Share

Chapter 33

Bumagsak ang panga ni Betsy at makailang beses pa siyang napakusot sa kanyang mga mata. Ano'ng ginagawa ng haponesa rito sa harap niya? At paano siya nito natunton?

“Ms. Haruko? What are you doing here?”pagsasatinig niya sa tanong na nasa isipan.

Nagkibit ng balikat si Miss Haruko sabay kalmanteng sulyap sa paligid. “I was in the neighborhood.”

Mabilis na napalingap si Betsy sa 'neighborhood' na tinutukoy ni Miss Haruko at nahagilap ang mga barung-barong na mga tirahan. May umiihi pa nga sa may gilid ng poste. Napakamot na lang siya sa batok at ibinaling muli ang atensyon sa haponesa.

“What can I do for you this time?” tanong niya. Nasisiguro niyang may sadya ang haponesa sa kanya.

Umiling si Miss Haruko. Naba-bother talaga si Betsy sa laki ng sombrero na suot nito. Kasya yata siya sa loob.

“It's not what you can do for me. It's what I can do for you,” misteryoso nitong sinabi.

N

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status