Akala ni Alexia simple lang ang buhay niya chismosa sa umaga, barista sa hapon, at certified marites sa gabi. Pero isang araw, sa kalagitnaan ng kanyang “tampo moment” sa Jollibee, biglang nagpakita ang isang lalaking naka-three-piece suit, may hawak na kontrata… at may sinasabing siya raw ang legal na tagapag-alaga niya? Siya si Julian Alarcon. Billionaryo. CEO. Cold-hearted. At oo ang Ninong niyang matagal nang nawawala sa eksena. Pero teka, bakit parang hindi pang-Ninong ang mga titig niya? Bakit parang may sariling buhay ang mga kilig sa katawan ni Alexia? At bakit siya sinusundo ng limousine papunta sa isang mansyon kung saan ayaw siya pakawalan ng gwapong “Ninong” na ito? Ang problema? Makulit si Alexia, madaldal, at walang preno sa bunganga. Pero si Julian… sanay sa katahimikan, respeto, at walang ka-cheapan sa paligid. So anong mangyayari kapag ang isang pabibo at makulit na babae ay pinilit tumira sa mundo ng sosyal, tahimik, at super serious? Isa lang ang malinaw si Alexia ang babaeng kayang pasabugin ang mundo ng isang lalaking sanay sa kontrol. At si Julian? Baka siya pa ang unang mapusasan ng kilig.
Lihat lebih banyakALEXIA POINT OF VIEW
Bad mood ako ngayon. As in super bad. Yung tipong kahit Chickenjoy, hindi kayang gamutin. Nakatunganga ako sa Jollibee, staring at my spaghetti habang nag-iinarte ang mascara ko dahil sa iyak. Ang drama ko, oo na, pero may karapatan akong maging emo sinabihan kasi ako ni manager na late na naman daw ako, at kung hindi raw ako magbabago, tanggal na ako sa trabaho. Hello? Hindi ba niya alam na mahirap gumising pag puyat ka kakapanood ng teleserye? Humigop ako ng coke. Malamig. Masarap. Pero hindi sapat. Sabi nga ng kasabihan kapag ang puso mo ay sugatan, kahit unlimited gravy, kulang. “Miss Alexia Sarmiento?” Napalingon ako. Sa harap ko, may isang lalaki na mukhang galing sa meeting ng mga mayayamang demonyo. Nakasuot ng three-piece suit sa Jollibee, ha? Sino ba ang nagsusuot ng ganyang outfit sa lugar kung saan ang mascot ay isang sumasayaw na bubuyog? “Uh… bakit? Wala akong utang ha,” sagot ko agad. Defensive, syempre. Marami akong kaaway sa barangay. Baka naman may pinadala silang taga-kolekta. He cleared his throat, very conyo. “I’m Julian Alarcon. Your legal guardian. I believe you’ve been informed?” Tumigil ang mundo ko ng five seconds. Legal guardian? Wait lang, parang narinig ko na 'tong pangalan na 'to. Julian. Alarcon. As in… CEO? Billionaryo? Pogi? NINONG KO? “Excuse me po, Ninong?” Tumaas ang kilay ko habang sinasandok ang spaghetti. “Eh bakit ngayon lang kayo nagpakita? Birthday ko last week, ni card wala akong natanggap.” “I wasn’t aware until recently. Your grandmother submitted the necessary documents confirming your identity and my obligation. Effective today, I am officially your guardian.” “Guardian talaga? Eh 23 na ako no. Legal age. Hindi ako bata.” “You’re still under provisional guardianship due to unresolved inheritance matters. Until then, you are legally under my protection.” Nag-react ang utak ko sa dalawang salita: inheritance at protection. Teka, may mana? At protektado ako ng isang Julian Alarcon? Pero bago pa ako makareact ng bongga, napansin ko yung maliit na bata sa kabilang table na umiiyak. Nadapa yata. Naawa ako kaya napatingin ako saglit big mistake. Kasi pagbalik ng tingin ko sa spaghetti ko, nadulas ang plastic fork, at… BAM! Tumalsik ang spaghetti. Diretsong tumama sa mamahaling suit ni Kuya CEO. Oh. My. Gosh. Red. Tomato red. Andiyan lahat ng sos, noodles, cheese kumbaga, full performance. “Naku po!” Tayo agad ako, hawak ang tissue, nagpa-panic. “Sorry po! Hindi ko sinasadya! Baka pwede pa pong ma-wipe huwag po kayong magalit! Mahal po ba 'yan? Prada po ba 'yan? Armani?” He just stared at me. As in wala siyang sinabing kahit ano. Yung tingin niya parang… pinag-iisipan niyang ipa-deport ako. “I—uh—wait lang ha, may dala akong wet wipes…” Binuksan ko agad ang bag ko. Lip balm, candy, pulbo, resibo, pero walang wet wipes. Diyos ko, ngayon pa talaga ako nawalan? “I think it’s best if you sit down.” “Yes po. Yes, sir. Ninong. Julian. Bossing.” Napaupo ako ulit, parang batang pinagalitan ng principal. Naupo siya sa tapat ko, kahit may spaghetti pa yung dibdib niya. Ang weird. Akala ko aalis na siya out of disgust. Pero hindi. Cool lang siya. Malamig. Parang aircon sa MRT. “I assume this is unexpected,” sabi niya. “Unexpected? ‘Di lang po unexpected parang teleserye twist ito! Wala man lang intro, no build-up. Bigla na lang boom! May ninong pala ako, tapos CEO pa, tapos ang pogi niyo pa ay, sorry po.” Napangiwi ako. Minsan talaga hindi ko nakokontrol ang bibig ko. He sighed, pinunasan ng panyo ang spaghetti sa damit niya, tapos naglabas ng folder. “These are the legal documents. Your lola signed everything already. You’ll be moving in with me starting today.” “Moving in?! Sa mansion mo?” “Yes.” “Puwede bang wag? Kasi yung mga gamit ko nasa boarding house. Tapos may utang pa akong renta. Tapos yung plants ko, baka malungkot kung iwan ko sila.” “You’ll be compensated. Everything will be transferred. Your grandmother insisted this is for your future.” “Ang future ko po ay maging successful barista with my own coffee shop. Not… not some sosyal na Barbie na tumitira sa mansyon.” “I’m not asking for you to change,” sabi niya. “But the court requires you to stay under my custody for now.” Tumingin ako sa spaghetti ko, na ngayon ay mukhang crime scene. Tapos tumingin ako sa kanya, na parang walang spaghetti incident. Ang composed. Ang gwapo. Nakakainis. “So… ano po ang catch dito, Ninong?” tanong ko. “Kasi sa lahat ng napanood kong palabas, walang libre. Lalo na pag mayaman ang involved.” “Catch?” Umangat ang kilay niya. “There’s no catch. I made a promise to your mother. And I intend to keep it.” Napatahimik ako. Mention of my mother? Hindi ako handa doon. Wala akong maalala sa kanya, eh. Palagi lang ang kwento ni Lola, pero ngayon, ibang level to. “Ikaw po ba ang nagligtas sa akin nung baby pa ako?” tanong ko, kunwari chill, pero curious na curious na talaga ako. “No. But I was asked to be your guardian. I didn’t think it would happen. But here we are.” “Okay… pero kung guardian kita, may allowance ba ‘yon?” ngumiti ako. He didn’t smile. Not even a twitch. “Everything you need will be provided.” “Hindi ko kailangan ng lahat, Ninong. Gusto ko lang ng freedom, kape, at signal sa kwarto.” “May signal ang buong mansion.” “Wow. Sosyal.” Tumayo siya. “Finish your food. The car is waiting.” “May sasakyan?” “Limousine.” Oh. My. Gulay. Limousine? Ilang beses ko lang ‘yon nakita sa kasal ng artista, at sa parade ng mga kandidata ng Miss Gay. Kinuha ko ang bag ko at tumayo. Pero bago umalis, tiningnan ko ulit ang spaghetti na biktima ng kapalaran. Tumitig ako sa kanya, parang last goodbye. “Sorry, hindi ko naubos. Pero panghabambuhay kang magiging parte ng origin story ko.” Sinundan ko si Julian palabas ng Jollibee. Lahat ng tao nakatingin. Feeling ko artista ako, o baka iniisip lang nila na may sugar daddy ako. Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya. Paglabas namin, bumungad ang black limousine na mukhang hindi bagay sa kalsadang may butas-butas. Binuksan ng driver ang pinto para sa amin. At doon ko na-realize this is real. Hindi prank. Hindi ‘to scripted ng barangay. Totoong mayaman ang Ninong ko. At simula ngayon… buhay ko na ang magiging crazy rich. Pero bago ako sumakay, bumaling ako sa kanya. “Ninong, isang tanong lang.” “Yes?” “Bawal ba magdala ng friends sa mansion? Yung tipong pageant viewing party?” He blinked. “We’ll discuss boundaries when we get there.” “Copy, bossing.” Sumakay ako. Huminga ng malalim. At saka lang nag-sink in sa utak ko: Oh no. Mayaman nga siya. Gwapo pa. At titira kami sa iisang bubong. Heaven, help my Ninong.ALEXIA POINT OF VIEW"Kung hindi mo ako kayang ipaglaban, ako na lang ang lalaban para sa ating dalawa!"With matching sampal at sabunot sa unan, pasigaw kong sinambit ang dialogue habang nakatayo sa harap ng TV. Ako lang mag-isa sa living room at nakababad sa haponang teleserye na sobrang intense ang confrontation scene. Naka-pajama pa ako, may hawak na wooden spoon na kunwaring microphone, at feel na feel ang pagiging bida-kontrabida sa eksena."Nagtatago ka lang sa likod ng pride mo pero ang totoo mahal mo pa rin ako!" I shouted again, with one arm stretched forward na parang may hinihintay na yakap mula sa langit.Bigla kong narinig ang isang mababang boses sa likod ko. "Wow. Oscar-worthy. Grabe. Dati ka bang artista sa halikserye?"Napatalon ako sa gulat at muntik nang mahulog ang kutsara. Paglingon ko, si Julian pala. Nakatayo sa gilid ng pinto, naka-black long sleeve polo at slacks na parang galing sa isang seryosong meeting pero may ngiting pasimpleng nang-aasar."JULIAN!" sig
ALEXIA POINT OF VIEWUmaga na naman. Pero this time, hindi ako tinamad bumangon. I don’t know kung anong nangyari sa akin pero pagdilat pa lang ng mata ko, ang una kong hinanap… ay hindi si Alvin. Hindi rin si Manang Bebang. Hindi rin ‘yung ulam.Si Julian.I mean, si Ninong Julian. CRUSH NINONG. Char!Okay, tama na. Wala namang nakakakita. Pero legit, ever since dumating ‘yung bouquet of apology flowers niya, parang may na-reset sa utak ko. Biglang nag-refresh ‘yung perspective ko sa kanya. Hindi na lang siya ‘yung grumpy, moody, perfectionist, masungit, cold-hearted, egotistic, rich dude na guardian ko.Ngayon… may pa-sweet side na siya. And worst nagugustuhan ko. Oh my God, Lex. Anong nangyayari sa’yo?!Bumaba ako sa dining area na naka-pambahay pa rin. Oversized tee, messy bun, no makeup yung classic ‘di pa handang humarap sa tao vibes. Pero nung narinig kong boses niya sa may sala, biglang nagswitch ang utak ko sa panic mode. Bakit nandito siya? Ang aga."Good morning, Lex," casu
ALEXIA POINT OF VIEWNaka-upo lang ako sa veranda, suot ang paborito kong oversized na T-shirt na may mukha ni Jollibee, habang umiinom ng malamig na buko juice. Wala akong balak umarte ng dramatic ngayong araw. Hindi ko rin feel magluto o maglaba ng feelings. Basta gusto ko lang ng tahimik at peaceful na moment… hanggang may biglang dumating na delivery guy sa gate.“Delivery po for Miss Alexia Sarmiento,” sabi ng guard habang papalapit ang isang lalaki na parang nanliligaw.Napakunot-noo ako. “Ha? Ako?”Tumango lang si kuya delivery. Hawak niya ang sobrang laki at sobrang ganda—at sobrang OA—na bouquet ng red roses. As in halos kasing laki ko. Kulang na lang ay may fireworks sa paligid habang binibigay sa akin.“Wala naman akong in-order. Baka mali lang.”“Hindi po. Nandito po yung card. Name mo talaga.”Kinuha ko ‘yung maliit na envelope na nakatusok sa gitna ng bulaklak. Tapos tinignan ko ang sulat.*“Sorry sa naging gulo. Hindi ko intensyong masaktan ka. —Julian”*Tumigil ang mun
ALEXIA POINT OF VIEW"Hoy, NINONG, nasaan 'yung charger ko?" sigaw ko mula sa second floor habang sinisilip sa hallway. "Hindi ko nakita sa tabi ng power bank ko baka tinago mo na naman!""Stop shouting, Alexia. Use your inside voice," malamig na sagot ni Julian mula sa baba, hindi man lang tumingin pataas. Nakasuot na naman siya ng perpektong suit, parang laging ready makipag-meeting kahit alas-siete lang ng umaga."Pssh. 'Di na uso 'yang inside voice sa bahay ng richie rich na may gold toilet!" sarkastiko kong tugon habang pababa ng hagdan. "At FYI, hindi ako sumisigaw. Ganito lang talaga boses ko!"Pagbaba ko, binigyan ko siya ng dagger eyes. Tinusok ko siya ng tingin parang gusto ko siyang sabunutan. Siya naman? Nakakunot lang ang noo, hawak 'yung tablet niya, hindi man lang ako sinulyapan."Ba’t parang hindi ka marunong ngumiti, Ninong?" tanong ko habang kinukuha ang orange juice sa fridge. "O baka kasi hindi ka sanay sa mga taong totoo magsalita, no?"Napatingin siya sa akin. Hi
ALEXIA POINT OF VIEWWala akong sinabihan. Hindi ako nagpaalam. Diretso lang ang lakad ko mula hotel, pasakay ng sasakyan, hanggang sa pag-uwi dito sa mansion ng Ninong Julian ko. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari kanina, parang hindi pa rin tumitigil ang pintig ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa hiya, sa inis, o sa sakit. Pero isa lang ang alam ko ayoko muna siyang kausapin.Pagkapasok ko sa mansyon, pakiramdam ko biglang lumuwag ang dibdib ko. Tahimik. Walang audience. Walang mga mata na nakatingin. Walang Maxine na pa-victim. At higit sa lahat walang Julian na sumisigaw.“Ate Lex?”Napalingon ako sa may hagdan. Si Alvin ‘yon, ‘yung mas batang kapatid ni Julian na mukhang bagong ligo at naka-pajama na may design na anime. Fourteen pa lang siya, pero matalino at madaldal. Paborito ko siya kasi hindi siya fake. Kung ano nasa isip niya, sinasabi niya. Kaya siguro mas madali akong ngumiti nang makita ko siya.“Uy! Andito ka na pala,” bati ko habang tinanggal ko ‘yung heels ko sa
ALEXIA POINT OF VIEWAng totoo niyan, hindi ako prepared. Hindi ako ready. Hindi ako hinanda. Ni hindi ako nabigyan ng cheat sheet o kahit cue card man lang. Kaya habang nasa loob ako ng sobrang laking ballroom na punung-puno ng sosyal, eleganteng mga tao, ang tangi ko lang bitbit ay ang lip gloss ko na amoy candy at ang tiwalang binuo ng mga kapitbahay naming walang preno sa comment.“Lex, huwag kang lalayo,” seryosong utos ni Julian habang nakasuot ng black tux na parang tinahi gamit ang pride ng mga angel sa langit. As in, ang ganda ng fitting, ang sharp ng jawline, at ang lamig ng presence. Literal na mukha siyang lalaking hindi mo pwedeng lapitan nang hindi ka muna nagpaalam sa Diyos.“Sige na, Ninong. Di naman ako magnanakaw ng kutsara,” sagot ko habang tinatakpan ko ang cleavage ko gamit ang clutch ko. Kasi naman, yung damit na pinasuot sa’kin ng stylist niya—kulang na lang magsabing, “Hi, I’m here to ruin marriages.”Pag-ikot ko, agad kong naramdaman na may malamig na presensy
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen