Share

Chapter 5.2

Naramdaman ko ang paghagod nila sa aking likod.

“Tahan na anak, hindi bat sabi ko sayo bago ka umalis kahit anong problema ay sabihin mo lang saamin dahil handa kaming tulungan ka. Pero anong ginawa mo? Itinago mo at tumakas ka sa katotohanan,” napailing naman ako sa sinabi ni mama saakin.

“M-ma ayoko eh, ayokong malaman niyo. Ang dami kong pangarap para saating tatlo at hindi pa ako nakakabawi sa inyo samantalang ako ito nagpabuntis. Ma, Nay, promise hindi kopo sinasadya,”

“Shhh tahan na Claire hindi maganda sa bata ang pag-iyak mo. Kukuha ako nang tubig,” sabi ni nanay saakin at tumayo.

Tumangin naman ako kay mama na hindi makapaniwalang nakatingin saakin.

“Ma, I'm sorry po. Alam kong na dissapiont ko kayo. Sorry po talaga,” niyakap ko siya at hinagod naman niya ang likod ko.

“Tinatanggap ko ang sorry mo Claire pero may plano ang dyos, alam kong may dahilan kung bakit merong bata jan sa tiyan mo. Hindi lang ako makapaniwala na magkakapamilya kana anak, hindi ako makapaniwala. Nga pala nasaan ang ama nang bata?” natigilan ako dahil sa sinabi ni mama saakin. 

“Oo nga Claire sino ang ama nang dinadala mo at nasaan siya ngayon?” 

Inaabot saakin ni nanay ang baso nang makarating siya. Uminom muna ako bago sumagot.

“Hindi po niya alam ang tungkol sa anak ko at wala po akong balak sabihin. Isang pagkakamali ang nangyari saamin nang gabing yun lasing po ako, nung kasal nila Bea sa batangas po,” napatango naman sila dahil sa sinabi ko. 

“Kung yan ang desisyon mo pero tandaan mo na walang ama ang hindi gugustuhin na makilala at makasama ang anak nila. At isa pa kahit pagkakamali iyon ay dapat niyang panagutan ang anak mo,” tama naman si mama pero hindi pa ako handa. 

“Bahala na ma, hindi talaga pwede,” napabuntong hininga nalamang siya dahil sa sinabi ko.

“Osiya sige hayaan mo na si Claire, Erin. Nga pala Claire nagpa check-up ka na ba? May vitanims ka na bang iniiom?” tanong saakin ni nanay na ikinakunot ng aking noo.

“May ganon ba nanay?” 

“Ay ‘areng batang ‘are, syempre may ganon buntis ka e! Sige bukas magpapa check-up tayo sasamahan ka namin ni mama mo,” napangiti ako sa sinabi niya at niyakap sila pareho. 

“Salamat mama, nay, kasi tinanggap niyo si baby! Sigurado akong natutuwa siya sa nangyayari ngayon,” nakangiti kong sabi sa kanila. 

“Kaya naman pala ka tulog ng tulong  bago umalis dito may laman na pala yan,” birong sabi ni nanay kaya natawa kaming tatlo. 

KINABUKASAN ay maaga kaming umalis na tatlo, 10am ay pumunta kami sa isang ob-gyn na kilala ni mama at nagpa check-up dito.

Ipapa ultrasound narin namin si baby para malaman ang lagay niya. 

Nakahiga ako ngayon sa isang hospital bed at nakatingin sa monitor. Napatingin ako kila mama at nanay na kinakabahan din sa maaaring malaman, pare-pareho kami.

Maya maya pa ay tumunog ang tibok nang puso sa screen na parang musika sa aking tenga. 

“You have twins Ms.Sanchez!” 

Nagulat ako sa sinabi nang doctor at hindi makapaniwalang nakatingin dito.

“Huh? Paano doc?” tanong ko sa kaniya at itinuro ang screen.

“Look dalawa ang heartbeat,”

Nag uumapaw na saya ang naramdaman ko ng makita ang dalawa heartbeat na magkasunudan sa screen. Kaya pala masyadong maingay ang tibok ng puso dahil dalawa sila. 

Hindi kona napigilan ang pagtulo nang aking luha dahil doon.

“Congratulations anak, may kambal ka!” naluluhang sabi ni mama at niyakap ako.Ganoon din si nanay at niyakap ako. Hindi parin ako makapaniwala na kambal ang anak ko. 

Binigyan ako nang reseta ng doctor para sa mga vitamins ko at binigyan niya rin ako nang scedule ng pagpunta ko dito para sa regular na check-up. Ibinigay narin niya saakin ang ultrasound. 

“Congratulations ulit Ms.Sanchez, bumalik ka okay? Para mamonitor natin ang kambal,” nakangiting sabi nito saakin kaya ngumiti ako sa kaniya pabalik at tumango.

Sumakay na kami sa kotse at si mama ang nagmamaneho. 

“Grabe hindi ako makapaniwalang kambal sila!” masayang sabi ni mama habang nag dadrive pauwi.

“Ako din Erin! Siguradong iingay ang bahay kapag lumabas na ang kambal!” 

“Tama ka jan Lucing, sana lalaki!” 

“Saakin naman sana babae!”

Napangiti ako ng dahil sa pag-uusap nilang dalawa, masaya sila at mas masaya ako. Pinicturan ko ito at sinend kay Bea, ng makita niyang kambal ay hindi siya makapaniwala at binati niya rin ako dahil sa kambal. 

Napahawak ako sa aking tiyan. 

“Dalawa pala kayo jan hindi kayo nagsasabi kay mommy, pangako kong aalagaan ko kayo ng mabuti.” 

Pangako yan mga anak ko. 

Mga Comments (69)
goodnovel comment avatar
Juanita M. Guanao
Sana babae at lalaki Yan
goodnovel comment avatar
ConopioMay Ann
kung di ako nagkakamali sa chapter3 ata yun o 4 nasulat ni author mga anak... hahahah kaya nasa isip ko kambal balak neto..
goodnovel comment avatar
Marlyn Castillo Sison
Nice story love it Godbless
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status