Thanks for reading....
Maya maya pa ay may narinig akong mga yabag. Nang linungin ko sila kalalabas lang ng mga ito mula sa isang pintuan na sa tngin ko ay banyo.“Sir, ayan tapos na kaming maghugas ng kamay, pwede na po bang kumain?” nakangiting sabi ng isang lalaki na sa tansya ko ay nasa 40’s. May kasama pa itong isa.“Sige, ubusin nyo para di masayang.”Tumango muna ang mga ito sa akin saka lumapit sa mga container. Siya namang pasok ni Sara mula sa labas‘Sakin yung kaldereta.’ anito at dali daling lumapit sa lamesa. Parang automatic ang kilos ng tatlo. Sabay sabay nilang dinampot ang mga pagkain at sa isang iglap nakalabas na ang mga ito na bitbit lahat ng nasa ibabaw kanina ng table.Kunot noo ko silang sinundan ng tingin palabas ng opisina. Napangiti ako ng kusa nang maitindihan kung anong nangyayari. “Kesa itapon, ipinamimigay ko na lang.” nakangiting sabi ni Gray sabay agaw ng lunch box na hawak ko.Lihim akong napangiti. Siguro, dapat masanay na akong na may humahanga sa asawa ko. Ako nga asawa
Gigi POV2pm pa lang nasa bahay na ako, after ng school ay umuuwi agad ako para magluto. Si Madam kasi nagrequest ng sinigang na luto ko para pagkain niya sa hospital. Nung minsang matikman niya ang sinigang ko ay palagi na lang niya itong ipinapaluto. Hindi naman ako nagrereklamo dahil masaya ako na ginagawa ito at isa pa magkasundo na kami ni Madam. “Ikaw ba, ipinagluluto mo ang asawa mo ng lunch?” tanong sa akin ni Madam habang kumakain sila ni Chairman.“Sa trabaho po kasi siya naglu-lunch.” tugon ko.Nakita kong ibinaba ni Madam ang hawak niya kutsara at huminto muna sa pagkain. Napakamot na lang ako ng ulo, dahil mukhang sesermunan na naman niya ako.“So, ilang weeks nang CEO ang asawa mo, pero hanggang ngayon never mo pa siyang dinalhan ng pagkain sa opisina niya?” anito at pinandilatan pa ako.“Baka mamaya mabalitaan mo ulti na may iba na namang nagpapakain sa kanya.” anito.“Kasi po–” “Next time na umuwi ka ng maaga, dalhan mo ng pagkain ang asawa mo.”“Opo.” tugon ko na
Kanina lang ang saya saya naming dalawa sa bahay. As soon as tumapak kami dito hospital naramdaman ko na naman ang bigat ng dibdib. Halos lakad takbo kami ni Gray sa ospital dahil habang nasa biyahe kami ay nakatanggap siya ng tawag na nagising na raw ang Chairman.Kalalabas lang ni Dr. de Castro sa silid nang maabutan namin siya sa hallway. “Nagising na kanina na si Chairman Tuazon pero mahina pa rin ang katawan. Kaya nakatulog ulit ito. He was conscious and responsive pero kailangan pa rin imonitor nang mabuti.” ani dok.“Gaano kalala ang condition niya?” seryosong tanong ni Gray.“We’re still dealing with significant coronary artery blockage. But right now stable na ang heart rhythm niya. Nagrerespond ang katawan niya sa initial medications pero hindi yan pangmatagalan. The blockage is progressive, Eventually hindi na gagana ang gamot sa kanya. In fact we’re estimating at least 5 to 6 months we might have to consider invasive intervention.., like a bypass or angioplasty.” paliw
Gigi POVNakalimutan kong i-charge ang cellphone kagabi kaya nadrain agad ang battery ko. Mabuti na lang may wallclock malapit sa pwesto ko kaya alam kong matagal na rin ako dito sa food court. Kaya naman nagpasya na akong tumayo. Siguro naman ay patapos na meeting nila sa itaas. Papunta na ako sa elevator nang matanaw ko si Renz na tila nagmamadali. Naku, hinahanap na siguro niya ako.“Renz!” tawag ko sa kanya sabay kaway.Umaliwalas ang mukha ni Renz nang makita ako na parang nabunutan ng tinik.“Pasensya ka na sa nangyari, hindi ka nila dapat pinaalis.” “Okay lang. Importante naman yun, mabuti naideliver ko.” sabi ko sa kanya.“Gusto mo bang umakyat sa taas para kausapin si Dok?”Umiling ako. Hindi na, ayos lang. Siguradong busy yun sa dami nang gustong kumausap. Magkikita naman kami sa bahay.”Tumango si Renz at nagtungo na kami palabas ng building para ihatid ako pabalik ng bahay.“Renz, pwede bang sa ospital mo na lang ako ideretso. Gusto kong kumustahin ang Chariman.” paki
Gigi POVKasalukuyan…Saglit na nahinto si Gray sa pagsasalita dahil mukhang nagka-technical problem sa projector. Habang naghihintay ay nakita ko pa si Gray na mahinang nakikipag-usap sa ilang mga naroon sa malapit sa kanya. Tahimik lang ako naupo at nagmamasid. Hindi niya siguro alam na narito ako sa gilid ng silid, kahilera ng mga secretaries.Tatlong sekretarya na nakupo malapit sa akin at mahinang nagbubulungan.“Siya pala si Dr. Tuazon, mas gwapo pala in person, no?” bahagya nitong bulong. Lihim akong napangiti dahil wala silang ipinagka-iba sa mga kaklase ko sa General Physics. Kahit pala empleyado na, ganun pa rin kiligin.“Ah, nakita mo rin yung picture? Ang rumor estudyante daw niya yun.” “Di mo rin masabi, baka tsismis lang yun. Feeling ko nga model yung kasama niya. Sa gwapong yan, papatol lang sa estudyante niya?” dagdag pa ng isa habang mahinang tumawa.Maya maya pa isang babae ang lumapit sa akin. Mukhang nagmamadali ito at may hawak na brown envelope. Siya yung bab
Kanina pa ako nahihirapang magdesisyon. Gusto kong tumanggi at sabihin kay Dad na hindi InovaTech ang mundo ko. Hindi ito para sa akin kaya sa una pa lang hindi na ito ang direksyon na pinili ko, I chose Medicine because I chose peace. Pero nang banggitin ni Dad ang pangalan ni Gigi kusa na lang bumuka ang bibig ko at nagsalita.“I’ll do it.” Wala akong naramdaman ni katiting na pag-aalinlangan na sabihin yun.Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dad.“Kung alam ko lang na si Gigi lang pala ang kailangan para mapapayag ka, sana noon pa lang, nakilala na natin siya.” ani Dad na napapailing na lang.Narinig ko na lang na bigla itong tumawa. Kaya taka akong napatingin sa kanya.“Hindi nga pala pwede yun. Baka nung mga panahong kinukumbinsi pa kita– baka dumedede pa ng gatas sa bote si Georgina.” ani Dad at muli na namang tumawa ng mas malakas.Maging Renz at ang doktor at narinig kong mahinang natawa. Napailing na lang ako dahil nakuha pa ni Dad na magbiro sa gitna ng ganitong kaseryoso