang hinampas ang mesa.

“Don’t involve yourself to that family, Nathalia. Especially to that man. You don’t know what they’re capable of. So you better to stay away from them as much as you can.”

Kahit na nakaramdam ako ng takot sa biglaang pagdidilim ng kanyang mukha ay hindi ko ‘yon ipinahalata.

“Because they’re a competitor?”

“Yes.” Titig na titig siya sa ‘kin, habang nagtatagis ang kanyang bagang. Hindi rin nakalampas sa paningin ko ang pagkuyom niya ng kamao.

Namayani ang katahimikan pagkatapos no’n. I don’t why, but it suddenly felt awkward.

“Okay. Sorry for asking.”

Nakagat ko ang ibabang labi, bago nagpaalam kina Mama at Papa na aakyat na dahil gusto ko na ring magpahinga.

Pero bago ako tuluyang umakyat ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpapalitan nilang tatlo ng makahulugang tingin.

Dahil doon ay mas lalong tumindi ang pakiramdam ko na mayroon silang alam na ayaw nilang sabihin sa ‘kin.

Of course, they knew something. In business world, it’s already given.

Nang makapasok sa kuwarto ay agad akong dumiretso ng banyo dahil sa tawag ng kalikasan. Nang matapos ay naghilamos na rin ako.

Pero gano’n na lang ang gulat ko nang makarinig ng malakas na mura at pagkabagsak ng kung ano mula sa labas. Dali-dali ko namang inayos ang sarili at lumabas.

Agad na tinambol ng kaba ang dibdib ko nang makitang nakabukas na ang laptop ko at matiim na tinititigan ni Liam ang litrato na kanina lang ay tinitingnan ko. If looks could kill, the screen of my laptop is probably broken right now.

Nagtatagis ang bagang na nilingon niya ako. Bahagya naman akong napaatras nang dahil sa galit na nakikita ko sa mukha niya.

What did I do?

“What the fuck is this? What the hell are you doing?” He pointed his finger on my laptop.

Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses niya. I didn’t expect that. Kahit kailan ay hindi niya pa ako napagtaasan ng boses. Ngayon palang.

It somehow scares and confuses me at the same time. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinanggagalingan ng galit niya.

“I... I...” Hindi ko alam kung anong sasabihin. I just can’t find the right words to say. Sa isang iglap ay parang naumid ang dila ko.

Inilang hakbang niya ang pagitan naming dalawa upang hawakan ang magkabila kong balikat at bahagyang iyugyog ang mga ‘to.

“I’m telling you, Nathalia. Stop this bullshit! You’re putting your life in danger! You don’t even have any single idea about how dangerous that man is!” Muli niyang dinuro ang litrato ni Stephen mula sa screen ng laptop ko.

His words made me stunned for a moment. That’s it. He knew something too.

“Then give me an idea. Tell me—”

Napapikit siya nang mariin, bago ako dahan-dahang pinakawalan. Humakbang siya paatras at umiling.

“Stay away from him, Nathalia. That’s all I’m asking. You, stay away.” Nagsusumamo ang boses niya, maging ang mga mata niya.

But before I could even speak, he already turned his back on me. Without looking back, he stormed out of my room. Leaving me behind with more questions on mind.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status