Share

Chapter 2

Fifth POV

"HAHAHAHAHA!" Sabay sabay na nagtawanan ang mga kapatid ko matapos kong ikwento ang nangyari sa'kin kagabe.

"Yan napapala ng pagiging m*****g mo pati madre pinapatos mo." Kantyaw sa'kin ni Six, sinamaan ko siya ng tingin.

"Malay ko bang ang gan'ong kasexy at hot na babae ay madre." Napapailing pa ako habang inaalala sa isip ko ang napakaganda niyang mukha at sexy'ng katawan. "Sayang, sayang kung magmamadre siya."

Nagtawanan na naman sila. Kagabe na ata ang pinakanakakahiyang experience ng buhay ko. Halos molestyahin ko na siya dahil sa pagnanasa ko tapos madre pala. Pakiramdam ko ako na ang pinakamakasalanang tao kaya bago pa masagad ang kasalanan ko ay hindi ko na itinuloy na ikama siya. Nakakapagpigil naman ako ng libog.

"Kaya pala kapag hinahawakan ko kulang nalang magsign of a cross." Uminom ako ng kapeng nasa harap ko.

Nag-aamusal kaming magkakapatid dito sa mansyon ng pamilya namin at dahil umiral ang kalokohan ni Fourth ay naikwento niya sa mga kapatid namin ang nangyaring bidding kagabi at tinanong ako kung anong nangyari kaya napilitan akong magkwento kahit alam kong matinding kantyaw ang aabutin ko.

"Itinuloy mo ang pagbibigay ng dalawang milyon?" Tanong ni Fourth na nakangisi. Iningusan ko siya bago ako tumango.

"Tsk. Kinuha agad n'ong bakla kagabe, ibinigay ko naman dahil nasa policy nila."

"Alam kong mayaman tayo 'bro at kahit humiga sa pera ay kayang kaya nating gawin pero hindi tama ang magtapon ng pera." Si Kuya Second.

"Kakausapin ko rin 'yong babae pero di muna ngayon kasi natatakot akong masunog." Tinawanan na naman nila ako.

"Sa sobrang tigang mo napapahamak ka." Si Kuya First.

"Napakaganda naman kasi ng babaeng 'yon at ang mas malala eighteen years old lang. Magmumukha akong tatay, ayokong mapedophile."

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong nila pero halata pa rin ang pang-aasar.

"Kahit ako hindi makapaniwala dahil hubog na hubog na ang katawan niya tapos minor de edad pa." Iritang tugon ko. Sa tagal kong nagpupunta sa bar at kumakama ng iba't ibang babae araw araw ngayon lang nangyari sa'kin 'to kaya kinilabutan talaga ako sa sarili ko.

"She's in legal age, you said she's eighteen."

Tumango tango ako. "I know pero kumpara sa edad ko na malapit ng mamaalam sa kalendaryo ay minor pa ang tulad niya."

"Bakit may age qualification ba bago mo ikama?" Panunuya ni Fourth. Kahit mas matanda siya sa'kin ng isang taon ay hindi iyon nagiging hadlang para magsalita ako sa kanya na tila ako ang mas nakakatanda.

"Wala naman pero mabuti na 'yong nag-iingat baka mapikot ako at mawala ang kalayaan ko sa isang iglap. Nah, no thanks." Pagmamalaki ko.

Mahal na mahal ko ang kalayaan ko at masaya na ako sa kung anong meron ako. Nakikipagsex ako sa iba't ibang babae kung kelan ko gusto. Tanggap ko na ako ang pinakamalibog sa'ming magkakapatid. Well, it's my libido's fault. Tanggap ko rin na ako ang pinakababaero pero lahat ng babaeng dumadaan sa'kin ay tinatrato ko ng tama.

Pagkatapos makipagsex ay kinakausap ko ng maayos hindi 'yong iiwan nalang na parang condom na ibabasura pagkatapos gamitin. Hindi man ako nag-uulit ng babaeng kinakama at least nirerespeto ko pa rin sila. Hindi ko man sila seneseryoso at least ipinaparamdam ko naman na dapat silang alagaan.

At higit sa lahat, sa kabila ng pagiging babaero ko may sarili akong batas. 'Yon ay, sinisiguro kong ang babaeng ikakama ko ay hindi pa dumaan sa kahit sino mang kapatid ko.

Kahit naging fling lang nila ay hindi ko pinapatos. Ayokong may makakompetensya sa mga kapatid ko, magbibigay at magpaparaya ako kung kinakailangan.

"Mabuti naman at hindi lang puro ulo mo sa baba ang ginagamit mo." Sarkastikong tugon ni Kuya First, napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa pananabong ginagawa nila.

"Wala namang problema d'on 'bro but always remember. Ang babae at nananatiling babae at hindi sila dapat pinaglalaruan." Pangaral ni Kuya Second.

Walang pagdadalawang isip akong sumang-ayon dahil alam kong tama ang mga sinabi niya. "I know, pero sa ganyang bagay mukhang hindi dapat ako ang kausapin at dapat pangaralan." Makahulugang sambit ko at ngumisi sa gawi ni Fourth.

"Tsk. I'm innocent." Sabi niya kaya mapang-asar kaming nagtawanan.

Nagpatuloy ang pagpapangaral nila sa'kin na palagi namang nangyayari. Pasalamat ko lang at wala si mommy kaya hindi naririnig ang usapan namin dahil kung hindi ay kahit abutin ng gabi ay hindi matatapos ang sermon niya.

Pito kaming magkakapatid at pare pareho kaming sakit sa ulo mula pagkabata lalo at lahat kami lalaki kaya naiintidahan namin kapag gan'on siya but as much I understand my mom ayokong marinig ang mga nakakabingi niyang sermon. Masakit sa tenga.

"KUYA wag ka ng sumabay sa'kin dahil busy ako." Yamot na sabi ni Seven na pilit akong pinapababa sa sasakyan niya.

Tapos na kaming mag-agahan ag papunta na siya ngayon sa kanyang hospital kaya naisip ko ng makisabay pero mukhang ayaw niya base sa pagtataboy niya sa'kin.

"Nagsialisan na silang lahat kaya sa'yo nalang ako pwedeng sumabay." Natatawang sagot ko at mabilis na nagkabit ng seat built. Dahil sa ginawa ko ay mas lalong nabakas ang pagkayamot niya.

"Busy ako." Seryosong sagot niya.

"Alam ko, para namang makakaistorbo ako sa'yo." Ginulo ko pa ang buhok niya pero tinapik niya ang kamay ko kaya mas lalo akong napahalakhak.

"Yeah right, hindi ka nakakaistorbo kundi nakakasira ka ng trabaho ng may trabaho." Inis na inis na talaga siya.

Kahit siya ang pinakabunso sa among apat ay siya naman itong seryosong seryoso sa buhay na parang may pamilya gayong wala naman.

"Behave ako ngayon, promise." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko pero mukhang hindi siya kumbinsedo.

"Ilang beses ko ng narinig 'yan." Napapailing na tugon niya bago napipilitan buhayin ang makina ng kotse niya.

Naiintindihan ko kung bakit ayaw niya akong pasabayin dahil kapag sinabi kong sasabay ako ay ibig sabihin mag-e-stay ako sa trabaho niya. Sa aming pito ako ang pinakamaluwag ang schedule at ang ginagawa kong tambayan ay ang mga trabaho nila. At hindi lang isang beses na nasisira ang mga aparato sa hospital niya dahil sa'kin. Curious lang naman ako kung anong gamit ng mga iyon at dahil sa curiosity ko ay nasisira ko sa huli.

"Bakit hindi mo pagtuunan ng pansin 'yang research mo?" Irita pa rin siya habang nagmamaneho.

"Kaya nga ako sumasama sa'yo." Komportable akong sumandal sa upuan at pumikit dahil inaantok ako.

"Ewan ko sa'yo Kuya." Sumusukong sagot niya. Napangisi nalang ako at hindi na nagsalita pa hanggang sa huminto ang sasakyan.

Kunot noong napadilat ako dahil sa pagtataka kung bakit huminto agad kami gayong halos kalahating minuto ang byahe papunta sa hospital niya.

"May kakausapin lang ako bago tumuloy sa trabaho." Lumabas na siya ng sasakyan at doon ko lang nakitang nasa parking lot kami ng general hospital na malapit sa mansyon. "I have a meeting at baka matagalan ako."

"Sige lang 'bro kaya ko na sarili ko."

Tumango siya habang inaayos ang semi formal white polo shirt niya. "Sige Kuya."

Lumabas ako ng kotse niya ng makapasok na siya ng tuluyan sa hospital. Malaki ang hospital na ito kaya hindi na ako nagtataka kung marami ring mga pasyente kahit sa labas nito.

Ngumingiti ako sa bawat nakakasalubong ko habang nakapamulsang naglalakad papasok. Panay ang tingin at pagmamasid ko sa paligid. Kinakabisa ko ang bawat galaw ng mga tao at bagay sa paligid. Sanay na rin naman akong nakakakita ng mga tao sa ganitong mga klaseng lugar dahil madalas din ako sa hospital ni Seven at minsan na rin akong sumama sa kanyang medical mission.

Halos mapasipol ako ng makita ang isang nurse na napakasexy sa suot niyang uniform na dumaan sa harap ko.

"Nurse." Pagtawag ko sa kanya at agad na hinanda ang matamis kong ngiti ng humarap siya sa'kin. Nakita ko ang pamumula ng magkabila niyang pisngi at panlalaki ng mga mata ng makita ako.

"Y-Yes?" Nautal siya ng sumagot at pasimpleng hinawi ang buhok papunta sa likod ng tenga niya. Typical reaction ng mga babae kapag nginingitian ako.

"Pwedeng pakicheck ng puso ko?" Kunwari'y ngumiwi ako at sinapo ang didbib ko.

Mabilis niyang lumapit sa'kin na bakas ang pag-aalala. "Ano pong masakit?"

"Wala naman, gusto ko lang ipacheck kasi biglang lumakas ang tibok nito ng makita ko ang kagandahan mo." Kinindatan ko siya. Mas lalong namula ang magkabila niyang pisngi.

Kagat labi siyang ngumiti sa'kin. "Ang gwapo niyo po sir."

"Thank you, bagay nga tayo e. Gwapo ako tapos maganda ka." Inisang hakbang ko ang pagitan namin at bumulong sa tenga niya gamit ang mapang-akit akong boses na nagpapahina sa tuhod ng lahat ng kababaihan. "See you later. Hm?" Inayos ko ang buhok niya bago nakangiting tinalikuran siya.

Maraming mga nurse at mga babaeng nakatingin sa paglalakad ko. Ang iba ay napapalingon at namumula kapag nakakasalubong ko ng tingin.

Walang nakakapagtaka. Castillion genes.

"Miss kailangan niyo na pong bumalik sa room niyo kasi po ay mainit na ng painit ang sikat ng araw."

"No, dito lang ako. Tsk. Mas gusto ko nalang mamatay sa sikat ng araw."

Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang usapan ng isang nurse at isang babaeng nasa wheelchair na hindi nakapagtatakang pasyente. Nasa garden sila na ilang hakbang lang sa kinatatayuan ko. May iba ring mga pasyenteng nandoon pero kadalasan ay nagsisibalikan na sa loob dahil mainit na nga naman talaga ang sikat ng araw.

"Gusto mong maging vampire?" Pabirong sabat ko kaya napalingon sila sa'kin. Ngumiti ako at naglakad papalapit sa kanila. "Tama ang nurse mo mainit na ang sikat ng araw. Hindi na healthy."

Nahihiyang ngumiti sa'kin 'yong nurse habang ang babaeng pasyente ay nakataas ang kilay na nakatingin sa'kin. "Do I know you?" Mataray niyang tanong.

"Ahm. Maybe know but I can introduce myself miss beautiful." Yumuko ako at naglahad ng kamay. "Azia." Pagpapakilala ko.

Mas lalong tumaas ang kilay niya at inirapan ako. "Tsk. Ipasok mo na nga ako sa loob." Asik nito sa nurse niya. Hindi manlang niya tinanggap ang pakikipagkamay ko. Hindi naman ako naoffend.

"Okay." Sagot ng nurse.

Akmang itutulak na nuto ang whellchair ng pigilan ko. "Ako nalang." Nag-alalangan pa ito sa una pero sa huli ay tumango.

"What the hell! Ipagkakatiwala mo ako sa lalaking 'yan? Are you stupid?" Sigaw niya. Sabay kaming napangiwi ng nurse.

"Don't worry sasama naman sya pabalik sa room mo, gusto lang kitang tulungan." Paliwanag ko.

Sa huli ay wala itong nagawa sa kabila ng pagtataray. Tulad ng sabi ko ay sumama sa'min ang nurse sa pagbalik sa kanya sa kwarto niya.

Ito ang gawain ko kapag napapadpad ako sa kahit anong hospital kapag vacant time ko at wala akong masyadong ginagawa. Nakakagaan kasi ng loob na makatulong sa mga taong lumalaban para mabuhay.

"Oh, nandito na tayo Tamia." Sabi ko pagkatapat namin sa kwarto na itinuro ng nurse.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Kunot noong tumingala siya sa'kin at bakas sa mukha niyang hindi niya nagustuhan na alam ko ang pangalan niya.

Itinuro ko ang pinto. "I just read it." May nakapost doon na pangalan sa may pinto at room number.

Tamia Sinon, room 135.

Bumaling ito sa nurse niya at pinandilatan ito. "Tsk. Ipasok mo na ako at wag mong ipapasa sa iba ang trabaho mo." May diin ang bawat bigkas niya ng mga salita.

Ipinagkibit balikat ko nalang ng tuluyan na silang pumasok at ako naiwan sa labas. Naiintindihan ko naman kung bakit gan'on ang ugali niya dahil siguro sa pinagdadaanan niya kaya hindi ko na sinubukang pilitin siya. Though, hindi naman bago sa'kin na makasalamuha ang katulad niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad lakad sa buong hospital para pansamantalang malibang para matanggal ang inip sa paghihintay kay Seven. Wala akong dalang sasakyan at hindi ako madalas magdala dahil kung saan saan lang ako napapadpad.

Napakunot ang noo ko ng makatanggap ng message sa bunso kong kapatid ng pabalik na ako sa parking lot.

From: Bunso

Kuya, matatagalan pa ako. You can use my car if you want.

Agad akong nagreply.

Hihintayin nalang kita.

Muling tumunog ang cellphone ko dahil sa reply niya.

From: Bunso.

You can wait me an hour or two?

Napangiwi ako. Kung maghihintay ako ng isang oras o dalawa baka namatay na ako sa pagkabagot dito. Ayos sana kung out na n'ong nurse na natipuhan ko kanina para malibang ako pero mamaya pang gabi siguro 'yon.

To: Bunso

Well, if that's the case magcocommute nalang ako papunta sa opisina ni Kuya Third. Hindi ko na gagamitin ang kotse mo para may gamitin ka papunta sa hospital mo.

Nang magreply siyang ng 'okay' ay nagpasya na akong pumara ng taxi at pumunta sa pinakamalapit na train station. Marunong naman akong magcommute.

"Sa pinakamalapit na train station 'pre." Tugon ko kay manong driver ng makapara ng taxi.

"Sige ho."

Mabilis naman akong nakasakay sa MRT pero dahil tulad ng palaging senaryo ay nagsisiksikan ang mga pasahero at wala akong maupuan kaya mas pinili ko nalang na tumayo. Sari sari ang amoy ng mga tao kahit umaga pa lang at patibayan ng sikmura para hindi masuka.

Palihim kong ihinarang ang braso ko sa harapan ng zipper ko dahil bumubunggo doon ang pwetan ng babaeng nasa unahan ko. Nagigitgit siya ng mga sumasakay kaya may lalo siyang napapalapit sa'kin na ilang ulit kong ikinamura sa isip ko.

Pinagpapawisan na ako dahil sa init sa loob. Mas lalong nagtulakan dahil sa mas lalo pang pagdagsa ng mga pasahero.

"Fuck!" Hindi ko na napigilang isatinig ang malutong na pagmumura ng maout balance ako at wala akong nakapitan para manatiling nakatayo.

"Diyos ko po, patawarin niyo po sana ang kanyang kapangahasan." Dinig kong hysterical ng nasa likod ko na siyang natumabahan ko rin.

Nilingon ko 'yon at nagsitaasan ang mga balahibo ko ng mamukhaan ang babaeng nadaganan ko patalikod.

Si Sister Nette.

Nakasuot siya ng pangmadreng kasuotan na balot buong katawan habang nakaupo. Kahit na mukha lang ang kita ay kilalang kilala ko.

Nanlalaki ang mga mata niya at nagsign of a cross habang ang mga tingin ay nasa harapan niya. Napasunod ang tingin ko doon at para akong napasong agad na inilayo ang palad ko na nakadiin sa bagay na nasa pagitan ng mga hita niya. Balot siya pero ramdam ko ang bagay na 'yon.

"Oh God, have mercy on me." Nausal ko.

Putangina! Pati madre namanyak ko.

Nangingilabot akong napatingin sa palad ko habang umuusal ng dasal para sa kapatawaran ng nagawa ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status