Share

Casablanca Series I: Alexander and His Secrets
Casablanca Series I: Alexander and His Secrets
Author: DonyaLoryanna

Kabanata 1

NAGISING ANG buong diwa ni Damira nang marinig niya ang kalansing ng kaldero sa ibaba. Tiningnan niya ang wall clock—alas singko y medya pa lamang ng umaga ngunit tila ba maagang magsisimula lang araw para sa kanya.

Agad siyang bumangon kahit hindi pa nakapagsuklay. Mabilis niyang tinali ang magulong buhok habang nagmamadali na bumaba ng hagdan.

“Buti naman nagising ka. Akala ko kailangan ko pang itapon ‘yong dalawang kaldero para bumaba ka na.”

Si Lorna iyon. Tiyahin niya sa side ng ina. Forever nang nakataas ang mga kilay nito sa kanya, alam niya iyon. Siya naman ay forever nang ha-highblood-in lalo na’t ganito palagi ang isasalubong sa kanya mapa-umaga man o gabi.

Thirty years na siyang naninirahan sa bahay ng tiyahin. Ayaw siyang pakawalan ng mga ito dahil siya lang ang nagbibigay sa kanila ng pera upang mabili ang luho at makapagsugal. Liban pa roon, may pagkakautang silang siya ang nagbabayad. Wala naman siyang choice dahil wala rin naman siyang mapupuntahan kung sakali.

Pasalamat na lang siya, kahit papaano ay nakakatulog pa siya ng apat hanggang limang oras kahit na bugbog na bugbog siya sa trabaho.

Matapos siyang alisan ng tiyahin sa kusina, agad siyang nagsaing at nag-init ng tubig dahil paniguradong magigising na rin ang napakagaling niyang tiyuhin.

Natapos siya sa gawaing-bahay ng alas siete ng umaga. Siya pa ang nagluto ng ulam, naghugas ng plato at nagwalis ng buong bahay. Ikinapapasalamat na lang niya na ang tiyahin niya ang naglalaba ng underwear nilang mag-asawa dahil baka hindi niya na kayanin kung pati iyon ay lalabahan niya nang mano-mano.

“Aalis na po ako,” walang gana niyang paalam habang nanonood ng telebisyon ang dalawa.

“Bumili ka ng ulam para mamayang gabi tutal sasahod ka na naman,” ani Eddie habang nakatutok sa pinapanood.

As usual, sino pa bang bibili ng pangangailangan nila kundi siya. Isa pang ikinapagpapasalamat niya ay walang anak ang dalawang ito dahil baka pambili ng diaper, gatas, at iba pang kailangan ay kakarguhin niya pa. Kung ganoon nga, aba’y sisibat na siya!

Mas maigi pa para sa kanya na sa kalsada matulog kaysa aabusuhin lang ng mga ito ang kabaitan niya.

“Damira!”

Nilingon niya ang katrabahong si Amelia—humahangos itong patungo sa kanya.

“Ano ‘yon?”

“May nagpunta rito kaninang naka-motor. Bumbay yata ‘yon o baka akala ko lang bumbay.”

“Oh, bakit daw?”

“’Yong utang daw ng tiyuhin mo…” Hindi pa masabi nang maayos ng babae ang sasabihin dahil alam nitong manggagalaiti siya.

“Diyos ko naman!” Napasapo siya sa noo.

“Sorry. Sinabi ko na lang na wala ka pa.”

“Binayaran mo?”

Dahan-dahang umiling ang babae habang iniisip kung tama bang iyon ang sinagot nito.

“Good. Dahil kahit ako, hindi ko babayaran ‘yong utang nila. Aba, hindi lang dalawang utang ang binabayaran ko sa kanila linggo-linggo tapos…” Huminga siya nang malalim. “Diyos ko, nakakahiya talaga. Pasensya ka na, Amelia.”

“Bakit kasi hindi ka pa umalis?”

“Gustong-gusto ko nang umalis.”

“Eh, bakit nga hindi ka pa umalis?” pag-uulit na tanong nito.

“Si Mama kasi…”

“Ano’ng meron kay mama mo?”

“Sabi niya kasi, mag-stay muna ako kina Tita habang hindi pa siya okay. Wala akong ibang mapupuntahan kung sakali. Hindi naman pwedeng do’n ako tumira sa ospital, ‘di ba? Ayoko rin na makita si Mama sa worst days niya. Baka hindi ko kayanin…”

Si Amelia naman ang napabuntong-hininga.

“So, ano’ng balak mo?”

“Sana ‘no? May tao na lang na kumupkop sa akin para makaalis na ako sa bahay na ‘yon. Kahit gawin nila akong kasambahay, ayos lang. Tutal, pinagmumukha naman nila akong katulong sa bahay. Sana may ibigay si Lord na maging dahilan ng pag-alis ko ro’n.”

“’Sus! Siguraduhin mo lang na sure ka r’yan sa gusto mong mangyari, ha? Be careful what you wish for,” babala pa sa kanya ng babae.

“Hirap na hirap na ako, Amelia. Thirty-three na ako. Ni hindi nga ako makapag-me time dahil sinasabi nilang wala akong karapatan para gawin ‘yon. Gusto ko naman makapagpahinga. Gusto ko naman makatakas sa problemang hindi naman sa akin pero inaako ko para kay Mama.”

Nanahimik ang babae. Tinapik siya nito sa balikat bago pumasok sa loob ng convenience store kung saan ay cashier silang dalawa.

Mula nang lumala ang cancer ng kanyang ina matapos maka-graduate ng college, nilaan niya ang kanyang sarili sa pagtatrabaho upang matustusan ang pangangailanga nito sa ospital. Ngunit dahil nakikitira sila sa tiyahin, hati ang naging resposibilidad niya simula pa noon.

Ni hindi siya nakatikim ng kahit isang beses na maging mabuti ang mga ito sa kanya. Ewan niya ba. Napakamalas lang niya sa buhay na ito.

“EDDIE PASCUAL!”

Tatlong malalakas na katok ang narinig ng mag-asawa sa pinto. Agad silang nagmadali na bumaba dahil mukhang sisirain ng tao sa likod na iyon ang bahay nila.

“Kilala mo ba ‘yan, Ed?” tanong pa ni Lorna habang nasa likod ng asawa.

Umiling lang ang lalaki at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang mga iyon. Lalaking mga nakasuot ng security uniform at isang lalaking humarap sa kanila matapos niyang buksan ang pinto.

“L-Lennon…” uutal-utal na sabi niya habang niluluwangan ang pinto.

“Aba, himalang nakilala mo pa ako, Eddie.” Pinamulsahan siya ng lalaki.

“Wala ka na bang balak magbayad sa utang mo? Hindi na nga namin pinadagdagan ng interest pero kahit isandaan araw-araw, hindi mo pa rin kayang ibigay.”

“P-pasensya ka na. Hindi kasi ako makapagtrabaho ngayon dahil ilang araw na akong may sakit. Kung…kung gusto mo, puntahan mo ‘yong pamangkin ko. Sa kanya ka—“

Humagalpak ng tawa ang lalaki.

“Mukha bang nakikipaglaro ako sa ‘yo? Kung hindi ka makakapagbayad, isasama na lang kita sa amo ko para do’n ka makapagpaliwanag—“

“T-teka. ‘Yong pamangkin naming na si Damira…siya ang nagbabayad ng utang namin. Totoo ‘yon! Kahit itanong n’yo pa sa kanya. Sasahod ‘yon ngayon. Kung gusto n’yo, puntahan n’yo siya kung saan siya nagtatrabaho. Kahit siya, magsasabi sa inyo ng totoo. Hindi naman nagsisinungaling ‘yon, eh. Please…” pagmamakaawa ni Lorna sa lalaki. Ibinigay nito ang address kung saan nagtatrabaho si Damira.

Salitang tinitigan ni Lennon ang mag-asawang tila maiihi na sa kinatatayuan dahil sa takot sa kanya.

“Kapag hindi nagsabi ng totoo sa akin ang pamangkin n’yo, alam n’yo na kung saan tayo susunod na magkikita, ha?”

Tatango-tango lang ang dalawa habang paalis siya kasama ang mga kasamahan. Pagpasok niya sa kotse, agad niyang binasa ang nilalaman ng sinulat ng babae—Damira Pascual at ang address ng convenience store kung saan ito nagtatrabaho.

“Pupuntahan ba natin ‘yan?”

“Yeah. I just need to check on something…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status