Share

CHAPTER 15

Author: Spinel Jewel
last update Last Updated: 2025-02-04 20:48:28

HUXLEY

Hindi ko inaakala na magkaroon pala talaga kami ng celebration sa bahay. Akala ko sa labas lang kami magse-celebrate kasama ng mga kaibigan ko, pero nag order si Mommy ng pagkain. For the first time in my life ngayon ko lang siya nakitang natutuwa sa akin.

Masaya naman ako dahil kasama ko sa celebration ang mga kaklase ko at si Miss Guevarra. Personal siyang inimbita ni Mommy kaya siya nandito. Ngunit nang dumating si kuya Harvey bigla nalang nagbago ang mood ko lalo na nu'ng tanungin niya si Miss Guevarra kung nagkakaboyfriend na raw ba ito ulit. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng konting selos nang mapansin kong titig na titig ang kuya ko kay Miss Guevarra. Di kaya mahal pa niya ito hanggang ngayon?

Buti na lang at hindi na gaanong nagtagal ang kanilang pag-uusap at tumuloy na si kuya sa kwarto niya. Makalipas ang ilang sandali at nagpaalam na si Miss Guevarra na uuwi na sila. Pinapahatid ko na lamang sila sa driver namin kasi hindi ko rin naman maiwan ang mga kaklas
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Challenging Hearts   CHAPTER 82

    HUXLEY Matapos ang pag-uusap namin ni Jenine, hindi na ako mapalagay. Iniisip ko baka kung ano na naman ang gawin ni Mommy sa kanya."Shit!" mahina kong usal sa sarili. Kung maari nga lang sana akong umuwi ngayon ng Pilipinas, eh kaso hindi dahil naka-freeze ang credit cards ko.Pucha."Huxley, what's wrong?" tanong ni Bianca. Well, I did not expect na dito rin siya mag-aaral sa Harvard at kaklase ko pa. Plinano na talaga ito nina Mommy at Daddy. "Babe, is anything wrong?" muling tanong niya. "I'm fine. Just get out of my way. And don't call me babe. Isa lang ang taong binibigyan ko ng karapatang tawagin ako ng ganyan," malamig kong sagot. "Whatever, Huxley. But let me remind you, you're mine. Ipinagkasundo tayo ng mga magulang natin," wika niya. "Just give me a chance to love you." "I'm sorry Bianca, my heart only belongs to Jenine." Mariin kong sabi saka mabilis siyang tinalikuran. Hindi na ako nakapag focus sa klase ko. Walang ibang laman ng aking isip kundi si Jenine. I miss

  • Challenging Hearts   CHAPTER 81

    JENINEKinahapunan, naunang umuwi sa akin si Leslie dahil as usual may usapan na naman sila ng jowa niya. Hindi ko mapigilang malungkot kasi naisip ko, kung nandito lang sana si Huxley, I'm sure na sinusundo na niya ako ngayon. Napabuntung-hininga na lamang ako habang nagpapatuloy sa aking ginagawa. Four thirty pa lang naman kaya, mamaya nalang akong alas singko lalabas ng school.Ilang minuto pa ang lumipas at bigla naman akong nakatanggap mula kay sir Salcedo na gusto raw makipag-usap sa akin ang Mommy ni Huxley."Ano kaya ang kailangan niya sa akin?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung tungkol ba ito sa trabaho ko o may kinalaman sa aming dalawa ng anak niya. Hindi ko maiwasang mangamba dahil Chairman ng De la Salle ang makakaharap ko. Matapos akong nakapag-ayos, lumabas na ako ng faculty room. Wala pa ring patid ang kaba sa aking dibdib habang tinutunton ko ang daan papunta sa opisina ng Chairman.Nang makarating na ako sa doorstep, huminga muna ako ng malalim, saka mah

  • Challenging Hearts   CHAPTER 80

    JENINETatlong araw pa lamang ang lumipas simula nang umalis si Huxley papuntang Amerika, ngunit hindi pa rin ako nakakapag-adjust. Kahit palagi naman kaming nagvi-video call pero, iba pa rin talaga 'pag personal ko siyang nakikita at nakakasama."Anak, okay ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni nanay nang maabutan niya akong nag-iisa sa balcony ng aming bahay. Dahil sa malalim na pag-iisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya."Uhm, nay...kayo po pala," mahina kong sagot. "Okay lang po ako nay.""Anak, h'wag mo ng masyadong isipin ang pagkakalayo ninyo ni Huxley. Hayaan mo't masasanay ka rin. Bukas na ang unang araw ng pasukan ninyo sa eskwela, sigurado akong hindi ka na gaanong malulungkot lalo na't meron ka na namang bagong mga estudyante.""Opo nay.""O sya, anak, kakain na tayo para makapagpahinga ka ng maaga. Tayo na sa hapag-kainan. Kanina pa 'yon nakaluto si Anna."Tumango na lamang ako at dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan ko sa balcony. Ramdam ko pa rin ang lungkot

  • Challenging Hearts   CHAPTER 79

    JENINEMabigat ang aking pakiramdam nang magising ako kinabukasan. Ngayon na kasing araw na 'to aalis si Huxley papuntang Amerika at alas dyes ng umaga ang flight niya. Nakakalungkot nga talaga, pero siguro isa na rin ito sa pagsubok sa aming relasyon kaya kailangan kong maging matatag para sa kanya. Sa Lunes na rin ang umpisa ng klase namin kaya may pagkakaabalahan na rin ako at hindi na gaanong malulungkot sa pagkakalayo naming dalawa. "Anak, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni nanay habang kumakain kami ng almusal."Opo nay," mahina kong tugon."Naintindihan kita anak. Alam kong nahihirapan ka dahil aalis na si Huxley papuntang Amerika," aniya. "H'wag ka ng malungkot ate, I'm sure na palaging tatawag ang boyfriend mo sa 'yo," sabat naman ni Anna.Saglit akong natahimik. Sinabi pala ni Huxley kahapon na ngayon ang alis niya kaya alam nila."Ate, sa umpisa lang mahirap 'yan, pag nagkalaunan, unti-unti mo ring makasanayan ang lahat," wika naman ni Ronnel."Aba... ang galing, parang

  • Challenging Hearts   CHAPTER 78

    HUXLEYMabilis na lumipas ang mga araw at tapos na rin ang bakasyon namin sa Boracay. Para lang namang kahapon 'yon, pero heto pauwi na kami ng Maynila at bukas na ang schedule ng flight ko papuntang Amerika. "Babe, are you okay?" tanong sa akin ni Jenine habang nasa eroplano kami. "Ba't parang ang lungkot mo na?"Umiling lang ako saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya."Don't be sad okay? At baka maiyak pa ako dito. Sige ka," pabirong sabi niya. Alam kong pinapatawa lang niya ako."Iniisip ko lang kasi magkakalayo na tayo eh," sabi ko."Four years lang naman di ba?""Lang?"Ngumiti siya sa akin at pinisil ang ilong ko. "Basta mabilis lang naman lumilipas ang mga araw di ba? At hindi mo lang namamalayan four years na pala."Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Sana nga lang ganu'n kadali. Parang matutulog lang ako tapos pag gising ko, nasa piling ko na siya ulit.Napabuntung-hininga ako. "Kung kaya ko lang sanang baguhin ang desisyon nila Mommy eh.""Babe, listen. Kailangan mo

  • Challenging Hearts   CHAPTER 77

    HUXLEYBigla akong nagising nang maramdaman ko ang pangangalay ng aking mga braso. Alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya mahimbing pang natutulog si Jenine habang nakaunan sa braso ko. Pareho kaming walang saplot sa katawan dahil agad kaming nakatulog kagabi matapos ang aming pagniniig. Napatitig ako sa kanya. Maamo ang kanyang mukha tila isang anghel na ipinadala sa akin para magbigay ng direksyon sa buhay ko. Napakaganda niya talaga at hindi ako magsasawang titigan siya. Maingat kong inaalis ang braso kong nakaunan sa kanya, dahan-dahan, para hindi siya magigising saka kinumutan ko siya.Napangiti ako nang bahagya, habang iniisip ang lahat ng nangyari kagabi, kung paano ko siya inangkin at kung paano niya ipinadama sa akin sa unang pagkakataon ang kaganapan ng aking pagkalalaki. Alam kong nasaktan ko siya, ramdam ko ang mga luha niya, pero hindi ko na nakuha pang tumigil, dahil hindi ko na rin kayang kontrolin ang magkahalong pananabik at pagmamahal ko sa kanya. Napansin ko an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status