Share

Kabanata 2

DUGUAN ang nguso, pikit ang isang mata, at may pasa ang panga—ganyan umuwi si Alexander sa masyon ng mga Casablanca ngayong gabi. Halos napatayo ang kanyang ina na si Trinity at napaawang naman ang labi ni Amaury na bunsong kapatid nito.

“Sorry I am late for dinner…” aniya pa at saka tumabi sa kapatid.

Makikita sa mukha ni Don Leopoldo ang galit ngunit hinawakan ni Trinity ang kanyang kamay.

“Sa’n ka na naman nakipagbasagan ng mukha?” malamig na tanong niya.

“U-umawat lang ako sa mga lasing do’n sa bar—“

“Bouncer ka na ngayon?” sarkastikong tanong niya habang nginunguya ang sirloin steak na nakahain ngayong gabi.

“Dad…”

“L-let’s eat first, okay? Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Nasa harap tayo ng pagkain,” saway sa kanila ng ginang at agad namang natahimik ang lahat.

Dadalawa na nga lang ang anak niya, ganito pa ang nangyayari. Magmula noong mangyari ang isang masalimuot na bagay sa buhay ni Alexander, hindi niya na ito nakausap nang sarilinan. Umiiwas na ito sa kanya. Alam niya ang dahilan noon at aaminin niyang nasasaktan siya sa pag-iwas ito sa kanya.

When we wanted to make it up for his son, Alexander is the one who’s distant. Tila ba ayaw na nitong ibalik pa ang nangyaring kahit siya man ay hindi iyon malilimutan.

“Hon…” Niyakap siya ni Trinity sa likuran.

“Ano ‘yon?”

“Ilang taon na nga ulit si Alexander?”

“Thirty-five na ‘yon. Thirty naman si Amaury. Why?”

“Have you tried to convince him to get married?”

Napataas ang kilay niya. “N-no. Why?”

“Kasi alam mo na ayaw niya. Ilang buwan na nating napapansin na kung hindi siya umuuwi rito dahil sa trabaho, eh kung umuwi naman ay gano’n—parang palagi na lang nasasangkot sa gulo. I think it’s time for him to settle down…”

“Hindi ako ang makakapagdesisyon n’yan, Trinity. And don’t try it to him. Baka magkasamaan pa kayong dalawa ng loob.”

“Bakit naman? Magaling naman ako pumili ng babaeng pwede niyang mapangasawa, eh. Feeling ko kasi, ito lang ‘yong way para matigil siya sa kung anuman ang ginagawa niya. Look, alam kong hindi ako katulad ni Denise, Leo. Tatlong taon pa lang tayong kasal. And I know that they are still longing for their biological mother. Kung kaya ko lang sanang—“

“H’wag kang mag-isip nang ganyan. Tanggap ka nila. It’s just that, iba-iba ang ugali nila. May mga pinagdadaanan silang hindi natin kayang panghimasukan. Gustuhin ko man, kung ayaw naman mag-open sa akin ni Alexander, wala akong magagawa ro’n. Hanggang pagsaway lang ang kaya kong gawin.

“Malalaki na sila. Kaya na nila ang mga buto nila. Hindi na natin kayang saklawan ang desisyon nila kaya kung anuman ‘yang naiisip mo, huwag mo nang ituloy,” litanyan ng lalaki sa asawa.

Humalik si Trinity sa noo ng lalaki at nauna nang natulog.

“LENNON…” tawag ni Trinity sa kanang kamay sa negosyo habang patungo ang lalaki sa kanya.

“Magandang umaga,” bati pa nito.

“Mukhang maaga kayong aalis. Sa’n ang punta ninyo?”

“Kay Eddie Pascual.”

Nangunot ang noo niya. “Ulit? Hindi ba’t nagpunta na kayo ro’n kahapon?”

“Alam mo, ang lala ng mag-asawang ‘yon. Hindi ako makapaniwala na pinapunta nila kami sa convenience store para singilin ‘yong pamangkin nila sa pagkakautang naman nila.”

Maski siya ay napataas ng kilay. “Ano’ng nangyari? Pinuntahan n’yo?”

Tumango ito at ngumisi. “Hindi mo paniniwalaan kung ano’ng nangyari kahapon.”

“Share it to me. Ipagtitimpla kita ng kape.”

Naglakad ang dalawa tungo sa kusina. “Si Leo, nasaan?” tanong pa ng lalaki.

“Lumabas lang saglit. Hindi ko alam kung sa’n pupuntan ‘yon. So, ano’ng nangyari sa lakad n’yo?” pang-uusisa niya habang nagtitimpla ng kape.

“Alam mo ba, ngayon lang ako nakakita ng babaeng gano’n,” natatawang sabi nito habang sinasariwa ang nangyari kahapon.

MATAPOS magtungo ni Lennon sa bahay nina Lorna at Eddie, pinuntahan niya naman ang convenience store kung saan nagtatrabaho ang pamangkin ng mga ito na si Damira. Tatatlong sasakyan ang huminto sa tapat ng convenience store.

Doon pa lang, lumikha na ito ng ibang impresyon sa babaeng nagtatrabaho sa loob lalo na no’ng lumabas siya. Nagtama pa ang paningin nila nang saglit itong sumilip sa labas.

Namulsa siya pagpasok niya sa loob.

“Good morning,” bati pa ng isang babae na kasama nito sa counter.

“Damira Pascual…” lumapit siya sa counter at huminto sa babaeng alam na alam niyang si Damira.

“A-ako po si Damira.” Tinaas pa ng babae ang kanyang kamay.

“Kilala mo ba sina Lorna at Eddie Pascual?”

“Kasama ba kayo no’ng bumbay na nagpunta kanina?” tanong pa nito sa kanya na para bang may ginawa siyang hindi maganda.

“A-ano’ng sinasabi mo?”

“Pwede ba, kung sinabi nila na ako ang magbabayad ng utang nila, hindi ko babayaran ‘yon! Ang kapal ng mukha nilang ako ang pagbayarin nila ng utang nila! Ni hindi naman ako natakim ng perang pinanggastos nila do’n. Sabihin n’yo sa kanila na hindi ko babayaran kung magkano mang utang ang meron sila sa inyo.

“’Di na nga ako minimum sa trabaho na ‘to, ‘di ko pa nararanasan na masulit ‘yong sweldo ko nang buo.”

Umalis ito sa kanyang harapan habang nakanganga siya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Ito ang unang beses niyang makarinig ng ganito habang naniningil ng utang.

“Ah, pasensya na kayo sa kanya, ha? Hindi lang maganda ang araw na ‘to dahil din do’n sa bumbay na hinahanap din siya kanina. Pasensya na po kayo ulit.”

Tumango lang siya at umalis na.

MALAPAD ang pagkakangiti ni Trinity habang nagkunwento si Lennon. Hindi niya maiwasang ma-imagine na magkasama si Alexander at ang babaeng ito sa iisang bubong.

“Paniguradong riot ‘yon…” pabulong niyang sabi.

“Ano’ng sabi mo?”

“N-nothing. Gusto mo bang samahan kita ngayon kina Lorna?”

“Bakit? Hindi mo magugustuhan do’n.”

“We’re just going to teach them lesson,” tugon niya.

Galing din sa hirap si Trinity. Inalila din siya ng inaakala niyang pamilya na magmamahal at mag-aalaga sa kanya. Hindi niya man alam ang tunay na kalagayan ni Damira sa bahay na iyon, alam niyang malaki ang pagkakapareho nilang dalawa.

Siya ang kumatok sa pinto ng mga ito. Dinig na dinig niya na ang sigawan sa loob noon kahit ilang dipa ang layo niya sa pinto.

“Aalis na ako sa bahay na ‘to!”

“Umalis ka! Wala na kaming pakialam sa ‘yo! Ganyan ka ba namin pinalaki?!”

Pagbukas ng pinto, nagulat siya nang makita ang isang babae na duguan ang pang-ibabang bahagi ng labi.

“S-sino po kayo?” tanong pa nito sa kanya.

“Ikaw ba si Damira?”

Tumango-tango siya.

“Siya! Siya ‘yong sinasabi namin na pamangkin naming magbabayad ng utang ninyo,” sabat ni Eddie na lumabas ng bahay upang lumapit sa kanila.

“Kukunin ko si Damira.”

Napatingin ang lahat sa kanya.

“A-ano?” tanong ni Lorna.

“Kukunin ko si Damira sa inyo para magbanat kayo ng buto. Kukunin ko siya bilang isang kasambahay sa mansyon. Hindi ko siya aalilain kagayan ng ginagawa ninyo. Hindi man lang kayo nahiya.”

“A-ano pong sinasabi ninyo?” tanong sa kanya ni Damira na para bang nalito sa pangyayari.

“Ako si Trinity. Sa akin ka na titira. Sa akin ka magtatrabaho.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status