MasukHalos pumutok ang litid ni Alexander nang malaman nyang ipapakasal siya ng ina sa isang babaeng bagong salta lang sa kanilang tahanan. Ni hindi niya alam kung saang pamilya ito galing at kung ano ang naging estado nito sa buhay. Kaya ang sagot niya ay "No!" Tumaas naman ang kilay ni Damira nang malaman niyang antipatiko pala ang mapapangasawa kahit na napakagandang lalaki nito. Nagsisisi siya kung bakit sumama pa siya kay Trinity na ina ni Alexander upang makatakas sa masalumuot niyang buhay. Sa nakakontrata nilang kasal, manaig kaya ang pag-ibig lalo na't puno ng sikreto ang pagkatao ni Alexander? Maprotektahan kaya niya ang babaeng madadamay sa isang sigalot na nangyari na dati sa babaeng dapat ay pakakasalan niya?
Lihat lebih banyakNANGUNOT ang noo ni Damira nang marinig niya ang malakas at sunod-sunod na katok sa pinto. Tatalikod sana niya nang maramdaman niya ang bigat sa kanyang baywang. “What the fuck?” Dahan-dahan siyang tumingala at nakita niya ang mukha ni Alexander na mahimbing pang natutulog. Nakayakap naman siya sa sarili ngunit ang isang braso nito ay nasa kanyang baywang at ang isa naman ay inunan niya. Nangunot ang kanyang noo. Iniisip niya kung uminom ba siya kagabi matapos magpunta sa ospital. Hindi, eh. Imposibleng uminom ako. Nang maramdaman niyang gumalaw ang lalaki kasabay ang mas malakas na katok sa pinto, tinulak niya ito upang humiwalay ito sa kanya. She heard him grunt while opening his eyes. Lumayo siya. As in nagpunta siya sa kabilang dulo ng kama. Doon niya na-realize na iba na ang damit na kanyang suot at ang damit niya kagabi ay naroon sa upuan—nakaupi. “Finally, you’re awake,” saad sa kanya ng lalaki nang maupo ito. “Ano’ng ginagawa ko rito?” naguguluhang tanong pa niya. “Xan
NAGSALUBONG ang kilay ni Alexander habang papasok sa loob ng kwarto. Kanina, hinanap sa kanya ni Trinity si Damira habang kumakain sila ng hapunan. Ngayong bago siya umakyat, hinahanap naman ni Carla ang babae. Maski siya, hindi niya rin alam kung saan ito patungo matapos silang magkabanggan sa pinto—papasok na siya noon, nagmamadali naman itong lumabas.Tinginan niya ang relo. Alas dose y medya na ng madaling araw. Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number nito sa contacts. Wala naman sigurong masama kung tawagan niya ito at tanungin kung uuwi ba ngayong gabi sa mansyon. Ilang saglit lang, huminto siya.Sa mahigit tatlong buwan na pamamalagi ni Damira sa kanilang tahanan, hindi pa rin niya nagagamay ang ugali nito. Baka naman kung sakaling tawagan niya ito, singhalan na naman siya kagaya ng madalas nitong gawin matapos ang nangyari sa airport.Kahit naman siguro paulit-ulit siyang mag-sorry, hindi pa rin siya nito mapapatawad. Buti na nga lang kahit
HALOS hindi makahinga si Damira nang makita niyang nasa kanyang harapan ang tiyo at tiyahin. Basang-basa siya sa ulan na nagpunta sa ospital dahil sa natangap niyang tawag. Nabangga niya pa nga si Alexander na papasok pa lang noon sa living room. “Bakit kayo nandito?” nanginginig ang boses niyang tanong. “Aba, hindi ba namin pwedeng dalawin ang kapatid ko?” ganting tanong sa kanya ni Lorna. As usual, nakataas na naman ang isang kilay nito sa kanya. “B-bumisita lang sila dito, ‘nak.” Ngumiti sa kanya ang inan si Almira. Inalalayan niya pa ito sa pag-upo mula sa pagkakahiga. “Ikaw, Damira, makakapangasawa ka lang ng bilyonaryo ang laki na agad ng ulo mo. Pa’no pa kaya kung kinasal ka na sa Casablanca na ‘yon,” patutsada pa ni Eddie sa kanya kasabay ang pag-ekis ng dalawang braso. Ito ang reunion na ayaw na ayaw niyang magaganap. Kaya nga pumayag siyang umalis sa poder ng mga ito upang hindi na siya mahamak pero heto siya ngayon—kung t
BAGSAK ang balikat at nakaawang lang ang labi ni Damira nang marinig niya ang dire-direstong pagkukwento ni Alexander matapos niyang kumpirmahin na isa siyang cashier sa convenience store.Sa pagsasalita nito, para bang ang tagal na nilang magkakilala. Hindi niya alam kung paano pinagdugtong-dugtong nito ang kaganapan sa kanilang dalawa na para bang totoong nangyari.“Alam kong darating ‘yong panahon na kung sakali mang malaman ng mga tao na ganito ang sitwasyon sa buhay ni Damira, mamaliitin siya ng mga taong mas nakakaangat sa buhay. That is the reason why we are dating in secret. But now, you can judge all you want because we’re getting married and nothing can stop us from happening it.”Napadiretso pa ng upo si Damira nang maramdaman niya ang pagpisil ng lalaki sa kanyang balikat habang nakaakbay ito sa kanya.“Will your wedding be on a live broadcast?”“It surely will! Ayaw naman naming ipagdamot ang b












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.