Kath was forced to marry a well known zillionaire— Noah Montenegro by her grandfather. Dahil sa pagiging anak sa labas ay tinanggap na niyang kailanman ay hindi siya naging paborito ng pamilya ng kaniyang ama. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya nakilala ang kaniyang ina dahil sanggol pa lamang siya ng iwanan siya nito. Her marriage with Noah was hell, dahil kailanmman ay hindi siya nito tinuring na asawa lalo pa at sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay hindi niya nabigyan ng tagapagmana ito. Dahil dito ay nakipaghiwalay ito sa kaniya na hindi alam na meron na pala siyang dinadala. Sa paglipas ng taon na hindi nila pagkikita ay muling magkrus ang landas nila, magsilbi kayang daan ang mga anak nila upang muling mabuo ang kanilang pamilya?
View MorePabagsak na binitawan ni Noah ang isang envelop sa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang laman nito. Kadadating lamang nito galing sa opisina nito ng mga oras na iyon at kanina pa niya ito hinihintay. Balak niyang kausapin ito na kailangan na nilang lumipat ng bahay.
Kasalukuyan silang nakatira sa bahay ng pamilya ni Noah kung saan ay kabahay niya ang byanan niya. Dalawang taon na ang nakakaraan simula nang makasal sila ni Noah at ni minsan ay hindi siya itinuring na manugang ng byanan niya. Mas tamang tawagin siyang kasambahay ng mga ito dahil simula nang magpakasal sila ay pinaalis nito ang lahat ng kasambahay ng mga ito at siya ang ipinalit sa mga ito. Ang pagpapakasal sa isang taong katulad ni Noah ay wala sa hinagap niya at kailanman ay hindi niya naman pinangarap. Isa siyang graduating student sa kurso niyang accountancy nang malaman niya ang nakatakdang pagpapakasal niya kay Noah. noong una ay wala naman talaga siyang balak na magpakasal rito. Ngunit nang tumutol siya sa harap ng kaniyang lolo na siyang nagpalaki at bumuhay sa kaniya ay wala na lamang siyang nagawa kundi ang sundin ang inuutos nito. Galing sa mayamang pamilya ang kaniyang ama, kaya lang ay hindi siya itinuring na kapamilya kung saan lahat ng ginagastos at kinakain niya ay halos paghirapan niya. Wala siyang pagpipilian kundi ang tiisin lahat ng iyon dahil alam niya na wala din naman siyang alam na mapupuntahan kahit pa maglayas siya. Okay lang sa kaniya na maging ganuon ang buhay basta ang mahalaga ay nakakakain siya at may maayos na tinutulugan. Napakunot ang kaniyang noo habang pinupulot ang envelop na nasa kaniyang harapan. Wala siyang ideya kung ano iyon. Ang balak niya sanang sabihin kanina kay Noah ay nakalimutan na niya dahil nga sa envelop na dala nito. Naupo ito sa kama at pagkatapos ay niluwagan nito ang suot- suot nitong neck- tie. Nag- isang linya ang mga mata ni Kath ng tuluyan na niyang mabasa ang nakasulat sa taas ng papel. Isa iyong divorce paper. Hindi makapaniwalang napalingon siya kay Noah. “A- anong ibig sabihin nito?” halos bulong lamang iyon. Napalingon ito sa kaniya na tila ba bagot na bagot at pagkatapos ay sumeryoso ang mukha. “Hindi mo ba nababasa?” walang emosyong saad nito habang patuloy sa pagtatanggal ng damit sa harap niya. “This is ridiculous!” anas niya at pagkatapos ay napatayo mula sa kinauupuan niya. Hindi niya ito hinintay na dumating para lamang divorce paper ang iabot nito sa kaniya. Wala naman silang problema. Tiniis niya ang lahat ng pang- aapi at kung paano siya itrato ng nanay nito tapos ay ganito lamang ang gagawin nito. Wala siyang makitang maging dahilan nito na makipag- hiwalay sa kaniya. “Ridiculous?” hindi makapaniwalang balik nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay napailing. “Anong silbi mo Kath kung hindi mo naman ako kayang bigyan ng magiging tagapagmana ko?” dagdag nito. Hindi niya alam kung anong sinasabi nito. Wala siyang ideya. Sa dalawang taon nilang pagsasama ay ginawa naman niya ang lahat ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin naman silang nabubuo. Ibubuka sana niya ang kaniyang bibig upang magsalita ngunit muli itong nagsalita kaya natigil siya. “Lumabas na ang resulta ng check- up mo at ayon sa result ay baog ka! I married a woman who cannot even bear a child!” nagtatagis ang mga bagang nitong sambit. Alam niyang napilitan lang din ito na magpakasal sa kaniya. Sino ba naman ang gugustuhing magpakasal sa taong hindi mo naman mahal hindi ba? Pero ang sabihin nitong baog siya ay sobra na. At check- up? Hindi naman siya lumalabas ng bahay para magpacheck up. Saan nito nakuha ang balitang iyon? “What?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. “Anong check- up ang sinasabi mo Noah?” dagdag niya. Sa puntong iyon ay may pinulot itong muli sa tabi nito na isang envelop at ibinato nito sa kaniya na dahilan kung bakit nagsiliparan ang mga papel sa harapan niya. Pinulot niya ang isa at pagkatapos ay binasa. Doon niya nabasa ang pangalan niya at ang resulta nga ng isang exam kung saan ay sinasabi ngang baog siya. Awtomatikong napanganga siya dahil sa nabasa. Wala siyang matandaan na lumabas siya, lalo na ang magpacheck up. Hindi kaniya iyon! “This is not mine! Ni hindi ako lumalabas ng bahay!” pagdedepensa niya sa kaniyang sarili habang nanginginig ang kamay niyang hawak- hawak ang papel. Paanong nangyari ito? Paanong nangyari na may resulta ng exam sa kaniya samantalang hindi naman siya nagpa- check up. Hindi kaya, hindi kaya kagagawan ito ng magaling niyang byanan? Ginawan siya nito ng pekeng resulta para tuluyan na siyang mapalayas doon lalo pa at alam niyang sukang- suka ito sa pagmumukha niya. Narinig niya ang pagtawa nito ngunit ang mga mata nito ay tila ba maglalabas ng apoy dahil sa sobrang galit nito. “Pwede ba Kath. Hindi ako tanga. Nandiyan na nga sa harap mo yang ebidensiya, bakit hindi mo ba matanggap?” tanong nito sa kaniya na punong- puno ng pangungutya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya maibuka ang kaniyang bibig para sumagot rito. Gusto niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili sa harap nito at sabihin ritong hindi sa kaniya ang resultang iyon. Peke iyon at nasisiguro niyang ginawa ito ng ina ni Noah na una pa lamang ay ayaw na sa kaniya. “This is your last day on this house. Bukas na bukas pagsikat ng araw ay lumayas ka.” walang emosyong sabi nito bago siya nito iwan at naglakad patungo sa banyo. Hindi niya napigilan ang mapahigpit ang hawak niya sa papel na hanggang sa mga oras na iyon pala ay hawak pa rin niya. Nanginginig ang kamay niya dahil sa sobrang galit. Ang kaniyang mga mata ay ayaw umiyak ng mga oras na iyon dahil nga galit siya at hindi lang basta galit kundi galit na galit. Hindi niya akalaing aabot sa ganito ang pagkamuhi sa kaniya ng byanan niya o mas tamang sabihin na demonyita sa katauhan ng isang tao. Kaya pala kanina ay bigla itong natawa at sinabi sa knaiyang malapit na siyang umalis doon sa bahay nito. Ito na pala iyon. Ang hindi niya lang lubos maisip ay kung bakit paniwalang- paniwala si Noah rito. Hindi niya akalaing sa tanda nito ang ina pa rin nito ang pinaniniwalaan nito. Kung sabagay, sa ilang taon nilang pagsasama ay lagi na lamang siya ang mali. Kapag sinusubukan niyang isumbong ang ina rito ay siya pa ang kinagagalitan nito dahil aniya ay hindi naman daw sasabihin ng nanay nito ang mga bagay na isinusumbong niya kung maayos lamang siya. Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi mapaisip at mapatong sa kaniyang sarili kung bakit noon ay hindi na lamang siya naglayas sa bahay ng kaniyang lolo para hindi matuloy ang kasal. Akala niya kasi ay giginhawa na ang buhay niya at magiging payapa na siya, ngunit mas malala pa pala ang magiging buhay niya sa piling ni Noah. Sa dalawang taong pagsasama nila ay hindi naman siya nito itinuring na asawa. Maalala lang siya nito kapag kailangan nito ng pagpapalipasan nito ng init nito sa katawan at iyon lamang ang naging silbi niya sa buhay nito, ang maging parausan nito. Naisip na nga niya noon pa na makipaghiwalay na rito ngunit alam niya na wala siyang pupuntahan kapag ginawa niya iyon dahil wala naman siyang pera. Hindi naman siya binibigyan nito ng kahit isnag kusing man lang at ni hindi niya nga mabili ang mga gusto niya para sa sarili niya dahil wala naman siyang sariling pera. Idagdag pa na wala naman siyang alam na pupuntahan kapag nakipag hiwalay siya rito dahil panigurado kapag ginawa niya iyon ay palalayasin lang din siya ng kaniyang lolo kapag umuwi siya sa bahay nito. Wala naman itong pagmamahal sa kanya kahit katiting lamang dahil maging sa ama naman niya ay wala din itong pagmamahal. Itinakwil nito ang kaniyang ama dahil lang sa pakikipagrelasyon nito sa kaniyang ina kung saan nagdulot ng napakalaking eskandalo sa kanilang pamilya. Simula nga noon ay naging masama na ang tingin ng mga tao sa kaniyang ama at hanggang sa namatay ito ay hindi pa rin napapatawad ng kaniyang lolo. Ni pangalan ng kaniyang ina ay wala siyang ideya dahil wala ni sinuman sa kanilang pamilya ang nagtangkang banggitin sa kaniya iyon. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi at pagkatapos ay napatawa ng walang tunog. Bakit ang lupit ng mundo? Natanong niya mula sa kaniyang isip bago niya nilukot ang papel sa kaniyang kamay at pagkatapos ay ibinato sa kama. —---------------------NAPAHAWAK SI KATH sa kanyang ulo nang magkaroon siya nang malay. Masakit ang ulo niya. Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang napabangon bigla nang maalala niya ang huling tagpo bago siya tuluyang mawalan ng malay. Halos mapasabanot siya sa kanyang buhok at nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Noah na nakasandal sa pader at madilim ang mukha na nakatingin sa kaniya.Bigla niyang niyuko ang sarili niya at tiningnan ang suot niya at suot pa rin naman niya ang kanyang gown. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Nang ilibot niya ang kanyang tingin sa loob ay agad niyang nalaman na nasa hotel siya. “A-anong nangyari?” nauutal na tanong niya at pagkatapos ay napahawak sa kanyang leeg dahil pakiramdam niya ay natuyuan ito bigla.Nakita niya ang paggalaw ng panga nito at doon pa lang ay alam na niyang galit ito ng mga oras na iyon. Pero bakit naman sana ito magagalit sa kaniya? Wala naman siyang ginagawa rito?Napaatras na lamang siya at napasandal sa kama nang makita
MABUTI NA LANG at hindi na nahirapan pa si Noah na pagsalitain ang lalaking nakita niya kanina. Sinabi nito kaagad kung saan dadalhin si Kath. pagdating niya sa Hotel room kung saan ito dinala ay agad niyang binuksan ang pinto gamit ang susi na nakuha niya mula sa staff ng hotel mismo.Pagpasok niya sa loob ng silid ay nakita niya si Kath na nakahiga at wala pa ring malay na nakahiga sa kama habang ang matandang lalaki ay wala ng damit pang-itaas kung saan ay nakalabas na ang malaki nitong tiyan. Sa kanyang galit ay mabilis niyang hinila ito at pinagsusuntok hanggang sa halos magmakaawa na ito sa kaniya.Kaagad niyang nakilala ang matanda na isa sa mga walang kwentang tao para sa kaniya. “Hindi mo ba alam kung sino ako para gawin mo ito sa akin?” pagbabanta pa nito sa kaniya pagkatapos niyang paulanan ito ng suntok.Kahit na may dugo na ang sulok ng mga labi nito ay nagagawa pa rin nitong magyabang sa kaniya na mas lalo pang ikinagalit niya. “Sa tingin niyo matatakasan niyo itong gina
“Thank you…” sabi ni Kath kay Clyde pagkalipas ng ilang sandali.Awtomatiko namang napataas ang kilay ni Clyde nang marinig niya ang pagpapasalamat nito. “Thank you for what?” “For accompanying me.” sabi ni Kath at ngumiti rito. “I really enjoyed chatting with you.” dagdag pa niya. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone ni Kath at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Nina iyon. Dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala dahil dito kaya nagpaalam na muna siya kay Clyde at tumango lang naman ito.Wala siyang iniwang gamit niya sa mesa at dinala na rin niya ang kanyang purse dahil wala na siyang balak pang bumalik sana. Pagkalayo niya ay nagpunta siya sa garden at doon niya sinagot ang tawag ni Nina. “nina…” bungad niya kaagad.“Kamusta ka na diyan ma’am Kath?” puno ng pag-aalalang tanong nito.“Okay lang ako ano ka ba. Isa pa ay pauwi na rin ako.” sabi niya rito.“Ah sige po.” sabi naman nito. “Mag-ingat kayo. Hihintayin ko na kayo.” sa
DALI-DALING binawi ni Kath ang kanyang kamay mula rito ng wala sa oras at dahil na rin sa matinding gulat. Buong akala niya kasi ay makikipagkamay lamang ito sa kaniya ngunit laking gulat niya nang halikan nito ang kamay niya. “I’m sorry…” dali rin naman nitong paghingi ng paumanhin sa kaniya.Sa totoo lang, noong unang magkakilala rin sila ni Thirdy ay hinalikan din nito ang kamay niya ngunit hindi naman naging ganun kalala ang reaksyon niya. Masyado kasing estranghero si Clyde para sa kaniya. “Okay lang, medyo nagulat lang ako.” sabi na lamang niya.Mabuti na lamang at dumating na ang mga nagse-serve ng mga pagkain kaya hindi na sila nakapag-usap pa na labis na ipinagpapasalamat niya. Ang plano niya ay kakain lang siya ng kaunti at magpapakita sa may birthday para pagkatapos nun ay tatakas na siya. Wala din naman siyang kakilala sa mga taong naroon. Bigla niya tuloy naisip na sana pala ay pumayag na lamang siyang samahan siya ni Nina e di sana ay hindi siya parang kawawa ng mga oras
Pagdatiing na pagdating ni Kath sa Venue ng party ay kaagad na bumungad sa kaniya ang napakarangyang set up sa paligid. Ginanap ang party sa isang private resort na ay pool area. Ang punction hall ay napapalamutian ng napakagandang mga design na angkop na angkop sa edad ng may birthday.May live band din doon at marami na ring tao ng mga oras na iyon nguinit kahit na napakarami nang tao ay wala ni isa siyang kilala doon kaya hindi niya alam kung paano siya makikipagkilala sa mga ito. idagdag pa na ang mga nakikita niya ay mga pares at parang siya lang ang walang kapartner. Bigla niya tuloy naisip si Thirdy ng wala sa oras. Tiyak n kung nandito lang ito ay paniguradong hindi ito papayaga na pumunta siya doong mag-isa.Ilang sandali pa nga ay nag-umpisa na ang birthday party, naghanap na lang siya ng mauupuan niya sa pinakagilid at medyo malayo sa stage kung saan ay maraming tao. Sa na-pwestuhan niya ay wala siyang kasama sa isang mesa na para bang napaka-loner niya ngunit wala siyang p
ILANG ARAW NA naging tahimik ang buhay ni Kath. trabaho bahay lang siya at nauubos ang kanyang oras sa mga paperworks sa kanyang opisina at pakikipag-usap sa mga anak niya ngunit isang hapon ay nakatanggap siya ng isang imbitasyon. Isa iyong birthday party ng isa sa mga kilalang tao sa lipunan. Dahil nga isa siya sa inimbitahan ay alam niya na mapapahiya siya kapag hindi siya dumalo doon kaya wala siyang pagpipilian. Ayaw man niya na dumalo ay wala siyang magagawa. Kung ang pagdalo sa party na iyon ang magiging daan para magkaroon siya ng mga koneksyon sa mundo ng negosyo ay handa niyang gawin para sa ikalalago pa ng kumpanya ng lolo niya.Mabilis nga na lumipas ang isang araw at nang mga oras na iyon ay dumating na ang oras para maghanda siya. Nasa harap siya ng salamin at nakatitig sa kanyang sarili. Nakapaglagay na siya ng light makeup sa kanyang mukha at maging ng kanyang mga alahas. Nakasuot nga lang pala siya ng isang kulay silver na gown na may slit sa kanyang mga hita at medyo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments