LOGINPrimrose Delavin—isang ulilang babae na nagta-trabaho sa mababang sweldo, ay napilitang tanggapin ang delikadong alok ng kaibigan matapos ma-bankrupt ang kompanyang pinagtatrabauhan at mabantaan ng pagkakakulong. Ngunit nang ihatid niya ang pinagbabawal na gamot sa bibili nito, nasaksihan niya ang brutal na pagpatay ni Thaddeus Moss, isang malamig at walang awang mafia boss. Isang kakatwang hiling ang nagligtas sa kanya—at nagbukas ng pintuan sa isang delikado at maiinit na relasyon. Ngayon, si Thaddeus ang kanyang naging legal guardian, ngunit makaligtas kaya si Primrose sa isang mundo ng panganib, kapangyarihan, at pagnanasa na hindi niya inasahan?
View MorePrimrose's Point Of View.
"Prim, pinapatawag ka sa office ni Boss." Kaagad akong napahinto sa pagtipa sa computer at nilingon si Anna, ang secretary ng boss namin. "Pinapatawag? Bakit daw?" tanong ko ngunit nagkibit-balikat lang siya. "Hindi ko alam eh. . . Pero ang seryoso ng mukha ni Sir." Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako sa narinig. Kaagad akong tumayo at umalis ng aking cubicle, bumalik na rin si Anna sa pagtatatrabaho. Habang nasa loob ng elevator ay hindi ko maiwasang isipin kung bakit gusto akong makausap ni Sir Emman. Isang tao na akong natatrabaho sa WorkSpot, isang networking company na kung saan naghahanap kumakausap kami ng mga tao para mag-alok ng insurance. . . Hindi rin gano'n kalaki ang sahod na nakukuha ko dahil unang-una, hindi ako college graduate kaya mababa lang ang posisyon ko—umaasa lang ako sa mga quotang makukuha ko kada araw. "Good morning, Sir. Gusto mo raw po akong makausap?" seryosong tanong ko pagpasok ng opisina. Nakita kong may binabasa siyang kung ano sa laptop ngunit nang pumasok ako ay kaagad siyang napatingin sa'kin. Tinuro niya ang sofa. "Have a seat, Primrose." Mabilis akong sumunod sa sinabi niya at nanatiling tahimik, narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Primrose. May bad news ako para sa'yo. . ." Napakurap ako sa narinig, agad na kinabahan. "A-Ano po 'yon, Sir?" "Your agency team got scammed out of half a million pesos." Napasinghap ako at napatulala, hindi kaagad nakasagot dahil sa gulat. Nakita ko ang labis na pagkadismaya sa mukha ni Sir Emman. "Alam mo namang ilang araw nang hindi pumapasok ang Agency Leader niyong si Marga, hindi ba?" tanong niya at tahimik akong tumango. "Base sa leave of absence letter niya ay may sakit siya kaya ilang araw ding hindi makakapasok, nagpadala pa ng pekeng medical records. But guess what? Nasa ibang bansa na ang babaeng 'yon at nagtatago." "Hindi ko maintindihan, Sir. Siya ba ang kumuha ng kalahating milyon?" nagtatakang sabi ko ngunit umilang ang matanda. "Natatandaan mo ba noong nakaraang buwan, nagkaroon ng aksidente ang tatlo sa client niyo. Kaya nag-process ka ng pera para ibigay sa tatlong taong 'yon... Tama ba ako, Primrose?" Tumango ako. "Opo, Sir." "But you got scammed. . . We found out that it was a fake accident. Magkakasama ang tatlong 'yon, hindi sila naaksidente sa pare-parehong araw at oras pero sa iisang buwan lang nangyari ang lahat ng 'yon... At sa isang buwan na 'yon, kalahating milyon ang nawala sa ating kompanya." "A-Alam po ba ni Marga ang tungkol diyan?" "Yeah... That's why she's hiding in abroad now. Hindi na rin namin mahanap ang tatlong client na niloko kayo." "Ano pong mangyayari ngayon, Sir?" kinakabahang tanong ko, narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "I'm sorry to say this, but you owe us half a million." Kaagad akong napatayo dahil sa narinig, nanlalaki pa ang mga mata dahil sa gulat. "K-Kalahating milyon? Pero bakit, Sir?" "Nakalimutan mo na rin bang ikaw ang insurance agent ng tatlong client na 'yon?" Tuluyan na akong hindi nakapagsalita, sinubukan kong ibuka ang aking bibig ngunit wala akong mahanap na boses. . . "Totoong malaki rin ang kasalanan ni Marga sa kasong 'to pero bago niya ibigay ang proposal para magbigay ng pera ang mga client, ikaw muna ang gumawa no'n, hindi ba? Isang taon ka nang nagtatrabaho sa kompanya ko, at mahirap mang sabihing nagpabaya ka, pero ayon ang nangyari, Primrose..." "Ikaw ang puno't dulo ng problemang kinakahanap ng kompanya, Primrose. . . At kailangan mong bayaran ang kalahating milyon sa loob ng isang linggo dahil kung hindi. . . Wala akong magagawa kundi kasuhan ka..." Pinigilan ko ang pagtulo ng aking luha. "Sir, kung intesyon naman nilang pagnakawan tayo ng pera, malalaman ko ba 'yon?" "Pero hindi mo tiningnan mabuti kung nagsasabi ba sila ng totoo." "Dahil may sapat na ebidensiya silang pinakita sa'kin, Sir. . . Alam mo namang hindi ako basta-basta magpapasa ng proposal kung alam kong hindi totoo ang sinasabi ng client ko, hindi ba?" "Sabihin na nating tiningnan mo ngang mabuti... Pero kulang pa rin 'yon, Primrose. Nilagay mo sa alanganin ang kompanya natin... Ngayon, kailangan mong ibalik ang pera o makukulang ka." Pagkatapos ng naging pag-uusap namin, hindi na ako nakapagpokus pa sa trabaho. Ramdam ko rin ang bulungan ng mga ka-trabaho ko, mukhang alam na nila ang nangyari. Kalahating milyon? Saang kamay ng Diyos ko hahanapin ang kalahating milyon na 'yon? Sa sinasahod ko pa lang at ibang mga utang, ni hindi pa nga ako makakapagbigay kahit 20 thousands. "Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ng kaibigan kong si Rina nang puntahan ko siya sa bahay niya pagkatapos ng trabaho. "May malaki akong problema," sagot ko nang makaupo. "Pera?" Mabilis akong tumango. "Kalahating milyon." "Ah. . . Kalahating milyon lang naman pala! Kayang-kaya 'yang gawan ng paraan—," wika niya bago manlaki ang mga mata at lingunin akom "Tangina, kalahating milyon?!" "Kalahating milyon, Rina." "Anong pinagagagawa mo sa buhay mo?!" Pinaliwanag kong mabuti sa kaniya ang nangyari at nang matapos, malakas na lamang siyang napamura. Kahit siya ay nanggagalaiti sa sitwasyon ko. "Anong plano mong gawin ngayon?" tanong niya. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. . . Dadalawin mo naman siguro ako kapag nakulong na 'ko, hindi ba?" "Tanga. . . Dalawa tayong makukulong!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Hindi mo pa rin tinitigilan ang trabaho na 'yan?" tanong ko at umilang siya. "Hindi dahil malaki ang kinikita ko eh... Isipin mo, Prim. Maghahatid ka lang ng drugs, limpak na limpak na libo na ang kikitain mo," paliwanag niya. "Ang tagal-tagal na kitang sinasabihan na ito na lang ang gawin mong trabaho kaysa sa pagiging insurance agent na hindi naman makaratungan ang sahod!" "Baliw ka ba? Napaka-delikado niyan!" "Pero tingnan mo, Primrose... May isang linggo ka na lang para bayaran ang kalahating milyon. At kung araw-araw, magdedeliver ka ng mga drugs, pwedeng-pwedeng makapagbayad ka!" Napailang na lamang ako. "Kapag nahuli ako, sa kulungan pa rin ang bagsak ko." "Isang taon na 'kong kumakapit sa patalim, nahuli ba ako? Hindi dahil pinoprotektahan kaming mabuti ng mga amo namin... Kaya kung ako sa'yo, mag-isip-isip ka na." Natahimik na lang ako sa narinig... Alam kong ganito na talaga ang trabaho niya dahil katulad ko, hindi rin siya nakapagtapos ng pag-aaral. Ayaw niya namang sumubok ng ibang trabaho dahil ang sabi niya, mas mabilis ang pera sa pagdedeliver lang ng drugs... "Sigurado ka bang hindi tayo makukulong diyan?" paninigurado ko at ngumiti siya sa'kin. "Huwag kang mag-alala, Primrose. Ang isipin mo lang ay mahatid mo ng ligtas ang mga drugs at mababayaran ka ng mas malaki pa sa sahod mo ngayon. . . "Primrose's Point Of View.Ngunit nasa ganoon kaming posisyon noong biglang may nag-doorbell sa labas, kaagad kaming napahintong dalawa at nagkatinginan.Ilang sandali kaming natahimik hanggang sa muling tumunog ang doorbell, mas lalo akong kinabahan. Hanggang sa biglang tumunog ang phone niya na nasa lamesa, mabilis kong nilingon 'yon at nakita ang pangalang "Wendy". Nang makita niya 'yon ay mabilis siyang umalis sa gitna ng mga binti ko.Habang nanatili naman akong nakahiga at pinanood siyang sagutin ang tawag."Hey, why did you call?" wika niya sa kabilang linya, napatingin pa siya sa'kin na parang pinapanood ang reaksyon ko. "What? You're here?"Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng girlfriend niya kung bigla siyang pumasok dito sa loob at makita akong halos hubot-hubad na sa sofa ng boyfriend niya.Shit... Kakasabi ko lang na ayokong maging kabit. Pero ano 'tong ginagawa ko?! Pero bakit kasi nagtataksil ang lalaking 'to sa girlfriend niy
Primrose's Point Of View.Shit! Hindi pwede 'tong ginagawa namin.May girlfriend siya! Honey pa nga ang callsign. At kakasabi ko lang, ayokong maging kabit.Pero kahit anong sabihin ng isipan ko, hindi ko magawang itulak siya lalo na noong simulan niya 'kong halikan sa labi. Kaagad kong nalasahan sa bibig niya ang magkahalong mint candy at sigarilyo.Impit akong napasigaw. Ang first kiss ko! Wala na! Oo, pangarap kong magkaroon pero hindi ako makapaniwalang ang lalaking pang 'to ang makakauna sa'kin."I'm really your first kiss, huh?" tanong nito nang sandali siyang huminto sa paghalik sa'kin. "You're so bad at kissing."Hindi ko maiwasang mapairap. "Malamang hindi ko alam kung paano.""Then I'll show you."Bago pa 'ko tuluyang makapagsalita, muli niya 'kong hinalikan at kaagad kong naramdaman ang dila niyang pilit gustong pumasok sa loob ng bibig ko. Wala akong magawa kundi ang ipikit na lamang ang aking mga mata at hayaan siya, hindi ako humahalik pabalik at pinapakiramdaman lang an
Primrose's Point Of View.Thaddeus Moss?Ang ganda naman ng pangalan. . ."Anong itsura niya?" tanong ko ngunit umilang si Rina."Bago lang kasi natin siyang costumer pero mukhang high profile na tao kaya walang picture na binigay 'yung amo natin."Napakunot ang noo ko. "Eh paano ko makikilala na siya ang pagbibigyan ko?""Magtanong-tanong ka na lang siguro. . . Pero mukha namang matanda na 'tong costumer na 'to dahil usually naman matanda ang mga bumibili sa'tin kaya hindi mahihirapan."Tumango ako bago kunin ang brief case at ilagay 'yon sa totebag. "Sana lang, walang masamang mangyari ngayon, 'no?" wika ko sa kaniya ngunit ngumiti lang siya sa'kin."Magtiwala ka lang, Prim."Nagpaalam na akong umalis na para maibigay ko ito kaagad. Habang naghihintay ako sa terminal ng bus, tumunog ang phone ko at nakita ang chat ni Sir Emman.Sir Emman:4 days na lang ang natirirang araw mo, Primrose. Makakapagbayad ka pa ba o ihahanda ko na ang warrant of arrest?Hindi ko maiwasang kabahan dahil
Thaddeus's Point Of View.Damn it. I was so aroused already.Paniguradong nagtataka ang babaeng 'yon kung bakit bigla na lang ako umalis. . . Pero dapat siyang magdiwang dahil sa oras na muling magtagpo ang landas namin, hinding-hindi ko na siya bubuhayin pa."Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Aiden pagbalik ko ng SUV, kaagad siyang nagmadaling magmaneho. "Nahirapan ka bang patayin si Jose? I doubt that.""I saw a woman. . . A dumb woman," I answered him. "Isa ka ring tanga eh. . . Hindi mo ba napansin na may nakapasok na ibang tao? Didn't I told you to look out?"I saw him smirked. "Pasensya na, nasarapan kasi ako makipag-make out sa maid ni Jose.""What the hell?""Don't judge me! I was just so horny right now! Kailangan kong malabas 'to, Thaddeus.""But why did you choose a maid?""Out of option. . . Sa totoo lang, hindi naman magaling mag-blow job eh. Pinagtyagaan ko na lang."Naalala ko ang nangyari kanina. "Yeah, that woman didn't know how to suck properly.""What?!" gulat






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.