JENINEPanibagong araw na naman sa eskwela. Kahit wala akong ganang pumasok, kailangan talagang piliting bumangon para sa pamilya ko. "Anak kung masama naman ang pakiramdam mo, h'wag mong piliting pumasok," wika ni Nanay habang kumakain kami ng almusal."Okay lang naman po ako, Nay." Mahina kong sagot. Pero alam ko na hindi siya kumbinsido sa sinasabi ko. Matapos kong kumain, inihanda ko na ang aking mga gamit at nagbihis na ako ng school uniform."Nay, alis na po ako." Paalam ko sa kanya sabay nagmano sa kanyang kamay at humalik sa pisngi niya."Sige anak, mag-iingat ka."********Sa school..."Besh, okay lang ba? Ba't ang tamlay mo?" tanong sa akin ni Leslie."Wala naman besh okay lang ako.""Hindi ako naniniwala, alam kung may problema. Sabihin mo sa akin besh."I ended up telling my friend tungkol doon sa pinag-usapan namin ni Huxley na magpapanggap kaming hiwalay na."Besh, pansamantala lang naman di ba? At saka hindi naman totohanan 'yon. Gusto ka lang protektahan ng boyfrien
HUXLEY Matapos ang pag-uusap namin ni Jenine, hindi na ako mapalagay. Iniisip ko baka kung ano na naman ang gawin ni Mommy sa kanya."Shit!" mahina kong usal sa sarili. Kung maari nga lang sana akong umuwi ngayon ng Pilipinas, eh kaso hindi dahil naka-freeze ang credit cards ko.Pucha."Huxley, what's wrong?" tanong ni Bianca. Well, I did not expect na dito rin siya mag-aaral sa Harvard at kaklase ko pa. Plinano na talaga ito nina Mommy at Daddy. "Babe, is anything wrong?" muling tanong niya. "I'm fine. Just get out of my way. And don't call me babe. Isa lang ang taong binibigyan ko ng karapatang tawagin ako ng ganyan," malamig kong sagot. "Whatever, Huxley. But let me remind you, you're mine. Ipinagkasundo tayo ng mga magulang natin," wika niya. "Just give me a chance to love you." "I'm sorry Bianca, my heart only belongs to Jenine." Mariin kong sabi saka mabilis siyang tinalikuran. Hindi na ako nakapag focus sa klase ko. Walang ibang laman ng aking isip kundi si Jenine. I miss
JENINEKinahapunan, naunang umuwi sa akin si Leslie dahil as usual may usapan na naman sila ng jowa niya. Hindi ko mapigilang malungkot kasi naisip ko, kung nandito lang sana si Huxley, I'm sure na sinusundo na niya ako ngayon. Napabuntung-hininga na lamang ako habang nagpapatuloy sa aking ginagawa. Four thirty pa lang naman kaya, mamaya nalang akong alas singko lalabas ng school.Ilang minuto pa ang lumipas at bigla naman akong nakatanggap mula kay sir Salcedo na gusto raw makipag-usap sa akin ang Mommy ni Huxley."Ano kaya ang kailangan niya sa akin?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung tungkol ba ito sa trabaho ko o may kinalaman sa aming dalawa ng anak niya. Hindi ko maiwasang mangamba dahil Chairman ng De la Salle ang makakaharap ko. Matapos akong nakapag-ayos, lumabas na ako ng faculty room. Wala pa ring patid ang kaba sa aking dibdib habang tinutunton ko ang daan papunta sa opisina ng Chairman.Nang makarating na ako sa doorstep, huminga muna ako ng malalim, saka mah
JENINETatlong araw pa lamang ang lumipas simula nang umalis si Huxley papuntang Amerika, ngunit hindi pa rin ako nakakapag-adjust. Kahit palagi naman kaming nagvi-video call pero, iba pa rin talaga 'pag personal ko siyang nakikita at nakakasama."Anak, okay ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni nanay nang maabutan niya akong nag-iisa sa balcony ng aming bahay. Dahil sa malalim na pag-iisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya."Uhm, nay...kayo po pala," mahina kong sagot. "Okay lang po ako nay.""Anak, h'wag mo ng masyadong isipin ang pagkakalayo ninyo ni Huxley. Hayaan mo't masasanay ka rin. Bukas na ang unang araw ng pasukan ninyo sa eskwela, sigurado akong hindi ka na gaanong malulungkot lalo na't meron ka na namang bagong mga estudyante.""Opo nay.""O sya, anak, kakain na tayo para makapagpahinga ka ng maaga. Tayo na sa hapag-kainan. Kanina pa 'yon nakaluto si Anna."Tumango na lamang ako at dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan ko sa balcony. Ramdam ko pa rin ang lungkot
JENINEMabigat ang aking pakiramdam nang magising ako kinabukasan. Ngayon na kasing araw na 'to aalis si Huxley papuntang Amerika at alas dyes ng umaga ang flight niya. Nakakalungkot nga talaga, pero siguro isa na rin ito sa pagsubok sa aming relasyon kaya kailangan kong maging matatag para sa kanya. Sa Lunes na rin ang umpisa ng klase namin kaya may pagkakaabalahan na rin ako at hindi na gaanong malulungkot sa pagkakalayo naming dalawa. "Anak, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni nanay habang kumakain kami ng almusal."Opo nay," mahina kong tugon."Naintindihan kita anak. Alam kong nahihirapan ka dahil aalis na si Huxley papuntang Amerika," aniya. "H'wag ka ng malungkot ate, I'm sure na palaging tatawag ang boyfriend mo sa 'yo," sabat naman ni Anna.Saglit akong natahimik. Sinabi pala ni Huxley kahapon na ngayon ang alis niya kaya alam nila."Ate, sa umpisa lang mahirap 'yan, pag nagkalaunan, unti-unti mo ring makasanayan ang lahat," wika naman ni Ronnel."Aba... ang galing, parang
HUXLEYMabilis na lumipas ang mga araw at tapos na rin ang bakasyon namin sa Boracay. Para lang namang kahapon 'yon, pero heto pauwi na kami ng Maynila at bukas na ang schedule ng flight ko papuntang Amerika. "Babe, are you okay?" tanong sa akin ni Jenine habang nasa eroplano kami. "Ba't parang ang lungkot mo na?"Umiling lang ako saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya."Don't be sad okay? At baka maiyak pa ako dito. Sige ka," pabirong sabi niya. Alam kong pinapatawa lang niya ako."Iniisip ko lang kasi magkakalayo na tayo eh," sabi ko."Four years lang naman di ba?""Lang?"Ngumiti siya sa akin at pinisil ang ilong ko. "Basta mabilis lang naman lumilipas ang mga araw di ba? At hindi mo lang namamalayan four years na pala."Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Sana nga lang ganu'n kadali. Parang matutulog lang ako tapos pag gising ko, nasa piling ko na siya ulit.Napabuntung-hininga ako. "Kung kaya ko lang sanang baguhin ang desisyon nila Mommy eh.""Babe, listen. Kailangan mo