Share

Chapter 5

Penulis: Miss_Myth
last update Terakhir Diperbarui: 2023-09-15 14:52:19

[ Elina ]

Pumayag na ako sa gusto ni Hades..

Ang maging alipin niya sa kaniyang kaharian..

Ngayon, narito ako sa kaniyang bulwagan, sa harapan ng trono.

Siya'y nakaupo habang ang mga mata'y nakatingin sa akin.

" Sumunod ka sa akin at ipapakita ko ang mga parte ng kaharian. " wika ni Hades at tumayo sa kaniyang trono

Sinusundan ko siya..

Napatingin ako sa aking kapaligiran at tila nilamon na ng dilim at takot ang kahariang ito.

Sa mga naglalakihang rebulto ng mga mababangis na nilalang..

Sa mga disenyo ng bawat sulok ay hindi mona nais na manatili pa rito..

May mga kaluluwa din bang gumagala rito?

°~°~°

Tumigil kami sa silid hapagkainan at dito ko nakita ang lungkot nito..

Malawak ang espasyo..

Mahaba ang mesa at mayroon itong walong upuan sa bawat gilid, tila maaaring makaupo ang labing-anim na panauhin.

Ngunit naiisip ko pa lamang..

Siya lamang ba ang kumakain sa mahabang mesang ito? O kasama niya si Aeacus? O mga kaluluwa ba ang nakakasama niya?

°~°~°

Nakarating naman namin ang silid ng pagluluto..

Maraming agiw ang narito..

Mga kubyertos ay maalikabok, mga plato't pinggan ay basag at ang mga prutas na nasa isang mangkok ay bulok na.

Pero ang mas nakakapansin dito ay ang dami ng mga bote ng alak..

Ambrosia..

Teka, hindi na ba sila naghahain ng mga normal na pagkain dito?

" Bakit wala man lang nagsasa-ayos dito? " wika ko habang patingin-tingin sa madilim na paligid

Nagsimula akong kumapa sa paligid at ang aking mga kamay nahawakan ang isang sulo.

Paano ito magkaka-apoy?

" Patawad po, hindi ko po kasi makita ang aking paligid. "

Narinig kong pinitik ni Hades ang kaniyang mga daliri..

Sa isang iglap ay nagliyab ang aking hawak na sulo at ito'y nabigay liwanag sa dilim.

Nakikita ko na ang lahat..

Malala ang lugar na ito..

Hindi ko maiwasang maisip ang aking maayos na kusina sa aking tahanan.

°~°~°

Sumunod muli ako kay Hades..

Habang kami'y naglalakad ay napatingin ako sa kaniyang likuran.

Alam kong siya iyon..

Itinatanggi pa niyang hindi siya ang nakilala ko noon na natutulog sa ilalim ng puno..

" May problema kaba? " wika ni Hades habang ang kaniyang ulo'y nakalingon sa likura.

" Wala! Wala! " natatarantang wika ko

Mukhang alam din niyang may naiisip ako..

Kung gayon ang bawat kilos ko ba'y alam niya?

Kung sa bagay ay isa siya sa mga pangunahing diyos ng Olympus..

°~°~°

Lumipas pa ang mga minuto..

Marami na kaming pinuntahan na lugar sa kahariang ito at hindi ko na mabilang ang mga kwarto at iba pang dapat puntahan.

Sa palagay ko'y ang kaharian ay nabubuo ng kanluran at silangang parte.

Dagdag pa ang ikalawa't ikatlong palapag.

Hindi ko kakayanin na alagaan ang buong kahariang ito kung mag-isa lamang ako dito.

Siguradong mayroon akong mga kasama..

" Panginoong Hades, nasaan na ang iba pang mga kasamahan mo rito? Wala bang mga diwatang naglilingkod sa iyo? " tanong ko

Hindi siya tumugon sa akin, bagkus tumingin siya ng masama nang marinig ang aking katanungan.

Hindi kaya'y ito ang sinasabi ni Aeacus?

" Patawad po sa aking katanungan. " wika ko at napayuko sa panghihimasok

" Sundan mo na lamang ako kung ayaw mong mamatay sa pagkaligaw.. " wika ni Hades

Sinundan ko muli siya sa kaniyang pag-iikot..

Bigla akong kinabahan nang marinig niya ang aking katanungan..

Sa kaniyang mga tingin kanina'y maaaring magising ang kaniyang kasamaan..

Tama nga ang kanilang mga sinasabi..

Ang isang mortal na tulad ko'y dapat ingatan ang sasabihin..

Kung hindi ay baka wala na ako rito..

°~°~°

Tumigil kami sa harapan ng mga pintuan..

Doble ang mga pintuan at sa gitna nama'y mayroong dalawang bukasan.

Pilak ito at may mga naka-ukit na mga nilalang..

" Maaari mong puntahan ang kahit anong lugar na tinahak natin sa kaharian, maliban lamang sa isang ito. Akin ang silid na ito at ayaw kong makita ka sa loob nito. Hindi ako magdadalawang-isip kung sinuway mo aking utos tungkol rito. " paliwanag ni Hades

" Opo.. " tugon ko

" Isasagot ko ang katanungan mo kanina: TAYONG DALAWA LAMANG ANG NARITO SA KAHARIANG ITO. Walang kung-sinuman o kung ano pa man. Huwag mo rin akong pakeke-alaman sa aking mga gagawin o anuman, malinaw? " wika ni Hades

" Opo, malinaw po. " tugon ko

ANO??!!

Paano nito..

Kung gayon ay buong buhay ko'y ito na ang aking kaparusahan..

" Panginoon, hindi ko kakayaning mag-isa ang mga trabaho dito! Maaari po bang kahit isa lamang ay mayroon akong makakasama di-- " takot na wika ko

" Kung hindi mo kakayanin ito, mas mabuti pang kitilin na kita ngayon pa lamang. " wika ni Hades

Hay..

Anu ba ito..

Hindi naman sa nagrereklamo, ngunit hindi ko kakayanin ang lahat ng mga gawain dito.

Paano ba ako napunta dito?

Buhay akong nakarating dito..

Patay lamang ang nakararating dito..

Dito naba ang aking tadhana habang-buhay?

°~°~°

Sinundan ko muli si Hades kung saan siya tutungo..

Tumigil kami sa isang pinto..

Binuksan niya ito at isang kwarto..

" Ito ang iyong magiging silid.. "

Napaka-dilim..

Nakakatakot..

" Panginoon.. maaari po bang.. " takot na wika ko

Pumasok siya sa loob ng silid..

Sa isang iglap ay nagliyab ang mga kandila at nagbigay ito ng liwanag kahit papaano..

Ang silid na ito'y malawak..

Ang kama ay malawak at ang kulay ay pinaghahalo ito ng mga lila't pula, ang disenyo ay mga bulaklak.

Mayroon ding pausukan at upuan sa harapan nito..

Malaking antigong kabinet..

Isang karpet sa gitna ng malawak na sahig..

Doble ang laki nito kumpara sa aking silid sa aking tahanan.

" Panginoong Hades, maraming salamat po sa-- "

Lumakad siya palabas nang hindi lumilingon sa aking mga wika.

Wala talaga siyang pakiramdaman..

Ang tanging nagawa ko na lamang ay umupo ng nakabaluktok sa malawak na kama at nag-isip ng kung anu-ano..

Sana'y magawa ko ang lahat ng gusto niya..

Walang mga pagkakamali..

Nag-aalala ako na may halong matinding takot..

Pagbutihin mo nlng, Elina..

Nagawa mo nang nabuhay sa loob ng mga taon..

Magagawa ko rin ito..

Dito sa Mundong Ilalim..

****

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Changing For You    Chapter 17

    [ ELINA ]Isa-isa kong hinihimas ang tatlong tuta habang sila'y nasa aking kanlungan.Akalain mo nga naman..Tatlo silang maliliit at kabuuan nila ay isang malaking Cerberus." Nakakamangha kayo.. " wika ko at napangiti sa kanilaIba ang kulay ng kanilang mga mata.Asul, pero ang kanilang mga balahibo ay itim at mga kahel na bakas.Hmm..Lagi nalang silang narito sa kanilang kulungan.Kung dalhin ko sila sa Elysium?Nang sa gayon naman ay mayroon akong kasama.Abala ngayon si Hades at hindi ko pa siya nakakausap simula kanina.Hay..Hindi siya maalis sa aking isipan.Hinahanap ko siya.Ngunit, hindi ko siya maiistorbo ngayon. °~°~°Narito na kami sa Elysium.Dala-dala ko ang mga tuta at dahan-dahan ko silang ibinaba sa mayamang damo ng paraiso.Dito, nakita ko silang masaya at patakbo-takbo ang kanilang maliliit na paa.Naglalaro't naghahabulan habang wumawasiwas ang kanilang mga maliliit na buntot.Nakakatuwa silang pagmasdan..Ngayon pa lamang silang nakala

  • Changing For You    Chapter 16

    [ ELINA ]- Pagkatapos ng malalim na tulog ay biglang nagising ang aking mga mata.Huminga ako ng malalim at dinama ang aking malambot na higaan.Nadama ko na ang pagod.Masakit ang aking likod, lalo na ang mga hita ko.Mistulang binugbog ako ng ilang beses." Ang sakit.. "Dahan-dahan akong bumangon at nakita ko ang aking sarili sa isang salamin.Hubad ang aking katawan.Tanging kumot lamang ang tumatakip sa akin.Magulo din ang aking buhok.Ang aking mga pisngi'y namumula.Higit sa lahat ay mayroon akong nakitang kakaiba sa aking dibdib. Ano ito?!May mapulang marka sa aking balat. " Hmm? Nakagat ba ako ng insekto? "Hindi ito makati at hindi ito mahapdi.Basta lamang itong mapula.Tatanungin ko na lamang kay Hades kung mayroon bang insekto dito sa kaharian niya.Nasaan nga pala siya?Lumingon ako sa aking likuran kung saan ko siya katabing natulog.Wala na siya.Magulong mga punda at kumot lamang ang aking nakikita.Nauna na siyang bumangon sa akin." Marahil nasa bulwagan siya. "

  • Changing For You    Chapter 15

    [ ELINA]- Sa mga nagdaang panahon ay nakita ko ang pagbabago ni Hades.Hindi na siya suplado.Hindi na mainitin ang ulo.Sa likod ng kaniyang pagbabago ay lumitaw ang tunay niyang kulay.Isa siyang maginoo at may kabaitan.Mahilig siyang magtago ng nararamdaman kaya hindi mo malalaman ang kaniyang emosyon.Kung pagmamasdan mo pa siya ay mababasa mo ito.Kalmado lamang siya.May mga araw na maaari ko na siyang tawagan upang humingi ng tulong.Ang magbuhat ng mabibigat na bagay dahil sa kaniyang lakas.Ang pag-abot sa mga matataas dahil sa kaniyang tangkad.Pagkatapos ay maaari na siyang bumalik sa kaniyang gagawin.Ako naman ay ipaghahanda ko siya ng matinong hapunan. Sasabayan ko siya sa kaniyang pagkain. Hindi ko maiwasan na matuwa sa kaniya dahil sa kaniyang pag-iiba.Maayos kaming nagkaka-intindihan.                         

  • Changing For You    Chapter 14

    [ HADES ]- Nakatulog si Elina sa kaniyang labis na pag-iyak.Binuhat ko siya patungo sa kaniyang silid at doon ko siya hiniga sa kaniyang kama upang mapakapag-pahinga ng maayos.‌Nang makita ko ang labis na kalungkutan ng dalagang ito ay nadudurog ang aking puso.May bigat sa kaniyang puso.Tungkol saan ang kaniyang dinaramdam?Nais kong malaman.Ngunit, sa ngayon ay hindi muna..Siguro'y itatanong ko na lamang ito sa kaniya sa tamang oras at panahon.Ang kailangan ko munang isipin ngayon ay kung paano siya mabibigyan ng kaligayahan.Hmm..Ano kaya ang maaaring ibigay o kaya'y gawin?Hindi ako makapag-isip ng maayos sa mga iskrolyong ito.Si Elina muna ang aking alalahanin ngayon. °~°~°Nagtungo ako sa kaniyang silid.Sa harapan ng pintuan ay ako'y kumatok ng tatlong beses. * KNOCK-KNOCK-KNOCK!Ilang segundo'y hindi bumukas ang pintuan.Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumulyap sa maliit na siwang.Nakita kong naka-upo lamang si Elina sa kaniyang

  • Changing For You    Chapter 13

    [ ELINA ]- Wala si Hades ngayon dito dahil nagtungo siya sa kaharian ng Olympus.Ipinatawag siya ni Zeus.Narito ako ngayon sa pangunahing bulwagan at maiging pinapakintab ang kaniyang trono.Bigla kong naalala..Nang nakatulog siya rito.Siguro'y sa mga nagdaang mga araw bago pa ako narito ay hindi siya masyadong nakakapag- pahinga.Dito na rin siya siguro nalilipasan ng pagod.Hindi na nakaka-akyat sa kaniyang silid.Ang pagiging diyos ng isang nasasakupan ay isa sigurong bigat sa mga balikat.Kung gayon ay nakakapag-alala naman para sa kaniya." Ang sipag naman niya. "Wala siya ngayon..Hindi ko maiwasang isipin siya.Manabik sa kaniya.Ano ba ito?Iniiwasan ko siya tapos ngayon ay wala siya hinahanap ko siya. Bakit ganoon ang nararamdaman?Nakakalito kung minsan.Kung minsan ay hindi ko maiwasang mapa-isip ng anu-ano.Paano kung--Kung maging kasintahan ko na siya? Ano kaya ang pakiramdaman nang mayroon ganoon?Siguro naging kasintahan na ni Aphrodite si Hades. Ano kaya ang pa

  • Changing For You    Chapter 12

    [ HADES ]- Ang dalagang iyon.Ang dalagang iyon ay isang malaking tukso sa aking paningin.Sa bawat nariyan siya'y hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagmasdan siya.Titigan siya..Hinahanap-hanap siya ng aking mga mata.Hindi ko rin mapigilang maisip ang nangyari noon sa balkonahe. Simula noon ay hindi ko maintindihan ang aking sarili.Noon ay wala akong iniisip kundi trabaho bilang diyos dito.Wala din sa aking isip ang mga ganitong bagay dahil ito'y hindi bagay sa akin.Bigla na lamang nagbago ngayon. Ang halik na iyon..Naramdaman ko ang kaniyang mga malalambot na labi.Nagliyab ng malaking tukso ang aming pagitan.Hindi siya umiwas.Humahanga din ako sa kaniyang kabaitan. Maganda siya..Para sa akin ay lamang siya kay Aphrodite.Nagustuhan ko ang kaniyang mga berdeng mata at gintuang buhok.Maputi ang kaniyang balat at mga labi'y natural na pula.Ang mga katangiang ito'y nakita ko na noong una siyang nakipag-usap siya sa akin. Sa ilalim ng puno..Hindi ko siya pinansin no

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status