Home / LGBTQ+ / Casual Lovers / Chapter 3: Memories

Share

Chapter 3: Memories

Author: Black_Angel
last update Last Updated: 2023-08-04 00:37:13

Dalawang araw na ang nakalipas mula nung nangyari ang paglalasing namin sa bar. At hindi inaasahang pagtatagpo ng landas namin ng isang stranger na eventually ay syang tumulong sa akin, na si mr. William. Kahit naaalala ko ang pangyayari noong gabing iyon, ay syang labo naman ng alaala ko sa mukha nya.

Nasa kwarto lang ako ngayon nakatambay walang magawa.Kanina ko pa tinatawagan sina tyronne at zeke, pero ni isa sa kanila walang paramdam.

Naiisipan kong kunin sa drawer ang mga photo album na nandun, isa-isa kong tiningnan ang mga pictures dun.Yung photo album na kulay white, dun nakalagay ang mga baby pictures naming magkapatid. "ang cute ni ethan." nakangiti kong pinagmasdan ang picture ni bunso . Paglipat ko naman sa ibang page, natawa ako sa baby picture ni ate. "hahaha, si ate ang taba tapos kulot pa ang buhok". tawa ako ng tawa habang tinitingnan ko ang iba pang picture ni ate. Sunod ko namang tiningnan yung kulay blue na album, dun naman nakalagay ang family bonding pictures namin.Nung madalas pang umuuwi sila mama at papa galing states, nung kami pang dalawa ni ate.Pero ngayon madalang nalang silang umuwi, kasi rason nila kailangang kumayod ng doble, para sa aming tatlo at maintainance ni lola.Hindi ko mapigilang na miss sila mama at papa, sa tuwing special events naming magkakapatid gaya ng birthday ko, birthday ni ate, birthday ni ethan, birthday ni lola, graduation ni ate nung nakapagtapos sya sa course nyang BSED major in english, at ngayong graduation ko ng high school.

Sunod ko namang tiningnan yung photo album na customize ang design, ito yung photo album namin ni aljosh.Since grade 3 ko unang naging kaibigan si aljosh, transferee sya that time. Nandun lang sya sa sulok nun nakaupo, walang gustong maki pagkaibigan o kumausap sa kanya, kasi nga tahimik at mahiyain sya. Isang araw recess time yun, nagsipaglabasan na ang mga classmate namin, habang sya nandun parin sa sulok nakaupo.Nilapitan ko sya for the first time at niyayang sumama sa'kin.

"tara, punta tayong canteen." tiningnan lang nya ako at nakikita ko sa mukha nya ang pagtataka. "tara, sama ka sa'kin, punta tayong canteen." pag.uulit ko. "huwag ka nang mahiya." hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko sya patayo. "sandali... nahihiya kasi ako." nakayuko nyang sabi.

"huwag ka nang mahiya, akong bahala sayo, from now on, magkaibigan na tayo." sabi ko.

"kaibigan? hindi ko pa nga alam pangalan mo?" nakayuko pa rin nyang sabi.

Natawa nalang ako sa sinabi nya.

"ok, I'm Nathan Jake "Alejandro" Sebastian, I'm 9yrs. old. At your service." sabay saludo ko, sa kanya.Natawa sya sa ginawa ko. "oy, napatawa kita, ikaw naman ang magpakilala." sabi ko.

"Ako si Aljosh Perez, 9yrs. old." unti-unti nang nawala ang hiya nya.

"oh, pano, friends na tayo?" ako, sabay lahad ng kamay ko sa kanya.

"ok, friends na tayo." Nagshake hands kaming dalawa.

Simula noon, naging close kami sa isa't isa, naging close kami ng parents nya at tinuturing din nila akong anak. Unico hijo sya, kaya anumang gusto nya, ibinibigay sa kanya

.Nung elementary graduation, sabay kaming nakakuha ng matataas na parangal.Ako bilang valedictorian, at sya bilang salutatorian.

Pagtungtong namin ng high school sa ALFONSO NATIONAL HIGH SCHOOL kami nag.aral. Dun namin nakilala at naging kaibigan sila tyronne at zeke.Si Tyronne Mendoza ay mula sa angkan ng mga politiko, ang kanyang lolo ay dating mayor ng aming bayan, at ang kanyang ama naman ang kasalukuyang mayor ngayon.Si Ezekiel Alfonso o zeke naman ay apo ng kilalang angkan dito sa amin, mula sa kanilang angkan ipinangalan ang aming bayan.

Simula nang maging magkaibigan kami, hindi na kami sumasama sa iba, hindi sa pagmamayabang, pero kilala kami bilang mga matatalino, maykaya sa buhay, at higit sa lahat tinitilian ng mga kababaihan at kabaklaan dahil sa taglay na kagwapuhan.

Second year kami nang maisipan naming gawan ng pangalan ang aming samahan.

"J.A.T.Z." sabi ni aljosh.

"J.A.T.Z.?" Out of nowhere na tanong ni zeke.

"J.A.T.Z. short for Jake,Aljosh,Tyronne,Zeke." sabi naman ni tyronne.

Simula nun, nakilala kami sa buong school bilang JATZ.

Third year high school na kami, nang may kakaiba na akong feelings kay aljosh. Noong una hindi ko pinansin, kasi baka normal lang 'yon dahil sobrang malapit na kami sa isa't isa, to the point na napapadalas na akong magsleep over sa kanila, napaka clingy nya pa, madalas nya akong yakapin, at halikan sa pisngi.Nung una wala pang malisya, pero nung lumaon, wala na. Everytime na ihuhug, at ikikiss nya ako, bumibilis ang heartbeat ko

.Until one day, nasa tambayan kami nun, ng dumating si aljosh na may kasamang girl.

"guys, si Lyca pala, girlfriend ko." pakilala nya dun sa girl. Natigilan ako sa revelation nya, hindi ko alam kung iiyak, magagalit, o matutuwa ako para sa kanila. Kinungrats sila ni tyronne at zeke.

"Jake, may girlfriend na'ko." nagkatinginan kaming dalawa, at tiningnan din ako nila tyronne at zeke.

"congratz, sa inyong dalawa." sabi ko.Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"sige guys, I need to go." nagmadali kong niligpit ang mga gamit ko.

"aalis ka na? kakarating lang namin oh." aljosh.

"oo, nga jake, mamaya ka nalang umuwi, total sabay naman kayong umuuwi ni josh." zeke.

Magsasalita pa sana ako, pero inunahan na ako ni tyronne.

"kailangan na talagang umuwi ni jake, kasi susunduin pa nya si ethan.Diba jake?" sabi ni tyronne.

"oo, kailangan ko pang sunduin si bunso." salamat kay tyronne, iniligtas nya ako.

"samahan ka na namin." aljosh.

"hindi na kailangan, baka makaabala pa ako sa inyo." nagmadali na akong umalis.

Pag.uwi ko nang balay, umakyat agad ako sa kwarto at nagkulong, dun ko na hinayaang tumulo ang masagang luha na kanina ko pa gustong ilabas.

Simula nun, iniiwasan ko na si aljosh, hindi na ako pumupunta sa kanila.Hanggang sa nagtapos kami ng 3rd year.

4th year na kami muling nagkausap ni aljosh, panay ang tanong nya kung bakit daw ako umiiwas sa kanya noon, sabi ko nalang may gf na sya, ayaw kong makadisturbo, tumawa lang sya sa'kin.

"anong nakakatawa?" sabi ko.

"wala naman. Kailanman hindi ka disturbo, ikaw, si tyronne, si zeke, hindi kayo disturbo sa'kin tandaan mo'yan." sabi nya.

Bumalik ulit kami sa dati, pero para sa akin hindi na gaya ng dati, lalo na't pagkasama namin minsan si lyca.Hindi ko mapigilang hindi magselos, minsan umaalis nalang ako bigla, minsan pabigla-biglang iinit ang aking ulo.

Hanggang isang araw, birthday iyon ni zeke, nag-overnight kami sa isang beach resorts sa alfonso.Malalim na ang gabi nun, sobrang lasing na namin, si zeke at tyronne nakatulog na sa buhangin, si lyca natutulog na sa inuupahang kwarto namin.Kami nalang ni aljosh ang natitirang gising nun.

"alam mo, ang saya nang ganito." nakahiga sya sa buhangin, nakalagay ang dalawang palad sa likod ng kanyang ulo habang nakatingin sa mga bituin.

"oo, ang saya ng ganito, yung tayo lang, yung walang nanggugulo." out of nowhere kong sabi habang nakaupo sa buhangin at nakatingin sa dagat.

"nanggugulo? sino?" nagtataka nyang tanong.

"sino pa, edi si lyca!" huli na para mabawi ang nasabi ko.

Bigla syang bumangon sa pagkakahiga. "bakit naman naging panggulo si lyca?" nagtataka nyang sabi.

"wala, just forget what I said." tumayo na ako at nagmamadaling umalis.Pero bago pa ako makaalis ay nahawakan na nya ang kanang kamay ko.

"sandali, jake, anong ibig mong sabihin? hindi kita gets? at hindi lang wala 'yun." aljosh.

Kumawala ako sa pagkakahawak nya. "fine! I feel jealous okey!" ako.

"nagseselos ka? bakit?" clueless nyang sabi.

"my god aljosh! hindi pa ba obvious? I feel jealous cause I really really love you!" sumabog na ako. "since 3rd year na akong may gusto sayo, kaya kita iniiwasan kasi, takot akong masaktan.!" dagdag ko pa.

Akala ko sa pag.amin kong iyon masisira na ang pagkakaibigan namin.Pero mali ako, maling mali ako.Hinila nya ang kaliwa kong kamay, hinawakan ang kanan kong pisngi at hinalikan ako sa labi.Sobra akong na shock that time, hindi ko expected ang nangyari.

"sorry, mali ito." nagpang.abot ang noo, at ilong namin. "hayaan mong ayusin ko, muna ang lahat." sabi nya, bumitaw na sya at umalis.

Pagkatapos ng nangyaring iyon, naging awkward kami sa isa't isa at pansin iyon ng mga kaibigan namin.Hanggang isang araw nalaman nalang namin na nagbreak na sila ni lyca.

Dumating na ang pagtatapos namin.Sa graduation day. Kaming tatlo nila aljosh at tyronne ang nakakuha ng mataas na parangal. Ako bilang valedictorian, si aljosh bilang salutatorian, at si tyronne bilang 1st honorable mention.

"congrats, sa atin, graduate na tayo!" JATZ.

Natigil lang ang pagflashback ko nang may kumatok sa pinto.

*tok. tok*

"pasok, bukas 'yan"

Bumukas ang pinto at pumasok si bunso.

"oh, bunso ikaw pala." nangiti kong sabi.

"kuya, maghapunan na daw tayo, sabi ni lola" si bunso na umupo sa binti ko.

"anong ulam?" ako.

"adobong manok." si bunso.

"sige, ang mahuling pumunta sa kusina ang syang maghuhugas ng pinggan mamaya!" sabay kaming tumakbo ni bunso palabas ng kwarto.

"ang daya ni kuya, nanghihila."maktol nya.

to be continue...

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jake Lloyd Bojos
I started to like the story. I hope hindi magiging sayang ang pagbabasa ko.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Casual Lovers ย ย ย Chapter 51: The Play

    (Jake's P.O.V)Isang linggo na ang nakalipas, mula nang umuwi kami ni hubby, dito sa maynila. May mga iilang pagbabago sa kanya, ang napapansin ko. Gaya ng pagkatapos ng klase, ay aalis s'ya at uuwi ng hating gabi o minsan naman ay madaling araw na. May mga mamahaling gamit din s'yang nawawala sa dorm at ang pagkawala ng kotse n'ya, ang s'yang lubos na nagpatunay sa mga pagbabagong napansin ko sa kanya. Kinausap ko s'ya at tinanong sa mga bagay na napapansin ko, pero imbis na sagutin ang mga tanong ko, ay nanatili s'yang tahimik tungkol dito. Nalaman ko nalang sa bestfriend n'yang si Sofia, na bumalik na pala s'ya sa pagmomodelo at kaya pala s'ya hating gabi o madaling araw na nakakauwi dahil sa mga photoshoot nila. Sinabi ko sa kanya ang nalaman ko, pero hindi ko sinabi sa kanya na si Sofia, ang nagsabi. Napilitan s'yang sabihin sa 'kin ang totoo at ihayag kung bakit s'ya naglihim sa 'kin. Kaya pala s'ya naglihim ay baka magalit daw ako sa kanya at pagbawalan s'y

  • Casual Lovers ย ย ย Chapter 50: Welcome Back

    (Jake's P.O.V)After ng kasalan ay umuwi na agad kami ni hubby sa maynila, dahil kailangan ko nang magpractice sa play na gagawin namin. Sila tyronne at kuya david ay nagpa-iwan muna sa Alfonso, dahil gusto muna ni tyronne na ipakita kay kuya david, ang ganda ng lugar na pinagmulan namin at lalong-lalo na sa lahat ay para lubusang makilala ni kuya david si tyronne. Si ate abe at kuya oliver naman, ay nagdesisyon na sa Alfonso nalang tumira at bumuo ng sariling pamilya."hubby, bakit kaya nagdecide sila kuya na sa Alfonso nalang tumira?" tanong ko."I don't know. Siguro gusto nalang nila nang tahimik na buhay, malayo sa gulo ng manila." sagot n'ya."pero? paano nalang ang work ni ate sa maynila?? ang trabaho ni kuya oliver sa company n'yo??" tanong ko. Napabuntong-hininga si hubby. Siguro nakukulitan s'ya dahil tanong ako ng tanong sa kanya."wifey, alam na nila ang ginagawa nila, okey? at labas na tayo dun." sabi n'ya sa 'kin.

  • Casual Lovers ย ย ย Chapter 49: The Wedding

    (Jake's P.O.V)Dalawang linggo na ang nakalipas, simula ng pinakilala ako ni hubby sa lola n'ya. Sa loob ng dalawang linggo ay marami ng nangyari. Naging abala ako sa Drama Club, dahil na rin sa nalalapit na ang aming stage play. Puro pag-memorize ng script at rehearsal nalang ang ginagawa namin nila andrea, clarisse, at patricia. Mabuti nalang at tinutulungan ako ni hubby, kapag maaga s'yang nakakauwi galing sa practice nila sa Swimming Club. Si ate at kuya oliver naman ay ikakasal na sa susunod na araw. Sa Alfonso gaganapin ang kasal nilang dalawa at kailangan namin ni hubby, na umabsent ng ilang araw sa klase. Gusto sanang sumama nila andrea,clarisse,patricia at daryl, kaso hindi sila pinayagang sumama ni prof. kenth, dahil hindi naman daw sila kailangan dun at bukod pa dun ay nalalapit na rin ang stage play namin, na mas dapat paglaanan ng panahon. Mabuti nalang at sasamang uuwi sila tyronne at kuya david, hindi ako maiiwang mag-isa kasama si hubby.๐Ÿ™‚

  • Casual Lovers ย ย ย Chapter 48: Make it Real

    (Adrian's P.O.V)Since weekend ngayon at may rehearsal kami ng banda. Niyaya ko s'yang sumama sa 'kin para makita naman n'ya 'kong kumanta at maipakilala ko rin s'ya sa iba ko pang co-members sa Music club."mga anong oras ba??" tanong n'ya."10am." sagot ko."sakto, wala kaming practice ngayon." sabi n'ya."then good. By the way, sa bahay daw tayo mag-breakfast ngayon sabi ni mama." sabi ko sa kanya."nagluto si tita?" tanong n'ya."mama! not tita." sabi ko. Nginitian lang n'ya 'ko at bumangon na s'ya sa kama namin."sabi ko nga mama." sabi n'ya. Sabay pasok sa loob ng banyo."sabay na tayong mag-shower." sabi ko. Papasok na sana ako sa loob ng banyo, nang bigla n'ya 'kong pinigilan."no! ayaw kitang kasabay." sabi n'ya sa 'kin. Sabay harang ng palad n'ya sa 'kin."why?? ahh.. nahihiya kang kasabay akong maligo ano?? Boss, wala kang dapat ikahiya sa 'kin, kasi nakita kuna la

  • Casual Lovers ย ย ย Chapter 47: Untold Story

    (Kenzo's P.O.V)Dahil sa inis ko sa prof. yuan na 'yun. Iniwan ko si wifey, sa labas at nauna akong pumasok sa loob ng infirmary."kainis 'yung prof. na 'yun!!" inis kong sabi. Mabuti nalang at walang nurse sa loob.Padabog akong umupo sa isa sa mga kama dun at ilang saglit lang ay pumihit ang door knob ng pintuan. Pumasok si wifey, at nilapitan n'ya 'ko, habang nakaguhit ang malapad na ngiti sa kanyang labi."oyy, huwag ka nang magselos." sabi n'ya. Sinimangutan ko lang s'ya at tinalikuran."Paano ako hindi magseselos dun!! grabe kung makahawak s'ya sa mukha mo, parang kulang nalang ay halikan ka n'ya." sabi ko. Niyakap n'ya 'ko, mula sa likod at dinikit ang kanyang labi sa leeg ko."ang gwapo gwapo mo, tapos magseselos ka lang kay prof. yuan." sabi n'ya pa. Napangiti ako ng kunti sa sinabi n'ya. Pero hindi ko, pinahalata sa kanya."sinong mas gwapo sa 'ming dalawa?" tanong ko. "umm..." At talagang n

  • Casual Lovers ย ย ย Chapter 46: Clash

    (Kenzo's P.O.V)Two days after that night. I've made promise to myself, that I'll make sure, my wifey, would be my first priority. Exacty 6am ay bumangon na 'ko and today, I'm planning to cook breakfast for him, 'cause it's been awhile since the last time we'd eat breakfast together."ano kayang masarap lutuin?" tanong ko, sa sarili ko. Habang nakatingin sa laman ng ref."tama. I'll cook adobo for him." sabi ko. Sabay nilabas ang whole chicken sa ref. at ang iba pang mga ingredients.Binabad ko muna sa tubig ang nagyeyelong whole chicken at nagsaing na rin ako ng bigas sa rice cooker ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚. Habang abala ako sa paghihiwa ng mga sangkap ay bigla kong naalala ang unang gabi ng pagkikita namin ni wifey. He's so wasted that night, to think na magpapakamatay ako ๐Ÿ˜Š. Dahil sa pag-rereminisce ko, ay nasugatan ko ang daliri ko."ouch!!" sigaw ko. Bigla kong nabitawan ang hawak kong kutsilyo at bigla ring tumulo ang dugo sa sugat ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status