Share

Chapter 5

NAKAKUNOT ANG NOO at seryosong seryoso ako sa pagtatype sa laptop ko. 'Yong yamot ko sa paghahanap ng babaeng pwedeng dalhin sa anniversary nina mommy ay dito ko ibinubuhos. Nakakainis dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Pati pagiging pogi ko hindi ko na naasikaso dahil sa problema ko.

My goodness, I don't even know where to find a material wife because I'm not even a material husband.

Putiks! Napapaenglish na naman ako e, madami na namang maiinlove sa'kin kapag nalamang hindi lang ako saksakan ng kapogian matalino pa.

Ano ba naman 'yan Sinco, bakit nasa'yo na ang lahat?

"Abot hanggang sahig na ang paghaba ng nguso mo." Natatawang kantyaw sa'kin ni Sais. Hindi ko siya pinansin dahil hindi ako nakikipag-usap basta basta sa taong hindi ko kasing pogi.

Pero kapag 'to sinapak ko mas lalo 'tong papangit.

"Wag mo 'kong simulan kasi baka masapak kita, marami akong problema at wag mo ng dagdagan." Yamot kong sabi pero mas lalo lang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status