Share

Chapter 5

Penulis: Deigratiamimi
last update Terakhir Diperbarui: 2024-07-18 14:45:50

Kinaladkad ako ni Tita Felicia palabas ng dorm ko. Ibabalik niya raw ako sa mansiyon at sisiguradohin nilang hindi na ako makakatakas. Kapag nagising si Edward, ikakasal kami agad. Kapag namatay naman ay ipapadampot nila ako sa mga pulis.

"Ayokong sumama sa inyo!" sigaw ko. Pinagtitinginan na kami ng ibang kasama kong nakatira sa dorm.

"Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo! Puro na lang problema ang ibinibigay mo sa amin!" bulyaw ni Tita Felicia at hinila ang braso ko.

Agad niyang ni-lock ang pintuan ng kotse nang nakapasok na ako sa loob. Sinubokan ko itong buksan, pero ayaw talaga. Para akong kinidnap sa sitwasyon ko.

Hinila ni Tita Felicia ang buhok ko pagpapasok sa loob ng mansiyon. Para akong makakalbo sa lakas ng pagkahila niya. Nakita ko ang mga kapatid kong nakaupo sa couch. Tumayo si Ate Feli at naglakad papalapit sa akin at tinulongan ang Mommy niya na kaladkarin ako paakyat ng hagdanan.

"Hinding-hindi ka lalabas hangga't hindi nagigising si Edward, Sabrina! Ipapakulong ka namin kapag may nangyaring masama sa kaniya. Sisiguradohin kong mabubulok ka sa kulongan!" sigaw ni Tita Felicia bago ako tinalikuran.

Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ako pwedeng magtagal sa bahay na 'to. Mas lalo lang nila akong kamumuhian kapag nalaman nilang nagdadalang tao ako. Hindi nila pwedeng malaman na buntis ako. Kailangan kong makatakas uli rito.

Hinanap ko ang cellphone ko sa loob ng bag. Nakahinga ako ng maluwag nang nakita ko ito sa loob kasama ang mga ATM cards ko. Dinial ko agad ang numero ni William - ang matalik kong kaibigan na kauuwi lang ng Pilipinas. Isa siyang engineer sa kilalang kompanya sa Canada. Siya lang ang makakatulong sa akin upang makaalis ako rito sa lalong madaling panahon. Kung hindi ako aalis, malalagay sa panganib ang anak ko. Gusto siyang kunin ni Ryan kapalit ng tulong na ibibigay niya para sa pamilya ko. Kahit aksidente lang nangyari kaya nabuo ang batang 'to, hinding-hindi ko ito ibibigay sa kaniya.

"William, kailangan ko ang tulong mo," diretsong saad ko nang sagotin niya ang tawag ko. "Kailangan kong makatakas. Nanganganib ang buhay ko..."

Ikinuwento ko kay William ang lahat-lahat. He's willing to help me. Sinabi niya rin sa akin na siya na ang bahala sa lahat ng mga dokumentong kakailanganin ko para makalabas agad ako ng bansa. Plinano rin namin kung paano ako tatakas uli sa mansiyon.

Mag-iisang buwan na at hindi pa rin nagigising si Edward. Hindi na ako mapakali. Natatakot ako baka tuloyan na ngang mamatay ang matandang 'yon. Tapos ako ang sisisihin nila. Hindi ako pwedeng makulong. Si Ryan Jacobs dapat ang managot at hindi ako.

Agad kong kinuha ang cellphone ko nang nakita ko sa screen ang pangalan ni William. Pumasok ako sa banyo para kausapin siya.

"Mamayang gabi kita kukunin diyan. We'll leave the country using my private jet. Hintayin mo lang ang tawag ko. Naghahanda na rin ang mga tauhan ko," saad ni William.

"Maraming salamat, Wil," tugon ko at binaba ang tawag.

Pagtungtong ng alas onse ng gabi, tahimik na ang buong bahay. Pinagpapawisan na ako habang hinihintay ang tawag ni William. Sumilip ako sa bintana. Nagkalat pa rin ang mga tauhan ni Daddy sa labas. Kinakabahan ako baka mahuli nila ang mga tauhan ni William at malalaman nila ang pagtakas ko.

Napaigtad ako nang naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Pumasok ako sa banyo bago sinagot ang tawag ni William.

"We're here. Nakapasok na rin sa loob ng bahay niyo ang mga tauhan ko. Lumabas ka na habang tulog pa ang mga nagbabantay sa 'yo. Sa bintana ka dumaan. Naghihintay sa baba ang mga tauhan ko," utos ni William.

Kinuha ko ang mga importanteng gamit ko. Maingat kong binuksan ang bintana sa kwarto ko. Nanginginig ang tuhod ko nang nagsimula akong humakbang palabas. Baka mahulog ako sa bintana. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Nakita kong nakahandusay sa lupa ang mga tauhan ni Daddy.

Nakita kong kumaway ang tauhan ni William sa akin. Tinulongan nila akong makababa sa bintana gamit ang hagdanan. Nakahinga ako ng maluwag nang nakaapak na ako sa lupa. Hindi na ako babalik sa lugar na 'to. Mas mabuting iwan ko ang pamilyang 'to kaysa manatili rito. Bahala na kung ano ang mangyayari sa akin kinabukasan at sa mga susunod na araw. Ang importante ay makalayo ako sa pamilya na 'to at sa ama ng anak ko.

"Thank you, Wil," saad ko pagkapasok ko sa loob ng kotse niya.

"You're welcome. Kailangan na nating umalis bago pa magising ang mga tauhan ng Daddy mo," tugon niya at pinaharurot ang kotse paalis.

Hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin sa Canada kapag nandoon na ako. Pansamantala muna akong titira sa apartment ni William habang wala pa akong trabaho. Tutulongan niya rin naman ako sa paghahanap ng mapapasokang trabaho roon. Madali lang daw makahanap ng trabaho sa Canada basta masipag ka lang at mapagkakatiwalaan. Kahit tagahugas lang ng mga pinggan ay tatanggapin ko. Ang importante ay may trabaho ako para buhayin ang batang nasa sinapupunan ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
kawawang bida,, magingat ka Sab,, salamat naman at hulog ng langit si William
goodnovel comment avatar
Noimie L L Cadulong
akal ko pa nmn ung nka buntis sa kanya ung tutulong pero demoyo rin pla ung katulad lng dun sa pamily nya
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Carrying the Billionaire's Heir   Special Chapter

    Limang taon na ang nakalipas, pero ang bawat araw ay parang panibagong pahina ng isang magandang kwento. Kasama ko si Ryan at ang aming mga anak, si Shawn na limang taong gulang na, at si Evara na ganap nang dalaga sa edad na labing-siyam. Sa bawat sandali na magkasama kami, ramdam ko ang biyaya ng bagong simula na ipinagkaloob sa amin ng buhay.Nasa hardin kami ng aming bahay ngayon. Isang malawak na lugar na puno ng mga bulaklak, malalaking puno, at isang swing na siyang paboritong lugar ni Shawn. Nakaupo ako sa isang bench, pinapanood silang mag-ama habang naglalaro ng bola. Si Ryan, na parang hindi tumatanda, ay patuloy na tumatawa habang tinutulungan si Shawn na mag-shoot. Si Evara naman, na hawak ang kanyang sketchpad, ay tahimik na gumuguhit sa lilim ng puno ng mangga.“Mom, tingnan mo!” sigaw ni Shawn habang tumakbo siya papunta sa akin, hawak ang bola na mas malaki pa sa ulo niya. “Nakakailang shoot na ako, mas magaling na ako kay Daddy!”Napatawa ako at niyakap siya. “Talaga

  • Carrying the Billionaire's Heir   Last Chapter

    Sabrina’s POVLast Chapter Nasa ospital kami ngayon, at habang pinagmamasdan ko ang maliit na anghel sa aking mga bisig, nararamdaman ko ang isang napakagandang uri ng kaligayahan. Ang puso ko ay puno ng pagmamahal na hindi ko kayang ilarawan sa mga salita. Andito si Ryan, hawak ang aking kamay, at tinitingnan ang aming anak, at wala nang hihigit pa sa saya ko ngayon.Hindi ko akalain na ganito magiging ka saya ang mga sandali namin bilang magulang. Na kami ni Ryan ay magkasama sa bawat hakbang ng aming buhay, hindi na kami maghihiwalay pa. Minsan, naiisip ko kung paano nangyari ang lahat—mula sa aming magulong simula hanggang sa pagkakaroon namin ng anak. Ang mga pag-subok na dumaan sa buhay namin, bawat luha, bawat tawa—lahat iyon ay nagbigay sa amin ng lakas at pagpapahalaga sa isa’t isa.“Ikaw na ba ‘yan, little one?” wika ni Ryan habang pinagmamasdan ang baby namin na mahimbing na natutulog sa aking mga bisig. “Ang saya ko na may anak tayong ganito. Ang guwapo. Mana sa akin.”Hi

  • Carrying the Billionaire's Heir   Chapter 106

    Sabrina’s POVIlang buwan na ang lumipas, at ramdam ko ang bigat ng mga sandali habang palapit ng palapit ang araw ng aking panganganak. Hindi ko alam kung anong klaseng kaba ang nararamdaman ko—kasabay ng tuwa at excitement na lumalaki na ang pamilya namin ni Ryan. Hindi ko alam kung ano ang aasahan, ngunit ang sigurado lang ako, nagmamahalan kami at nagsisilbing lakas namin ang isa't isa.Ngunit sa mga gabing ito, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Ang bawat araw ay tila lumilipas nang mabilis, at sa bawat araw na lumilipas, mas nararamdaman ko ang pangangailangan na maging handa kami sa lahat ng aspeto ng aming buhay bilang magulang.Nasa opisina kami ni Ryan ngayon, nag-uusap ng mga detalye tungkol sa kumpanya at ang mga susunod na hakbang na gagawin namin. Ngunit sa bawat tanong niya sa akin tungkol sa trabaho, may panandaliang distansya sa aming usapan. Alam ko na pareho kami ng iniisip—ang susunod na hakbang sa aming pamilya.Ngunit naroon si Ryan, tumitingin sa akin ng may

  • Carrying the Billionaire's Heir   Chapter 105

    Sabrina’s POVTahimik ang buong safe house ng mga oras na iyon, ngunit alam ko na ang araw na ito ang magtatapos sa isang bagong simula para sa amin ni Ryan. Habang kami ay magkasama sa maliit na kwarto, naghahanda sa mga susunod na hakbang, ramdam ko na ang mga alalahanin na kinikimkim ni Ryan."Ryan, ano na ang nangyari sa kaso?" tanong ko, ang mata ko nagmamasid sa kanya habang hawak niya ang mga dokumento.Tumingin siya sa akin, ang mga mata niya puno ng determinasyon at kaseryosohan. "Sabrina, malapit nang matapos ang lahat ng ito. Ang mga ebidensiya laban kay William ay malakas at sa mga susunod na araw, magbibigay na kami ng pahayag. Pero hindi pa tapos, kailangan natin maging alerto."Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil ito. "Anumang mangyari, hindi tayo magpapatalo. Alam ko, magkakasama tayo sa laban na ito."Ang bawat salita ko ay may kasamang pag-asa at lakas na kahit ilang beses pang magkasunod-sunod ang mga pagsubok, kakayanin namin, basta’t magkasama kami.Habang p

  • Carrying the Billionaire's Heir   Chapter 104

    Sabrina’s POVTahimik ang paligid ng mansion, pero ramdam ko ang bigat ng tensyon. Dalawang araw na mula nang dumating ang kakaibang package na iyon, at simula noon ay hindi na ako mapakali. Kahit doble ang seguridad sa paligid ng bahay, hindi ko maiwasang kabahan, lalo na kapag iniisip ko si William—at kung ano pa ang kaya niyang gawin.Si Ryan naman, kahit harap-harapang ipinapakita niyang kalmado siya, alam kong malalim ang iniisip niya. Ilang beses ko siyang nahuli na tahimik na nakatingin sa kawalan, ang panga niya naninigas habang hawak ang telepono, na para bang may hinihintay na tawag o mensahe.Nasa study siya ngayon, kausap ang mga tauhan niya tungkol sa mga susunod na hakbang. Ako naman, nasa sala at nakahiga sa sofa, iniisip ang baby namin. Pilit kong inaalis ang takot sa isip ko. Para sa baby namin, kailangan kong maging matatag.Biglang tumunog ang telepono ko. Pagkakita ko ng pangalan sa screen, mabilis ko itong sinagot.“Hello, Brandon?” tanong ko, ang kaba sa dibdib k

  • Carrying the Billionaire's Heir   Chapter 103

    Sabrina’s POVTahimik ang gabi. Habang nakahiga kami ni Ryan sa kama, magkatabi at magkahawak-kamay, ramdam ko ang init ng pagmamahal niya. Sa pagitan ng mga paghinga namin, ang huni ng kuliglig sa labas ay parang musika sa tainga ko. Idinantay niya ang kamay niya sa tiyan ko, para bang naroon ang lahat ng mundo niya.“Love,” sabi niya, pabulong, habang iniikot-ikot ang hinlalaki niya sa tiyan ko, “naiisip ko, paano kaya kung kambal ang baby natin?”Napangiti ako. “Baka mas lalo kang hindi makatulog sa sobrang excitement,” sagot ko, kahit bigla akong kinabahan sa ideya.Tumawa siya, ang boses niya mababa at puno ng saya. “Seryoso, Sabrina. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Isang baby pa lang ang iniisip ko, parang sasabog na ang puso ko sa tuwa. Paano pa kung dalawa?”“Then doble ang saya, love,” sagot ko, idinantay ang ulo ko sa dibdib niya.Tahimik kaming dalawa, hinahayaan ang sandaling iyon na magpatuloy, pero biglang tumunog ang telepono niya sa side table. Napakunot ang noo ko da

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status