Share

Chapter 18

“Three hundred na lang kasi 'to. Ibalato mo na lang sa akin 'yong singkwenta pesos, Betsin.” Ito na yata ang pang-three hundred din na tawad ng katrabaho ni Betsy na si Sharon.

“Ano ka ba? Three hundred twenty ang angkat ko niyan. Huwag mo naman akong babaratin,” tugon niya rito.

Napaismid ito ngunit wala na ring nagawa kung hindi ang tanggapin ang naka-packaged na coconut oil. Matapos nitong maiabot sa kanya ang bayad na halatang hindi bukal sa loob ay umalis na rin kaagad ito ng locker area ng kompanya nila. Napabuntong-hininga na lang siya. Ang hirap naman talaga kasing kumita sa panahon ngayon.

Ilang minuto pa ay dumating naman si Ashley na walang kaginaw-ginaw sa katawan sa suot na kulay itim na fitted backless dress.

“Hindi mo pa nauubos 'yang coconut oil mo?” tanong nito habang binubuksan ang locker.

Naupo naman siya sa bench at pagod na napasandal. Tiningala niya si Ashley.

“Hindi pa. Baka gusto mong pakyawin?’ a

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status