Inilapag ko ang dalang dalawang basket ng puting rosas sa harap ng magkatabing lapida, bago dahan-dahang umupo sa damuhan. Marahan kong hinaplos ang nakaukit na pangalan doon at malungkot na ngumiti.
“Birthday ko na po ngayon. Dalaga na po ang anak n‘yo.” Pilit kong pinasaya ang aking boses pero pumiyok pa rin ito.Napapikit ako nang mariin kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha sa ‘king kanang mata. Pero agad kong pinalis ‘yon at hinamig ang sarili, bago muling dumilat. This was supposed to be a happy day.“Sana nandito pa po kayo. Siguro masaya tayong nagdiriwang ngayon.” Kinagat ko ang ibabang labi.“Naaalala ko pa rati na kahit bata palang ako ay ang dami n’yo ng plano na agad nabuo para sa ‘kin. Magmula sa pagtatapos ko ng high school, sa magiging debut ko, sa pagtatapos ko ng kolehiyo at hanggang sa dumating ang panahon na ipagkakatiwala n’yo na sa ‘kin ang pamamalakad sa kumpanya. Dahil ako lang ang nag-iisang tagapagmana n’yo. Maging sa kung sino ang mapapangasawa ko...”Bahagyang nalukot ang mukha ko nang maalala ang tungkol sa bagay na ‘yon.“Na sana pala ay hindi na lang naging parte ng plano n’yo.”Kung may magagawa lang sana ako para baguhin ang mga nangyari sa nakaraan.Pero alam ko naman na kahit ilang beses ko pang hilingin ay hindi na maibabalik pa ang mga nangyari rati. Hindi na magagawang ibalik pa ang mga buhay na nawala. Ang mga buhay na nasira. Ang karangyaan na nanakaw. Ang mga desisyong nagawa.Ang mga taong pinagkatiwalaan.Nawala sa isang iglap ang lahat sa ‘kin ng gabing ‘yon.Pilit ko mang kalimutan ang nakaraan ay kusa pa ring bumabalik ang masasakit na alaala sa bawat araw na dumaraan. Sa bawat pagmulat ko ng aking mga mata paggising sa umaga, hanggang sa pagpikit nito sa gabi. Maging sa panaginip ay hindi ako magawang patahimikin.Bakit ang unfair ng buhay? Bakit kung ano po ang masasakit na karanasan ko sa buhay ay ‘yon pa ang nanatili sa ‘king memorya?It’s been seven years, and yet, it feels like it just happened yesterday. Ni hindi man lang nawala ang sakit na nararamdaman ko. In fact, my heart aches even more.Kaya naman sa tuwing dumarating ang araw ng kaarawan ko at ano mang espesyal pa na okasyon ay hindi puwedeng hindi ako pupunta rito. Somehow, being here makes me feel that I’m still with them. That I’m still complete.My parents are my comfort zone. But when they died, I learned to get out of that comfort zone and stood on my own. I learned how to be brave and tough. I learned that only I can help myself at the end of the day. That I should not depend on anyone.Because you will never know who to trust anymore. Just like what happened before.“Miss na miss ko na po kayo,” mahina kong bulong sa hangin.Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Hanggang sa ilang minuto lang ang lumipas ay napuno na ang buong lugar ng malakas kong paghikbi. Naitakip ko na lang ang dalawa kong kamay sa ‘king mukha at hinayaan na talunin na naman ako ng aking emosyon.Kahit ngayon lang. Kahit sa tuwing ganitong pagkakataon lang.Minsan ay nakakapagod rin palang magpanggap na matapang at ipakita sa lahat na malakas ka. Kahit pa ang totoo sa kaloob-looban mo ay gustong-gusto mo ng bumigay.Natigilan naman ako nang biglang umihip nang malakas ang hangin. Pakiramdam ko ay may mga bisig na mahigpit na yumakap sa ‘kin.That made me calm and feel protected. I’m sure that it was them. Maybe, it’s their way of saying that they’re okay.That I should be okay, too.Ngumiti ako at pinahid ang mga natuyong luha sa ‘king pisngi. Kinuwentuhan ko lang sila ng mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw, katulad ng madalas kong ginagawa sa tuwing nandito ako. Pati na rin ang natuklasan ko tungkol kay Stephen Anderson ay nabanggit ko.Masyado na kasing mabigat sa pakiramdam na mayroon kang lihim na nalalaman at hindi mo magawang ipaalam sa kahit na sino dahil sa takot. Kaya kahit papaano ng maikuwento ko ‘yon sa kanila ay gumaan ang pakiramdam ko.Kahit na alam kong hindi na sila sasagot pa. Kahit na alam kong wala na akong maririnig na payo mula sa kanila. Kahit na alam kong hindi ko na totoong mararamdaman ang mahigpit na yakap nila sa ‘kin at sasabihing magiging maayos din ang lahat.Isang oras pa akong nanatili rito, bago ko napagdesisyunang umalis. Mamayang gabi pa naman ang selebrasyon na inihanda nina Mama kaya naisipan ko munang pumunta ng mall.Habang naglalakad palapit sa nakaparada kong sasakyan ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa dalang clutch bag. Yayayain ko na lang siguro ang tropa maglibot muna. Ang lungkot naman kasi kung ako lang mag-isa ang mamamasyal. Para sabay-sabay na rin kaming pupunta ng bahay pagkatapos.I don’t know why, but I suddenly miss them.Sa dinami-rami ng mga taong nagtangkang mapalapit sa ‘kin ay sila lang ang hinayaan ko. Siguro dahil halos kapareho ko sila ng naging kapalaran kaya madali kaming nagkasundo at nagkaintindihan. Isa pa ay sa kanila lang kahit papaano napanatag ang loob ko.Ito ay dahil sa kadahilanang minsan ng nasira ang tiwala na ipinagkaloob ko sa isang tao. Na kahit kailan ay hinding-hindi na mabubuo pa.Unti-unti kong ikinuyom ang aking kamao. I will make sure that my parents will get the justice that they deserve.Kaunting panahon na lang. Alam kong malapit ko na siyang makita.I let out a deep sighed as I stopped right in front of my car and leaned my back against the hood. I was about to call Mads when suddenly, a black van stopped beside mine.Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang mga pamilyar na men in black na umibis mula sa loob nito. I was about to run towards the driver seat when the two of them blocked my way instantly.Naalerto ako nang mapansin na napapalibutan na nila ako.Damn! What is this? Kidnapping?Mahigpit akong napahawak sa clutch bag ko at kinapa ang swiss knife sa loob nito. Subukan lang nilang lumapit at hindi ako mangingiming gilitan sila ng leeg!I cringed at that thought. I never saw this coming. That I’ll gonna use this small, yet dangerous weapon in killing people!But this is the sole purpose of that thing. For protection.Kahit na alam kong dehado ako. Dahil bukod sa marami sila ay pansin ko na may kanya-kanya silang baril na nakasukbit sa mga beywang nila.Ngayon ko pinagsisisihan na tinanggihan ko ang alok na tulong noon ni Damon para makakuha ng lisensyadong baril. Though I know how to use one. Thanks again to them.Taas noo ko silang hinarap at pilit na pinatatag ang aking boses. Hindi dapat ako magpakita ng kahit anong kahinaan sa kanila.“Anong kailangan n’yo sa ‘kin? Pera? Tell me. Madali naman akong kausap. Hindi naman natin kailangang humantong sa ganito,” pagkumbinsi ko sa kanila, habang naglulumikot ang aking mga mata para maghanap ng puwede kong matakbuhan at magamit laban sa kanila.Napailing ang lalaki na pinakamatangkad sa kanilang lahat.“Nagpapatawa ka ba? Pera? Marami si Boss no’n! Kayang-kaya ka pa nga niyang bilhin!”Mula sa nakabukas na pinto ng van ay may biglang lumabas na lalaki. Nakasuot siya ng shades at polo shirt na kulay asul, na tinernuhan ng maong pants. Nilalaro niya sa kamay ang isang kutsilyo na para bang wala lang ang talim nito.Pinaningkit ko ang aking mga mata. He looked familiar.“Kung gano’n ay anong kailangan n’yo sa ‘kin? Sino ba kayo?” Sa isip ko ay pilit kong inaalala kung saan ko ba siya nakita.Dahan-dahan niyang inalis ang suot na shades at bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi.“Believe me, you wouldn’t want to know who we are.” Binalingan niya ang iba pang mga tauhan sa paligid. “Take her. The boss is waiting for her already.”Natigilan ako nang dahil sa narinig. Boss? Sinong boss? Don’t tell me...Then realization hit me hard, as if a bulb suddenly popped out of my head.I did finally remember him. Siya ang lalaking nag-abot ng flashdrive kay Stephen sa abandonadong gusali ng araw na ‘yon!Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Apat na kalalakihan ang humawak sa ‘kin, habang kinakaladkad ako papasok sa van.But I won’t give in just like that. I won’t let them drag me away without fighting back.Mabilis na nahablot ko ang braso mula sa pagkakahawak nila, bago ko malakas na siniko at sinuntok ang isa sa kanila dahilan para mapadaing ito. Malakas na sinipa ko naman sa binti ang isa pa na nakapagpaluhod rito.Dali-dali kong kinuha ang swiss knife sa loob ng bag ko, bago ‘yon iwinasiwas sa isa pang papalapit. Nagulat pa siya ng biglang nagdugo ang kaliwa niyang pisngi. That made me smirked. Pasalamat siya at hindi gano’n kalalim ang naging hiwa no’n.I was about to give a flying kick to the other one when I felt a cold, sharp metal on my neck.“Ayoko na sanang paabutin sa punto na ganito. But you gave me no choice.”Tila bumagal ang takbo ng oras nang maramdaman ko ang dulo ng talim no’n sa leeg ko. One wrong move and I’m dead.I’m telling you, Nathalia. Stop this bullshit! You’re putting your life in danger! You don’t even have any single idea about how dangerous that man is!Biglang umalingawngaw ang mga salitang binitiwan ni Liam sa ‘kin noong huling beses kaming nag-usap.He’s right, and it’s too late for me to realize that.Matapos kong makita ang mga nangyari sa basement dapat ay hindi ko na itinuloy pa ang pagsunod sa Stephen na ‘yon!Nanindig ang balahibo ko at bahagyang nanghina ang mga binti ko. Wala sa sariling nabitiwan ko ang hawak na swiss knife. Pero bago pa man ako makapagsalita ay natagpuan ko na lang ang sariling buhat-buhat ng kung sino mang poncio pilato, bago ako pabalibag na pinaupo sa loob ng van.Ngunit bago ako tuluyang makapasok sa loob ay may napansin pa akong lalaking nakasuot din ng shades at sombrero sa loob ng isang kotse na nakaparada sa hindi kalayuan.Paniguradong si Stephen ‘yon. Nag-e-enjoy siguro siyang panoorin kung gaano ako kamiserable ngayon!“Ouch! That hurts! Can’t you at least be a little bit careful?” I glared at the guy in front of me when my head got hit.Hindi niya ako pinansin at ng makapasok ang lahat sa van ay mabilis na ‘tong pinasibad ng driver paalis.Mayamaya pa ay nagulat ako nang may iabot sa ‘kin ang isa sa mga tauhan niya.Nanlaki ang mga mata ko. It’s my phone! Hindi ko man lang namalayan na nahulog pala kanina! It has the freaking evidence.No! It’s the only thing that I have against Stephen!“W-What are you—”“There. Deleted.”Iniangat niya ang phone ko sa ere at pinakita kung paanong mabilis na nawala ang video na panlaban ko mula sa kanila.I was confused. First, how did they find me? Second, how the hell did they knew about the evidence on my phone?“My boss has his ways. He has eyes and ears everywhere. That’s why.” Napailing siya. “Ang lakas din naman ng loob mo.”Tila nabasa niya ang iniisip ko. Still, I can’t help but to think. Nasisiguro kong walang nakakita sa ‘kin ng mga panahon na ‘yon. I was careful not to be caught!Isa pa, kung mayroon mang nakakita sa ‘kin noon, bakit hindi agad nila ako sinuplong sa magaling nilang boss? Dahil kung nalaman lang kaagad ni Stephen na nandoon ako sa lugar na ‘yon at nakamasid ay baka patay na rin ako katulad ng lalaking ‘yon.Pangalawa, kung magmula pa lang sa basement hanggang sa pagsunod ko sa kanila sa abandonadong gusali ay alam na ni Stephen na may nanonood sa kanila, bakit wala man lang siyang ginawang hakbang?Now that I think about it, he sure has a lot of men. Malaki ang posibilidad na habang nakasunod ako sa kanila ay mayroon na ring nagmamatyag sa ‘kin no’ng panahon na ‘yon.Siguro ay hinayaan lang talaga niya akong makatakas para maghintay ng pagkakataon na atakihin ako ng hindi ko inaasahan. Hinayaan niya na isipin kong wala siyang alam tungkol sa ‘kin.Gusto kong sabunutan ang sarili sa naisip.Stupid, Nath!Nagmamakaawa ang tingin na ibinigay ko sa lalaki na sa tingin ko ay kanang-kamay ni Stephen.“Fine! I admit. I followed your boss and took the video. But, now that you have already deleted it, can you free me already? Iyon lang naman ang habol n’yo sa ‘kin, ‘di ba? Ang ebidensya na tuluyang magpapabagsak kay Stephen? Now that it’s gone, can you please let me go? Pangako, wala akong pagsasabihan na kahit na sino.”He looked at me and the way a smile stretch on his lips makes me shiver.“Do you really think that you can go away just like that? The mere fact that you have already known something made it more impossible for you to be free. Isa pa...” bahagya niyang inilapit ang mukha sa ‘kin.“Hindi ako uto-uto para maniwala na hindi ka magsasalita at wala kang ibang kopya ng video. So spare me.”Diretso kong sinalubong ang nang-aasar niyang tingin sa ‘kin. “Kung gano’n ay patayin n’yo na lang ako para habambuhay na akong mananahimik.”Humalakhak siya. Doon lang ako biglang natauhan nang dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Ni hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ‘yon.“Nah. Walang thrill kapag gano’n agad ang eksena. Isa pa, kung ako sa ‘yo ay hindi ko na susubukan pang manlaban at susunod na lang ako. Lalo pa ngayon at pakalat-kalat ang mga kasamahan ko sa labas ng bahay n’yo. Balita ko pa naman ay busy ang mga mahal mo sa buhay sa pag-aasikaso para sa kaarawan mo ngayong araw. Too bad the debutant won’t make it. So one wrong move from you and boom!” Bigla siyang pumalakpak.“Baka magkamali ng kalabit ng gatilyo ang mga kasamahan ko at tamaan ang mga magulang mo.”That made my mouth shut. Naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Nanghihina akong napasandal sa upuan at mahinang napaiyak.I can’t bear to lose a family again. Not again, please.Lord, please do guide and protect us. I’m begging you.After 5 years...I woke up with the feeling of someone caressing my bare shoulder. Slowly, I opened my eyes and the smiling face of my husband came into view.What a wonderful sight."Good morning, my wife," he greeted, then kissed my forehead.Agad naman akong napangiti at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi."Good morning, my hubby. What time is it?" Napatingin ako sa labas ng bintana na nasa kanyang likuran. Tila kasisikat pa lang ng araw."It's just six o'clock in the morning, and the last time I check, Nathan is still sleeping." He grinned.Napataas ako ng kilay. "So?"Napasinghap naman ako nang bigla na lang siyang umibabaw sa 'kin."It means, we can have a one round." He winked.Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. "What the—"Before I could even utter a protest, his lips locked into mine. Napapikit na lang ako at ninamnam ang lambot ng mga labi niyang nakalapat sa 'kin.Agad na lumapat naman ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib dahil wala siyang suot na p
Nathalia's POVHindi mawala-wala ang ngiti sa 'king mga labi, habang matamang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng malapad na salamin.Malalim akong napabuntong hininga. Panibagong yugto na naman ng buhay ko ang magtatapos sa araw na 'to.Pero kasabay no'n ay ang pagsisimula ng panibagong paglalakbay na kailangan kong tahakin at responsibilidad na kailangan kong pasanin."Are you ready?"Napaangat ang tingin ko kay Mama na kasalukuyang nakatayo sa likod ko at masuyong humawak sa magkabila kong balikat.Napatango naman ako at pilit na pinipigilan ang pangingilid ng luha ko. "I am, Ma. You know how much I have been waiting for this moment."Napangiti naman siya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Let's go."Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa huling pagkakataon, bago tumayo at sabay na kaming lumabas ng kuwarto.Pagkababa ay naabutan naming naghihintay sina Papa at Stephen sa sala. Hindi ko naiwasan ang mapailing nang mapansin na nandoon din sina Shantel at ang iba pa.Saba
NATHALIA WAS busy contemplating her thoughts on how she will be able to escape the room where she's into when suddenly, the door in front of her opened.Napaangat siya ng tingin at agad na umusbong ang galit sa kanyang puso nang tumambad sa kanyang paningin si Cole."You traitor! How dare you!"Napakuyom siya ng kamao, bago dali-daling bumaba sa kama at sinugod 'to. Hindi niya ininda ang pananakit ng kanyang katawan. Sunod-sunod na sampal ang kanyang pinakawalan sa mukha nitong hindi man lang makikitaan ni katiting na emosyon.Hanggang sa mabilis nitong nahuli ang kanyang dalawang kamay at marahas na itinulak siya, dahilan para mapahiga siya sa kama. Masama ang tinging ipinukol niya rito."Paano mo nagawa 'to sa 'min? Lalong-lalo na kay Stephen? You grew up staying beside him all the time. You've been with them for how many years. They're your friends and no matter how much—""Your husband killed my father, and because of your parents, my mother has been killed in a mission as well."
Third Person's POVKASALUKUYANG naghahabulan at nagtatayaan ang limang taong gulang na si Nathalia kasama ang matalik niyang kaibigan na si Aries sa hardin ng kanilang mansyon. The two of them were inseparable ever since the day they both started to talk and walk. Halos araw-araw na magkasama ang dalawa at bukod sa pagiging kaibigan ay nagsilbi ring bodyguard ni Nathalia si Aries."Nathalia."Natigilan si Nathalia sa pagtakbo at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti nang marinig ang baritonong boses ng kanyang ama na si Don Gray Fuentes. Habang si Aries naman ay bahagyang lumayo at natahimik sa isang tabi.Nakangiti rin ang ama na lumapit sa kanya."My business partners were here together with their children. That's why I want you to meet them and I hope that you can be friends with them." Marahan nitong pinisil ang kanyang ilong.Nagningning naman ang mga mata ni Nathalia nang dahil sa sinabi ng kanyang ama. Suddenly, she feels excited. Tahimik niyang inasam na sana nga ay makasundo n
Stephen's POVDamn this piece of shits! Gaano ba karami ang mga galamay ni Aries?Mabilis na iniiwas ko ang kotse nang mapansin na sa 'kin nakaumang ang baril ng dalawa sa nakasakay sa isang puting van. I can send them all in hell right now if I fucking want to. But I shouldn't waste any single minute of my time just by dealing with them.I need to see my wife as soon as possible. That's all that matter to me right now.Kinuha ko ang phone at agad na tinawagan ang head ng mga mafia guards na kasama ko ngayon."Clear my way and back me up. Make sure to kill all those motherfuckers!""Yes, Sir!"Pinatay ko na ang tawag at itinapon ang phone ko sa dashboard. Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang mapansin na isa-isang pinapatumba ng mga tauhan ko ang kalaban sa unahan. Nang sa wakas ay tuluyan na silang naubos ay agad na pinaharurot ko ang sasakyan.Napasulyap ako sa side mirror at nakitang mabilis namang nakasunod ang mga kaibigan ko sa 'kin. Habang ang mga tauhan namin ay tuluyan ng
Nathalia's POVAlam ko na darating din ang panahon na muli kaming magkikita ni Aries. Pero hindi ko inaasahan na muling magtatagpo ang landas namin sa ganitong paraan.Nalipat ang atensyon ko kay Cole nang bigla siyang bumaba ng kotse at mabilis na umikot patungo sa puwesto ko. Binuksan niya ang pinto at marahas na hinawakan ako sa braso, bago kinaladkad palabas ng kotse.Nakaawang ang bibig at hindi makapaniwalang napaangat ako ng tingin sa kanya. This is not the Cole that I used to know.The Cole I know is sweet, caring and gentle. Mahilig siyang mag-joke kahit corny at kumanta kahit wala sa tono ang boses niya."C-Cole, ano bang nang—" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang sumabat si Aries."Oh, come on! Big brother! You don't have to be so harsh on her." Napailing siya bago pinalungkot ang mukha nang mapatingin sa 'kin.Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa narinig. Gulat na pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa."B-Big brother? W-What did he mean—"Malamig ang tin
HINDI PA RIN makapaniwala si Nathalia sa litrato na kanyang nakita. Kaya naman ay muli niyang kinuha ang nahulog na photo album at sa nanginginig na mga kamay ay isa-isa niyang tiningnan ang mga litrato na naroon.Pakiramdam niya ay pangangapusin siya ng hininga nang makitang kasama siya sa lahat ng mga kuha. Hindi man niya maalala ang mga batang kasama niya ro'n ay natitiyak niyang si Stephen at ang mga kaibigan nito 'yon.Nakagat na lang niya ang ibabang labi, lalo na nang mapansin na kasama rin nila ro'n ang batang sina Mads, Damon, Harold at Albert. Minsan na siyang napapunta sa bahay na tinutuluyan ng mga 'to at nakita ang ilan sa mga larawan nila mula pagkabata. Kaya naman ay hindi siya maaaring magkamali.'What the hell? Ano ang kinalaman nila sa nakaraang hindi ko maalala?' tahimik na tanong niya sa isip.Napakurap siya at pilit na pinipigilan ang pagkawala ng luha sa kanyang mga mata. Dali-dali niyang isinara ang photo album at mahigpit 'tong hinawakan.She needs to hide this
Third Person's POVMAHINANG NAPAMURA sina Ace at Shantel nang sa pagdating nila sa mansyon na pakay ay sinalubong sila ng mga nagkalat na bangkay sa labas nito."What the hell just happened here?" hindi makapaniwalang bulalas ni Shantel."Mukhang may nauna ng nagpunta rito at katulad ng pakay niya ang sa 'tin." Sinenyasan ni Ace ang mga tauhan na palibutan ang buong mansyon."Suriin n'yong maigi ang paligid maging ang mga bangkay. Baka mayroon pa sa kanilang nakatakas o buhay pa."Tinanguan siya ng mga tauhan, bago mabilis na naghiwa-hiwalay. Habang si Shantel naman ay inutusan ang mga tauhan na tingnan ang mapuno at masukal na parte. Mahirap na at baka mayroon pang nagmamatyag na kalaban sa paligid.Nang magkanya-kanya na ng puwesto ang mga 'to ay dahan-dahan ng pumasok sina Ace at Shantel sa loob ng mansyon. Iniumang nila ang mga hawak na baril at alerto na inilibot ang tingin.Maging ang loob ng mansyon ay puno rin ng nagkalat na bangkay. Halos hindi na nila mawari ang amoy nang da
Halos tatlumpung minuto na rin ang nakalilipas magmula ng makauwi ako sa mansyon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko."Ouch! Dahan-dahan naman! Ako na nga lang kasi, eh."Pilit na inaagaw ni Mads ang bimpong hawak ni Damon na mayroong yelo. Dinadampian kasi nito ang pasa niya sa mukha.Hindi ko naiwasan ang mapangiwi. I felt bad for what happened to Mads. Nabangasan tuloy ang makinis niyang mukha. Kung alam ko lang na siya ang nasa likod ng maskara na 'yon ay naglakas loob na sana kong sumugod bago pa siya masuntok."No. Just stay still. Wag ka kasing malikot," maawtoridad na sabi ni Damon bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.Naalala ko tuloy bigla ang nangyari kanina. No'ng unang beses na nakita niya ang nangyari kay Mads. Kahit bagsak na ang kalaban nang dahil sa ginawa kong pagpukpok dito ng bato ay hindi niya pa rin 'to tinantanan ng sipa at suntok hanggang sa hindi na makilala ang mukha nito.It's