“PAPATAYIN mo ako sa pag-aalala Claire! Muntik ka nang bumagsak sa sahig kanina! Hindi kaba nag-iingat alam mong buntis ka!”
Napabuntong hininga ako dahil sa sermon saakin ni Bea. Nakauwi na ako dito sa unit ko dahil sinundo niya ako agad sa lobby.
Sinabihan niya pala ang mga staff na wag akong palabasin kaya hindi ako nakatakas at isa pa anjan lang sa kabilang kwarto si Zekiel. Okay na ako kasi nakita kona siya, hindi man ayos yung pagkikita namin at least okay na hehe.
“Nakikinig kaba saakin Claire?”
Natauhan ako dahil sa sinabi nito, napatingin ako sa kaniya at ngumiti nang pagkatamis-tamis.
“Napakakulit mo talaga Claire jusko anong gagawin ko sa'yo,” sabi nito habang naglalakad-lakad pabalik-balik sa aking harapan na tila bang problemadong problemado.
“Wag mong stress-sin ang sarili mo Bea, buntis ka eh,” sabi ko dito na ikinatingin niya saakin.
“Then don't do anything stupid!” sabi niya na ikinatahimik ko naman. Tama naman ito puro kakulitan nalamang ang nagagawa ko, eh hindi ko mapigilan eh.
“That's it! Uuwi kana sa Pilipinas! Tutal at isang buwan kana dito, umuwi kana.” napatingin ako dito dahil sa sinabi niya.
“But I still have five days to stay here!” pagmamaktol ko sa kaniya na ikinailing niya.
“Baka makunan na ako sa loob ng five days na yun, mabuti nga at si Kiel yun. Mabuti at nasalo ka niya dahil kung hindi baka patay na yang anak mo,”
Deretsyong sabi niya ay natahimik ako, tama siya. Kung hindi ako nasalo ni Zekiel ay baka dinudugo na ako kanina. Nagsimula nang manubig ang aking mga mata, nakita ko nga si Zekiel muntik naman akong mapahamak.
“Hay Claire,” naupo si Bea sa aking tabi at ang kaninang nanunubig na mata ko ay tumuloy na sa luha at umiiyak na ako.
Niyakap naman ako ni Bea pinatahan.
“Shhh tahan na, sige na. Sorry at sinisigawan kita ang kulit mo kasi. Please lang Claire wag kang gumawa nang ikapapahamak nang anak mo. Paano kung wala ako, ngayon na uuwi kana. Kailangan malaman nila mama at nanay na buntis ka, baka kung anong gawin mo,”
Hindi na ako tumutol sa mga sinasabi ni Bea dahil tama siya, hindi ko naman maiwasan pero ang isip bata ko habang nagbubuntis ako tapos ang kulit-kulit ko rin.
Palagi ko siyang kinukulit sa mga nagdaang araw, kung hindi ko siya paghahanapin ng ibang picture ni Zekiel magpapaluto ako sa kaniya ng adobong may Ketchup.
“Mamayang gabi na ang alis mo maghanda kana Claire,”
Sabi nito nang kumalma na ako, paalis na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya. Napatingin ito saakin at tinaasan ako nang kilay.
Ngumiti ako nang malaki sa kaniya na ikinangiwi naman niya.
“I don't like that smile,” plain na sabi nito.
“Aalis ako basta ba kuhaan mo ako nang maraming pictures ni Zekiel! Ngayon ah! Alam kong nasa inyo siya!” masaya kong sabi sa kaniya na ikinailing naman niya.
“Sabi ko na may kapalit nanaman tsk sige na para sayo, now go mag-ayos kana doon. Ibo-booked na kita ng flight,”
Sunod-sunod na tumango ako sa kaniya at nagsimula ng pumunta sa aking kwarto na pakanta kanta pa. Marami nanaman akong pictures ni Zekiel!
Pagbukas ko nang pinto nang kwarto ko ay sumalubong saakin ang marami niyang larawan.
Napangiti ako at isa-isa ko na itong kinuha, iuuwi ko ito. Ano kayang magiging reaction nila mama at nanay na buntis ako? Sana hindi sila magalit lalo na ngayon na umalis ako nang isang buwan.
***
“Oh ayan sinend kona sa email mo ang napagkasunduan natin, pasalamat ka busy yung dalawa sa pag-uusap at nakuhaan ko siya ng maayos,”
Napatili ako dahil sa sinabi niya at agad siyang niyakap, andito na kami ngayon sa airport dahil hinatid niya ako. Wala si Dylan dahil kasama nga niya si Zekiel.
“Kyahhh thank you Bea! The best ka talaga!” pumalakpak pa ako sa harapan niya na ikinangiwi niya lang at tumango saakin.
“Sige na, tinatawag na ang flight mo, sino ang gusto mong magsabi kila tita tungkol jan kay baby? Ako o ikaw? Nasabihan kona sila na uuwi kana,”
Nawala naman ang ngiti ko sa labi at bumuntong hininga.
“Ako nalang Bea,” pagkasabi ko nun ay niyakap ko siya. “Maraming salamat Bea, ang laking tulong mo saakin. Hindi ko alam ang gagawin kapag wala ka, thank you,” tumango siya saakin at humiwalay sa aming yakapan.
“Walang ano man sige na baka maiwan kapa, mag-iingat ka palagi ah! Malapit narin ang uwi namin intayin mo ako,” tumango ako dito at naglakad na paalis at kumaway pa ako sa kaniya.
-HOURS LATER-
Napaunat ako nang makababa ako ng eroplano, ang haba nang byahe namin. Umalis ako ng gabi sa Paris dumating naman ako ng gabi sa Pilipinas ang galing.
Agad akong humanap nang taxi at sumakay.
Makalipas ang halos isang oras na byahe dahil traffic ay nakarating din ako sa wakas sa aming bahay. Pumasok ako agad sa loob ng bahay at nagulat ako ng makita kong mayroong mga design sa loob.
“Welcome back Claire!”
Sabay na sabi ni nanay at mama sa akin, hindi kona napigilan ang luha ko at agad iyong tumulo. Napalitan ng pag-aalala ang masaya nilang muka at agad na lumapit saakin.
“Claire bakit? May nangyari ba? May nangyari ba habang nasa Paris ka?”
Inakay nila akong dalawa paupo sa sofa at umiling naman ako sa kanila.
“Hindi po masaya lang po ako, namiss kopo kayong dalawa ng sobra! Ang tagal kopong nawala pasensya na po kayo,” umiiyak ko paring sabi sa kanila.
“Ano kaba Claire ayos lang saamin yun, alam naming para sa pangarap mo yun eh,” nakangiting sabi ni nanay ngunit umiling ako.
“Hindi nay eh, nag sinungaling ako sa inyong dalawa,” umiiyak kong sabi na ikinataka nila.
“Anong nagsinungaling Claire? Kinakabahan ako jan sa sasabihin mo ah,” sabi ni mama saakin kaya tumingin ako sa kaniya.
Humugot muna ako nang lakas nang loob bago nangsalita, kitang kita ko ang pagtataka sa muka ni mama.
“Ma, buntis ako.” sabi ko na ikinatigil nito. Humarap ako kay nanay na hindi rin makapaniwala sa nalaman.
“Nay buntis ho ako, nalaman ko nung araw na umalis ako dito. Kaya ko nirequest kay Bea na sa Paris muna ako upang hindi niyo mapansin na buntis ako. Ngunit mahirap palang mag-buntis, muntik na ho akong matumba habang nasa paris. Muntik nang mapahamak ang anak ko,”
Hindi kona mapigilan ang mapahagulgol dahil sa ibinunyag ko sa kanila.
Hi guys! Patawad kybg hinndi ko madugtungan ang story dahil diko na maalala ang kwento. Pero ang ginawa ko, gumawa ako ng English version para chapter by chapter, bumalik ako sa kwento at malaman ko ang details ng libro ni Claire at Zekiel. Alam ko nasa story na tayo ni Zoey at patapos na ito kaso ayaw ko ituloy baka mamali ako in informations na isulat kaya samahan niyo muna ako sa journey ulit nila sa English version. Kapah dumating na ako sa story ni Zoey tyaka ko itutuloy dito ang story. Para makita ang libro hanapin niyo lang ang "Carrying the child of a CEO English" ~B.NICOLAY/Ms.Ash
Hi guys! Bakit wala pa rin akong update? Pakinggan niyo po ako, honestly takot po ako mag update. Pinakang kinakatakutan naming writers ay ang mag sulat ng hindi magandang daloy ng kwento. Aware naman po kayo na matagal bago ko masundan ang story, dahil po nawala ako sa daloy ng kwento. Hindi ko nga po alam kung okay ba ang naisulat ko last update ko? Comment naman po kayo if ever okay siya at nakaka-excite pa rin. Alam ko mayroon akong ibang kwento na isinusulat, yes po dahil need ko pa rin mag move forward besides itong pagsusulat na rin po ang source of income ko. Nag aaral din po ako at ito ang tumutulong sa pamilya ko kaya need ko talaga gumawa po ng bagong kwento para at the same time kumita din po ako. Now, may nag message po saakin, hello tukayo Nicole Tejadal! Maraming salamat sayo dahil nabuksan ang isip ko na wag matakot mag sulat. Or di kaya mag update kahit pa-konti konti basta ituloy ko ang story ni Zayn at Zoey. Story ni Zekiel at Claire ang isa sa paburito kong mga
“NASAAN si Ace?” Napalingon si Archer sa kaniyang ate Catherine ng pumasok ito sa kanilang kwarto. Kanina pa nito hinahanap ang kapatid dahil mayroon sana itong itatanong dito ngunit ang naabutan niya lang ay si Archer na naglalaro sa computer. “Umalis ate Cath, pumunta kay ate Zoey.” Napatango si Catherine dahil sa sinabing iyon ni Archer at tummalikod na upang umalis ngunit kusa siyang napahinto ng mayroon siyang maalala. Lahat ng plano nila ay si Ace ang may idea, iniisip niya kung paano iyon ng laman lahat ng kapatid gayong ang bata-bata pa ng mga ito. “Archer pwede ba kitang makausap sandali?” Napangiti si Archer dahil sa sinabi ng kaniyang ate at tumango dito. Inalis niya muna ang headphone na suot niya at hinarap ang kaniyang ate na nakaupo sa kanilang higaan. “Hindi ba maraming nangyari sa inyo ni Ace noong iniligtas niyo si ate Zoey?” tumango naman is Archer sa sinabi ng kaniyang ate. “Paano niyo nagawa lahat ng ‘yon? I mean ang bata niyo pa that time, three?” Napaisip
PAGKARATING ni Zoey sa kanilang hideout ay agad na nagtanong ito kay Georgia kung mayroon ba silang kasamang mga Filipino doon at mayroon nga. Kasama niya ‘daw iyon mula sa assassin world na siyang hindi sangayon sa pamamalakad ni Kathryn. Nang dahil doon ay nawala ang panghihinala ni Zoey sa lalaking iniligtas niya. Tinanong siya nito kung bakit niya naitanong kung kaya na-kwento niya ang tungkol sa iniligtas niya kanina. Matapos nilang mag-usap ay nagpasya si Zoey na mag training nalang muna. Ang tagal na ‘rin ng makapag training siya ng seryosohan kung kaya pakiramdam niya ay nabubuhay ang dugo niya sa pagsasanay. Marami siyang mga kasabayan sa training ground at dahil malaki naman iyon ay walang problema. Wala ‘ring pakialamanan sa mga nag tetraining. Pwede ‘ring magkaroon ng training partner dipende sa’yo. Karaniwan na mayroong training partner ay ‘yung mga gustong makipaglaban ng mano-mano. Sa ngayon ay ang gagamitin niya muna ay puting tela na ibinalot niya sa kaniyang kamay
NAKAUPO at binabasa ni Zoey ang mga papers na nasa kaniyang harapan. Naroroon na sila ngayon sa hide out ng kaniyang tito Phil at iniharap na sa kaniya nito ang mga information na nakalap nila tungkol kay Kathryn. Ayon sa mga nakalap nilang information ay nagkaroon ng trauma ang babae dahil sa kaniyang ginawang pagpatvy sa in ana si Kayla. Yes, si Kathryn talaga ang tunay na pumatvy sa kaniyang ina. Nung mga panahon na naglalaban silang dalawa ni Zoey dumating ang kaniyang ina para pigilan siya. Ngunit dahil nasa gitna ng labanan ang dalawa ay nadamay si Kayla at ito ang tinamaan ng anak. Sa gulat ni Kathryn ay napaatras siya palayo doon at nakatingin lang sa kamay niya na mayroong dugo. Habang nanginginig ang kamay at paulit-ulit na sinasabi sa sarili na hindi siya ang gumawa si Zoey naman ang sumubok na pigilan ang pagkawala ni Kayla. Kitang-kita iyon ni Georgia, hindi lang iyon nakuhaan pa niya ng video ang mga pangyayari hanggang sa sumigaw si Kathryn ba si Zoey ang pumatvy d
“KUNG ganon nalaman niyo lahat ng plano ko kasi narinig niyo ako?” tanong ni Zoey na sabay ikinatango ng kambal. Ayon sa mga ito, nang makita nilang binabalak ng tauhan ni Kathryn na putulin ang break ng kotse niya ay siya agad ang naisip nilang sabihan. Pero imbes na matuloy iyon ay narinig nila ang pakikipag-usap niya kay Phil. Doon nagsimula ang plano nilang kambal lalo na’t tumama ang ulo ng ate nila sa kahoy. Ang totoong plano ay susundan nila ito sa oras na ihatid sila ni Zoey sa isang tabi, susundan nila ito at hindi lalayo dito’t magmamasid lang ng palihim. Ngunit nagbago lang iyon dahil sa hindi inaasahang pagakakataon at ang ending sila ang nag-alaga sa kanilang ate. Hindi maiwasan ni Zoey na ma-teary eye dahil sa kaniyang naririnig. Kung tutuusin ay utang na loob niya sa kambal ang kaniyang buhay dahil kung hindi dahil sa mga ito ay baka wala na siya. Ano nalang ang mangyayari sa kaniya sa ilog na ‘yun? Sa bilis ba naman ng agos ng tubig. “Thank you twins!” nasabi ni