Share

Chain of Lies
Chain of Lies
Author: sinblue

Kabanata 1

MABIGAT ang hakbang na tumatakbo ako papunta sa ICU. Tinawagan kasi ako ng doktor na nag-cardiact arrest daw ang mama ko. Halos awayin ko ang taxi driver kanina para lang makarating ako dito sa hospital at masigurong ligtas na si mama. Masakit sa akin ang nangyayari sa kaniya at hindi ko kakayanin kung tulad ni papa ay kukunin rin siya sa akin ng langit.

Halos wala akong boses nang tanungin ko ang doktor, “K-Kumusta na po ang mama ko?”

Tiningnan niya ako na may bahid ng labis na pag-aalala. Tumindi ang panginginig ng mga labi ko habang sinasalubong ang kaniyang mga mata.

Bumuga siya ng hangin. “Kailangan na natin siyang maoperahan, miss Castro. Delikado na ang lagay ng mama mo.”

Suminghap ako at napatakip ng bibig. Ano? Anong gagawin ko? Natatakot ako!

“Hindi pwedeng matapos ang linggo na ito na hindi siya naooperahan, miss Castro.” dugtong ng doktor saka umalis.

Mas lalo akong napaiyak. Nanghihinang napahawak ako sa salamin ng ICU at pinagmasdan ang kaawa-awa kong ina. Anong gagawin ko? Wala na kaming pera. Naubos na lahat iyon sa pagpapagamot ni papa na hindi rin nagtagal sa amin. Sana, ako nalang ang napuruhan sa aksidente namin. Bakit kailangang ang mga magulang ko pa? Bakit sila?

Tuluyan akong napaluhod sa harapan ng makapal na bubog at doon mas humagulhol ng malakas. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang marahang paghawak ng kung sino sa balikat ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha. Humikbi ako at hinang-hina na napayakap kay Alicia, ang nag-iisang bestfriend ko.

“Anong gagawin mo, Blair? Pwede mo naman kasing tanggapin ang offer ko sayo.”

Umiling ako at humigpit ang yakap sa kaniya. “Napakalaking halaga ng kailangan ko, Alicia. Hindi ako sigurado kung mababayaran ba kita kaagad o kung mababayaran talaga kita.”

“Then do me a favor. Kapalit ng perang ibibigay ko sayo, gawin mo ang hiling ko.”

Nag-angat ako ng mukha at tinitigan siya. Para sa mama ko, kahit ano ay gagawin ko. “A-Anong gusto mong gawin ko?”

HINDI ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko habang suot ang maikling dress na kulay pula. Sinadyang bilhin ito ni Alicia para sa plano namin ngayong gabi na hindi ko alam kung paano ko gagawin ng tama. Natatakot ako!

“Lakasan mo lang ang loob mo, Blair. Tandaan mo, para ito sa pagpapagamot ng mama mo kaya kailangan mo 'tong gawin.” mariing paalala sa akin ni Alicia. Suot niya ang kapareho ng suot kong damit, maging ang buhok namin ay pareho rin ng ayos.

Tinitigan ko siya. “Kinakabahan at natatakot ako, Alicia.”

Sumimangot siya. “Kailangan kita, Blair. Madali lang naman itong hinihingi ko sayo. Simpleng one night stand lang 'to.”

Napayuko ako. Pakiramdam ko'y isa na akong bayarang babae dahil sa gagawin namin. Para ito kay mama pero sigurado akong hindi niya magugustuhan ang gagawin ko. Gayunpaman, gusto ko pa ring subukan na iligtas siya.

“Teka, sigurado ka bang fertile ka ngayon?” naninigurado pang tanong ni Alicia.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka tumango. Ang kasunduan namin ay kailangan kong sumiping sa lalaking nagugustuhan niya. Kailangan kong mabuntis at gagamitin niya raw ang bata para mapalapit sa mayamang lalaki na iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya kadesperadang makuha ang lalaking iyon pero desperada na rin akong mailigtas ang buhay ng mama ko na nasa bingit na ng kamatayan.

“Oras na mabigyan ko siya ng anak, tiyak na agad niya akong pakakasalan. Ganoon ang mga de Marco, Blair. Kaya ayusin mo ang kabado mong mukha at tulungan mo akong makamit ang pangarap ko.”

Lumunok ako at tinitigan si Alicia. “P-Pwede ko bang malaman kung kailan natin mapapaoperahan si mama?”

Ngumisi siya. “Bukas na bukas rin, Blair.”

Hindi na ako nagsalita. Lumunok ako ng matindi, pilit na nilakasan ang aking kalooban kahit halos mahimatay na ako sa nerbiyos. Ngayong gabi ay mawawala na ang iniingatan kong pagkabirhen pero mas pipiliin ko itong mawala kaysa mabigo sa aking ina.

SUOT ang mataas na sapatos ay nagtatago ako sa banyo ng isang hotel room. Dito dadalhin ni Alicia ang mayamang bachelor na si Lukas de Marco. Siya ang lalaking matagal na palang pinapangarap ni Alicia at hindi ko siya masisisi dahil kahanga-hanga talaga ang negosyante na iyon. Mayaman, matalino, guwapo at may pinag-aralan.

Naiintindihan ko kung bakit magagawang pikutin ni Alicia ang lalaki pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangang ako ang magpabuntis. Natatakot rin ako na mabisto niya kami kaya halos pagpawisan ang mga kamay at paa ko dito sa banyo.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto na sinundan ng mga yabag. Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng cr. Napatingin ako kay Alicia na agad akong kinindatan. Hinila niya ako patayo mula sa pagkakaupo sa toilet.

“Ikaw na ang bahala sa kaniya, Blair. Galingan mo para ganahan siya. Siguraduhin mong hindi siya gagamit ng condom at tiyakin mo rin na ipuputok niya sa loob mo ang katas niya. Kung maaari ay gawin niyo hanggang madaling araw para siguradong mabubuntis ka.”

Napalunok ako habang hindi maproseso ng isip ko ang mga paalala niya sa mababang tono.

“Blair! Ano na?” tila naiirita niyang dugtong gamit pa rin ang mahinang boses.

“H-Hindi ba pwedeng ikaw nalang, Alicia?”

Umikot ang kaniyang mga mata. “Kung gusto kong magkaanak, hindi na kita hahayaan pang magpasarap sa lalaking kinababaliwan ko. Pasalamat ka pa nga at matitikman mo siya. Tiyak akong mag-eenjoy ka rin.”

Nagulat ako sa tinuran niya. Hindi ganito magsalita si Alicia at kailanman at hindi niya ako ginanito. A-Anong nangyayari.

Bigla siyang napasinghap, tila natauhan. Ngumuso siya. Umamo bigla. “Sige na kasi, Blair. Please!”

Muli akong lumunok at marahang tumango. Wala na rin naman akong magagawa. Muli akong humugot ng malalim na buntong-hininga para ipunin ang tapang sa d****b ko.

Hinawakan ko ang seradura ng punto saka ito binuksan at napatili ako nang hablutin ako ng mainit at matigas na mga bisig. Binuhat niya ako at itinapon sa malambot na kama.

Nanlaki ang aking mga mata nang masalubong ang tila nag-aapoy na mga mata ng isang gwapo at matangkad na lalaki sa paanan ko. Suminghap ako at tinangkang bawiin ang paa ko nang hilahin niya ako. Huli na nang mapagtanto kong nasa ibabaw ko na siya at inaatake ng marahas at mapusok na h***k ang aking leeg at katawan.

Halos pangapusan ako ng hangin dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bahagya ko siyang tinulak. “S-San—Sandali!”

Nag-angat siya ng mukha. Pakiramdam ko'y nalulunod ako dahil sa klase ng titig niya. Ngumisi siya. Bakas sa kaniyang mukha ang kalasingan at namumungay rin ang luntian niyang mga mata. “What? Kanina sabik na sabik ka sakin. Nahihiya ka na ngayon?”

Hindi ako nakapagsalita. Mahina siyang tumawa saka marubdob na sinibasib ng h***k ang mga labi ko. Kumislot ako nang maramdaman ko ang kaniyang malaking palad na humahaplos sa lantad kong hita.

Mariin akong pumikit. Natatakot ako sa gagawin ko pero wala nang atrasan 'to. Buhay ng mama ko ang nakasalalay kaya kahit ano ay gagawin ko.

“Ah!” impit akong napaungol nang punitin niya ang suot kong damit at agad na isinubsob ang kaniyang mukha sa aking h***d na itaas.

Napatulala ako sa kisame at napaluha. Kailangan kong gawin ito. Kailangan!

Muli niyang sinalakay ang mga labi ko. Sa pagkakataong ito ay nanlaban na ako, lumaban ako sa mapusok niyang h***k habang mas hinahapit ang kaniyang matigas na katawan palapit sa katawan ko.

Halos manginig ako sa mainit at mapusok niyang mga haplos at h***k. Pakiramdam ko rin ay papanawan ako ng ulirat nang tuluyan niyang maangkin ang katawan ko. Tahimik nalang akong napaiyak dahil sa awa sa sarili ko. Pagkatapos nito, sisiguraduhin kong mamumuhay na ako ng disente kasama ang mama ko.

WALANG pag-iingat at sunod-sunod na yugyog ang gumising sa akin kinabukasan. “Blair, gising! Blair!”

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata mata. Sinalubong ako ng nanlalaking mga mata ni Alicia. Napasinghap ako nang maalala ang mga nangyari kagabi. Lumingon ako sa tabi ko. Padapang natutulog ang lalaking nakaniig ko kagabi. Kapwa kami walang saplot at tanging kumot lamang ang tumatakip sa aming katawan.

Lumunok ako at nilingon si Alicia. “A-Alicia.”

Tumayo siya ng tuwid at naglapag ng damit sa ibabaw ko. “Magbihis ka na at umalis bago ka pa niya maabutan.”

Dahan-dahan akong bumangon pero napaungol ako sa sakit ng katawan ko. Maluha-luhang tiningnan ko si Alicia. “M-Masakit ang katawan ko.”

Marahas siyang umiling saka kinuha ang t-shirt na ibinigay niya sa akin. Siya na mismo ang nagsuot nito sa katawan ko. “Kailangan mong makaalis bago ka niya makita, Blair. Tandaan mo, may kasunduan tayo.”

Muli akong lumunok saka tumango. Hirap na hirap ako sa pag-upo sa gilid ng kama. Maingat kong isinuot ang underwear na suot ko rin kagabi saka isinuot ang pants na kasama ng t-shirt na pinasuot sa akin ni Alicia.

Nakahawak ako sa kama bilang suporta sa pagtayo. Inabutan naman ako ni Alicia ng isang libo. “Magtaxi ka pauwi sa apartment mo. H'wag kang lalabas doon, pupuntahan kita mamaya.”

Tinitigan ko siya. “Ang mama ko?”

Tamad siyang bumuga ng hangin. “Binayaran ko na ang bill niya. On-going na ang operasyon niya ngayon.”

Napatango-tango ako saka nagsimulang maglakad paalis. Nang tumapat ako sa pinto ng kwarto ay nilingon ko pa ang lalaking mahimbing pa ring natutulog. Hindi ko alam kung bakit kumabog ng malakas ang d****b ko nang mapagmasdan ko ang payapa at guwapo niyang mukha. Nakaharap kasi siya sa direksyon ko.

“Blair, alis na!”

Napatango ako kay Alicia at akmang aalis na nang muli niya akong tawagin. “Sandali, Blair.”

Muli ko siyang nilingon. Umawang ang labi ko nang makitang hinuhubad niya ang lahat ng damit niya. Binilot niya ito saka naka-underwear lang na lumapit sa akin. “Dalhin mo itong mga damit ko. Sige na!”

Wala akong nagawa nang ipagtulakan niya ako palabas. Iika-ika ako na umalis sa kwarto na iyon at agad na lumabas ng building. Pinagtitinginan pa ako ng mga staffs at ibang guests dahil paika-ika ako, magulo ang buhok at yakap ang binilot na damit ni Alicia.

Lumunok ako at iniyuko ng todo ang ulo ko. Mabilis akong pumara ng taxi nang makalabas ako at nagpahatid sa apartment ko. Hindi ko naiwasang mapaiyak habang lulan ng taxi. Natatagtag kasi ang katawan ko at sobrang sakit talaga ng pagitan ng hita ko.

SUCCESSFUL ang naging operasyon ni mama pero hindi ko alam kung anong klase ng laro ang ginagawa ng tadhana sa akin dahil matapos ang tatlong linggo ay binawian siya ng buhay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung magwawala ako. Kung iiyak o tatapusin ang buhay ko para alisin ang sakit na nararamdaman ko.

“Blair, hindi ba't sinabi ko na alagaan mo ang sarili mo? Baka mamaya mapaano ang anak namin ni Luke!”

Nilingon ko si Alicia. Isang buwan na akong buntis at hindi ko maintindihan kung bakit inaangkin ni Alicia ang anak ko. Oo, may kasunduan kami pero habang lumalaki ang tiyan ko, pakiramdam ko'y napupunit ang puso ko sa ideyang kukunin ni Alicia ang batang iluluwal ko.

Hinila ako ni Alicia at pinaupo sa kama. Binigyan niya ako ng isang slice ng mansanas. “Kainin mo ito. Kailangan mong kumain. Kailangan healthy ang baby namin ni Luke!”

Tinitigan ko siya. “Alicia, pwede bang humanap ka nalang ng ibang gagawa ng anak para sayo? Ayoko na, Alicia.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Anong sinasabi mo?”

Yumuko ako. “A-Ayoko nang ipamigay ang baby ko.”

Kamuntik na akong mahulog sa sahig nang malakas niya akong sampalin. Hinawakan niya ng mahigpit ang mga braso ko. “SINASABI MO BANG HINDI MO IBIBIGAY SA AKIN ANG ANAK NAMIN NI LUKE?”

Suminghap ako. “Alicia, anak ko ito!”

Muli niya akong sinampal. Napaiyak ako dahil sa sakit, sakit na sa damdamin ko umatake dahil kaibigan ko si Alicia pero ginagamit niya lang ako.

“Wala kang utang na loob! Ang laki ng perang winaldas ko sa pagpapagamot sa nanay mo tapos ganito ang igaganti mo sa akin? Ang kapal ng mukha mo!”

Humikbi ako. “B-Babayaran kita, Alicia. B-Babayaran kita b-basta 'wag mong kunin ang anak ko!”

Tumayo siya at tiningnan ako ng matalim. “Paglabas ng anak namin ni Luke at naghabol ka... ipapapatay kita!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status