Sa taranta at pagiging desperada na ay natapakan niya ang paa ni Manong Alimango at sa wakas ay nabitiwan na rin nito ang kanyang braso. Nakawala si Betsy mula sa kapit nito at walang pagdadalawang-isip na kumaripas paalis. Mabilisan siyang naglakad papalayo. Sa pangamba na baka nakasunod naman sa kanya sa likod si Devyn, luminga siya at nakitang nakasunod nga sa kanya ang dalawa. Hindi rin kasi nagpaawat si Manong Alimango.
Nasa kahabaan na siya ng nakahelerang tahong nang matalisod pa sa suot niyang heels. Tumigil siya at sinuri ang kanyang takong. Anak ng putakte! Nasira pa ito gayong malapit na siya sa labasan ng palengke. Kaunting hakbang na lang sana at tiyak ay makakalabas na siya.
“Ganda!”
“Betsy!”
Napatayo siya nang deretso dahil sa gulat sa naririnig na papalapit na boses ng dalawa. Binalot ng walang humpay na takot at kaba ang buong katawan niya. Sinubukan niyang magpatuloy sa paglalakad maski hirap na hirap para lang makalay
“Saan ka ba kasi nagpunta, Betsy? Nawala ka na lang bigla sa palengke kanina ah,” naguguluhang tanong ng kanyang Tatang. Kasalukuyan silang nasa kusina at naglilinis ang kanyang ama ng isda sa may lababo samantalang siya naman ay nakaupo sa silya at minamasahe ang sumasakit na paa. NaroonpakayasiDevyn sa palengke? Siguro naman umalis na rin ito. Tiningnan na niya ang ama. “May kinausap lang ho ako,” pagsisinungaling niya. “Akala namin ni Gloria, eh nasa bahay ka na. Kaya umuwi na lang kami.” Dumapo ang tingin ni Betsy sa nakakaawang hitsura ng isda na hawak ng kanyang Tatang. “Tang, baka naman ho buto na ang matira sa tilapia niyong 'yan. Kulang na lang, eh sepilyuhin niyo.” Nilingon siya nito na nakabusangot ang mukha. “Alam mo naman na ayaw ko ng malansa.” Umirap siya at hindi na nagbigay ng komento pa. Hinayaan na lamang niya si Mang Kulas sa walang habas na pagto-torture sa tilapia. Maya
“Okay ka lang ba talaga?” Ito na yata ang pangsampong beses na tanong ni Pam kay Betsy. Hindi pa ito naging kontento kanina at inilapit pa talaga nito ang kinauupuang swivel chair sa kanya. “Okay nga lang ako,” giit ni Betsy. Kumurba paitaas ang isang kilay ni Pam. Mapagduda ang tingin nito na ipinupukol sa kanya. “Sigurado ka ba? Puwede ka naman kasing lumiban na lang.” Nagtaas ng isang kilay si Betsy at seryosong binalingan ng tingin ang kaibigan. “At sa anong rason, aber? Dahil sa brokenhearted ako gano'n?” “Oo! Valid reason naman ang emotional baggage, ah,” sagot naman nito. Ngayon ay may kakaibang talim na ang tingin ni Pam. “Gusto mo itumba ko 'yang si Wills?” Mahinang nailing si Betsy. “Tumigil ka nga at baka makumbinsi mo pa ako. At saka nandito na rin kaya ako sa opisina. Nakakatamad ng umuwi.” Pagod na nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Pam. “Paano kung pati rito sa opisina, eh, guluhin ka niya?”
Natigil si Betsy sa pagpupumiglas. Binasa niya ang ekspresyon sa mukha ni Devyn. May bahid ito ng determinasyon. “Let me go, Devyn!” marahas niyang apila. “Just promise me you won't run away from me,” paninigurado naman nito. “Fine. I won't run.” Tinitigan siya ni Devyn ng ilang segundo. Siguro nakumbinsi niya rin ito kaya marahan ngbinitiwan ni Devyn ang palapulsuhan niya. “Are you sure that you're going to tell me everything?” paninigurado niya. May pagdududa pa rin siyang nararamdaman sa sinasabi nito. “Yes.” Tumikhim siya at pagkatapos ay ngumuso. “What if I'm not interested anymore?” Ginulo ni Devyn ang sariling buhok at saka huminga nang malalim.“I'm still going to tell you everything.” Nagkibit ng balikat si Betsy at umastang parang wala lang ito sa kanya na ang totoo naman ay magkahalong kuryusidad at kaba ang nararamdan niya. Paano na lang kung hindi niya magugus
“Pikit!” “Matagal pa ba?” nayayamot na tanong ni Pam kay Ashley. “Hindi ka gaganda 'pag yamot ka. Pakiabot nga 'yang pang-contour, Betsy.” Mabilis niyang iniabot ang pang-contour kay Ashley. “Thanks! Pakikuha na rin 'yong brush.” “Hanggang anong oras pa ba kayo rito?” tanong ni Betsy habang iniaabot ang brush kay Ashley. Kasalukuyan nitong mini-make up-an si Pam. “Dito kami matutulog,” pasimpleng sagot ni Pam. “Ano? Eh maaga ang flight namin ni De—Jack bukas,” angal niya. Muntik pang madulas ang dila. “Mauna ka na lang matulog,”ani Ashley na focus na focus sa ginagawa. “Paano naman ako makakatulog eh nandito kayo sa kuwarto ko nagmemake up session?” pangangatwiran niya. “Padespedida party namin ito sa'yo bago ang alis mo,” usal ni Pam na nagmumukha ng rebolto dahil sa makapal na contours. “Iba na talaga 'pag may pogi and mayamang boyfriend. Always ka na dapat talagang magpa-sexy sa
Hindi na si Betsy aalis sa bathtub na ito ni Devyn. Buo na ang pasya niya. Dito na siya titira. Paano ba naman kasi, ubod ng laki at lakas makasosyal. Ang sarap din sa pakiramdam ang maligamgam na tubig na bumabalot sa katawan niya. Napakabango rin ng mukhang mamahaling sabon. Habang naglalakbay ang isipan niya sa pagkamangha sa lugar ay napadilat siya nang may narinig na katok mula sa pinto ng banyo. “Betsy? Are you done there? Come out now. Let's have dinner.” Boses ni Devyn. “Yes! Give me five more minutes!” sigaw niya na gumagawa pa ng mumunting bubbles. Naaaliw siya sa kanina pang ginagawa “You said that about an hour ago.” Batid ni Betsy ang ngiti na bumalot sa boses ni Devyn. “Okay. Uh . . . two minutes?” pagbawi niya sabay ihip sa bubbles. Feel na feel niya talaga ang moment. Kailangan niyang lubos-lubusin ang pagkakataon ngayon dahil wala naman siyang bathtub sa Pilipinas. Dinig niya mula sa likod ng pinto ang m
Gamit ang ekspertong mga kamay ay tuluyan na ngang tinanggal ni Devyn ang natitirang saplot ni Betsy sa katawan. Umawang ang labi ni Betsy nang makita ang unti-unting pagtatanggal na rin ni Devyn ng suot nitong boxers. Mabigat siyang napalunok nang makita ito ng buong-buo. Muli siyang kinubawan ni Devyn at ipinagpatuloy ang naudlot na pagpapalandas nito ng maiinit na halik sa kanyang tiyan. Hindi nagtagal at hinalikan na nga siya ni Devyn sa maselang parte. Hindi magpirmi ang katawan ni Betsy sa nakaliliyong natatamasa niya sa ginagawa ni Devyn. Napakabihasa ng dila nito sa ginagawa sa kanya. Namuo ang pinagsamahang ungol nilang dalawa sa buong silid. Humigpit ang kapit niya sa buhok ni Devyn. “Devyn, p-please. . .” halinghing niya. May pilit na inaabot na rurok. Tila ba nakuha ni Devyn ang hinihiling niya kaya mas pinag-igihan pa nito ang ginagawa. Mistulang may biglang nahugot mula sa puson ni Betsy at tuluyan ng lumabas. Habol
Nagsiklop pa rin ang dalawang kamay nila ni Devyn hanggang pagpasok sa loob ng kanilang bahay. Pag-apak pa lang nila sa marmol na sahig ay pinagtitinginan na sila. Hinigpitan niya ang pagkahawak sa kamay nito upang doon kumuha ng lakas ng loob. Agad silang sinalubong ng isang magandang babae na may malaking ngiti. “You're late as usual!” bungad nito sa kanila. “Happy birthday, Mom,” bati ni Devyn sabay beso. Ay, iba ang hitsura ng nanay ni Devyn sa personal. Mas bumagets pa ito sa suot na red dress na may slit sa gilid. Niyakap nila ang isa't-isa. Matapos nito ay ibinaling ng ina ni Devyn ang atensyon kay Betsy. “You must be Betsy! Devyn has told me so much about you.” “Er . . . Hi. Happy birthday, ma'am!” “Oh thanks, sweetie. But please call me Suze,” anito sabay tawa at iniangkla pa ang dalawa nilang bisig na parang close na talaga sila ni Betsy. Nakakatuwa. “Come. Join us for dinner. We're just gettin
Biglang natahimik ang lahat. Tanging tunog ng nahulog na kubyertos sa sahig lamang ang umalingawngaw sa hapagkainan. Hindi alam ni Betsy kung ano ang reaksiyon nila sapagkat nakabaling ang buong atensyon niya sa ama ni Devyn. Napanganga ang ama ni Devyn ngunit mabilis din itong nakabawi. “What did you say, young lady?” Unti-unti siyang tumayo. Itinukod niya ang dalawang palad sa mesa at tiningnan ito nang deretso sa mga mata. “You're as cold as ice,” giit ni Betsy. “Sweetie, I think this is not the right time to—” “I'm sorry, Suze but I have to do this,” pagputol niya sa ina ni Devyn na halatang balisa na dahil sa biglang inaasta niya. Nanatiling nasa ama ni Devyn ang mapanghamong tingin ni Betsy, hindi nagpapatinag. “Devyn is a very talented artist and a successful one. As a father, you should be supporting him.” Sabay na napasinghap ang tatlong babae. Samantalang si Devyn ay nakayuko lamang at parang rebolto da