Share

Chapter 3

Author: Miss_Myth
last update Huling Na-update: 2023-09-07 23:24:47

[ Elina ]

Bumalik ako sa pagdungaw sa bintana at naghihintay sa kung sino na lamang ang darating para sa akin..

Umaasa sa wala..

Kahit ito nalang ang aking nagagawa upang gumaan ang aking loob..

Kung minsa'y naiisip ko..

Kung kitilin ko na ang aking buhay?

Gusto ko nang sumama sa aking ama't kapatid..

                           ~~~~

Hindi ko na alam ang aking ginagawa..

Basta na lamang akong dumampot ng matalim na bagay..

Ang aking isipan ay lumubog sa kawalan..

Marahil ito na ang solusyon..

Wala na din namang hahanap pa sa akin..

" Basta gawin mo na! "

Dahan-dahan kong inilalagay ang patalim sa aking pulso upang putulin na ang mga ugat na bumubuhay sa akin..

Kaya ko ito..

Ngunit

Hindi ko magawa..

Wala akong lakas ng loob upang gawin ito sa akin..

Binitawan ko ang patalim at lumuha muli ang aking mga mata..

Masyado na akong nalulungkot..

Hindi ko man lang naisip ang mga nagmamahal sa akin..

Hindi rin nais ng aking ama't kapatid na gawin ko ito..

Patawad..

                            °~°~°

Muli, nakaupo ako sa aking duyan sa matandang puno at nakatingala sa kalangitan..

Araw-araw akong humihiling kay Zeus na sana'y may dumating sa aking buhay.

Hindi ko na kaya ang mag-isang namumuhay..

" Hindi ko na alam ang aking gagawin.. kung naririnig niyo ako ay sana'y matupad ang aking kahilingan. "

Sa pagtitig ko sa kalangitan...

Napansin kong may mga nagsisiliparan na tila palabas ng kagubatan..

Mga nagliliwanag na asul na paru-paro..

Tila patungo sila sa direksyong hilaga..

Nakatingala ako sa kalangitan habang ang aking mga paa'y kumilos at tumakbo..

Saan kaya sila tutungo?

Tumatakbo ako sa gitna ng gubat..

Hindi pinapansin ang pagod at hingal dahil puno ng kuryosidad ang aking isipan..

" Saan kaya sila pupunta? "

Hindi nagtagal ay pumasok sila tarangkahan ng Nysa..

Dito na ako tumigil..

Ang gubat ng Nysa ay ang pinaka-mapanganib na kadugtong ng gubat ng Elusian.

Naglalaman ito ng mga ilusyon at mga nilalang na isinumpa..

Ito ang hinahabilin sa akin ni Cassiopeia at Delilia, gayundin si mama.

Ang tanging nagawa ko na lamang ay panoorin ang mga maliliwanag na paru-paro sa kalangitan..

Patungo pa sila sa hilagang parte ng gubat..

Ano kaya ang pupuntahan nila roon?

Hindi nagtagal ay hindi ko na matanaw ang mga paru-paro na malayo na ang nilipad..

Bumalik na lamang ako muli pauwi..

                        °~°~°~°

Bilog na ang buwan at inihahanda ko na ang aking kama upang matulog..

Suot ko na din ang aking pangtulog na bistida..

Sinusuklay ko ang aking buhok habang ako'y nakatingin sa salamin..

Ganito ang aking ginagawa noong ika-labing walong kaarawan ko..

Ngayon ay dalawamput-isang taong gulang na ako...

Tatlong taon na ang nakalipas...

Kamusta na kaya sila Cassiopeia at Delilia? Mabuti ba ang kanilang lagay?

Sana'y oo..

Wala na silang dinadamdam na pagsubok sa kanilang mundo..

                         °~°~°~°

Sa aking paghiga ay ipipikit kona ang aking mga mata upang matulog..

   

Hindi ko ito nagawa..

Hindi ko nagawang makatulog sapagkat...

May pumasok sa aking bintana na mahiwaga..

Isang nagliliwanag na asul na paru-paro..

Sila yung mga nakita ko kaninang umaga..

Dali akong bumangon at nilapitan ito..

Napakaganda itong pagmasdan sa malapitan..

Lumilipad-lipad ito sa aking harapan na tila inaaya akong sundan siya..

Dumungaw ako sa bintana at nakita ang iba pang mga kasama niya...

Kumpol-kumpol silang nagliliwanag sa madilim na langit na tila mga asul na bituin..

Patungo muli sila sa hilagang parte ng gubat..

Sa gubat ng Nysa...

                          °~°~°~°

Sa aking paghahabol sa mga paru-paro ay narating kona ang tarangkahan ng gubat Nysa..

Alam kong mapanganib ito ngunit kutob kong may naghihintay sa akin dito..

Hindi ito ilusyon, alam ko at nakikita ko silang tunay...

Nag-aalangan akong magtungo ngunit sa aking isipan ay nais kong ituloy ito..

Isang beses ko lamang itong gagawin pagkatapos ay hindi na ako tutungo dito..

Binuksan ko ang mga malalaking tarangkahan at dahan-dahang pumasok..

Lumalakad patungo sa direksyon ng mga paru-paro..

                           °~°~°

Sa aking pagsunod ay narating ko ang isang malawak na bukid..

Isang hindi pangkaraniwang bukid..

Puno ito ng mga iba't- ibang uri ng mga bulaklak..

Nakatutok din ang malaking buwan sa bukid na nagbibigay liwanag sa madilim na gabi..

Tila isa itong lampara sa gabi..

Hindi ko mapigilang mamangha sa aking nakita at hindi ako nag-atubiling tumakbo takbo rito dahil sa tuwa..

                          °~°~°

Hindi nagtagal ay nadama kona ang pagod..

Nakahiga ako sa mayamang damo habang nakatingin sa bilugang buwan na maliwanag.

Nag-iisip ng kung anu-ano...

Mas masaya siguro kung nariyan sila Cassiopeia at Delilia..

Lalo na si mama..

Ano na kayang nangyari sa kaniya?

" Mama.. "

Labis akong nangungulila para sa kaniya..

Sandali ko lamang naramdaman ang kaniyang pag-aaruga at pagmamahal.

Siguro'y ito na ang panahon na dapat ko nang tanggapin..

Hindi na siya babalik..

Wala nang babalik..

Ang tanging kailangan kong gawin ay magising sa katotohanan na ang sarili ko na lamang ang aking aalalayan.

Hindi ko napigilang lumuha muli..

Napaka-bigat sa damdamin..

Masakit tanggapin pero kailangan..

" Hindi na ako iiyak.. kailangan kong maging malakas. "

Lumakas pa lalo ang bugso nng aking mga luha at ang puso ko'y mabigat.

Sa gitna ng aking pag-iyak ay may umusbong na tila liwanag sa buong bukid..

Pulang liwanag ngunit ito'y mainit sa pakiramdam..

" Ano iyon? "

Dahan-dahan kong pinunasan ang aking mga luha at tumayo sa aking mga paa..

Nilalapitan ko ito..

Sa aking paglapit ay labis na kagandahan sa aking mga paningin..

Mga pulang bulaklak at nahahalintulad ito sa Lily.

Mabango sila na tila amoy ng mga diyosa ng Olympus..

Nakita ko din ang mga nagliliwanag na paru-paro na nais itong dapuan..

Ito ba ang dahilan kung bakit hindi namumulaklak ang gubat Elusian?

Kung bakit puro mga nagyayamang damo lamang ang naroon at mga iba't-ibang uri ng bulaklak dito?

Ilusyon lamang ba ito?

Sinubukan ko itong hawakan at ito'y aking naramdaman..

Sa tingin ko'y ito ang dahilan kung bakit dito lamang ang namumulaklak..

May naisip ako..

Kung bumunot ako ng isa sa mga ito?

Upang sa gayon ay mamulaklak na ang gubat na aking tinitirahan?

Sa gayon ay masaya itong tignan at masigla..

Mabigyan ng kulay..

Dahan-dahan kong hinawakan ang tangkay ng isang bulaklak upang makuha ang ugat ng ilalim nito..

*Pluck!

Nang mabunot ko ito ay biglang nakaramdam ako ng lamig..

Ang hangin ay bumugso na tila may pwersang lumapag sa kalagitnaan ng malawak.

" Anong nangyayari?! "

Ang mga bulaklak ay sabay-sabay nalanta, gayundin ang mga pulang bulaklak ay nawalan ng liwanag.

Hindi lamang ang kapaligiran ang nagbago..

Kundi ang aking buong katawan ay tila isang lantay na halaman..

Bumagsak ang aking katawan at hindi ko ito maigalaw..

Ang aking mga mata'y dahan-dahang pumipikit..

Dumidilim..

Sa mundo ng kawalan..

                            *****

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Changing For You    Chapter 17

    [ ELINA ]Isa-isa kong hinihimas ang tatlong tuta habang sila'y nasa aking kanlungan.Akalain mo nga naman..Tatlo silang maliliit at kabuuan nila ay isang malaking Cerberus." Nakakamangha kayo.. " wika ko at napangiti sa kanilaIba ang kulay ng kanilang mga mata.Asul, pero ang kanilang mga balahibo ay itim at mga kahel na bakas.Hmm..Lagi nalang silang narito sa kanilang kulungan.Kung dalhin ko sila sa Elysium?Nang sa gayon naman ay mayroon akong kasama.Abala ngayon si Hades at hindi ko pa siya nakakausap simula kanina.Hay..Hindi siya maalis sa aking isipan.Hinahanap ko siya.Ngunit, hindi ko siya maiistorbo ngayon. °~°~°Narito na kami sa Elysium.Dala-dala ko ang mga tuta at dahan-dahan ko silang ibinaba sa mayamang damo ng paraiso.Dito, nakita ko silang masaya at patakbo-takbo ang kanilang maliliit na paa.Naglalaro't naghahabulan habang wumawasiwas ang kanilang mga maliliit na buntot.Nakakatuwa silang pagmasdan..Ngayon pa lamang silang nakala

  • Changing For You    Chapter 16

    [ ELINA ]- Pagkatapos ng malalim na tulog ay biglang nagising ang aking mga mata.Huminga ako ng malalim at dinama ang aking malambot na higaan.Nadama ko na ang pagod.Masakit ang aking likod, lalo na ang mga hita ko.Mistulang binugbog ako ng ilang beses." Ang sakit.. "Dahan-dahan akong bumangon at nakita ko ang aking sarili sa isang salamin.Hubad ang aking katawan.Tanging kumot lamang ang tumatakip sa akin.Magulo din ang aking buhok.Ang aking mga pisngi'y namumula.Higit sa lahat ay mayroon akong nakitang kakaiba sa aking dibdib. Ano ito?!May mapulang marka sa aking balat. " Hmm? Nakagat ba ako ng insekto? "Hindi ito makati at hindi ito mahapdi.Basta lamang itong mapula.Tatanungin ko na lamang kay Hades kung mayroon bang insekto dito sa kaharian niya.Nasaan nga pala siya?Lumingon ako sa aking likuran kung saan ko siya katabing natulog.Wala na siya.Magulong mga punda at kumot lamang ang aking nakikita.Nauna na siyang bumangon sa akin." Marahil nasa bulwagan siya. "

  • Changing For You    Chapter 15

    [ ELINA]- Sa mga nagdaang panahon ay nakita ko ang pagbabago ni Hades.Hindi na siya suplado.Hindi na mainitin ang ulo.Sa likod ng kaniyang pagbabago ay lumitaw ang tunay niyang kulay.Isa siyang maginoo at may kabaitan.Mahilig siyang magtago ng nararamdaman kaya hindi mo malalaman ang kaniyang emosyon.Kung pagmamasdan mo pa siya ay mababasa mo ito.Kalmado lamang siya.May mga araw na maaari ko na siyang tawagan upang humingi ng tulong.Ang magbuhat ng mabibigat na bagay dahil sa kaniyang lakas.Ang pag-abot sa mga matataas dahil sa kaniyang tangkad.Pagkatapos ay maaari na siyang bumalik sa kaniyang gagawin.Ako naman ay ipaghahanda ko siya ng matinong hapunan. Sasabayan ko siya sa kaniyang pagkain. Hindi ko maiwasan na matuwa sa kaniya dahil sa kaniyang pag-iiba.Maayos kaming nagkaka-intindihan.                         

  • Changing For You    Chapter 14

    [ HADES ]- Nakatulog si Elina sa kaniyang labis na pag-iyak.Binuhat ko siya patungo sa kaniyang silid at doon ko siya hiniga sa kaniyang kama upang mapakapag-pahinga ng maayos.‌Nang makita ko ang labis na kalungkutan ng dalagang ito ay nadudurog ang aking puso.May bigat sa kaniyang puso.Tungkol saan ang kaniyang dinaramdam?Nais kong malaman.Ngunit, sa ngayon ay hindi muna..Siguro'y itatanong ko na lamang ito sa kaniya sa tamang oras at panahon.Ang kailangan ko munang isipin ngayon ay kung paano siya mabibigyan ng kaligayahan.Hmm..Ano kaya ang maaaring ibigay o kaya'y gawin?Hindi ako makapag-isip ng maayos sa mga iskrolyong ito.Si Elina muna ang aking alalahanin ngayon. °~°~°Nagtungo ako sa kaniyang silid.Sa harapan ng pintuan ay ako'y kumatok ng tatlong beses. * KNOCK-KNOCK-KNOCK!Ilang segundo'y hindi bumukas ang pintuan.Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumulyap sa maliit na siwang.Nakita kong naka-upo lamang si Elina sa kaniyang

  • Changing For You    Chapter 13

    [ ELINA ]- Wala si Hades ngayon dito dahil nagtungo siya sa kaharian ng Olympus.Ipinatawag siya ni Zeus.Narito ako ngayon sa pangunahing bulwagan at maiging pinapakintab ang kaniyang trono.Bigla kong naalala..Nang nakatulog siya rito.Siguro'y sa mga nagdaang mga araw bago pa ako narito ay hindi siya masyadong nakakapag- pahinga.Dito na rin siya siguro nalilipasan ng pagod.Hindi na nakaka-akyat sa kaniyang silid.Ang pagiging diyos ng isang nasasakupan ay isa sigurong bigat sa mga balikat.Kung gayon ay nakakapag-alala naman para sa kaniya." Ang sipag naman niya. "Wala siya ngayon..Hindi ko maiwasang isipin siya.Manabik sa kaniya.Ano ba ito?Iniiwasan ko siya tapos ngayon ay wala siya hinahanap ko siya. Bakit ganoon ang nararamdaman?Nakakalito kung minsan.Kung minsan ay hindi ko maiwasang mapa-isip ng anu-ano.Paano kung--Kung maging kasintahan ko na siya? Ano kaya ang pakiramdaman nang mayroon ganoon?Siguro naging kasintahan na ni Aphrodite si Hades. Ano kaya ang pa

  • Changing For You    Chapter 12

    [ HADES ]- Ang dalagang iyon.Ang dalagang iyon ay isang malaking tukso sa aking paningin.Sa bawat nariyan siya'y hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagmasdan siya.Titigan siya..Hinahanap-hanap siya ng aking mga mata.Hindi ko rin mapigilang maisip ang nangyari noon sa balkonahe. Simula noon ay hindi ko maintindihan ang aking sarili.Noon ay wala akong iniisip kundi trabaho bilang diyos dito.Wala din sa aking isip ang mga ganitong bagay dahil ito'y hindi bagay sa akin.Bigla na lamang nagbago ngayon. Ang halik na iyon..Naramdaman ko ang kaniyang mga malalambot na labi.Nagliyab ng malaking tukso ang aming pagitan.Hindi siya umiwas.Humahanga din ako sa kaniyang kabaitan. Maganda siya..Para sa akin ay lamang siya kay Aphrodite.Nagustuhan ko ang kaniyang mga berdeng mata at gintuang buhok.Maputi ang kaniyang balat at mga labi'y natural na pula.Ang mga katangiang ito'y nakita ko na noong una siyang nakipag-usap siya sa akin. Sa ilalim ng puno..Hindi ko siya pinansin no

  • Changing For You    Chapter 11

    [ ELINA ]- Hindi kami natuloy sa tukso.Tumanggi ako sa pag-aanyaya ng kaniyang init ng katawan. Hindi pa ako handa sa ganoong bagay.Sa mga nagdaang araw ay hindi kami nagkakatawagan o nag-uusap. Sa tuwing nagkikita kami'y nagkaka-iwasan.Iniiwasan ko ang kaniyang mga tingin dahil iba ang aking nararamdaman. Hindi takot kundi--Nahihiya ako sa kaniya.Malawak ang kahariang ito ngunit nagkikita kami parin.Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?°~°~°Dumating si Hermes at mayroon siyang dalang mga damit para sa akin.Mukhang madami din siyang dalang mga iskrolyo.Abala siya ngayon. Ah." Binibini, para sa iyo. " wika ni Hermes" Salamat. " wika koBiglang inilapit ni Hermes ang kaniyang mukha sa aking mukha at pinagmasdan ako ng maigi.May nagbago ba sa akin?!" Binibini, mukhang gumaganda ka ngayon, ah. Ang iyong mga pisngi'y namumula. " pagpuri ni Hermes " Ginoong Hermes! Ano bang sinasabi niyo?! Ganito parin ako! Tulad ng dati! " nahihiyang tugon ko " Ah! Mukhang may nangyari ah!

  • Changing For You    Chapter 10

    [ Elina ]- Nagdaan ang mga araw ay iniwasan ko si Hades.Ang pinaka-huling babala niya sa akin noon ay aking sinundan.Ang ginawa ko'y nanahimik na lamang at tinapos ng pa isa-isa ang mga gawain dito sa kaharianNasabi ko na kay Hermes ang aking pagkatao.Ina ko si Demeter.Babalitaan na lamang ako ni Hermes kung nasaan ang aking ina.Pagkatapos ay sasambitin niya ito kay Hades.Nang sa gayon ay bibitawan na niya ako bilang bihag niya. °~°~° Umalis si Hades sa kaniyang kaharian.Marahil tinanggap niya ang gantimpalang ipinagkaloob sa kaniya.Hindi ko alam anong klaseng gantimpala iyon.Nasabi lamang ni Hermes sa akin na ikaliligaya niya iyonKung gayon ay mas makakabuti sa kaniya.Hihintayin ko naman ang paglisan rito.Kaya habang wala ay iiwas ako sa gulo. °~°~°Ipinaghanda ko ng makakain ang tatlong tuta at pinanood ko silang kumakain.Buti pa ang tatlong tuta na ito ay mabuti sa kabila ng ka

  • Changing For You    Chapter 9

    [ ELINA ] - Nasa silid-aklatan ako ngayon at abalang kinukuskos ang mga libro.Nalinis ko na din ang mga matatangkad na istante't mga mesa." Hay, kakapagod naman. Tatapusin ko na lamang ito at saka magpapahinga pagkatapos. "Sa gitna ng aking pagkuskos sa mga libro ay mayroon akong nakita sa isa sa mga ito.Isang tuyong rosas na naka-ipit sa mga libro. Paano nagkaroon ng rosas dito?Mayroon bang hardin ang kahariang ito?Marahil dinadala lamang ni Hermes ang mga bulaklak rito.Ngunit ang isang ito ay kakaiba.Kahit tuyo na ang mga talulot nito ay mayroon parin amoy.Napakabango.Kanino kaya galing ito? °~°~° Babalik na ako sa aking silid upang magpahinga.Pagkatapos ang lahat ng mga pagkuskos sa isang bundok ng mga libro ay isang parusa.Maliligo din sana ako.Madaming dumi ang aking damit.Ihahanda ko ang aking panligo nito at matutulog pagkatapos.Maghahanda din ako ng aking hapunan.Hindi ko na kailangan pang ipaghanda si Hades.Hindi niya tipo ang mga totoong pagkain." Ano ka

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status