Share

Chapter 3: Part I

Author: triciawrites
last update Last Updated: 2022-09-09 17:19:09

Rumored 3:

( Caught )

"So mag kakilala na pala kayong dalawa?" Gulat at masayang tanong ng Mommy ni Chase sa amin, habang masaya kaming pinagmamasdan kaya napa-iling ako.

"Nagkita na po kami niyan ni Chase, kanina sa rooftop," kwento ko kay Tita habang si Chase naman sa tabi ko malamig na nakatingin sa akin habang nakahalukipkip.

Gusto kong sabihin na "Ang feeling nga po niyang anak niyo kanina," pero buti na lang talaga napigilan ko sarili ko sa pagkwento sa kanya. Kasi nako. Anak niya pala iyan!

"Sige po, Tita. Mauna na po akong umuwi," paalam ko. Binalingan ko rin si Chase nang tingin at gaya kanina blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

Nagtama mga mata namin kaya naman nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Hindi ko talaga kaya makipag eye to eye contact sa mga mata niya.

There something in his eyes na hindi ko mapaliwanag. I have passed by many eyes but I only got lost in his. Whuut? Ano ba itong mga pinag-iisip ko? Nabubuang na ata ako.

"Sabay ka na sa amin? Ihahatid ka na namin sa inyo," alok na sabi ni Tita pero agad din akong umiling-iling bilang pag-tanggi.

"Nako, hindi na po!" Baka kasi iba pa yung maisip ng anak niya pag sumabay ako sa kanila.

Grabe, pa naman ka-advance mag-isip yung isang iyon.

"Come on, Kaylle, I insist." Pagpupumilit ni Tita sa akin.

Tumingin muna ako sa anak niyang si Chase, na blanko lang ang ekspresyon ng mukha na nag-iwas din ng tingin sa akin. Bago ngumiti ng pilit at tumango sa Mommy niya.

Ramdam ko ang paninitig ng ibang studyanteng babae at bulungan nila noong sumakay ako sa magara nilang sasakyan. Panigurado ako ang headline nito kinabukasan!

They have a driver na sa pagkakakilala ko ay si Mang Benny? So si Tita ang nasa passenger seat while kaming dalawa naman ni Chase ang nasa may backseat.

Sobrang tahimik at ni-hindi kami nagkikibuan at sobrang layo namin sa isat-isa na para bang may nakakahawang sakit yung isa sa'min. Dulo sa dulo ang pwesto namin.

Siya naman yung may gusto nito. Bahala siya!

"Chase, Kaylle, magsalita naman kayong dalawa. Jusko! Hindi naman bawal magsalita." Pabirong sabi ng Mommy niya sa amin noong lingunin niya kami sa may backseat. Napangiti ako ng pilit. Paano ko kakausapin yung taong ayaw makipag-usap? At saksakan ng snob? Nakakapanis kaya siya ng laway!

"Chase, kausapin mo naman si Kaylle, baka nahihiya lang 'yan sayo." Sabi ng Mama nito sa kanya. Tamad niya ako binalingan ng tingin, bago tuluyang ibaling sa may bintana sa gilid nito ang paningin habang nakahalukipkip. Tssk. Ang yabang na nga tapos ang sungit pa! At maka-irap daig pa babae! Bakla talaga ata 'to?

Napa-iling na lang si Tita sa amin habang tinitignan kaming dalawa sa salamin na halatang give-up na siya na pag-usapin kami. Hanggang sa ilang saglit pa ay nakarating na din kami sa bahay namin.

"Maraming salamat po, Tita sa paghatid sa akin dito." Sabi ko habang nakangiti sumulyap din ako sa gawi ni Chase saglit na hindi mo alam kung tulog o nakapikit lang bago ako bumaba ng sasakyan nila.

I was about to open the gate nang biglang lumabas si Chase sa may backseat ng sasakyan nila kaya napatingin ako sa direksyon niya. His face is blank. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip niya.

"My Mom wants me to apologize for what I act lately but I don't want to." He said coolly noong makalapit siya sa harapan ko.

Talagang bumaba pa siya para sabihin lang 'yan? Nakakaasar ha.

Napa-ngisi na lang ako habang tinitingnan siya. Gwapo nga demonyo naman, tssk.

"Okay lang, ano pa ba i-e-expect ko mula sa'yo?" Tugon ko habang nakahalukipkip na nakatingin sa kanya.

"I wonder if you planned all of this just to get my attention. How pathetic." Mayabang na litanya niya kaya naningkit ang mga mata ko habang nakikipag titigan sa kanya.

"Excuse me?" Hindi makapaniwalang usal ko.

"If this is your plan I'm telling you right now to quit it. Kasi hindi ako magkakagusto sayo. Kahit tulungan ka pa ni Mommy." Mayabang at cold na sabi niya na mas kinainis ko lalo.

Napaka self-proclaimed niya talaga. Nanggigigil ako!

Oo, alam ko na magandang lalaki siya. Hindi naman maikakaila 'yon eh. Pero parang timang? Ampucha! Feeling niya talaga siya yung gusto ko!

"Sinadya?" Hindi makapaniwalang usal ko. Habang pinaniningkitan ko siya ng mata. Naiinis na talaga ako sa kayabangan niya! Ang sarap niyang pagpipirasuhin!

"Tandaan mo 'to." Turo ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang hinihintay ang sunod kong sasabihin.

"Hindi. Ikaw. Ang. Taong. Gusto. Ko." Madiing sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Hindi ko rin ipagpapalit ang lalaking gusto ko sa sobrang yabang na katulad mo! Ibang-iba ang taong gusto ko sa'yo!" Naiinis na sabi ko sa kanya habang pinanlalakihan ko siya ng mga mata ko.

Marahan siyang tumango na tila ba hindi man lang affected sa sinabi ko. He bend little his knee dahilan kung bakit naging magkapantay mga mukha namin ngayon. Napalunok at kurap ako sa ginawa niya. Halos hindi ako makahinga habang nakatingin sa kanya na seryosong nakatingin din sa akin at konting-konti na lang magtatama na yung tungki ng ilong namin sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Naging mabilis ang pagkislot ng puso ko dahil dito.

"Really, you don't find me attractive?" Tanong niya kaya napakurap ako ng ilang beses.

"You sure of that?" Nakataas yung dalawang kilay niya habang pinag mamasdan ang mukha ko na para bang naninigurado?

He sighed heavily bago umayos sa pagkakatayo at pumamewang. "Good." dugtong na sabi niya sa mayabang na tono bago pumamulsa sa pants niya.

Aba at talagang!

He shrugged. "And nonsense, I'm every girls dream," pagmamayabang niya pa. "Stick to your words. Baka kasi sooner or later malaman ko na gusto mo na ako," dagdag niya.

Ngumisi ako habang nakatingin sa kanya sa iritasyon na nararamdaman ko towards him. This nerve of this guy is unbelievable!

"Baka sa kaka-insist mo na ako yung may gusto sayo bumaliktad mundo. Instead na ako yung ma-fall sayo, BAKA IKAW PA yung mismong unang ma-in love sa akin. Kawawa ka naman pag nangyari 'yon kasi hindi kita masasalo," natahimik siya sa sinabi ko habang nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin.

"You wish. I'm not interested in you." Iling na sabi niya.

"Yeah, I wish talaga na kainin mo 'yang mga sinabi mo ng mabusog ka!" Nagkatitigan kami ng ilang segundo.

"Then make me," hamon nito sa akin. Kaya natigilan ako at napakurap ng ilang beses dahil doon.

"If I fall for you, I'll make sure you will fall for me too. Hindi ako papayag na ako lang ang may gusto." Dagdag na usal niya na kinatahimik ko.

Hindi ko maintidihan sarili ko. Bakit panay ang pag aalburoto nito ngayon sa turan ng lalaking kaharap ko.

Umiwas siya ng tingin hanggang sa tumalikod at bumalik papunta sa sasakyan nila. What was this weird feeling? Napa-iling akong pumasok sa bahay. Feeling ko lahat ng energy ko nawala sa katawan ko.

"Sino 'yon?" Bungad na tanong ni kuya Kris habang nginunguso yung sasakyan na paalis.

"Manliligaw mo ba 'yon Kaylle?" Naniningkit mga matang tanong ni kuya Kenzo, ang pinaka-strict kong kuya.

"Manliligaw agad kuya?" Kunot noong wika ko.

"Eh, sino 'yon?" Napahalukipkip ito at tinignan ako ng mata sa mata.

"Mama nung Chase na naging kaibigan ko kanina lang." Pag amin ko pero yung mga tingin nila parang ewan, atsaka ano?! Kaibigan ko 'yon? Enemy kamo!

"Kuya naman! Anong tingin 'yan!?" Sabi ko sa dalawang kuya ko na nakatingin sa'kin na para bang nanghuhuli? As if naman talagang may tinatago ako sa kanila.

"Siguraduhin mo Kaylle, pakita mo muna sa amin yung hitsura no'ng nanliligaw sa'yo." Sabi ni Kuya Kenzo sa nagbabantang tono.

"Gusto namin siguraduhin na yung tao rin na 'yon yu-" Naputol yung sasabihin  ni Kuya Kris ng samaan siya ng tingin ni Kuya Kenzo.

"We just want to make sure na hindi mo boyfriend yung naghatid sayo." Si kuya Kenzo ulit. Boyfriend agad-agad? First day of school?

"Bago ka mag boyfriend ipakilala mo muna sa'min maliwanag?" Striktong pahayag ni Kuya Kenzo bago itutok yung paningin sa laptop niya.

Si Kuya Kenzo, at si Kuya Kris, magkahawig sila. Pero kung anong seryoso ni kuya Kenzo, siya yung kinaiba ni kuya Kris, magkahawig sila pero hindi sila kambal.

Mas matanda si kuya Kenzo kay kuya Kris ng dalawang taon. Gwapo sila lalo na si Kuya Kenzo daming nagkakagusto sa kanya noong high school days niya.

Naalala ko noong elementary ako, at highschool sila kuya. Sa akin binibigay ni kuya Kenzo yung mga chocolates niyang natatanggap sa mga admirers niya.

Si Kuya Kris, jusko puro kunsomisyon binibigay niya kila Papa at Mama na nasa Singapore noong elementary at highschool days niya. Pero nagbago naman na siya noong college days niya.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko nang i-G****e ko si Chase Monteverde sa laptop ko. Sa sobrang inis ko na G****e ko pa talaga siya.

Napabuntong-hininga na lang ako nung nalaman ko na kilala pala talaga yung pamilya nila at hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba't-ibang panig ng mundo. Kaya pala mayabang yung isang iyon. Feeling untouchable? Tssk.

Am I weird? Kung tinitignan ko rin yung family picture nila sa G****e? At sa mga Monteverde clan na hindi ko naman kilala kung sinu-sino, pero kilala sa larangan ng business? And also baby pictures? Hindi ko nga alam kung sinu-sino itong mga baby na nandito basta Monteverde sila!

Naningkit mga mata ko nung makita ko si Chase na may ka-akap na babae at nasa Paris sila! Kita ko sa background nila yung Eifell tower at wow! Naka-ngiti pa siya roon. Ang rare nito ha!

So, may girlfriend pala yung isang iyon? Buti hindi niya sinusungitan? At infainess naman doon sa babae ang ganda ha! Mukhang diyosa.

Bago pa ako may malaman o makita tinigil ko na ang pag-stalk ko sa lalaking 'yon. Hindi naman kasi talaga ako interesado doon na yayabangan lang talaga ako sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 10:

    Rumored 10:( Sick )The wedding went well kahit na nauna na kami umalis ni Chase umalis bago pa mag reception. Yung mga kaibigan niya iba ang mga ngisi nung nalaman na nauna kaming umalis doon. At isa pa yung si Chase! Ako ba naman yung ginawang dahilan para bumalik agad sa hotel na tinutuluyan namin?! Hindi ko na lang pinansin pa mga katyaw ng mga kaibigan niya na iyon sa amin, kasi wala naman nangyari! Wala naman talagang mangyayari dahil tinulugan ako ni Chase!Hindi naman sa may gusto akong mangyari or what pero sana naman di ba? Hindi niya ako hinayaan ma-bored sa kwarto habang natutulog siya. Bisita pa rin naman kasi ako kahit papaano.Pinakain niya lang ako sa isang restaurant saglit tapos bumalik na kami sa hotel at natulog na siya habang ako bagot na bagot doon! Naghihintay kung ano oras siya magigising.Four days. Mag aapat na araw na rin simula noong kinasal sina Ysabelle at Chance. At sa apat na araw na iyon hindi ko na nakikita na nagkakalat si Chase dito sa AU yung mga

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 9: Part II

    Napakurap pa ako ng mga ilang beses hanggang sa matauhan ako nang nasa harapan ko na ang magandang lalaking 'to. "Can you help me to put this on me?" Sabi niya sa akin at inabot sa akin yung kulay pink na bulaklak na hawak niya. Ilang beses pa akong napakurap bago ako matauhan sa sinabi niya. Agad ko rin na amoy ang mamahaling pabango niya noong lumapit ako ng konti sa kanya.Halos manginig kamay ko habang kinakabit sa suit niya yung bulaklak na hawak niya kanina, ano bang nangyayari sa akin? Okay naman ako kanina noong tinitignan ko siya sa malayuan, pero noong lumapit na siya doon na ako na lintekan.Napabuga ako ng hangin noong natapos din ako sa pagkabit no'n sa kanya at agad niyang hinawakan yung dalawang nanlalamig kong mga kamay, kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya."Are you alright?" Tanong niya sa akin kaya napalunok ako habang nakatingin siya sa mga mata ko. Ano ba talagang nangyayari sa akin ngayon? Bakit hindi ko maintindihan sarili ko? Bakit parang may mali? Yung puso

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 9: Part I

    Rumored 9:( Wedding Day )Ngayon ang araw ang kasal ni Chance at Ysabelle, rito sa Hill Creek Garden dito sa Tagaytay. Everyone seems so happy maliban sa isa. S'yempre sino nga ba ang magiging masaya, kung yung ka isa-isang taong minahal mo ikakasal na sa iba?Napabuga ako ng hangin habang pinagmamasdan ang mga makukulay na bulaklak na nasa gilid ko. Nakakaburyo dahil wala akong makasama o makausap man lang. Simula kasi nang makarating kami rito ni Chase, noong Biyernes ng gabi lagi niyang kasama yung mga kaibigan niya na sina Moon, Rocky at Kaven. Hindi ko alam kung tungkol saan ba yung pinag-uusapan nila tuwing magkasama silang apat. Pero sa tingin ko naman, sinasabihan na nila yung kaibigan nila na mag-move-on na. Dahil kinabukasan kasal na ni Ysabelle at ng kapatid niya. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ng maayos 'yong si Chase, dahil hindi ko siya naramdaman kagabi na pumunta sa kwarto namin at tumabi sa akin. Napangiwi ako habang pinagmamasdan yung mga ilang staffs na nasa

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 8:

    Rumored 8:( Compliment )Mag-iisang linggo nang nakakalipas simula nung nagbirthday yung Daddy ni Chase, at isang linggo ko na rin siyang iniiwasan simula noong masukahan ko siya. Nahihiya pa rin kasi talaga ako sa kanya sa ginawa kong 'yon. Napaka sukain ko kasi talaga pag umiinom. Nung uminom rin kami nila Zeah sumuka rin ako eh.Sobrang kabado rin ako nung umuwi ako. Akala ko papagalitan ako ni Yaya Emily at isusumbong sa mga kuya ko! Pero so far... Hindi. Ang sabi niya lang sa akin pagka-uwi ko. She trusted me, malaki na raw ako at alam niyang responsible naman daw ako sa mga ginagawa ko.Napa-iling ako habang inaalala ko iyon. Para naman kasi talagang may ginawa ako nung mga araw na iyon! Kaya nakaka-windang lang!"Pang ilang iling mo na iyan ha, share mo na 'yan! Nag-away ba kayo ni Chase?" Napalingon ako sa kanya bago umiling. Kasama ko kasi ngayon si Zeah, at hindi pa rin niya alam yung totoo. Na peke lang yung relasyon namin ni Chase. Na sinakyan lang namin yung kumakalat

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 7: Part II

    Nakaramdam ako ng ginaw kaya naman iniangat ko yung kumot at itinaklob sa buong katawan ko. Kailan ba naging malambot ng ganito kama ko? Marahan akong napadilat at napatingin sa hinihigaan ko. Kailan pa naging puti ang kobre ng kama ko? Inalis ko ang pagkakataklob ko sa katawan ko at ginala ng mga mata ko ang paligid. Napatingin ako sa puting kurtina na nakabukas at kita doon ang buong syudad kaya napabalikwas ako ng bangon kahit na parang binibiyak yung ulo ko sa sakit."Nasaan ako?" Bulong ko sa sarili habang sapo ko ang ulo ko. Napatingin rin ako sa suot ko. Hindi ito ang damit ko!Pinakiramdaman ko sarili ko kung may masakit ba pero wala akong maramdaman! Tanging ulo ko lang.Noong nakalabas ako ng kwarto agad sumalubong sa akin ang nakatalikod na lalaki na nasa may kusina at hindi ako pwedeng magkamali kung sino iyon. Dahil likod pa lang mukha ng Prinsipe.Agad itong lumingon sa direksyon ko noong naramdaman niya ang presensiya ko. Nagpupunas na ito ngayon ng basa niyang kamay."

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 7:

    Rumored 7: ( Drunk night )Noong makabalik kami sa loob nakaramdam ako ng may kung anong pinatong sa balikat ko. Napalingon ako kay Chase na nag patong ng coat niya sa balikat ko. Kita ko pa ang pagtaas-baba ng adams apple niya na ang hot tingnan. Damn, to believe it or not. I can watch him all day or all night na lumunok. Ewan ko ba. Na-wi-wirdohan na nga rin ako sa sarili ko. Sa mga na iimagine ko."Wear this for a mean time, your arms is cold. Alam kong giniginaw ka na. Kaya isuot mo na muna 'yan," Nginitian ko siya at kinabig ko yung kaliwang braso niya kaya agad itong napakunot noong lumingon sa akin."Yiee, concern siya oh!" Asar ko sa kanya pero inirapan niya lang ako habang pinamulsa yung dalawang kamay sa pants niya."Pero thank you, gentleman ka naman pala kahit suplado ka," sabi ko pa kaya sinamaan niya ako ng tingin. He's going to say something pero natigilan siya. Buti na lang! Kasi alam kong makikipagtalo siya sa akin. "Chase!"Napalingon kami sa tumawag sa kanya ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status