Share

Side Story 2: Charlotte's Future as Kehlani

"Sister, can we play at the backyard?"

Napahinto sa pagtitipi ng mga damit ang madre nang mapansin ang dalawang bata sakanyang gilid. "Why? Hindi na ba kayo nasisiyahan sa mga laroan na binigay ko?" nakakunot noong tanong niya sa dalawang bata.

Nagtinginan ang dalawa bago sabay na sumagot. "That child... is weird." Sabay nilang itinuro ang direksyon na batang babae na nakaupo sa sahig habang nakatulala.

"Kanina pa namin siya inaaya na makipaglaro saamin pero hindi niya kami pinapansin, kanina pa siya tulala."

Napatingin ang madre sa direksyon ng batang babae bago ibinalik ang tingin sa dalawang bata. "O siya, sige. Sa likod muna kayo maglaro, ngunit huwag kayong magtatagal ha? Maya-maya'y maghahapunan na tayo."

Tumango ang dalawa bago tumakbo palabas ng kumbento. Inilapag ng madre ang kanyang tinupi na damit bago marahang lumapit sa batang babae.

Pinagmasdan niya muna ito bago nagdesisyong haplusin ang mahaba nitong buhok upang maagaw ang atensyon ng bata ngunit hindi pa rin ito g
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status