Share

Chapter 2: Part I

Author: triciawrites
last update Last Updated: 2022-09-03 22:05:07

Rumored 2: Part 1

( First meeting )

Lunch time pero puro yung Chase Monteverde, pa rin yung pinaka-main topic at pinag-uusapan ng mga kababaihan dito. Like hindi raw talaga sila makapaniwala na rito na rin iyon nag-aaral. Tapos ang gwapo-gwapo raw! Overload ang kakisigan. Kaya naman syempre sa part ko na hindi iyon kilala at hindi maka-relate sa mga tsismis dito hindi ko maiwasan ang hindi mairita. Dahil sa totoo lang? Nakakarindi na sila.

Kakatapos lang halos namin mag-lunch. Kasabay ko ang mag jowa na sina Zeah at Carlo, nagpapahinga lang kami rito sa may canteen pero biglang kinilig si Zeah sa harap ko noong may pumasok na tatlong lalaki rito sa may canteen.

"Iyan nanaman siya," iling na wika ni Carlo sa tabi ko noong makita niya kung sino yung nakita ng girlfriend niya.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangisi. Ang hirap talaga pag yung girlfriend mo mahilig sa gwapo no'?

Paano kaya na-ha-handle ni Carlo yung pagiging ganito ni Zey? I mean... Mahilig sa gwapo yung girlfriend niya. Buti na nga lang hindi gaanong seloso itong si Carlo, kasi nako! Lagi ata sigurong may world war II 'tong dalawang 'to pagnakataon.

Pero kilala ko 'tong si Carlo, at mahal na mahal niya talaga 'tong bestfriend ko. Kaya naman tanggap niya pagiging ganyan ni Zey, at gano'n din naman si Zey hanggang tingin lang naman siya sa mga iyan at hindi niya pinapatulan kung may lalapit man sa kanya.

"Ang gu-gwapo talaga nila 'di ba?!" Nguso ni Zeah sa tatlong lalaking kakapasok lang dito sa may canteen na nagtatawanan at nagtutulakan.

Walang tulak kabigin sa kanilang tatlo dahil lahat sila may mga itsura. Lahat sila mga mukhang artista at prinsipe. Sila talaga yung angat dito sa AU. And everyone called their squad ACES kasi raw they got it all?

I know them three. Bukang bibig ba naman ng mga kababaihan 'yan dito. Since, freshman years namin sila na yung pinag-uusapan at kinababaliwan ng mga kababaihan dito.

Yung isang kaibigan lang nila na galing Helix University yung hindi ko pa nakikita. Yung Chase Monteverde nga na napaka-famous ngayon dito sa school. Ewan ko ba roon kung kailan yung last year doon pa siya lumipat ng school.

"Gwapo nga mga babaero naman," naka-ngusong bulong ni Carlo sa tabi ko kaya natawa ako. May point kasi siya roon. Ano naman kasi ngayon kung gwapo sila? Hindi naman kasi nakakadagdag ng pagiging pogi yung pagiging babaero.

Kinalabit ako ni Zeah, kaya napabaling ako ng tingin sa kanya na nakataas ang dalawang kilay.

"Sino ba bet mo d'yan sa tatlo?" Tanong niya pa kaya napatingin ulit ako sa direksyon nilang tatlo at nagkibit-balikat.

"Si Moon, nakausap ko siya one time. Approachable naman siya. Kaso it looks unreal kasi parang sobrang good boy niya? Si Kaven naman napaka-tahimik lang. At napansin ko medyo iwas siya sa babae kaya parang feeling ko bakla siya." Aba siniraan pa nga?

"Si Rocky naman hindi ko siya bet para sa'yo parang kagaya lang din kasi iyon ng crush mo na si Anderson." Kuwento niya kaya napailing ako.

"Bugaw talaga bestfriend mo," bulong na sabi sa akin ni Carlo kaya natawa ako.

"Hindi ko sila type. Oo, mga gwapo nga sila pero si Connor lang talaga gusto ko. Si Connor lang talaga nagpapatibok nitong puso ko," madamdaming saad ko sa kanilang dalawa habang tinuturo ko pa yung dibdib ko. Kahit wala naman ako no'n. 

Si Connor Anderson. Siya na kasi yung ultimate crush ko since high school pa lang kami. Yung sa St.Claire pa lang kami nag-aaral. He got the charming smile na walang sino man ang makakatanggi. Kaya naman talagang napakaraming babae na nagkakagusto sa kanya noon at mapa-hanggang ngayon.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wag ka na roon kay Anderson!?" Asar na bulyaw niya sa akin. Lahat na lang nang pang di-discourage sinabi niya na sa akin. Like kesyo ng go-ghosting, paasa, pa-fall, fuck boy at kung anu-ano pa. Sa totoo lang nasasaktan ako pag sinasabi sa akin 'yan ni Zeah kasi hindi naman mukhang gano'n si Connor eh. Ang bait niya kasi sa akin.

Sana kung fuck boy nga siya o paasa, dapat 'di ba? Niligawan niya na ako? Kasi may crush ako sa kanya at alam niya iyon pero hindi siya nag-take advantage!

"He's just wearing that innocent smile, para may ikama na babae, nako, Kaylle! Wag ka nga magpapadala roon!" Inis na pangaral sa akin ng kaibigan ko.

"Alam mo ba yung blockmate kong si Ivy? Sabi niya ghosting daw talaga 'yan si Anderson," I was about to say something pero pinigilan niya ako.

"At alam mo ba na pinaasa niya si Divine!" Kumunot noo naman ako. Sino naman si Divine?

"Batchmate natin 'yon sa St. Claire kung naalala mo. At Kaylle ang ganda na no'n, ah! pinaasa pa ni Anderson!" Inis na turan nito sa akin. Kaya napabuga na lang ako ng hangin.

"Baka kasi ako hinihintay no'n," bulong ko na kinatawa naman ni Carlo sa tabi ko. Kaya yung bestfriend ko sa harap ko napasapo na lang yung kamay sa noo niya at halatang na-stress siya sa sinabi ko.

"Rupok," naka-ngising sabad ni Carlo habang umiiling-iling.

"Bakit ba hindi ka pa madaladala? Kailangan pa ba kitang pukpokin? Sabihin mo lang. Nang matauhan ka! Jusko! Ang rupok mo!" Naiinis na sabi ni Zeah at inirapan pa ako. Kaya 'yon natawa na lang ako at siya rin kahit na naiinis na siya sa katigasan ng ulo ko.

Napatingin uli ako sa kaibigan ko noong muli siyang mag-salita, but this time she's serious. "Best friend kita Kaylle, ayaw kitang makita na nasasaktan sa mga maling choices mo pagdating sa mga lalaking ganyan," dagdag na turan niya. She sounds so expert when it comes to this huh.

"Hindi mo pa siguro nakikita si Chase? Siya na yung bagong campus crush ngayon dito sa AU, hindi yung Connor na 'yon. Atsaka hanggang St. Claire lang siya sa pagiging heart throb niya!" Wala naman akong pakielam doon sa Chase na iyon e', si Connor pa rin kasi talaga.

"Sikat si Chase sa mga kababaihan, dahil ultimatikong billionare siya at yung looks niya? Nako. Pamatay! Ang gwapo!" Medyo OA niyang sabi kaya napapa-iling ako. Kung ano kasi ang pag da-down niya kay Connor, doon sa Chase naman na 'yon todo build up.

"Saka huwag mong pangarapin yung lalaking gusto mo, babae ka. Kaya dapat ikaw ang pinapangarap nila," si Zeah.

"Tama! Tama!" Sang-ayon ni Carlo sa sinabi ng girlfriend niya kaya napa-ngiwi ako dahil doon. Noong matapos na kami magpahinga ng ilang minuto bumukod na rin ako sa kanilang dalawa. Dahil ayokong maging third-wheel.

May oras lang yung pagiging third wheel ko no'! Ayoko naman na buong lunch break namin nakabantay ako sa kanilang dalawa.

Paakyat ako sa may rooftop para mag pahangin. Dito kasi laging tambayan ko tuwing pagkatapos kumain. Nang makarating ako dito bumungad sa akin ang napakalakas na hangin at nahagilap din ng mata ko yung isang lalaki na nakatayo malapit doon sa may gilid na walang railings o harang na parang...

Nanlaki mata ko sa nakita ko magpapakamatay ba siya?!

Hindi na ako nag dalawang isip pa at agad akong napatakbo patungo sa kanya para pigilan siya sa masama niyang balak.

Bakit naman ganito!? First day of school may mga ganito na agad na ganap eh, wala pa nga kami sa kalagitnaan ng month para ma-stress siya!

Niyakap ko siya mula sa likod.

"Huuuy, pag-usapan natin 'to. Huwag ka magpapakamatay!" Ani ko.

Hindi ko alam kung anong problema niya pero baka pwede pang mapag-usapan?

Hindi naman kasi pagpapakamatay ang solusyon sa problema.

I am willing to listen naman if ever na mag-open siya. Pero infairness ang bango niya ah!

"What the hell?!" Inaalis niya yung mga braso kong mahigpit na nakapulupot sa kanya pero hindi ko 'yon inalis hanggang sa ma-out of balance kaming pareho.

Good thing nahila ko siya paatras at napigilan ko ang masama niyang balak.

"What the hell is your problem, Miss?" Masungit na singhal niya sa akin.

Agad nagtama mga mata namin ngunit binaling ko rin sa ibang direksyon ang mga mata ko. Ang gwapo naman nitong isang 'to.

I can't even look straight in his eyes, nakakapanghina ng tuhod para kasing may kung ano sa mga mata niya na... Humihigop sa akin? Ano raw? Hindi ko ma-explain! Pero parang gano'n?

Pero ang gwapo niya talaga ha! Oh, no! Wait, don't tell me, na nakakapanghina ng mga tuhod kasi napaka-gwapo ng kaharap ko? At na-starstruck ako? What!? No, way! Nahahawa na ba ako kay Zeah?

Hindi ako attracted sa looks except kay Connor! Hindi ako attract-

"So you're deaf now?" Inis na sabi niya kaya nabalik ako sa katinuan ko. Ano ba pinagsasabi nito?

Tiningnan ko muli siya saglit at napalunok. Nakakunot ang noo niya at I can say na he was so pissed! Napababa ako ng tingin noong tingnan niya ulit ako.

Bakit gano'n ang wierd nitong na-fi-feel ko? Bakit ba ako kinakabahan? Siya na nga yung pinigilan ko sa balak niya!

Yung aura niya halatang masungit at suplado pero... Bakit ang lakas pa rin nang dating sa akin? Kahit na alam kong pinapatay niya na ako sa mga tingin niya ngayon sa akin!? His eyes is sharp and... Intimidating?

Pilit kong kinakalma ang sarili ko kasi ang bilis ng pintig ng puso ko ngayon dahil dito sa lalaking ito! Hindi ko alam kung natatakot ba ako sa kanya o ano?

He's wearing denim and a black & white striped long sleeves paired with white jeans with a white sneakers pero ang lakas na nang datingan niya.

Nililipad din nang malakas na hangin yung buhok niya pero hindi iyon naging hadlang para pumangit siya. In fact, kahit magulo na buhok niya ang gwapo pa rin niya tingnan.

Matangkad, maputi, at napaka-perfect yung hulma ng ilong at may pagka-pinkish ang labi niya. Perfect din ang ayos ng makapal niyang kilay. Everything in him is perfect! Like siya yung ma-i-imagine mo sa isang manga na Prinsipe na minagic at ginawang tao?

Maamo ang maliit nitong mukha kahit na medyo parang galit na siya. Is that even possible? Yung mata niya ang nagdadala sa emosyon niya. Kasi nga blanko lang ekspresyon ng mukha niya but his eyes telling his feelings... But then kahit anong gwapo niya he looks... Sad and lonely?

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Damn it! I'm checking him out.

Kay Connor ka lang heart huwag ka nga mag papadala d'yan! Demonyo talaga 'yan.

Napahawak na lang ako sa may bandang dibdib ko sa sobrang bilis nito ngayon sa pagtibok. Habang pasimpleng pinagmamasdan yung lalaki na nakaupo din sa tabi ko. Totoo talagang tao siya!

"Bakit ba ang sungit mo?! Ikaw na nga pinigilan ko sa pagtalon mo d'yan ikaw pa may ganang magalit?! Alam ko mahirap ang buhay pero hindi naman pagpapakamatay ang solusyon sa problema! Alam mo dapat nga mag thank you ka sa akin kasi niligtas ko buhay mo." Ani ko sa kanya.

"Seriously? I'm not that insane para gawin 'yan."

"You know what? If I'm not mistaken you are just like the other girls that wants my attention, right? So, 'yan napansin na kita at nayakap mo pa ako. Satisfied now?" Dagdag pa niya bago tumayo at pinagpag ang pants niya sa harapan ko.

Napakurap ako ng ilang beses bago tuluyang mag-sync-in sa utak ko yung sinabi niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 10:

    Rumored 10:( Sick )The wedding went well kahit na nauna na kami umalis ni Chase umalis bago pa mag reception. Yung mga kaibigan niya iba ang mga ngisi nung nalaman na nauna kaming umalis doon. At isa pa yung si Chase! Ako ba naman yung ginawang dahilan para bumalik agad sa hotel na tinutuluyan namin?! Hindi ko na lang pinansin pa mga katyaw ng mga kaibigan niya na iyon sa amin, kasi wala naman nangyari! Wala naman talagang mangyayari dahil tinulugan ako ni Chase!Hindi naman sa may gusto akong mangyari or what pero sana naman di ba? Hindi niya ako hinayaan ma-bored sa kwarto habang natutulog siya. Bisita pa rin naman kasi ako kahit papaano.Pinakain niya lang ako sa isang restaurant saglit tapos bumalik na kami sa hotel at natulog na siya habang ako bagot na bagot doon! Naghihintay kung ano oras siya magigising.Four days. Mag aapat na araw na rin simula noong kinasal sina Ysabelle at Chance. At sa apat na araw na iyon hindi ko na nakikita na nagkakalat si Chase dito sa AU yung mga

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 9: Part II

    Napakurap pa ako ng mga ilang beses hanggang sa matauhan ako nang nasa harapan ko na ang magandang lalaking 'to. "Can you help me to put this on me?" Sabi niya sa akin at inabot sa akin yung kulay pink na bulaklak na hawak niya. Ilang beses pa akong napakurap bago ako matauhan sa sinabi niya. Agad ko rin na amoy ang mamahaling pabango niya noong lumapit ako ng konti sa kanya.Halos manginig kamay ko habang kinakabit sa suit niya yung bulaklak na hawak niya kanina, ano bang nangyayari sa akin? Okay naman ako kanina noong tinitignan ko siya sa malayuan, pero noong lumapit na siya doon na ako na lintekan.Napabuga ako ng hangin noong natapos din ako sa pagkabit no'n sa kanya at agad niyang hinawakan yung dalawang nanlalamig kong mga kamay, kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya."Are you alright?" Tanong niya sa akin kaya napalunok ako habang nakatingin siya sa mga mata ko. Ano ba talagang nangyayari sa akin ngayon? Bakit hindi ko maintindihan sarili ko? Bakit parang may mali? Yung puso

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 9: Part I

    Rumored 9:( Wedding Day )Ngayon ang araw ang kasal ni Chance at Ysabelle, rito sa Hill Creek Garden dito sa Tagaytay. Everyone seems so happy maliban sa isa. S'yempre sino nga ba ang magiging masaya, kung yung ka isa-isang taong minahal mo ikakasal na sa iba?Napabuga ako ng hangin habang pinagmamasdan ang mga makukulay na bulaklak na nasa gilid ko. Nakakaburyo dahil wala akong makasama o makausap man lang. Simula kasi nang makarating kami rito ni Chase, noong Biyernes ng gabi lagi niyang kasama yung mga kaibigan niya na sina Moon, Rocky at Kaven. Hindi ko alam kung tungkol saan ba yung pinag-uusapan nila tuwing magkasama silang apat. Pero sa tingin ko naman, sinasabihan na nila yung kaibigan nila na mag-move-on na. Dahil kinabukasan kasal na ni Ysabelle at ng kapatid niya. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ng maayos 'yong si Chase, dahil hindi ko siya naramdaman kagabi na pumunta sa kwarto namin at tumabi sa akin. Napangiwi ako habang pinagmamasdan yung mga ilang staffs na nasa

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 8:

    Rumored 8:( Compliment )Mag-iisang linggo nang nakakalipas simula nung nagbirthday yung Daddy ni Chase, at isang linggo ko na rin siyang iniiwasan simula noong masukahan ko siya. Nahihiya pa rin kasi talaga ako sa kanya sa ginawa kong 'yon. Napaka sukain ko kasi talaga pag umiinom. Nung uminom rin kami nila Zeah sumuka rin ako eh.Sobrang kabado rin ako nung umuwi ako. Akala ko papagalitan ako ni Yaya Emily at isusumbong sa mga kuya ko! Pero so far... Hindi. Ang sabi niya lang sa akin pagka-uwi ko. She trusted me, malaki na raw ako at alam niyang responsible naman daw ako sa mga ginagawa ko.Napa-iling ako habang inaalala ko iyon. Para naman kasi talagang may ginawa ako nung mga araw na iyon! Kaya nakaka-windang lang!"Pang ilang iling mo na iyan ha, share mo na 'yan! Nag-away ba kayo ni Chase?" Napalingon ako sa kanya bago umiling. Kasama ko kasi ngayon si Zeah, at hindi pa rin niya alam yung totoo. Na peke lang yung relasyon namin ni Chase. Na sinakyan lang namin yung kumakalat

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 7: Part II

    Nakaramdam ako ng ginaw kaya naman iniangat ko yung kumot at itinaklob sa buong katawan ko. Kailan ba naging malambot ng ganito kama ko? Marahan akong napadilat at napatingin sa hinihigaan ko. Kailan pa naging puti ang kobre ng kama ko? Inalis ko ang pagkakataklob ko sa katawan ko at ginala ng mga mata ko ang paligid. Napatingin ako sa puting kurtina na nakabukas at kita doon ang buong syudad kaya napabalikwas ako ng bangon kahit na parang binibiyak yung ulo ko sa sakit."Nasaan ako?" Bulong ko sa sarili habang sapo ko ang ulo ko. Napatingin rin ako sa suot ko. Hindi ito ang damit ko!Pinakiramdaman ko sarili ko kung may masakit ba pero wala akong maramdaman! Tanging ulo ko lang.Noong nakalabas ako ng kwarto agad sumalubong sa akin ang nakatalikod na lalaki na nasa may kusina at hindi ako pwedeng magkamali kung sino iyon. Dahil likod pa lang mukha ng Prinsipe.Agad itong lumingon sa direksyon ko noong naramdaman niya ang presensiya ko. Nagpupunas na ito ngayon ng basa niyang kamay."

  • Chase Monteverde’s Rumored Girlfriend    Chapter 7:

    Rumored 7: ( Drunk night )Noong makabalik kami sa loob nakaramdam ako ng may kung anong pinatong sa balikat ko. Napalingon ako kay Chase na nag patong ng coat niya sa balikat ko. Kita ko pa ang pagtaas-baba ng adams apple niya na ang hot tingnan. Damn, to believe it or not. I can watch him all day or all night na lumunok. Ewan ko ba. Na-wi-wirdohan na nga rin ako sa sarili ko. Sa mga na iimagine ko."Wear this for a mean time, your arms is cold. Alam kong giniginaw ka na. Kaya isuot mo na muna 'yan," Nginitian ko siya at kinabig ko yung kaliwang braso niya kaya agad itong napakunot noong lumingon sa akin."Yiee, concern siya oh!" Asar ko sa kanya pero inirapan niya lang ako habang pinamulsa yung dalawang kamay sa pants niya."Pero thank you, gentleman ka naman pala kahit suplado ka," sabi ko pa kaya sinamaan niya ako ng tingin. He's going to say something pero natigilan siya. Buti na lang! Kasi alam kong makikipagtalo siya sa akin. "Chase!"Napalingon kami sa tumawag sa kanya ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status