Share

Kabanata V

Author: nerdy_ugly
last update Huling Na-update: 2025-03-07 19:14:02

"Sa tingin mo kaya masaya na si Gabriela kung saan man siya naroon ngayon?" ani ni Lucas kay Celina. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Celina bago sumagot sa tanong na iyon ng binata.

"Of course, ayon nga sa narinig ko sa isang Bible Exposition, ang buhay ng tao ay hiram lamang, mamamatay tayong lahat at saka tayo

huhukuman," sagot ni Celina sa binata.

Biglang tumindig ang balahibo ni Lucas sa mga salitang binitawang iyon ng dalaga. Pagdakay nagpasya na rin silang umalis. Alas nuwebe na ng gabi nang mapasulyap si Lucas sa kanyang orasan.

Pumasok na sila sa kotse at mabilis iyong pinaharurot ng takbo ni Lucas. Napasulyap siya kay Celina sa rearview mirror, pansin niyang malalim ang iniisip nito.

Hindi mawala sa isip ni Celina na isa pala siyang Del Fuego, pero ang ikinalulungkot niya, matatanggap ba siya ng ina nina Hercules at Hugo? Natatakot siya, paano kung siya ang magiging dahilan nang pag-aaway ng mag-asawang Del Fuego. Pero gusto niya pa ring kausapin ang ama kung bakit nagkarelasyon ito sa kanyang ina. Saka lang niya na-realized na siya ay isang bunga nang pagkakamali, isang kahihiyan sa mga Del Fuego. Imposibleng maipakilala siya ng kanyang ama bilang Del Fuego, ngunit hindi na iyon mahalaga sa kanya, ang mahalaga'y nakilala na niya ito at kuntento na siya doon.

"Are you okay?" pukaw ni Lucas sa dalagang malayo ang tingin. Kung hindi niya ito tinanong malamang ay nakatulala pa rin ito.

"Ha? Ahmm..., I-I'm fine," sagot niya sa binata at napasulyap dito, saka lang niya napansin na nakarating na pala sila sa kanyang apartment.

"Buksan mo ang gate, ipa-park ko sa garahe ang sasakyan, dito muna ako magpalipas ng gabi," utos ni Lucas sa kanya, nagulat si Celina sa tinuran ng binata. Really? Aba! Biglang nabuhay ang dugo ng dalaga. Pagkakataon nga naman.

Napansin ni Lucas ang kakaibang ningning sa mga mata ng dalaga. Napansin niya ang pilyang ngiti sa mga labi nito. Mabilis na tumalima si Celina.

Nang maipasok na ni Lucas ang sariling kotse ay sabay na silang pumasok sa loob ng apartment. Nagpresinta si Lucas na siya ang magluluto ng dinner. Tumaas ang kilay ni Celina at saka ngumiti ng matamis.

"Tanggalin mo kaya 'yang polo mo, may nagpo-polo bang magluluto?" saad ni Celina sa binata, lumapit agad siya sa binata at siya na ang nagtanggal ng polo nito.

"Tanggalin mo, ba't pati abs hinimas mo pa! Come on, Celina. I'm starving!" inis na utos sa kanya ni Lucas.

"I told you, I want to seduce the CEO of Montenegro. Pero mukhang malabo, e, grabe ka kung makapagpigil. Baka sa kapipigil mo riyan mautot ka pa," nakangising turan ni Celina. At dahil sa inis ni Lucas ay itinapon niya ang polo sapul sa mukha ang dalaga.

"Sue you, Celina!" asik nito at hinarap ang maliit na kusina nang dalaga. Saka ngumisi si Lucas. Hindi na iyon nakita pa ni Celina dahil umakyat na ito sa taas para maligo.

Pagkapasok na pagkapasok ni Celina sa kanyang silid. Ini-lock niya agad iyon at saka siya sumigaw dahil nga sa matinding kilig, imagine si Lucas Montenegro ang cook niya ngayong gabi, wow naman ang haba ng hair niya 'di ba? Mabuti nalang talaga soundproof ang kwarto niya.

Nagmamadaling tinungo niya ang kanyang wardrobe at naghanap ng short na shorts at isang sleevless. Napangiti siya ng kunin niya iyon at inilapag sa kanyang kama. Feeling niya talaga para silang mag-asawa. Excited na siyang matikman ang luto ni Lucas.

Pumasok siya sa kanyang banyo at saka naligo. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis agad siya. Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Umikot-ikot pa siya saka tuluyang lumabas ng kanyang silid habang kumakanta ng kantang Fallin.

Eksakto namang bumaba na si Celina at luto na ang ulam na niluto ni Lucas. Adobong manok at Kare-kare. Nang maamoy iyon ni Celina napahawak siya sa kanyang sikmura. Natakam siya sa amoy niyon.

Pero mas nasorpresa siya nang makitang naka-topless ang binata, tanging apron lang ang suot nito na may drawing na kulay pink na bulaklak, what the f-ck! Celina naman, kalma lang, iyong laway mo baka tumulo. Napalunok siya at pagdaka'y lihim na sinita ang sarili. Mas mabubusog yata siya sa nagluto ng ulam kesa niluto nito.

"Kain na tayo," balewalang turan ni Lucas sa nakatulalang dalaga, kinuha ni Lucas ang kutsara at saka iyon isinubo sa nakaawang na bibig ni Celina.

"Ano ba! Loko nito!" reklamo ni Celina saka siya bumalik sa reyalidad, mukhang siya pa ang na-seduce ng mokong na 'to, a. Saka siya napangisi.

Napasulyap si Lucas sa dibdib ni Celina. F-ck! Ramdam niyang nagngangalit ang kanyang alaga. Alam niyang sinasadya nito iyon. Hindi siya makapag-concentrate sa pagkaing kinakain. Napansin rin niyang ganadong kumakain ang dalaga.

"Ang swerte ko talaga 'pag ikaw ang naging husband ko, ang sarap mong magluto, at ang yummy pa ng abs

mo," dire-diretsang saad ni Celina sa kanya, habang todo-subo ito sa pagkain. Pinipigilan ni Lucas ang mapangiti.

"Shut up! Just eat, will you!" sita niya sa dalaga.

"Ba't kase ayaw mong tanggapin ang pag-ibig na ipinapahayag ko sa'yo? Ewan ko ba sa'yo kung ano'ng ayaw mo sa'kin," palatak ni Celina kay Lucas.

"I've told you, hindi ang katulad mo ang gusto ko," prangkang sagot ni Lucas.

Nakaramdam ng kirot si Celina sa sinabing iyon ng binata pero nanatili pa rin siyang nakangiti sa harapan nito.

"Dahil ba sa mahirap ang angkang pinanggalingan ko," mahinang saad ni Celina sa binata.

Tila naman may humaplos sa puso ni Lucas. Aaminin niya, may punto ang sinasabi ng dalaga. Hindi naman siya matapobre pero iyon ang isang hadlang para pigilan ni Lucas ang kanyang puso na huwag mahulog sa dalaga. Pero tama ba ang ugaling meron siya?

"Kaya nga huwag mo nang ipilit pa ang iyong sarili sa'kin," diretsang tugon ni Lucas. Para iyong punyal na sumasaksak sa puso ni Celina.

Paano pa kaya kung malaman ng binata na isa siyang anak sa labas. Isang anak ng pagkakamali. Anak ng isang mistress. Pinipigilan ni Celina ang sarili na huwag mapaluha sa harap ni Lucas.

Nagpaalam muna si Celina sandali kay Lucas. Tinungo niya ang comfort room na nasa baba at pumasok siya roon mabilis na isinarado ang pintuan. At saka nag-uunahang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Nakatingin si Celina sa sariling repleksyon sa salamin. Pero parang inamin na rin ni Lucas na may chance na magugustuhan siya nito kung hindi lang siya ng anak isang mahirap. Sabagay, siya lang naman ang nagmahal.

Samantalang si Lucas nama'y napatingin sa pintuan ng comfort room. Nasaktan n'ya ba ang dalaga? Bakit nakaramdam siya nang emptiness at kirot sa dibdib, masama bang maging prangka? Ayaw niyang umasa si Celina, kaya nga todo-iwas siya rito.

Nawalan nang ganang kumain si Celina. Inayos niya ang sarili bago lumabas ng banyo. Cool lang ang kanyang aura nang tinungo niya ang mesa. Napasulyap siya kay Lucas at saka napangiti.

"Sorry, bigla akong natae, e," nasabi na lamang n'ya para iwas sa awkward moment. Pero hindi man lang ngumingiti ang binata bagamat tinitigan lang siya nito ng maitim.

"Ako pa ba lolokohin mo? I'm sorry, I just want to be frank. Ayokong umasa ka sa wala, sana maintindihan mo nalang iyon, and stop seducing me, Celina," may diing tugon ni Lucas sa dalaga na ngayo'y nililibang ang sarili sa pagligpit ng kanilang mga pinag-kainan.

"You can't stop me, Lucas. Then fired me as you're secretary. Kaya mo bang pakawalan ang isang tulad ko?" nagulat si Lucas sa sinabing iyon ni Celina.

Hindi nakapagsalita si Lucas, magaling si Celina bilang sekretarya niya. At aminin man niya o hindi sa sarili, mas magaling pa nga ito kaysa dati niyang sekretarya na si Caren.

"Ano'ng connection sa pagiging sekretarya mo sa personal na isyu natin? Alalahanin mong negosyante ako Celina," seryosong turan ni Lucas sa dalaga.

"Alam ko, pero hindi mo ako mapipigilan sa gusto kong gawin, at least prangka ako sa feelings ko para sa'yo, hindi tulad mo na ang dami mong echoss," inis na sagot ni Celina at tinungo ang lababo para hugasan ang kanilang pinagkainan.

Umigting ang panga ni Lucas sa sinabing iyon ng dalaga. Napalingon siya sa nakatalikod na si Celina na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan. Hindi napigilan ni Lucas ang sarili na suyurin nang tingin ang nakakaakit nitong alindog. Biglang nag-init si Lucas. Damn it! Napalunok siya ng mapadako ang tingin niya sa malakurba nitong katawan, what a perfect butt, her long flawless legs that every man would die to touch! Bullsh-t!!!

Naikuyom ni Lucas ang mga kamay at iniwan niya ang dalaga. Pumanhik na siya sa taas para maligo. Inukopa niya ang isang silid na naroon since dalawa naman ang silid ng apartment na 'yon.

Narinig ni Celina ang mga papalayong yabag ni Lucas, tanda na pumanhik na ito sa taas. Nagpakawala siya ng marahas na hininga ng matapos siya sa ginagawa. Kumuha siya ng isang bottle ng wine at isang kopita at tinungo ang kanyang maliit na living room para aliwin ang sarili sa panonood ng telebisyon. Nakadagan pa rin sa puso niya ang bigat na mga sinasabi sa kanya ni Lucas. Asshole!

"BAKIT kailangan mo pang ipa-DNA test si Celina, Hugo. Hindi pa ba sapat ang DNA test na ipinapakita ni Hercules?" tanong ni Micah sa asawa.

"I have to make sure na anak nga ni dad si Celina, paano kung hindi naman pala?" seryoso ang mukha ni Hugo.

"Mom, carry me please....," ani ng cute na si Joshua sa ina. Napangiti si Micah at dumukwang siya para kargahin ang apat na taong gulang na si Joshua. Pinupog niya ito ng halik sa mukha at todo ngisi naman ang bubwit. Saka muling napasulyap si Micah sa seryoso pa ring si Hugo.

"Hugo, pwede ba kitang matanong kung bakit ka nagdududa kung anak nga ba ng daddy mo si Celina? Hindi ba napatunayan naman iyon ni Hercules? Patunay pa rin ang DNA test na ipinakita niya sa dad mo, hindi ba may nangyari sa kanila ng ina ni Celina no'ng 18 pa si Hercules? 'Yan ay kung naalala mo pa no'ng sinabi mo 'yan sa'kin," ani ni Micah na pati siya'y naguguluhan na rin.

"And did you think sapat na para maniwala tayong anak nga siya ni dad? Did you think aakto ako ng ganito kung wala akong ibang nadiskubre, for pete's sake Micah inaalala ko si Mommy, ang sabi ni dad isang beses lang may nangyari sa kanila no'ng ina ni Celina," mahabang paliwanag ni Hugo kay Micah.

Naputol lamang ang pag-uusap nilang mag-asawa nang marinig ni Hugo ang pag-ring ng kanyang cellphone. Nagpaalam muna siya saglit sa kanyang mag-ina saka sinagot ang tawag.

MULA SA KANYANG bag, naisipan ni Celina na basahin ang isang sulat na ibinigay sa kanya ng ina. Nanginginig ang mga kamay nang buksan niya iyon. Mahaba ang naturang sulat. Hindi pa man niya naumpisahang basahin ay nag-uunahan nang tumulo ang kanyang mga luha.

Nang nasa kalagitnaan na siya nang sulat, napatakip sa bibig si Celina. Saka siya napapailing. Mapaglaro ba talaga ang tadhana sa kanya?

"WHAT do you mean Hercules?!" inis na tanong ni Sandro sa anak, kasalukuyan silang nasa opisina sa bahay nilang mag-asawa.

"Here's the evidence and all the proofs dad, hindi mo anak si Celina, anak siya ng namayapa mong kapatid na si Tito Daniel Del Fuego. Nabalitaan kung nag-hired ng isang private investigator si Hugo. At ngayon ay kasalukuyan pa lamang itong naghahanap ng mga proof and evidences. Hindi ko kapatid si Celina at lalong hindi mo siya anak," paliwanag ni Hugo sa ama.

"Ipapaalam ba natin ito kay Tita Carolina dad?" tanong ni Hercules sa ama.

"Huwag muna, Hercules. Sa ngayon, kailangan nating alagaan si Celina at subaybayan siya," ani ng Ginoo.

"Pero isa pa rin siyang Del Fuego, wala na akong question pa, mas napanatag ako ngayon kung gayunman ay hindi nagbunga ang isang gabing may nangyari sa amin ni Felicidad," ani ni Sandro at saka siya napaupo sa sariling swivel chair.

LAHAT NG KATOTOHANAN tungkol sa kanyang pagkatao ay nakasulat sa sulat ng kanyang ina. Humagulgol si Celina. Paano nagawa ng ina niya ang pagkakamaling iyon? Kailangan niyang hanapin si Carolina Del Fuego na asawa ni Daniel Del Fuego na siya niyang tunay na ama.

SA ISANG MALAKING mansion ni Carolina Del Fuego kung saan nasa sarili siyang hardin, nakahawak sa isang magandang larawan ng isang batang sanggol. Napangiti siya sa tuwing maalala ang kanyang anak. At saka napaluha siya ng ipinanganak niya itong patay na. Napahawak siya sa kwintas na nasa kanyang leeg, katulad iyon ng kwintas na ipinasuot niya sa kanilang unica hija ng namayapa niyang asawa na si Daniel Del Fuego.

"HOY! ano ka ba, tulala ka na naman diyan, may problema ka ba?" pukaw ni Diane sa kaibigang si Celina, absent si Leny kaya silang dalawa na lamang ngayon ang magkasama. Kasalukuyan silang nananghalian.

Kumurap-kurap si Celina, at saka ibinaling ang atensiyon sa kanyang pagkain, nawalan na siya ng ganang kumain. Ginugulo siya ng sulat-kamay ng kanyang namayapang ina. May malaki siyang katanungan kung bakit iyon nagawa ng kanyang ina. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Susmaryusep! Celina naman, ano nga kaseng problema mo, ako 'pag nainis sa'yo sasabunutan na kita," biro ni Diane sa lumuluhang kaibigan.

"Hindi ba pwedeng maging baliw ako minsan? E, gusto kong ilabas lahat ng sakit, e, ewan ko ba, Diane. Nalilito na ako kung sino ba talaga ako, ang sakit lang kase, e, dagdagan pa itong puso ko na sobrang baliw sa isang taong binalewala lang ang inuukol kong pagmamahal, pwede bang umiyak kahit ngayon lang?" saka nag-uunahang tumulo ang mga luha ni Celina, at saka siya humagulgol.

Naalarma naman si Diane at hinimas-himas ang likod ng kaibigan, gulat man siya sa reaction nito pero hahayaan niya muna itong ilabas ang lahat ng bigat sa dibdib nito. Saka na siguro niya tatanungin ang kaibigan sa problema nito kung handa na nitong sabihin sa kanila kung ano mang bumabagabag dito.

"Sige lang ilabas mo lang lahat 'yan," ang tanging nasabi na lamang ni Diane sa kaibigan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Celina's Obsession    Special Chapter - The End

    Mula sa kanyang likuran niyakap siya ni Lucas habang naghahanda siya ng breakfast. "Hindi ka ba papasok ngayon sa opisina?" takang tanong ni Celina sa asawa. Nakikiliti siya sa mumunting halik na ginawa nito sa kanyang batok. "Ouch! You forgot? It's our anniversary," kunwa'y tampo ni Lucas sa asawa. Maagap na hinarap ni Celina ang asawa. "Oh my, I'm so sorry nakalimutan 'ko," saad ni Celina saka niya ikinawit ang dalawang braso sa batok ng asawa. Pinulupot na man ni Lucas ang dalawang braso sa maliit na bewang ng dalaga. Sinakop agad ng mga labi ni Lucas ang mga labi ng asawa. Natigilan lang sila nang umiyak si baby Nathaniel na kasalukuyang nakaupo sa baby high chair. Mabilis na nilapitan ni Lucas ang umiiyak na si Nathaniel. Tumahan lang ito nang maramdaman ang bisig ng ama. "Mom, I'm starving," si Seth na kagagaling lang sa laro. "Take off your clothes honey, tiyak na basa na iyang likod mo," si Celina. Agad namang hinubad ni Seth ang damit at lumapit sa ama. "Dad, come on.

  • Celina's Obsession    Kabanata XXIX

    Ngayon ang araw ng kaarawan ni Seth kung saan mas pinili ni Celina na magpakain sa mga batang kalye at pulubi. Kahit man lang sa ganitong paraan mapasaya at mapalugod niya ang Dios na makapangyarihan sa lahat. Hindi iyon pagpapakitang tao, dahil mismo alam niya sa puso niya at alam ng Dios na ginagawa niya ito ng may pag-ibig sa kapwa niya tao. Si Lucas man ay naghatid iyon sa kanya ng aral sa buhay. Hindi niya akalaing ganito kabait ang kanyang napangasawa. Ang hindi niya makakalimutan na sinabi sa kanya ng asawa, huwag mong ipagsabi kung gagawa ka ng mabuti sa kapwa mo tao instead gawin mo ito sa lihim nang walang makaka-alam dahil mas mabuti kung mismo ang Dios ang may alam sa lahat ng ginawa mo kesa magbigay lugod sa mata ng tao. "Thank you," ani ni Celina at napayakap sa asawa. Nakangiting niyakap siya ni Lucas. "For you, sweety," tugon ni Lucas. Handa na ang 500 packs na pack-lunch para sa mga batang kalye at mga pulubi. Imbes na ipakain sa mga bisitang ma pera. Mas pinili ni

  • Celina's Obsession    Kabanata XXVIII

    Sa Hacienda Montenegro idinaos ang kasal nina Celina at Lucas. As you walk to front gates of the hacienda, you travel back in time to a more peaceful and romantic era. Makikita ang mga Ivy-covered balconies, an abundance of potted flowers, and a three-tiered fountain in the center give the space an Old World atmosphere yet so romantic. Off to one side is a wooden arbor, hung with stained-glass panels and entwined with vines, kung saan pupwesto ang dalawang ikakasal. Makikita na ang lahat was covering everything from floral decorations and there's a live music for the ceremony, to appetizers, drinks, dinner and even the wedding cake. Kumpleto na ang lahat. At still, piling bisita pa rin ang imbitado sa simpleng kasalan na iyon. No media and press allowed which is iyon ang mahigpit na ipinagbabawal ni Lucas para iwas gulo. "Nervous?" bulong ni Lucas kay Celina. Masuyo niyang hinawakan ang baba nito para iharap sa kanya at walang sabing inangkin ang mga labi ng dalaga. Pumikit si Celin

  • Celina's Obsession    Kabanata XXVII

    Nakangiti si Celina nang dumating si Gretel kasama ang anak nitong si Tharia na ngayo'y isang taong gulang. Habang karga naman ni Celina sa kanyang mga bisig ang anak niyang si baby Seth na kasalukuyang 11 months old."Mabuti naman at napadalaw ka," nakangiting wika ni Celina kay Gretel at saka lumapit kay Gretel para ito'y hagkan sa pisngi at pagdakay hinaplos na tila nanggigigil sa mamula-mulang mukha ni Tharia.Nahagip ng mga mata ni Celina ang pamilyar na bilugang mga mata ni Tharia, her eyes looks familiar. Bigla niyang naalala ang kanyang mommy Carolina sa mga matang iyon, at tila ba may naramdaman siyang koneksiyon sa mga matang iyon ng magandang anghel na nasa harapan niya. Mas lalo siyang nagulat ng ngumiti ito. It makes her heart jump for joy. "Just want to see your little baby, kaya kami napadalaw ng cute kong si Tharia, tita Celina," ani ni Gretel, hinagkan niya ang pisngi ng anak, at ngumisi ang batang babae habang pilit nitong inaabot si baby, Seth."Pwede ko ba siyang

  • Celina's Obsession    Kabanata XXVI

    Pero nagtataka si Gretel. Hindi ba't ang sabi'y naaksidente ang binata kasama ng mag-ina? Pero pansin niya ang benda sa kabilang braso nito. Ang mahalaga ay ligtas ang binata, hindi ba't iyon ang hinihiling niya? Nakaupo siya sa waiting area.Agad na naghiwalay sina Lucas at Celina nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Napalingon sila sa dalawang binatang bagong dating. Saka ito hinarap ni Lucas. "Kamusta na siya, Lucas?" tanong ni Hercules, samantalang lumapit naman si Thirdy kay Celina para yakapin ang kapatid."She's fine now," sagot ni Lucas kay Hercules sa seryosong tinig. Saka napa-hagulgol si Thirdy sa balikat ng dalaga. "I'm sorry for being too weak," tugon ni Thirdy sa kapatid. Saka naman naisipan nina Lucas at Hercules na bigyang privacy ang magkapatid. "Hindi naman ibig sabihin na ang pag-iyak ng isang tao'y kahinaan, it was your emotion a normal thing that must had happen to a person who'd lost their love ones, in your side I know that it's really hard. Lal

  • Celina's Obsession    Kabanata XXV

    Ikinawit ni Celina ang kanyang dalawang braso sa batok ng binata para paigtingin pa ang halikang naganap sa pagitan nila. Ngunit maagap na sinaway siya ng nakangiting si Lucas. Sh-t, ngiti pa lang nito gusto na niyang bumukaka sa harapan nito, what the heck, Celina! Ano naman ngayon? Hump! "Sweetheart, mamaya na okay? You must need to take your vitamins first, alright?" ani ni Lucas, pero ang totoo grabe rin ang pagpipigil na ginawa niya. Kailangan niya munang unahin ang kapakanan ng anak nila bago ang hangad ng kanilang pita ng laman. "Fine, may magagawa pa ba ako?" nanghihinayang sagot ni Celina at saka uminom ng vitamins na inabot sa kanya ni Lucas. How sweet naman talaga ng lalaking 'to. Sana hindi ito magbabago. "I need to go, kailangan mong kumain ng prutas dahil 'yon ang bilin ng doktor," turan ni Lucas at saka nito masuyong hinagkan ang kanyang noo pagdakay ang kanyang mga labi. "Ingat!" pahabol na tugon ni Celina sa binata. Kumindat ang binata saka ito nagmamadaling lumab

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status