Share

Chapter 2

Penulis: Kara Nobela
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-11 15:25:44

Tintin POV

“Nababaliw ka na bestfriend!” hindi makapaniwalang usal ni Mutya sa kabilang linya.

“Sige na Mutya, promise ngayon lang to. Para sa future ng mga pamangkin mo, isang brief lang ang kailangan ko.” pag-uulit ko.

Narinig kong tumawa ng tumawa si Mutya sa kabilang linya. Nakakadala ang tawa niya. Kahit naman ako na seryosong makakuha ng brief ni Andrew ay natatawa na rin sa gusto kong mangyari. Kung bakit ba naman kasi kailangang nagamit na yung brief na gagamitin sa gayuma?

“May sariling condo si Andrew kaya hindi na siya nakatira sa mansion pero kakausapin ko yung kaclose kong kasambahay dun na kapag nagpalaba si Andrew, kunin nila yung brief para sayo.” natatawa pa ring sabi ni Mutya.

“Kelan pa kaya yun? Hindi ba pwedeng lasingin na lang natin siya tapos saka ko kukunin yung brief nya.” suhestyon ko.

Hindi ko man nakikita si Mutya ay parang nakikita ko na ang reaksyon nito dahil narinig ko ang boses niyang gulat na gulat sa sinabi ko.

“Hoy nakakahiya kaya yun, huhubaran mo yung tao.”

“Bakit? Mukhang maganda naman ang katawan niya kaya wala siyang dapat ikahiya.”

Humagalpak ng tawa si Mutya.

“Hindi siya ang tinutukoy ko, baliw ka. Mahiya ka naman, kababae mong tao huhubaran mo yung lalaki.” sita ni Mutya.

“Bakit, ikaw ba hindi mo hinubaran si Drake?’

Sandaling natahimik si Mutya sa kabilang linya.

“Isang beses lang.., nung pikutin ko siya, pero hindi ko na kailangang gawin yun ngayon. Isang tingin ko lang dun, kusa nang maghuhubad yun.” sagot nito.

“Ay, Sana all.”

Sabay na naman kaming nagtanawan pero parang hindi naman nagbibiro ang bestfriend ko sa sinabi niya dahil taon-taon na lang itong buntis.

“Sige na Mutya, ngayon lang. Close naman kayong dalawa ni Andrew eh. Ayaw mo bang maging sister in-law tayo?”

“Walang problema sakin. Ang tanong, okay lang ba kay Andrew na maging kayo? ilang taon ka nang dumidiskarte sa kanya hindi ka pa rin nakaka-first base. Naka-ilang girlfriend na nga siya pero hanggang ngayon friendzone ka pa rin.”

“Aray ko naman! Hindi ka masyadong masakit magsalita ha…, Sige na Mutya, tulungan mo na ako, one time lang kapag hindi umubra, hinding hindi na kita kukulitin pa.”

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mutya.

“Haaay…, papatayin ako ni Andrew nito pag nagkataon. Okay sige next week, birthday ko. Yayayain ko siya dito sa bahay. Bahala kang lasingin siya basta ako hanggang invite lang ha.”

“Yes! Thank you Mutya.”

“Wag ka munang magpasalamat, dika pa sure kung darating nga siya. Napaka-busy nung tao.”

Sabi nga ng mga kasama ko, malakas ang fighting spirit ko kaya positive ako ng makakarating si Andrew.., but for the meanwhile, para-paraan muna habang naghihintay.

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang pag-ikot ng mga mata ng aking inaabangan. Sino pa ba? Wala nang iba kundi ang aking dream boy, si Andrew. Napapangiti at naiiling na agad ito nang makita niyang kumakaway ako habang kapapasok pa lang niya ng hospital.

Although lagi niya akong nirereject, never naman niya akong binastos o pinakitaan ng hindi maganda. As always, gentleman at Mr. nice guy pa rin siya kaya nga lab na lab ko eh!

Sinalubong ko na agad siya ng matamis kong ngiti.

“Papasok ka pa rin nang lagay na yan? Hindi ka ba napapagod?” bungad ko sa kanya.

“Bakit naman ako mapapagod, kadarating ko lang?” tugon ni Andrew.

“Maghapon ka na kasing tumatakbo sa utak ko eh.” nakangiting sabi ko.

Bahagyang napatawa at napailing na lang ito. Hindi na kasi siya nagugulat sa mga baong pick-up lines ko.

“May lakad ka ba bukas? Off ako.” tanong ko sa kanya.

“And?" anito habang tuloy tuloy sa paglalakad kaya sinundan ko siya.

“Sweldo ko bukas at iti-treat kita kung wala kang gagawin.”

“Ipunin mo na lang yang sahod mo, o kaya ibili mo ng Viagra ang tatay mo. Para naman hindi na niya ako sinisimangutan tuwing magkikita kami.” pabiro nitong sabi.

Dati kasi ay nangako si Andrew kay tatay na dadalhan niya ito ng viagra, umasa naman si tatay pero ginugudtaym lang naman siya ni Andrew.., kaya ang resulta, galit na galit si tatay sa kanya dahil paasa daw ito.

“Basta bukas dadaanan kita dito, 3 pm, tamang tama merienda time.”

“Hindi pa ako umo-oo.” anito.

“Bayad mo yun kasi may kasalanan ka pa sakin, dahil inilipat mo ako ng ward.” pagpapa-alala ko sa ginawa niya sa akin.

Tumingin sa akin si Andrew na naiiling.

“San mo naman ako dadalhin?” usisa nito?

“Kahit saan mo gusto. Sky’s the limit.” malawak ang ngiti ko. Kahit ano basta para kay Andrew.

“Walang rules?” tanong nito.

“Wala rules basta walang indyanan.” paniniguro ko.

“Magdala ka ng maraming pera.” anito.

Tuloy tuloy ito sa paglalakad papunta sa duty niya samantalang nagpaiwan na ako dito. Pauwi na kasi ako dahil tapos na kanina pa ang duty ko. Inabangan ko lang talaga si Andrew para nga yayaing syang lumabas. Gusto kong maglulundag sa tuwa dahil finally pumayag na rin siya. Medyo napapaindak pa nga ako sa saya.

“Yes!” mahinang usal ko at hindi mawala wala ang ngiti sa aking mga labi habang naglalakad.

“Mukhang naka-iskor ka ngayon ah.” ani ate Beth nang mapadaan ako sa nurse station.

Tanaw kasi kami mula dito nung nag-uusap kami ni Andrew. Narito din ang ibang mga nurse at kanina pa kami pinapanood.

“May date kami bukas.” nakangiti kong sabi habang pinakukulot ko pa ang boses ko.

“Yiiieeee” sabay sabay nilang sabi. Sinabayan nila ako ng kilig kaya lalo pa akong napangiti ng maluwang.

“Dati crush ko rin yang si dok Andrew, kaso nawalan na ako ng gana dahil dito kay Kristina.” ani nurse Judith

“Ako rin, pano naman ako makakasabay sa kabaliwan niyan.” si nurse Nancy naman.

Hindi ko alam kung bakit pero wala pa akong nae-encounter dito sa hospital na nabubwisit sa panunuyo ko kay Andrew. Lahat sila ipinagtsi-cheer pa ako, todo support.

“Pag napasagot mo si dok, ikaw pa lang ang unang nurse na magiging girlfriend niya.” ani ate Beth. Nilingon ko siya at tinanong.

“Talaga po?”

“Lahat ng naging girlfriend ni dok Andrew, puro med student or doktor din.” tugon ni ate Beth.

4 months pa lang ako dito kaya wala pa akong masyadong alam tungkol sa lovelife niya.

“Playboy po ba si dok?” tanong ni nurse Liezel ang kasama kong nagpunta sa albularyo.

“Hindi naman, normal na binata lang siya pagdating sa mga ganyang relasyon-- nagkaka girlfriend, naghihiwalay. Marami na siyang naging girlfriend pero never niyang pinagsabay, so hindi ko matatawag na playboy yun. Ang alam kong playboy ay yung kapatid niyang panganay na si sir Drake, pero si dok Andrew talaga ang dream boyfriend, dahil good boy.”

Si Drake, palikero? Parang diko maimagine. Eh, ideal husband ko pa nga yun dahil sobrang loyal kay Mutya at devoted father pa sa mga anak.

Si Andrew naman, walang duda na Mr. Nice Guy talaga. Lahat ng katrabaho ko dito sa hospital ay kasundo niya dahil marunong makisama sa lahat.

“Parang hindi naman tumatagal ng isang taon ang mga nagiging girlfriend ni dok Andrew, isa pa lang yung alam kong tumagal, siguro doktor na rin siya ngayon.” patuloy ni ate Beth.

Bigla naman akong nagka-interest sa sinabi nito.

“Sino naman yun?”

“Nakikita ko kasi sila dito noon. Mga estudyante pa lang. 3 years din sigurong naging sila. Balita ko nag-aral daw sa abroad yung babae kaya naghiwalay. Ano nga bang pangalan nun….. Am…. ah… Natalia Santos, sobrang ganda pa.” ani ate Beth sabay tingin sa akin.

Tumaas naman ang kilay ko.

“Bakit, maganda rin naman ako ah? Sorry na lang siya. Past na lang sya at ako naman ang future.” wika ko. Kita kong napatawa si ate Beth.

“Ang lakas mo talaga.” nakangiting biro nito.

“Pano ba yan guys. Kailangan ko nang umuwi para magpahinga. Kailangan kong mag beauty rest para sa date namin bukas.” sabay lakad palayo.

“Mag-ahit ka.” pahabol ni nurse Judith. Nagtawanan sila sa sinabi nito. Napaikot naman ako pabalik sa kanila.

“Kalma lang guys, darating tayo dyan. Sa ngayon, stand by lang muna si kiffy, baka mabigla si Andrew.” ganting biro ko sabay talikod.

Malulutong na tawanan ang narinig ko sa kanila bago ako tuluyang lumabas ng hospital.

Kara Nobela

MY CEO's REGRETS paki-add naman po sa library nyo. Completed na po sya. Thank you!

| 45
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (9)
goodnovel comment avatar
Myrna Dumadag
nabasa ko na po un..ang Ganda ng story
goodnovel comment avatar
Fam O. Marcelino
Hangkulit ni Tintin Same sila ni Mutya. Parehong kalog... hahahahhaa
goodnovel comment avatar
Josephine Tobias Andulana
nsbasa ko na Yan author, ...️
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Chasing Dr. Billionaire    148 (Book 2)

    Gigi POVPagdating ko naman sa mansion diretso na agad ako kay aling Nerissa para sabihin dito ang bilin ni Madam.Pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking silid. Nagtext muna ako kay Gray para sabihing naka-uwi na ako.Napakatagal bago ako dinalaw ng antok kaiisip sa mga nangyari…, hanggang sa tuluyan na rin kong nakatulog.Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong may humalik sa aking noo. Kaya napamulat tuloy ako.“Gray?” gulat na sambit ko.“Sorry, I didn't mean to wake you up, kaso ang lakas ng pakiramdam mo.” bulong nito habang hinahaplos ang buhok ko.“Kailangan ko na ring umalis agad. May mga kinuha lang ako dito sa bahay na importante.” sabi pa nito.Ayoko pa sana siya umalis pero alam kong marami itong iniisip ngayon kaya ayoko nang makadagdag pa.“Okay, ingat ka.” sabi ko na lang.“I love you.” bulong niya bago ako siniil ng halik sa labi. “I love you din.” tugon ko.“Try to sleep, okay?” aniya habang hinahaplos ang pisngi ko. Marahan akong tumango.“Okay.” sagot ko.“

  • Chasing Dr. Billionaire    147 (Book 2)

    Gigi POVICU Wing, Neumann Hospital…Tahimik sa buong corridor ng hospital at maliwanag ang ilaw mula sa overhead panels habang may ilang mga nurse na dumaan. Pareho kaming naka-upo ni Madam sa isang mahabang waiting bench habang yakap nito ang sarili. Kanina pa ito walang tigil sa pag-iyak. Yung hawak niyang panyo at basang basa na sa dami ng iniluha niya.Nakatayo naman si Gray sa gilid nito. Tahimik lang ito habang hinahagod sa likod ng kanyang ina. Samantalang ako ay tahimik lang na lumuluha. Nagi-guilty ako sa nangyari. Pakiramdam ko kasi, ako ang punong dulo kung bakit nagkaganito.Kung hindi dahil sa akin, kung hindi kami nagkakilala ni Gray… Kung hindi nya ako pinakasalan, baka hindi magagalit si Danica, wala sanang tensyon kanina at hindi magkakaganito ang biyenan kong lalaki.Napapikit na lang ako habang pumapatak na naman ang luha. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi lumabas ang aking paghikbi. Silang dalawa ang mas dapat kong inaalala dahil sila itong mas nasasaktan

  • Chasing Dr. Billionaire    146 (Book 2)

    Gigi POVNapalingon ako sa may pintuan at nakita ko si Gray na kadarating lang, naka-business suite ito. Madilim ang kanyang mukhang nakatingin sa direksyon namin ni Danica. Para namang napako sa kanyang kinatatayuan si Danica nang marinig ang sinabi ni Gray. Yung pagsampal sana niya sa akin ay hindi na natuloy.“What did you say?” tanong ni Danica habang nanginginig ang boses. Naiwan pa sa ere ang kamay nito.Hindi sumagot si Gray. Sa halip ay humakbang ito at nag-aalalang lumapit sa akin at inilayo agad ako kay Danica ng ilang hakbang. Hinawakan niya agad ako sa magkabilang braso at saka ako sinipat sipat.“What did you say?” tanong muli ni Danica mula sa likuran, habol ang tingin kay Gray.Pero hindi pa rin siya pinansin ni Gray na animo’y walang naririnig. Panay lang ang hagod niya ng tingin sa akin.“Are you okay?” tanong niyang nag-aaalala.Tumango lang ako.“Son, totoo ba ang sinabi mo?” tanong ni Madam.Humarap si Gray sa kaniyang ina nang marinig itong nagsalita. “Yes M

  • Chasing Dr. Billionaire    145 (Book 2)

    Kinabukasan maaga na namang umalis si Gray ng mansion. Muli ay nagising na naman akong wala siya sa tabi ko.Ngayon araw na ito, may General Physics 1 class ako. Feeling guilty tuloy ang nararamdaman ko dahil sa mga kumalat na picture kahapon. Habang naghihintay sa pagdating ni Gray dito sa lecture hall tumabi muna ako sa mga kaibigan ko para makipagkwentuha pero syempre ako ang laman ng usapan.“Ang galing ng IT natin noh. Burado lahat ng pictures.” wika ni Santi.Ikinuwento ko sa kanila kung anong ginawa ni Gray.“Don’t be surprised. Kilala ang InovaTech pagdating sa technology.” sabi ni Jeff na nakaupo sa next to Santi.“Pasalamat ka na lang talaga at blurred ang kuha mo, kasi kung nagkataon, sikat na sikat ka na ngayon dito sa school. Sa labas nga narinig kong yun ang pinag-uusapan.” kwento ni Nica.Tumigil kami sa pag-uusap nang may pumasok na may edad na babae, nakasalamin. Natahimik ang lahat ng magtungo ito sa unahan, ipinatong muna nito ang mga gamit sa desk saka tumikhim

  • Chasing Dr. Billionaire    144 (Book 2)

    Gigi POV Nag-alala ako, hindi lang para sa akin, kundi para na rin kay Gray. Napaka-pribado niyang tao, low profile lang ito at kahit anak pa siya ni Chairman Tuazon ay hindi ito nagpapakilala sa publiko kaya hindi mo makikita ang litrato nito sa social media. Wala nga itong social media account dahil iniiwasan nitong makilala ng publiko. Tapos ngayon ay biglang lalabas ang litrato nito at ang masaklap dahil pa yun sa scandal. Baka magkaproblema ito sa trabaho. Umalis ito sa pagdodoktor dahil ito ang pinili niyang karera tapos walang pang isang linggo baka ikapahamak pa niya. Kasal na nga kami pero tsismis pa rin ito. “Hindi ba’t ikaw yan Gigi?” tanong ni Nica. “Ako nga, magkasama kami kahapon.” tugon ko “Naku, ang susunod niyan, hindi na blurred ang mukha mo sa litrato.” wika ni Santi. “Are you okay?” tanong ni Jeff nang makita ang matinding pag-aalala sa akin mukha. Tumango ako. “Nag-aalala lang ako kay Gray, baka magkaproblema siya sa trabaho.” tugon ko. Saglit na tumaas a

  • Chasing Dr. Billionaire    143 (Book 2)

    Gigi POVKagaya ng gustong mangyari ni Gray at syempre gustong gusto ko rin, buong araw nga kaming magkasama sa araw ng honeymoon namin. Wala naman kaming ibang pinuntahan kundi dito lang sa loob ng hotel. Wala rin kaming ibang ginawa kundi magbiruan, magtawanan, nood ng tv, kain tapos balik sa biruan. Paulit ulit lang pero hindi ako nagsasawa sa aming ginagawa. Isa lang ang napagtanto ko, napaka-gentle niya. Ibang iba sa kung paano ko siya unang nakilala. Isang beses lang nya ako ginalaw, kagabi tapos isang beses lang kaninang umaga. Hindi niya ako minamadali. Kaya naman damang dama ko ang totoong pagmamahal at pag-aalalaga na ipinapakita siya sa akin.Wala akong nararamdamang pagsisisi sa aking naging desisyon. Although, may guilt pa rin sa utak ko dahil inilihim namin ito sa aking mga magulang. Pero kapag kinausap na namin sila, alam kong kaya ko na silang harapin at panindigan ang aking naging desisyon.“Kapag kaya na ng schedule, uuwi tayo sa Batangas. Kakausapin ko sina itay.”

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status