Share

Chapter 71

Auteur: eleb_heart
last update Dernière mise à jour: 2025-05-17 11:11:17

HABANG NAGLALAKAD ay patuloy ang pagbalong ng kanyang mga luha. Sa tagal ng panahon na itinago niya ang mga anak niya mula kay Noah ay hindi niya akalaing sa ganitong paraan pa nito malalaman. Hindi niya maitago sa sarili niya na kinabahan siya, natakot siya na baka ipilit nitong kuhanin nito ang mga anak niya ngunit nagkamali siya.

Hindi naging ganun ang reaksyon nito kundi, kitang-kita niya sa mga mata nito ang matinding pagsisisi at panghihinayang. Pero bakit? Bakit nagsisisi ito? Bakit? Hindi niya maintindihan. Naguguluhan siya. Hilam ang kanyang mga mata ng luha ay hindi niya alam kung paano siya nakarating sa kotse niya at nakauwi.

Mabuti na lang at mabilis silang nakauwi. Hindi na nagtanong sa kaniya ang driver, basta nang sabihin niyang umuwi na sila ay inuwi na siya nito. Nang makarating sila sa bahay niya ay agad siyang bumaba at kahit nangangatog ang kanyang mga tuhod ay nagawa niyang makarating sa kanyang silid. Nang maisara niya ang pinto ay napasandal siya sa pinto at da
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 73

    UMUPO SIYA SA tabi ng kanyang biyenan at napabuntong-hininga. Kung magpapatuloy ito sa pagiging malambot nito sa mga batang iyon ay hindi siya magdadalawang isip na unahin ito dahil sigurado siya na magiging problema lang ito. “Kailan pa niya nalaman ang tungkol sa mga bata?” kaswal na tanong niya kahit na ang totoo ay galit na galit siya.Hindi niya lubos akalain na malalaman ni Noah ang tungkol sa mga bata lalo pa at mukha namang walang planong sabihin si Kath rito ang tungkol sa tatlo ngunit mukhang nagbago bigla ang ihip ng hangin.Nanlamig ang mga mata niya bigla. Kahit na sino pa ang taong humarang sa landas niya ay hindi siya magdaldalawang isip na itumba kahit na malapit ito kay Noah. Gagawin niya ang lahat para mapasakaniya ang lahat ng ari-arian nito na una pa lang ay binalak na talaga niya.Isa pa, nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na ang pagbabago nito na para bang nanlalamig na ito sa kaniya at iyon pa ang isang bagay na gumugulo sa isip niya. Noong wala pa si

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 72

    NAGISING SI KATH dahil sa sikat ng araw na tumama sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak. Halos hindi nga niya maimulat ng maayos ang kanyang mga mata kaya paniguradong mugtong-mugto ang mga ito.Dahan-dahan siyang bumangon at napatingin sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw at halos mapabalikwas siya ng bangon sa kanyang kama nang maalala na may pasok pa nga pala siya at higit sa lahat ay may meeting siya ngayon. Bakit ba kasi hindi siya nagising ng maaga?Halos magtatakbo siya papunta sa banyo at halos magulantang ng makita niya ang itsura niya sa salamin. Hindi niya nagawang palitan ang kanyang suot kagabi at ni hindi niya nagawang tanggalin ang make up niya sa mukha. Ang kanyang mascara ay nagkalat sa baba ng kanyang mga mata kung saan ay katakot-takot ang kinalabasan.Ang buhok niya ay gulo-gulo at talagang kung makikita lang siya ng ibang tao ay malalaman na sobrang bigat siguro ng pinagdadaanan niya. Agad na siyang

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 71

    HABANG NAGLALAKAD ay patuloy ang pagbalong ng kanyang mga luha. Sa tagal ng panahon na itinago niya ang mga anak niya mula kay Noah ay hindi niya akalaing sa ganitong paraan pa nito malalaman. Hindi niya maitago sa sarili niya na kinabahan siya, natakot siya na baka ipilit nitong kuhanin nito ang mga anak niya ngunit nagkamali siya.Hindi naging ganun ang reaksyon nito kundi, kitang-kita niya sa mga mata nito ang matinding pagsisisi at panghihinayang. Pero bakit? Bakit nagsisisi ito? Bakit? Hindi niya maintindihan. Naguguluhan siya. Hilam ang kanyang mga mata ng luha ay hindi niya alam kung paano siya nakarating sa kotse niya at nakauwi.Mabuti na lang at mabilis silang nakauwi. Hindi na nagtanong sa kaniya ang driver, basta nang sabihin niyang umuwi na sila ay inuwi na siya nito. Nang makarating sila sa bahay niya ay agad siyang bumaba at kahit nangangatog ang kanyang mga tuhod ay nagawa niyang makarating sa kanyang silid. Nang maisara niya ang pinto ay napasandal siya sa pinto at da

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 70

    NAPAHAWAK SI KATH sa kanyang ulo nang magkaroon siya nang malay. Masakit ang ulo niya. Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang napabangon bigla nang maalala niya ang huling tagpo bago siya tuluyang mawalan ng malay. Halos mapasabanot siya sa kanyang buhok at nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Noah na nakasandal sa pader at madilim ang mukha na nakatingin sa kaniya.Bigla niyang niyuko ang sarili niya at tiningnan ang suot niya at suot pa rin naman niya ang kanyang gown. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Nang ilibot niya ang kanyang tingin sa loob ay agad niyang nalaman na nasa hotel siya. “A-anong nangyari?” nauutal na tanong niya at pagkatapos ay napahawak sa kanyang leeg dahil pakiramdam niya ay natuyuan ito bigla.Nakita niya ang paggalaw ng panga nito at doon pa lang ay alam na niyang galit ito ng mga oras na iyon. Pero bakit naman sana ito magagalit sa kaniya? Wala naman siyang ginagawa rito?Napaatras na lamang siya at napasandal sa kama nang makita

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 69

    MABUTI NA LANG at hindi na nahirapan pa si Noah na pagsalitain ang lalaking nakita niya kanina. Sinabi nito kaagad kung saan dadalhin si Kath. pagdating niya sa Hotel room kung saan ito dinala ay agad niyang binuksan ang pinto gamit ang susi na nakuha niya mula sa staff ng hotel mismo.Pagpasok niya sa loob ng silid ay nakita niya si Kath na nakahiga at wala pa ring malay na nakahiga sa kama habang ang matandang lalaki ay wala ng damit pang-itaas kung saan ay nakalabas na ang malaki nitong tiyan. Sa kanyang galit ay mabilis niyang hinila ito at pinagsusuntok hanggang sa halos magmakaawa na ito sa kaniya.Kaagad niyang nakilala ang matanda na isa sa mga walang kwentang tao para sa kaniya. “Hindi mo ba alam kung sino ako para gawin mo ito sa akin?” pagbabanta pa nito sa kaniya pagkatapos niyang paulanan ito ng suntok.Kahit na may dugo na ang sulok ng mga labi nito ay nagagawa pa rin nitong magyabang sa kaniya na mas lalo pang ikinagalit niya. “Sa tingin niyo matatakasan niyo itong gina

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 68

    “Thank you…” sabi ni Kath kay Clyde pagkalipas ng ilang sandali.Awtomatiko namang napataas ang kilay ni Clyde nang marinig niya ang pagpapasalamat nito. “Thank you for what?” “For accompanying me.” sabi ni Kath at ngumiti rito. “I really enjoyed chatting with you.” dagdag pa niya. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone ni Kath at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Nina iyon. Dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala dahil dito kaya nagpaalam na muna siya kay Clyde at tumango lang naman ito.Wala siyang iniwang gamit niya sa mesa at dinala na rin niya ang kanyang purse dahil wala na siyang balak pang bumalik sana. Pagkalayo niya ay nagpunta siya sa garden at doon niya sinagot ang tawag ni Nina. “nina…” bungad niya kaagad.“Kamusta ka na diyan ma’am Kath?” puno ng pag-aalalang tanong nito.“Okay lang ako ano ka ba. Isa pa ay pauwi na rin ako.” sabi niya rito.“Ah sige po.” sabi naman nito. “Mag-ingat kayo. Hihintayin ko na kayo.” sa

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 67

    DALI-DALING binawi ni Kath ang kanyang kamay mula rito ng wala sa oras at dahil na rin sa matinding gulat. Buong akala niya kasi ay makikipagkamay lamang ito sa kaniya ngunit laking gulat niya nang halikan nito ang kamay niya. “I’m sorry…” dali rin naman nitong paghingi ng paumanhin sa kaniya.Sa totoo lang, noong unang magkakilala rin sila ni Thirdy ay hinalikan din nito ang kamay niya ngunit hindi naman naging ganun kalala ang reaksyon niya. Masyado kasing estranghero si Clyde para sa kaniya. “Okay lang, medyo nagulat lang ako.” sabi na lamang niya.Mabuti na lamang at dumating na ang mga nagse-serve ng mga pagkain kaya hindi na sila nakapag-usap pa na labis na ipinagpapasalamat niya. Ang plano niya ay kakain lang siya ng kaunti at magpapakita sa may birthday para pagkatapos nun ay tatakas na siya. Wala din naman siyang kakilala sa mga taong naroon. Bigla niya tuloy naisip na sana pala ay pumayag na lamang siyang samahan siya ni Nina e di sana ay hindi siya parang kawawa ng mga oras

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 66

    Pagdatiing na pagdating ni Kath sa Venue ng party ay kaagad na bumungad sa kaniya ang napakarangyang set up sa paligid. Ginanap ang party sa isang private resort na ay pool area. Ang punction hall ay napapalamutian ng napakagandang mga design na angkop na angkop sa edad ng may birthday.May live band din doon at marami na ring tao ng mga oras na iyon nguinit kahit na napakarami nang tao ay wala ni isa siyang kilala doon kaya hindi niya alam kung paano siya makikipagkilala sa mga ito. idagdag pa na ang mga nakikita niya ay mga pares at parang siya lang ang walang kapartner. Bigla niya tuloy naisip si Thirdy ng wala sa oras. Tiyak n kung nandito lang ito ay paniguradong hindi ito papayaga na pumunta siya doong mag-isa.Ilang sandali pa nga ay nag-umpisa na ang birthday party, naghanap na lang siya ng mauupuan niya sa pinakagilid at medyo malayo sa stage kung saan ay maraming tao. Sa na-pwestuhan niya ay wala siyang kasama sa isang mesa na para bang napaka-loner niya ngunit wala siyang p

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 65

    ILANG ARAW NA naging tahimik ang buhay ni Kath. trabaho bahay lang siya at nauubos ang kanyang oras sa mga paperworks sa kanyang opisina at pakikipag-usap sa mga anak niya ngunit isang hapon ay nakatanggap siya ng isang imbitasyon. Isa iyong birthday party ng isa sa mga kilalang tao sa lipunan. Dahil nga isa siya sa inimbitahan ay alam niya na mapapahiya siya kapag hindi siya dumalo doon kaya wala siyang pagpipilian. Ayaw man niya na dumalo ay wala siyang magagawa. Kung ang pagdalo sa party na iyon ang magiging daan para magkaroon siya ng mga koneksyon sa mundo ng negosyo ay handa niyang gawin para sa ikalalago pa ng kumpanya ng lolo niya.Mabilis nga na lumipas ang isang araw at nang mga oras na iyon ay dumating na ang oras para maghanda siya. Nasa harap siya ng salamin at nakatitig sa kanyang sarili. Nakapaglagay na siya ng light makeup sa kanyang mukha at maging ng kanyang mga alahas. Nakasuot nga lang pala siya ng isang kulay silver na gown na may slit sa kanyang mga hita at medyo

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status