LOGINJENINEDalawang araw ang nakalipas bago muling tumawag sa akin si Marco."Ma'am Jenine, maayos na ang kalagayan ni Bro Huxley. Pero gano'n pa rin, wala pa rin siyang maalala.""Lord, thank you po." Mahina kong wika. Sa ngayon, sapat na sa akin ang marinig na okay siya."Pero Ma'am...m-may problema eh."Muli na namang bumangon ang kaba sa puso ko. "A-anong problema, Marco?""Ma'am, ayaw ko sanang sabihin 'to eh, pero I think kailangan mong malaman. Pero Ma'am, you need to be strong.""Marco, pls sabihin mo na.""Teka lang Ma'am at may ise-send akong picture sa 'yo sa messenger."Ilang segundo ang lumipas at may nagpop up na notification. Dali-dali kong tiningnan 'yon.Napamulagat ako nang makita ang sarili ko sa picture habang nakatitig sa briefcase na may lamang pera. Yong pangalawang picture naman, yong pagsarado ko sa briefcase."Marco anong ibig sabhin nito?""Ma'am, may nagpadala nito sa kanila ni Tita Sylvia. Kaya iniisip nila tinanggap mo talaga ang pera at 'yon din ang pinapan
JENINETinawagan ko ang cellphone ni Marco ngunit hindi ko siya makontak. Nakailang dial na ako pero wala pa ring sumasagot.Napatingin ako sa brief case na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ko alam kung magkano ang laman no'n basta ko nalang isinarado ngunit bigla nalang may tumabi sa akin at parang may itinutok sa tagiliran ko."Akin na ang brief case mo," matigas na wika ng lalaki. Nakasuot ito ng maong na jacket at itim na bonnet kaya hindi ko makita ang mukha niya."Uhm, Mister. H-hindi sa akin 'to," sabi ko sa isang garalgal na tinig."Wala akong pakialam, sa yo man o hindi ang pera na 'yan. Basta ibigay mo kung ayaw mong may masamang mangyari sa 'yo." Mariing saad ng lalaki at mas lalo pang dniinan ang pagtutok ng baril sa tagiliran.Bigla akong pinagpawisan kasabay ng panginginig ng aking katawan.Napalinga ako sa paligid. Umaasang may makakatulong sa akin, pero wala. Abala ang mga waiters at waitress sa pag-aasikaso sa mga customers.Wala akong nagawa kundi ang iabot sa kanya ang br
JENINENagkasundo kaming magkita ni Huxley sa isang tagong restaurant sa Makati. Nauna akong dumating sa nasabing lugar at agad akong pum'westo sa mesa kung saan nakikita ko ang bawat customer na pumapasok.Kinakabahan ako habang naghihintay sa kanya. Marahil dala na rin siguro ng sobrang excitement.Tatlumpung minuto...Hanggang sa isang oras ang inabot ko sa paghihintay, ngunit hindi siya dumating.Muli akong napatingin sa entrance ng restaurant at gayon na lamang ang pagkagulat ko nang bumungad sa aking paningin ang elegante ngunit nakakatakot na awra ni Mrs. Sylvia Baltimore, ang Mommy ni Huxley. Nakasunod naman sa kanya ang isang lalaki na may bitbit na brief case.Hindi na ako makaiwas pa, nakita na niya ako."So, dito pala kayo balak na magkita ng anak ko." Matigas niyang sabi nang makalapit sa akin."M-magandang araw po Ma'am." Mahina kong bati habang nakayuko ang ulo."H'wag ka ng umasa pang darating si Huxley. At p'wede ba kalimutan mo na ang anak ko, dahil ikakasal na siya.
JENINEAng saya-saya ko ng mga sandaling 'yon. Hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa aking mga labi kahit na noong makapasok ako ng kwarto. Naroon si Nanay, nakasandal sa couch malapit sa crib ni baby Liam."Nay, mano po.""O anak, nakauwi ka na pala. Uhm, sila Mabel din ba 'yong naghatid sa 'yo?""Hindi po, Nay. Sina Marco, Eduard at Huxley po."Hindi ko maiwasang mapangiti ng bahagya nang mabanggit ang pangalan ni Huxley.Tiningnan ako ni Nanay. "Ang saya mo yata, anak?"Umupo ako sa tapat niya at nagsimulang magkwento tungkol sa nangyari kanina sa selebrasyon.Tahimik lang na nakinig si Nanay habang nagkukwento ako.Mula sa pagdating ko sa restaurant… hanggang sa pagkikita namin ni Huxley.Pati ang mga simpleng bagay na ginawa niya—ang pagtitig niya sa akin, ang paghawak niya sa kamay ko, at ang pagnanais niyang ihatid ako pauwi.Hindi ko namalayang tuloy-tuloy na pala ang pagsasalita ko habang may ngiti sa labi.Parang sa unang pagkakataon matapos ang ilang buwang pag-iyak—nakahing
JENINE"Anong problema, bro?" mahinang tanong ni Huxley. "Bakit kailangang magtago ni Jenine sa loob ng CR?"Biglang natahimik ang lahat, parang naghihintay kung sino ang unang magsasalita.Hanggang sa si Marco na ang unang bumasag ng katahimikan. "Bro Huxley, sa ngayon, hindi mo pa kayang intindihin.""Kaya kong unawain, bro. Kahit nawala sa akin ang lahat ng alaala pero maintindihan ko kung anong sasabihin ninyo." Seryosong pahayag ni Huxley.Tiningnan nila ako na tila ba, hinihingi ang permiso ko. Marahan akong tumango. "Uhm, ganito kasi 'yan bro." Tumikhim muna si Marco bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayaw ng parents mo kay Ma'am Jenine kasi may iba silang gusto para sa 'yo. At yon nga si Bianca, anak ng kasosyo ng Daddy mo sa negosyo. At ayaw naming magkakagulo dito, kaya itinago namin si Ma'am Jenine."Gano'n lang kasimple ang paliwanag ni Marco at hindi na ginawa pang complicated ang kwento. Tahimik lang si Huxley matapos marinig ang paliwanag. Walang reaksyon sa mukha niya—
JENINE"Jenine..." mahinang sambit ni Huxley habang nakatingin sa akin. Ilang segundong pagkakatitig 'yon hanggang sa bigla na lamang siyang napahawak sa kanyang ulo. Agad namang lumapit sina Marco at inalalayan siyang humiga sa sofa bed."It's okay bro." Wika ni Eduard. "H'wag mo munang pilitin.Inalalayan din ako nina Mabel at Rose. "Sana hindi nalang ako nagpunta rito," mahina kong wika. "Di sana sasakit ang ulo niya.""Saglit lang 'yon Ma'am. Agad ding huhupa 'yon kapag nakapagrelax na siya," sagot ni Rose.Makalipas ang ilang sandali, lumapit sa amin si Marco."Ma'am Jenine, okay ka lang ba?" "Okay lang ako, Marco. By the way, happy birthday. Pasensya na at ito ang nangyari.""Ayos lang Ma'am. Nakapagpahinga na si Bro Huxley. Mayamaya, magigising din 'yon."Muli na namang tumulo ang luha ko. Awang-awa ako sa kalagayan niya. Alam ko sinikap niya akong alalahanin pero hindi pa niya kaya."Ma’am…" mahinang tawag ni Marco habang inaabot ang tissue sa akin. "Huwag niyo pong sisihin
JENINEEnsaktong 7:30 ng umaga ako umalis ng faculty room, at nagtungo sa SH building. Magsisimula kasi ang klase ko ng 7:40 kaya kailangang nandu'n na ako ahead of time. Hindi ko alam kung bakit naman bigla akong kinabahan.Hindi naman gaanong malayo ang building ng Senior High mula sa faculty roo
HUXLEYUnti-unti ko ng naramdaman na parang iniiwasan ako ni Miss Guevarra. Bakit kaya? Dahil ba sa hindi niya ako gusto, o dahil sa estudyante lang niya ako kaya nagpipigil siya sa kanyang sarili? Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. "Bro, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco
JENINEPagkatapos na maipagtapat ni Huxley ang nararamdaman niya sa akin, nakapagpasya na akong iwasan siya. Kahit ang totoo ayaw ko naman pero sa ngayon mas mahalaga sa akin ang trabaho ko. Paano na lang ang maintenance na gamot ni nanay, at ang pag-aaral ng mga kapatid ko, kung matatanggal ako sa
JENINEByernes ng hapon at nagmamadali akong lumabas ng gate ng De La Salle. Pinagmamasdan ko ang bughaw na langit na unti-unting kinakain ng kulay kahel. Ang simoy ng hangin ay may halong init ng araw at lamig ng dapit-hapon. Hindi ko kasama si Leslie dahil nagpaalam itong mauna nang umuwi. Ako na







