Share

12: Almost

Madilim ang paligid at halo-halo ang boses na naririnig ko. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Nasaan ba ako? Sino ba ‘tong mga naririnig ko.

Ilang sandali pa ay parang may naaaninag ako na taong nakatingin sa’kin. Bigla naman akong kinabahan nang mapagtanto kong pamilyar siya sa’kin.

Tama, naalala ko na. Siya ‘yong walangyang humampas sa ulo ko ng bote ng alak kaya nalaglag ako sa pool at nalunod. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung ano bang atraso ko sa taong ‘to at ginawa niya ‘to sa’kin.

Hindi ko man masyadong maaninag ang mukha niya pero pamilyar ang hilatsa ng buhok niya at hugis ng katawan.

Mayamaya lang ay may naririnig akong beeping sound na parang galing sa isang machine.

Naramdaman ko na ang talukap ng mga mata ko at dahan-dahan ko itong idinilat.

“How’s my grandson, Doc?”

Pamilyar ang boses na ‘yon. Naaaninag ko na rin kung sino ang taong ‘yon na nakatayo sa tabi ko.

“Apo? Mikhail? Gising ka na ba?”

Nandilat ang mga mata ko nang makita ko si Lolo Jorge. Na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status