“Bakit mo naisipang itanong sa kanyang motibo nang krimen?” tanong ko kay Alex.
“Nagkaroon sila nang alitan nang kanyang asawa at sinabi niya pa na may babae ang kanyang mister. Posibleng paghihiganti, galit o puot ang nararamdaman niya nang malaman niya ito. Posible din na siya ang pumatay sa kanyang asawa. Sinusubukan ko lang siyang hulihin siya. Pero natunugan niya ako,” sagot niya sa akin.
“Sabagay may punto ka rin, kaso lang sa iyong tanong ay hindi na tayo makakabalik sa bahay niya,” ani ko sa kanya.
“Wala siyang magagawa, oras na malaman natin ang totoo, siya man o hindi ang pumatay ay magkikita pa rin tayo sa korte para ihain ang kaso na kinakasangkot nang suspek ngayon,” sagot sa akin ni Alexander.
Muli kaming bumalik sa kanyang kotse at pumunta sa address na binigay sa amin ni Misis Perez bago niya kami palayasin sa kanyang bahay.
Kumatok kami sa kanyang pinto nang nasabing babae ni Mister Perez at pinagbuksan kami nang isang singkit at maputing babae.
Masasabi ko talaga na mas angat ang kanyang kagandahan kaysa kay Misis Perez pero kahit na, walang dahilan para magloko siya sa kanyang asawa lalo na at may mga anak sila. “Ano po ang maitutulong ko sa inyo officers?” tanong niya sa aming dalawa ni Alex.
“Napag-alaman kase naman na isa ka sa mga taong palaging kasama ni Mister Emilio Perez. Andito kami para ikaw ay aming makapanayam at sagutin ang mga katanungan. Ikaw ba si Lea Yuki?” tanong ni Alexander. Napalunok si Lea nang marinig niya tatanungin namin siya patungkol kay Mister Perez.
“Yes po officers. Tumuloy po kayo sa aking bahay,” pag-anyaya niya sa amin paloob nang kanyang munting tahanan. “Pasensya na at magulo ang bahay,” dagdag pa niya.
“Maraming salamat at pinatuloy mo kami,” pagpapasalamat ko sa kanya. “Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Ikaw ba ang babae ni Mister Perez?” direktang tanong sa kanya ni Alexander. Napayuko ang babae at napaiyak.
“Opo officers. Ako nga po,” pag-amin niya sa amin.
“Paano kayo nagkakilala ni Mister Perez?” tanong ko sa kanya. Hinarap kami nang babae at pinunasan ang kanyang mga luha.
“Nagkakilala kami sa loob nang bar. Isa akong prostitute. Sumasayaw ako stage at ginagamit ang aking katawan para magkapera. Wala akong pinag aralan, ulila na ako sa aking mga pamilya. Wala rin akong mga kamag-anak sarili ko lang ang binubuhay ko. Dahil nga sa hirap nang buhay at walang halos tumatanggap sa akin ay naisipan ko nalang na maging prostitute,” pagkwento niya sa amin.
“Isang gabi ay nagpunta si Mister Emilio Perez sa aming bar at nakita niya akong sumasayaw sa stage. Inaamin kong inakit ko siya noong mga oras na iyon dahil sa porma pa lang niya ay mukhang mayaman. Para magkaroon nang laman ang aking tiyan ay sumama ako sa kanya. Inilalabas niya ako sa bar at nagtatalik kami sa loob nang hotel at bukod pa doon ay binigyan niya ako nang malaking pera. Madalas ang aming pagkikita hanggang sa binili niya ako sa aking amo sa loob nang bar. Doon ako naging malaya at doon din ako nakaramdam nang totoong pagmamahal,” sabi niya sa amin.
“Paano ka naging secretary ni Mister Emilio Perez?” tanong ko sa kanya.
“Alam kong wala akong pinag-aralan. Humingi ako nang pabor sa kanya na maging isang trabahante sa kanyang negosyo. Ang hiningi ko lang sa kanya ay kahit maging taga-linis niya lang ako o kahit anong trabaho bukod sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ibinigay niya sa akin ang posisyon na maging secretary niya,” dagdag pa niya.
“So ang ibig sabihin ay mayroon na kayong relasyon ni Emilio Perez noon pa man bago ka naging secretary sa kanya?” dagdag na taong ni Alex.
“Opo officers,” mahinahong sagot niya sa amin.
“Didiretsahin na kita Lea Yuki,” sabi ni Alex. Kinakabahan ako sa kanyang itatanong sa babae.
“Ikaw ba ang pumatay kay Mister Perez?” tanong sa kanya ni Alex. Muling napaiyak ang babae at humagulgol.
“Hindi ko magagawa iyon sa kanya. Mahal na mahal ko siya, kahit alam kong may asawa siya ay okay lang sa akin. Okay lang din na maging kabet ako dahil siya lang ang naging kaligayahan ko at siya lang din ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ako sa mundong ito,” sagot sa amin ni Lea.
Naawa ako sa kanya pero hindi ko pwedeng ipakita nag aking emosyon. Kinuha ko ang aking puting panyo at ibigay ito sa kanya.
“Please officers. Kayo nalang ang inaasahan ko. Bigyan niyo po ang hustisya ang pagkamatay nang aking mahal na si Emilio Perez,” pagpa-pakiusap sa amin ni Lea.
“Gagawin namin ang lahat nang makakaya namin. Pinapayuhan din kita na mag-ingat, huwag mag-tiwala sa mga taong nakapaligid sa iyo at kung pwede lang ay huwag kang lalayo dahil babalikan ka pa namin sa susunod. Huwag kang mag-alala ibibigay ang hustisya na kailangan ninyo,” pagpapa-alala ko kay Lea.
Pagkatapos namin siyang kausapin ay nag-pasya kami ni Police Major Alexander Dawson na bumalik na sa headquarters dahil baka hinahanap na kami ni Police Colonel Santos. Hindi rin pala kami nakapag-paalam na lalabas kami.
Muli kaming sumakay sa sasakyan at umalis. Pagkadating namin doon sa headquarters ay nakita ko si Celyn na nakaupo sa kanyang upuan habang hawak-hawak ang mga papel nang bagong pasok na murder case ni Emilio Perez.
Napaupo rin si Alexander sa kanyang upuan habang ako naman ay ipinapatawag ni Police Colonel Santos sa kanyang office. Habang naglalakad ay iniisip ko kung ano na naman kaya ang sasabihin sa akin ni Colonel.
Kumatok ako sa kanyang pinto at pumasok sa kanyang opisina. Sumaludo ako sa kanya bago tuluyang lumapit sa kanyang kinauupuan. Nanatili akong nakatayo sa kanyang harapan habang inaantay siyang magsalita.
“Kamusta nag takbo nang mga kaso Captain Enriquez?” tanong sa akin ni Colonel Santos.
“Wala po kaming lead sir sa unang kaso ni Mister Robert Malinao maliban nalang sa naiwan na bala sa crime scene. Sa ikalawang kaso naman ay maaring love-triangle ang motibo nang pagpatay sa biktima dahil napag-alaman namin na nagkaroon ng ibang karelasyon ang asawa ni Misis Perez na si Mister Emilio Perez at siya ay si Lea Yuki. Nakapanayam na namin ang dalawang panig. Pareho nilang itinatanggi na sila ang pumatay kay Mister Perez. Habang si Misis Malinao naman ay tumanggi na mag-bigay nang statement niya patungkol sa krimen,” sagot ko sa kanya.
“Ganun ba?” Napahinga nang malalim si Colonel Santos nang malaman niya ang takbo nang kaso. Hindi na rin ako nagtagal sa loob nang kanyan office. Sinabi niya lang sa akin ay kung may bago kaming nalaman ay agad kong ipaalam sa kanya.
Bumalik ako sa loob nan gaming opisina at umupo sa harapan nilang lahat. “Anong sinabi sa iyo ni Colonel Santos?” tanong sa akin ni Alexander.
“Wala naman tinanong niya lang kung kamusta ang mga kaso na hinahawakan natin,” sagot ko sa kanya.
“Anong naging reaksyon niya nang malaman niya ito?” dagdag na tanong sa akin ni Celyn habang nata-type pa rin sa kanyang laptop.
“Hindi ko alam pero nakita ko sa kanyang mukha na naging dismayado siya sa takbo nang kaso mukhang kasing bagal nang pagong,” sagot ko sa kanila.
“Nakasulat sa noo nang batang lalake ang salitang ‘JUSTICE’,” sabi sa akin ni Luna. Anong hustisya ang hinahanap niya? Eh dapat ang magkaroon nang hustisya ay ang pamilya nang mga batang ito. “Oh God…” sabi ni Nicky habang hawak-hawak ang kanyang laptop. “Bakit anong mayroon?” tanong sa kanya ni Austin. Iniharap ni Nicky ang kanyang laptop sa amin at inilagay ang laptop sa lamesa. Nakita namin ang dalawang batang lalake na nakalive sa isang website. Nakatali silang dalawa sa armchair at nakapiring. “Hindi ko matrace ang location kung nasaan nanggagaling ang signal. Mukhang matindi ang ginamit niyang website breaker at hinacked ito,” sabi naman ni Nicky. “Shit! Anak ito si Sir Collins at ang kaibigan niya, kailangan natin ang Cybercrime group ipaabot sa kanila ang balita!” utos ko kay Symae. Tumingin ako sa may upper right side at nakalagay na nakalive ang video na ito at napapanood nang mga tao. “Ngayon? Pwede ko na ba makuha ang atensyon ninyo?” sabi nang lalake na hindi kita a
“Major? May nakita akong mga pasa sa binti nang biktima mukhang minaltrato pa itong batang lalake na ito bago tinuluyang patayin,” sabi sa akin ni Lucy. “Teka teka, namatay ba ang batang lalake sa pagpalo nang mga bagay-bagay sa kanya bago tinuluyang hiwain ang kanyang katawan pati tanggalin ang laman at loob nito?” pagliliwanag ko sa kanya. “That’s right. Nagkaroon nang internal bleeding ang bata, isa pa. Kung titingnan mo ang ulo nang bata na ito, mukhang hinampas din ito nang malakas, nahimatay itong bata, nawalan nang malay at pinagpatuloy pa rin ang paghahampas nang kriminal hanggang sa tuluyan na itong mawalan nang buhay at inumpisahan na hiwain ang kanyang dibdib hanggang tiyan,” sabi sa akin ni Lucy. “Kahit an
Kinabukasan ay isang bangkay ang natagpuan sa harap nang paaralan nang San Ramon Academy at ang estudyante ay kinilala sa pangalan na Shawn Pamoy na ang isa sag a dinukot.Agad na kaming remesponde sa eskwelahan. Nakita namin na wala na rin laman at loob ang estudyante, kasabay namin na dumating ang Pamilyang Pamoy para kumpirmahin na kung anak ba nila ang nakahilata sa sahig na walang buhay.Nang makalapit ang nagpakilalang ina nang bata ay nag wala na ito dahil anak niya nga ang batang nakahiga.“Ang anak ko! Ang anak ko! Renz ang anak natin!” sigaw nang ginang. Halos hindi siya makapaniwala na ganito ang sinapit nang kanyang anak. Nakatunog din ako, posible kaya ang pumatay sa anak ni Sir Luisito ay siya rin ang dumukot sa iba at pumatay sa kawawang bata itong? Ito ang katanungan na kailangan namin masagot.Nagulat kami nang biglang sumulpot si Colonel Collins sa amin at tiningnan ang bangkay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aa
Pagpasok namin sa loob nang aming opisina ay agad kaming nagulantang sa balita na nakarating sa amin.Nakita namin si Colonel Collins na nasa loob na nang aming opisina para ireport sa amin ang insidente na nangyare sa kanyang anak dahil daw dinukot daw ito mismo sa kanilang eskwelahan.Humingi nang tulong sa amin si Colonel, hindi niya naman kailangan na humingi nang tulong dahil tungkulin namin ang gawin ang aming obligayson. “Hindi lang ang anak ko ang dinukot, dalawa daw sila nang kaibigan niya, ito ang sabi nang ga nakakita, hindi na daw nakapalag ang dalawang binata dahil tinutukan sila nang baril at pwersahang pinapasok sa loob nang kotse,” sabi sa akin ni Colonel. “Huwag niyong hayaang mawala ang aking anak,” dagdag niya sa amin. Pagkatapos niyang sabihin sa amin lahat ay napatulala lang kami
Kinabukasan ay napaaga ang aking gising dahil nakapagpahinga ako anng maayos. Habang si Alex at si Baby Daniel naman ay payapa pa rin na natutulog.Tinulungan ko nalang din na maghanda nang umagahan si Aling Bina pagkatapos namin magluto ay maaga-aga pa para kumain ang umagahan.Umupo muna kaming dalawa sa sofa at binuksan ang telebisyon. Muling lumitaw sa medya ang kaso na hinahawakan namin ngayon patungkol sa anak ni Police Lieuetenant Colonel Brandon Luisito sa anak niyang si Grace Luisito.Nakita ko rin na marami ang nagrarally sa harap nang headquarters. Hinihingi nila ang hustisya.Muli akong bumalik sa aming kwarto para tingnan ang files ni Grace, pagakatapos ay inilagay ko na ito sa bag para maidala sa headquarters. Sabay na kaming kumain ni Alex at pumunta sa headquarters, nang makarating na kami doon
“Captain may bagong pasok na kaso,” sabi sa akin ni Symae dala-dala ang isang folder, inaabot niya ito sa akin at agad ko nalang tiningnan kung ano ang mga nakapaloob dito.Napataas ang aking kilay. Hindi naman ito bagong kaso, noong nakaraang dalawang buwan pa pala ito. Ito ang kaso na kung saan namatay ang anak ni Police Lieutenant Colonel Brandon Luisito.Ang sabi sa report ay ayon daw sa nakakita sa bangkay ay wala na daw itong laman at loob, maaaring kinain daw ito nang aswang dahil nasa liblib daw ito na lugar kung saan nakita ang bangkay. Alam ko naman ang mga paniniwala nang mga tao doon. Kung aswang nga talaga ang kumain sa laman at loob nang anak ni Lietenant Colonel Luisito?Paano nila maipapaliwanag ang bakas nang tali sa dalawang kamay at paa nang dalaga. “Hindi naman ito bagong kaso Sy
Makalipas ng siyam na buwan. “ALEX!” sigaw ko sa aking asawa. Mukhang handa nang lumabas ni baby at excited na siyang makita ang mundo. “Andiyan na honey!” nataranta si Alex at inalalayan niya akong bumaba sa second floor nan gaming nabiling bahay. Habang bumababa nang hagdan ay nagsalita pa si Alex at kinausap ang baby namin. “Baby wait lang ha. Huwag muna ngayon, sa hospital nalang. Kapit ka muna kay mommy mo. Huwag mo siyang pahirapan,” utos niya sa anak namin. “Oh my gosh honey… nagawa mo pang utusan si baby. Hindi na talaga siya makapag-antay,” sagot ko sa kanya.Nakababa na kami sa hagdanan at dahan-dahan na kaming naglakad papapasok sa aming kotse. 
Lumipas ang tatlong araw ay wala pa rin report na nakakita kay Celyn. Nag-aalala na ako para sa kanya dahil iniisip ko na baka may mangyareng masama sa kanya o baka naman makapanakit siya nang inosenteng tao.Ilang oras na akong nakaupo sa aking harapan nang computer nang mag biglang tumawag sa amin at sinabi na may nakakita daw sa babaeng ibinalita sa telebisyon.Agad kong sinulat ang address na binigay nila at lahat kami ay pumunta sa lokasyon kung nasaan si Celyn.Nagulat kami na ang address na binigay sa amin ay ang address nang dating pumuporma kay Celyn.Kumatok kami sa pinto at bumungad sa amin ang isang matipunong lalake. Mukhang kakagising lang ata.“Yes Captain Luna?” tanong niya sa akin habang pakipit-pikit pa ang talukap nang kanyang mga mata.“Major Garcia. May nakapagsabi sa amin na andito daw si Celyn sa iyong bahay,” sabi sa kanya ni Alex.“Alam ko naman na hindi ko siya matatago habang bu
Habang naglalakad palayo sa kanila ay nakita ko si Alex na nakasimangot. Mukhang excited talaga siyang sumakay doon. Pero hindi ko talaga kaya. Niyakap ko nalang siya nang mahigpit at hinalikan sa labi.Natapos namin ang pananatili namin sa resort, masasabi kong maganda ang resort, magandang tanawin nang paglubog ng araw.Umalis kami sa resort at nagpunta sa The St. Regis Maldives Vommuli Resort - Maldives ang Fishing Resorts sa Maldives.Narinig ko rin na ang Maldives ay kilala sa kanilang likas na kapaligiran kabilang ang asul na dagat, puting mga beach, at malinis na hangin.Ang klima ng Maldives ay mainam para sa mga bisita na makisali sa mga palakasan sa tubig tulad ng paglangoy, pangingisda, scuba diving, snorkeling, water-skiing, windurfing at marami pang iba.Nais kong ilista ang mga bantog na mayroon ang Maldives at subukan ito lahat kaso hindi namin kakayanin dahil may trabaho pa aming naghihintay sa headquarters pagbalik namin.Na