Share

Chapter 12

Multo, bampira, tiktik, madre, white lady, at sandamakmak na superheroes. Sila ang bumungad sa kanya pagpasok niya sa loob ng gusali. Day-off niya sana ngayon pero pumasok na lang siya dahil sa most awaited na Halloween party. Nagbabakasakali rin siyang manalo sa pa-contest ng costumes para pandagdag kita.

Pumasok na siya sa loob ng elevator para makarating sa tenth floor. Nakasabay niya sa pagsakay sina Jon Snow, at si Batman. Nag-uusap ang dalawa at tumango ang dalawa nang makita siya.

“Onyok, sama ka sa amin sa inuman mamaya ah,” pag-iimbita ni Jon Snow sabay pangungulangot.

“Sure, bro. Nang maka-iskor naman ako kay April,” tugon ni Batman habang pakamot-kamot sa pwet.

Napailing na lang si Betsy sa sulok. Ilang sandali pa ay pumasok si Valak na nakasuot ng red heels at halatang may kausap sa cellphone.

“ . . . kasi wala nga akong datong. Naiskam nga ako sa puchang sisiw na 'yon,” sabi nito sa kausap na nasa kabilang linya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status