Share

Chapter 19

“Bakit mukhang hindi mo nagalaw iyang pinakbet mo?” tanong ng Tatang ni Betsy sa kanya.

Nasa harapan sila ng hapagkainan at kasalukuyang naghahapunan. Kauuwi niya lang kaninang alas tres ng hapon dahil day off niya. Pinanghinaan na siya ng loob dahil wala pa rin siyang narinig na balita mula kay Devyn. Hindi pa rin ito nag-re-reply sa mga chat niya. Siguro nga ay isa na siya sa mga biktima ng ghosting.

Walang gana niyang sinulyapan ang kanyang Tatang na nakamasid pa rin sa kanya. “Busog ho ako, Tang.”

“May problem ba, Betsy? Parang may bumabagabag sa'yo.” May pag-aalala sa mga mata nito.

“Wala, Tang. Okay lang po ako.” Pinilit ni Betsy na ngumiti upang maging panatag ang kanyang Tatang.

Malalim na naglabas ng isang buntonghininga ang kanyang ama. “Alam kong namimiss mo si Lolo June mo. Ako rin naman. Lagi lang nating iisipan na nasa mas magandang lugar na siya ngayon.”

Inilapag ng kanyang Tatang sa mesa ang tasa ng kape

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status