Wala na si Lolo June. Ito lang ang paulit-ulit na mantra ng isipan niya. Naghahangad na sana ay magbago at masamang panaginip lang ang lahat. Sa sakit ay hindi niya na namalayan na nasa terminal na pala siya.
Matapos huminto ng bus ay bumaba na siya. Naghintay siya ng taxi na masasakyan sa may kanto. Nang may taxi na huminto sa tapat ay wala siyang imik na pumasok sa loob. Pagkatapos maupo ay walang kabuhay-buhay niya nang sinabi sa drayber ang kanyang address.
Nang makarating siya sa bahay ay pansin niya ang kanilang mga kapitbahay sa loob ng gate. Hindi niya naramdaman ang pag-apak ng mga paa niya sa lupa papasok ng gate. Mistulan siyang
Excited si Betsy sa araw na ito. Ilang sandali pa ay darating na si Devyn sa apartment para sunduin siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na boyfriend niya na ito. Gusto niyang sumigaw sa galak pero hindi puwede dahil sinisekreto nila ang kanilang relasyon. Habang inaayos niya ang suot na bulaklaking off shoulder dress ay narinig niya na ang katok sa may pinto. Palundag ang lakad niya nang magtungo sa may pintuan upang buksan ito. Awtomatikong nakaplaster na sa mga labi niya ang matamis na ngiti. Pagkabukas niya ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang nakangisi at nakapamulsangboyfriendniya. Nakasuot ito ng kulay asul na T-shirt at black jeans. “Hey you. Are you ready to go?” bungad ni Devyn. “Of course! Oh wait . . . I forgot my purse!” Mabilis niya itong tinalikuran muna at nagmamadaling bumalik ng kuwarto para sa naiwan niyang purse. Dahil sa masyadong pagiging excited ay halos makalimutan niya pa ito
Walang nangyari sa kanila ni Devyn kagabi. Matapos nilang magdinner date with candle light sa may dalampasigan ay bumalik na sila sa kanilang suite, nag goodnight kiss at natulog. Natulog. Kahit iisa ang kama na king size bed na hinihigaan nila ni Devyn Wills ay natulog lang sila. Wala silang kababalaghan na ginawa. Sinubukan niyang pigain ang utak niya at inalala ang mga pangyayari kagabi habang kasalukuyang nakahiga sa kama at nakatingala sa kisame. “Cheers!” “Cheers.This is so romantic,Devyn!” nakangiti niyang sambit habang hawak ang wine glass sa isang kamay.Sumimsim siya mula rito habang nakangisi naman si Devyn na nakaupo sa tapat niya. Pinagmamasdan siya nito habang sumisimsim din mula sa wine glass. “So tell me about your past girlfriends. I'm sure they're all gorgeous,”pagsisimulaniyaatmarahanginilapagangwinesamesa. Nanin
Ngiting Joker. Ganito siguro mailalarawan ang malaking ngiti niya ngayon habang naglalakad papasok ng gusali. Matapos ang mabigat na pinagdaanan niya, big confession ni Devyn,at ang romantic island get-away nila ay balik trabaho na siya. Back to the real world ika nga. “Good morning, Kuya!” bati niya sa isa sa mga security staff ng kompanya nang madaanan niya. “Gabi na ho, ma'am,” panirang tugon nito. Hindi man lang nagawang suklian ang ngiti niya. Napahinto siya at binalingan ang security staff. Tinapik niya ito sa balikat na ikinagulat naman nito. “Ay! Talaga ba? Tss,” palatak niya. “Alam mo, Kuya every day is a new day.” Tinitigan siya nito at nanatiling busangot ang mukha. Siguro dahil malayo pa ang payday. Umiling lang si Betsy at positibong nagpatuloy na sa paglalakad. Nang makarating na sa tapat ng elevator ay nag-abang na siya sa pagbukas ng pinto nito. Nakasabay ko niya ang iba pang empleyado. Ilang sandali pa ay
Alas tres na ng hapon ay nakahilata pa rin si Betsy sa kanyang kama habang inaalala ang nangyari sa kanila ni Devyn kagabi. Napabungisngis siya sa sarili habang nakatalukbong sa kumot na maglilimang buwan na niyang hindi pa nalalabhan. Sinisinghot niya ito nang bigla na lang nag-ring ang cellphone niya. Kinapa niya ito sa ilalim ng unan at saka binuksan. Tumatawag pala si Pam. “Malapitnaakosaapartmentmo,” bungad nito kaagad. Nalito siya. Wala naman silang naging usapan na magkikita ngayong araw. Sinubukan niyang suriin sa memorya kung may nakaligtaan ba siya pero wala talaga. Napakunot siya ng kanyang noo. “Ha? Bakit?” Tumahimik ang linya ni Pam at bigla na lang siyang nakarinig ng sunud-sunod na katok sa may pintuan. Pinutol na nito ang tawag. “Open up!” Boses ni Pam. Mabilis siyang bumangon at nagtungo na sa may pintuan. Pinagbuksan niya na ang kaibigan at dere-deretso naman ang g
“Three hundred na lang kasi 'to. Ibalato mo na lang sa akin 'yong singkwenta pesos, Betsin.” Ito na yata ang pang-three hundred din na tawad ng katrabaho ni Betsy na si Sharon. “Ano ka ba? Three hundred twenty ang angkat ko niyan. Huwag mo naman akong babaratin,” tugon niya rito. Napaismid ito ngunit wala na ring nagawa kung hindi ang tanggapin ang naka-packaged na coconut oil. Matapos nitong maiabot sa kanya ang bayad na halatang hindi bukal sa loob ay umalis na rin kaagad ito ng locker area ng kompanya nila. Napabuntong-hininga na lang siya. Ang hirap naman talaga kasing kumita sa panahon ngayon. Ilang minuto pa ay dumating naman si Ashley na walang kaginaw-ginaw sa katawan sa suot na kulay itim na fitted backless dress. “Hindi mo pa nauubos 'yang coconut oil mo?” tanong nito habang binubuksan ang locker. Naupo naman siya sa bench at pagod na napasandal. Tiningala niya si Ashley. “Hindi pa. Baka gusto mong pakyawin?’ a
“Bakit mukhang hindi mo nagalaw iyang pinakbet mo?” tanong ng Tatang ni Betsy sa kanya. Nasa harapan sila ng hapagkainan at kasalukuyang naghahapunan. Kauuwi niya lang kaninang alas tres ng hapon dahil day off niya. Pinanghinaan na siya ng loob dahil wala pa rin siyang narinig na balita mula kay Devyn. Hindi pa rin ito nag-re-reply sa mga chat niya. Siguro nga ay isa na siya sa mga biktima ng ghosting. Walang gana niyang sinulyapan ang kanyang Tatang na nakamasid pa rin sa kanya. “Busog ho ako, Tang.” “May problem ba, Betsy? Parang may bumabagabag sa'yo.” May pag-aalala sa mga mata nito. “Wala, Tang. Okay lang po ako.” Pinilit ni Betsy na ngumiti upang maging panatag ang kanyang Tatang. Malalim na naglabas ng isang buntonghininga ang kanyang ama. “Alam kong namimiss mo si Lolo June mo. Ako rin naman. Lagi lang nating iisipan na nasa mas magandang lugar na siya ngayon.” Inilapag ng kanyang Tatang sa mesa ang tasa ng kape
Sa taranta at pagiging desperada na ay natapakan niya ang paa ni Manong Alimango at sa wakas ay nabitiwan na rin nito ang kanyang braso. Nakawala si Betsy mula sa kapit nito at walang pagdadalawang-isip na kumaripas paalis. Mabilisan siyang naglakad papalayo. Sa pangamba na baka nakasunod naman sa kanya sa likod si Devyn, luminga siya at nakitang nakasunod nga sa kanya ang dalawa. Hindi rin kasi nagpaawat si Manong Alimango. Nasa kahabaan na siya ng nakahelerang tahong nang matalisod pa sa suot niyang heels. Tumigil siya at sinuri ang kanyang takong. Anak ng putakte! Nasira pa ito gayong malapit na siya sa labasan ng palengke. Kaunting hakbang na lang sana at tiyak ay makakalabas na siya. “Ganda!” “Betsy!” Napatayo siya nang deretso dahil sa gulat sa naririnig na papalapit na boses ng dalawa. Binalot ng walang humpay na takot at kaba ang buong katawan niya. Sinubukan niyang magpatuloy sa paglalakad maski hirap na hirap para lang makalay
“Saan ka ba kasi nagpunta, Betsy? Nawala ka na lang bigla sa palengke kanina ah,” naguguluhang tanong ng kanyang Tatang. Kasalukuyan silang nasa kusina at naglilinis ang kanyang ama ng isda sa may lababo samantalang siya naman ay nakaupo sa silya at minamasahe ang sumasakit na paa. NaroonpakayasiDevyn sa palengke? Siguro naman umalis na rin ito. Tiningnan na niya ang ama. “May kinausap lang ho ako,” pagsisinungaling niya. “Akala namin ni Gloria, eh nasa bahay ka na. Kaya umuwi na lang kami.” Dumapo ang tingin ni Betsy sa nakakaawang hitsura ng isda na hawak ng kanyang Tatang. “Tang, baka naman ho buto na ang matira sa tilapia niyong 'yan. Kulang na lang, eh sepilyuhin niyo.” Nilingon siya nito na nakabusangot ang mukha. “Alam mo naman na ayaw ko ng malansa.” Umirap siya at hindi na nagbigay ng komento pa. Hinayaan na lamang niya si Mang Kulas sa walang habas na pagto-torture sa tilapia. Maya