Share

13: Two in One

Pinapasok kami ni Domeng sa isang kuwarto na walang ilaw ngunit mga kandila ang nagsisilbing ilaw dito sa loob. Wala ring bintana sa silid na ‘to at puno ito ng mga weird na bagay na mukhang ginagamit niya sa faith healing.

Nakaupo lang kami rito ni Giovanni sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy at may kaharap kaming mesa na gawa rin sa kahoy.

Pagkatapos ay naglagay si Domeng ng isang palanggana ng tubig sa mesa, at kumuha naman siya ng incense burner pot na may kadenang hawakan.

Bigla niya itong iniugoy sa harap namin ni Giovanni kaya naman napaubo kami dahil sa sobrang usok na inilalabas nito. Napapapikit din kami dahil masakit ang usok nito sa mata.

Pero patuloy pa rin itong ginagawa ni Domeng habang bumubulong ng orasyon.

Mayamaya lang ay ibinaba niya ang incense at kumuha siya ng kandila. Ipinatak niya ito sa palangganang may tubig na nasa mesa. Pinapanood lang namin ni Giovanni ang kanyang ginagawa.

Nang matapos si Domeng ay hinipan niya ang apoy sa kandila upang mamatay. Pag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status