LOGINNang makabalik si Scarlett sa table nila ni Darius ay napansin niya ang pagiging tahimik nito. Nakatingin ito sa lamesa at hindi kumukurap.Did something happen while she was in the restroom? Ano ang nangyari rito?Tumingin siya sa paligid kung may naganap na kaguluhan habang wala siya roon. Pero lahat ng mga tao sa bawat table ay may kanya-kanyang pinagkakaabahalan."Darius..." bulong niyang sambit ng pangalan nito.Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Darius sa kanya, mahinang napabuntong-hininga bago ito hilaw na ngumiti sa kanya."Finish your food," malumanay na utos nito at muling nagpatuloy sa pagkain.Dinampot ni Scarlett ang tinidor at pinilit ang sarili na kumain kahit kaunti. Maya't-maya ang sulyap niya kay Darius sa bawat pagsubo niya, pero hindi man lang ito nag-aangat ng tingin sa kanya, hindi katulad kanina na ayaw alisin ang tingin sa mukha niya."Saan pala tayo pupunta pagkatapos kumain?" pag-agaw niya ng atensyon ni Darius. Hindi niya nagugustuhan ang pananahimik nito.
Nang marinig ni Darius ang pagsarado ng pintuan sa kwarto ni Scarlett, tumungo siya sa kusina para ayusin ang karton na tumatakip sa sirang bintana. Hindi siya mapakali kung ganito ang uuwiang bahay ni Scarlett mamaya.Nag-text siya kay Greg na maghanap ng karpentero at sinabing ayusin ang mga sira sa bahay ni Scarlett ngayong gabi.He planned to take Scarlett to the same hotel room where they had a one night stand. Iyon ang dahilan kung bakit siya pumunta rito. Gusto niyang makita ang reaction nito. She probably remembered what really happened that night. Marahil ay isa iyon sa rason kung bakit noong una ay parati itong nagugulat kapag aksidente silang nagkikita. Baka iyon din ang dahilan ng pagiging iwas at distansya ni Scarlett sa kanya.Matapos ang bente minutos, bumaba si Scarlett. Nakasuot ito ng itim na trousers at puting jacket.Inilahad ni Darius ang kamay niya kay Scarlett. "Can I have your key?"Kumunot ang noo ni Scarlett pero dinukot pa rin ang susi sa bulsa. "Susi? Susi
"Anong ginagawa mo rito, Tobias?" inis na sambit ni Scarlett.Humakbang si Tobias papalapit sa kanya, matatalim ang mga mata. Doon lang niya napagmasdan ang mukha nito. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita. Medyo mahaba na ang buhok nito. At ang goatee nito sa baba at pisngi ay hindi nakaahit. Tumatanda itong tingnan sa itsura nito ngayon."Was that car owned by my uncle?" tanong nito sa kanya, nakaturo sa umalis na sasakyan ni Darius.Napahinto si Scarlett, hindi agad nakasagot.Kanina pa ba naghihintay dito si Tobias? Nakita na sila nito ni Darius?"Yes, that was your Uncle Darius' car," buong tapang na sagot ni Scarlett at sinalubong ang mga tingin ni Tobias. Walang kumukurap sa kanilang dalawa, para bang nasa isang paligsahan.Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamao ni Tobias at ang paglaki ng mga butas ng ilong nito, tanda ng pagpipigil ng galit."Sabihin mo nga, Scarlett... May namamagitan ba sa inyo ni Uncle Darius? Ginagawa mo ba ito para gantihan ako sa mga panloloko ko?" s
Malayo pa si Darius ay natatanaw na niya si Devine sa labas ng bahay. She was wearing a short skirt and a pink camisole top, clearly wearing no brà under it. Talang-tala ang mga utòng nito. Nakangiti rin nang malaki habang nakatanaw sa kanya.Pumarada siya sa garahe. Walang gana siyang nagbuntong-hininga bago bumaba ng sasakyan."Darius!" excited na tawag ni Devine, tumakbo pa ito papalapit sa kanya at akmang yayakap nang umatras siya.Natigilan si Devine, napahiya sa ginawa niya. Ngumiti ito nang pilit para hindi ipahalata ang pagkainis."How's your health?" tanong ni Darius."Medyo... mahina pa rin ako," tugon ni Devine at mabagal na huminga. "Hindi ko alam kung kailan.... babalik ang sigla ng kalusugan ko. Mabilis din akong mapagod... nitong mga nagdaang araw."That was clearly a lie. Tumatalon pa ito kanina nang makita siyang paparating. Nagawa pang tumakbo. Alam ni Darius na pinipeke lang ni Devine ang kalusugan nito para kaawaan niya ito at makuha ang atensyon niya."Then wear a
"Sir!"Napabalik sa wisyo si Darius nang tapikin siya ni Greg sa balikat. Doon lang niya napansin na kanina pa pala kumukulo ang niluluto niyang sopas. Mabilis niyang dinampot ang takip para buksan iyon, pero nakalimutan niyang mainit nga pala ang caserola kaya napaso ang kamay niya.Nabitawan ni Darius ang takip at bumagsak iyon sa sahig. Agad namang umalalay si Greg para kunin ang potholder at damputin ang takip ng caserola."Kanina ka pa wala sa sarili mo, Sir Darius," puna ni Greg, halatang nag-aalala. "May problema ba?"Buong gabing gising si Darius, nakatingin lang siya sa mukha ni Scarlett. Hindi siya sigurado kung tama ba ang memoryang pumasok sa isip niya kagabi, na si Scarlett ang babaeng naka one-night stand niya roon sa hotel. And if that's really Scarlett, why do two investigations say it was Devine? It doesn't make sense. Something is not right."How did you get the hotel guest list check-in?" seryosong tanong ni Darius."Ang alin, sir?" hindi maintindihang tanong ni Gre
Isang malakas na kulog ang kumalabog sa buong siyudad ng gabing iyon. Bumuhos ang malakas na ulan, tila ba galit na galit ito. Sumabay pa ang malakas na hangin.Mahigpit na napakapit si Scarlett sa kumot habang nakapikit. Hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang ulo. Nasa loob siya ng isang matinding bangungot at hindi makawala roon. Punong-puno ng dugo ang mga kamay niya at may hawak siyang kutsilyo."S-Scarlett..." umiiyak na boses ang tumawag sa kanya.Luminga siya sa buong paligid pero wala siyang makita."Tulungan mo ako, Scarlett..."Napasinghap si Scarlett nang mapagtanto niya kung kaninong boses iyon. "Angeline?" Tumulo ang luha niya nang unti-unting may aninong tumapat sa kunting liwanag.Naglakad si Angeline papalapit sa kanya. Katulad ng una niya itong mapanaginipan, ganoon pa rin ang itsura nito. Gulo-gulo ang buhok, wasak na wasak ang suot na damit, may mga pasa, at puro saksak ang katawan.Tumakbo si Scarlett para yumakap kay Angeline, pero malakas siya nitong itinula







