공유

Chapter 23

작가: eleb_heart
last update 최신 업데이트: 2024-12-14 17:07:47

“Yes.” tatango- tangong sagot nito sa kaniya. “Hindi nga rin ako makapaniwala pero ayon nga sa balita ay kay Kath daw pala iniwan ang kompanya at ilang ari- arian pa ng lolo nito hindi sa tiyahin nito.” dagdag pa nito. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na napaka-tsismoso din naman pala nito.

Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig dahil dito. Ibig lang sabihin ay lagi niyang makikita si Kath at isa pa ay bakit ito ang napiling magmana ng kompanya? Wala naman itong alam at ni hindi nakatapos ng kolehiyo dahil nga sa ikinasal na sila. Hindi niya maiwasang magtaka. Ano kaya ang ginawa nito para ipagkatiwala ng matanda ang kompanya rito? Isa pa ay sa pagkakaalam niya ay hindi naman siya gusto ng lolo nito kaya paanong nangyari iyon?

~~~

“Gaano ka na katagal dito sa kompanya?” tanong ni Kath kay Thirdy habang naglalakad sila palabas ng conference room.

Nagpresinta kasi ito na ilibot siya sa buong building. Maliit lang naman ang kanilang building at apat na palapag lamang kaya hindi ri
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 86

    “Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ni Kath sa mga nag-imbestiga kung saan nagmula ang sunog ng warehouse.“Hindi po aksidente ang sunog at ayon na rin sa isang guard ay may nakita daw silang tao na tumakbo nang sumiklab ang apoy. Hindi na nila ito nagawang habulin dahil mas inuna nilang apulahin ang apoy Ma’am.” paliwanag nito sa kaniya at nang marinig niya iyon ay agad siyang napakuyom ng kanyang mga kamay.Hindi aksidente ang nangyaring sunog. Ibig sabihin ay may nagsimula talaga ng sunog, pero sino naman sana ang gagawa nun sa kaniya? “May alam po ba kayong may galit sa inyo o sa inyong pamilya para gawin ang bagay na ito?” tanong pang muli ng imbestigador sa kaniya.Sino nga ba ang maglalakas ng loob na gawin iyon sa kaniya? Wala naman siyang ibang kagalit kundi tanging ang kanyang Tita lang. Wala na siyang ibang maisip pa na ibang gagawa nun kundi tanging ito lang.“Wala po akong ibang maisip na gagawa nito kundi tanging ang tiyahin ko lang. Hindi po kasi niya matanggap na sa

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 85

    MAHIMBING na ang tulog ni Kath nang tumunog ang kanyang cellphone. Hirap pa siyang dumilat ng mga oras na iyon at dali-daling sinagot ang tawag kahit na hindi pa gaanong nakamulat ang kanyang mga mata. Ni hindi na din niya pinagkaabalahan pang tingnan kung sino ang tumatawag at bigla na lang niyang sinagot ito.“Ma’am Kath…” nanginginig ang tinig nito at halatang kinakabahan. Akala niya ay ang kanyang ina ang tumatawag kaya niya sinagot ito.“Hmm…” nakapikit niyang sagot dito dahil antok na antok pa talaga siya. Nakahiga pa nga siya sa kama ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay katutulog niya pa lang.“Ma’am Kath nasusunog mo ang warehouse!” natatarantang sabi nito at nang marinig niya ito ay para bang bigla na lang nawala ang antok niya. Napabangon din siya ng wala sa oras.“Anong sabi mo?!” gulantang na tanong niya. Nag-umpisa na ring kumabog ng husto ang dibdib niya.“Hi-hindi ko po alam ma’am Kath kung paano nagsimula ang sunog…” halos maiyak na ito sa pagbabalita.Hindi na

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 84

    MAGHAPON lang na nagkulong si Kath. may mga inasikaso at binasa siyang mga papeles sa kanyang silid. Halos mag-aalas singko na nang hapon nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto ng kanyang silid. “Pasok.” sabi niya dahil wala siyang balak na lumabas.Bumukas ang pinto at sumilip si Nina doon. “May kailangan ka ba?” tanong niya rito kaagad habang nakataas ang kanyang kilay.“Ah, wala naman po ma’am Kath kaya lang ay may bisita kayo.” sabi nito.Mas kumunot pa naman ang kanyang noo nang marinig niya ang sinabi nito. Bisita? Sino naman sana ang bibisita sa kaniya e wala naman siyang kaibigan sa ngayon? Puno man ng pagtataka ay tumango na lang siya rito. “Sige susunod na ako.” sagot niya pagkatapos ay iniligpit na muna ang mga papeles na binabasa niya bago nagbihis ng damit. Naka kaswal lang kasi siyang pambahay at masyado iyong simple, nakakahiya naman sa bisita niya kung sino man iyon.Lumabas siya ng kanyang silid at pagkatapos ay naglakad patungo sa hagdan at pagbaba niya ay kaagad n

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 83

    NAPAHILOT si Kath sa kanyang noo. Kagigising niya lang pero ramdam na ramdam na niya ang pananakit ng ulo niya. Paano ba naman, tinawagan siya ng kanyang ina kagabi at sinabi na uuwi sila ng bansa dahil na rin sa pakiusap ni Noah. gusto daw di umano nito na makasama ang mga anak niya kaya pumayag naman daw ito kaagad. Sa totoo lang ay bahagya pa ngang sumama ang loob niya dahil bakit ito pumayag kaagad nang hindi man lang sumasangguni sa kaniya kung papayag ba siya o hindi, pero sa huli ay umoo na lang din siya dahil ano pa nga ba naman ang magagawa niya? Wala na, lalo pa at nag-umpisa na silang mag-impake.Idagdag pa nang kausapin niya ang mga anak niya ay halata sa mga mukha ng mga ito ang labis na kasiyahan at sino ba naman siya para ipagkait ang sayang iyon sa mga anak niya hindi ba? Wala din naman siyang ibang gusto kundi ang maging masaya ang mga anak niya kaya nga lang ay paano ang magiging sitwasyon nila ni Noah? Palagi na naman silang magkikita, paano kung sugurin na naman si

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 82

    KANINA pa magkaharap sina Noah at Viviane, nagkakape ngunit wala ni isa sa kanila ang may gustong magsalita. Napakaraming gustong sabihin dito ni Viviane ngunit pinipigil niya ang sarili niya. Sa unang pagkakataon ay tuluyan na niyang nakaharap sa wakas ang lalaking ama ng mga apo niya. Ang lalaking dahilan kung bakit labis na naghirap si Kath.Galit siya rito, oo. Sino ba naman sana ang ina na hindi magagalit sa taong nanakit sa anak niya hindi ba?Isang mahabang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Noah bago niya ibinuka ang kanyang bibig. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung saan siya magsisimula at kung ano ba ang dapat niyang sabihin sa ina ni Kath. tumikhim siya. “Sa-salamat po at pinayagan niyo akong makita ang mga anak ko.” umpisa niya.Nakita niyang nag-angat ito ng tingin at tumingin sa kaniya kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi nito. Ang mga mata nito ay puno ng panunuya habang nakatingin sa kaniya. “Sa tingin mo ba ay gusto ko na makita mo ang mga anak mo?” magaspang

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 81

    ABALA sa binabasa niya si Kath nang bumukas ang kanyang pinto. Sinulyapan niya ito sandali at tinguan si Shaira na kapapasok lang. “Okay na po yung pag-iinstall ng cctv Miss Kath.” sabi nito sa kaniya. Kahit papano naman ay gumaan na ang pakiramdam niya dahil dito. “Mabuti naman kung ganun.” maikling sagot niya. Kung sana lang kasi ay noon niya pa nalaman na wala palang cctv doon. Napabuntong hininga na lang siya.Ilang sandali pa ay naramdaman niya na para bang nakatingin sa kaniya si Shaira kaya dali-dali siyang nag-angat ng ulo at tama ng ang hinala niya dahil nakatingin nga talaga ito sa kaniya. Napataas tuloy bigla ang kanyang kilay. “May problema ba?” tanong niya kaagad dito.Natigilan naman ito sandali at pagkatapos ay napuno ng pag-aalinlangan ang mukha nito kung magsasalita ba ito o hindi. “Ah, ano po kasi…” sabi nito.Sumandal siya sa kanyang kinauupuan. “Ano nga? Sabihin mo na.” giit niya.Napahugot ito ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita. “Nabalitaan ko po

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status