Skip nyo na lang this kung ayaw nyo ng pagmamarites ko.
—PATALASTAS MUNA–
Maraming salamat po sa mga nakarating hanggang dito. Alam ko pong marami sa inyo ang ayaw pang matapos ang kwentong ito. Pasensya na po kung kailangan ko na itong tapusin. Kaya ko naman itong pahabain kung gugustuhin ko pero nais ko pong maalala nyo ako hindi bilang writer na pinagkakitaan kayo– kundi writer na binigyan kayo ng isang masaya at maganda kwento ng pag-ibig. Narating na po kasi natin ang goal ng kwentong ito, ang paibigin sa isa’t isa ang dalawang taong magkaibang magkaiba – ang aso’t pusang sina Dr. Gray at budol na si Gigi – ang babaero at ang pasaway.
Mamimiss ko po kayong lahat kahit ang kukulit nyo. Nalulungkot ako dahil alam kong mawawala na ang iba sa inyo at hindi na ako susundan sa panibagong kwentong isusulat ko.
Sa mga intresadong malaman kung anong sunod na kwento ang isusulat ko, gusto ko pong malaman nyo na itutuloy ko na ang Book 2 ng Planning his Wedding. Itutuloy ko lang siya sa next chapter ng kwento nina Miguel at Ella.., para isang libro na lang. Kaya po dun sa mga walang kadala-dala, paki add po sa library nyo ang Planning His Wedding.
Medyo paiiyakin kayo sa Book1 kasi true story po yan kaya hindi ko pwedeng baguhin. Pero itong Book 2 na kwento nina Enzo at Macy ay sisikapin kong gawing light at lalagyan ng konting humor kagaya kung paano nyo ako nakilala sa pagsusulat. Sisimulan ko po siya sa July 1. Pwede nyo po akong sundan sa Face book ko na Kara Nobela para makita ang updates ko.
Sa mga hindi pa po nakakabasa ng Planning His Wedding, heartwarming po ang Book1 at paalala, hindi po ako nagsusulat ng dark romance at toxic romance.-- yoko nun, hindi keri ng puso ko. Lahat po ng kwento ko ay happy ending. Sa mga nagtatanong naman ng My CEO’s Regrets Book 2, next po siya pagkatapos ng Planning His Wedding.
At sa mga hindi pa po nakakabasa ng Your Hero Your Lover ni Drake & Mutya– ah ah kainaman na kayo! Nakarating na kayo’t lahat dito, di nyo pa rin nababasa yun. Kaya tuloy napapagiwanan kayo. Joke lang :)
Maraming salamat po sa mga suggestions nyo para mas mapaganda ang takbo ng kwento. Kahit inookray ko kayo, nakikinig naman po ako sa mga paalala nyo, kahit pa nga minsan parang may mga dalaw kayo at ang init ng ulo ng iba sa inyo :)
Maraming salamat din po sa mga nagpadala ng Gems at Support.
PS: Nga pala, sa mga nakakaalala.., yung pusa ko– nanganak napo. Kaso yung mga anak niya, batik-batik at tumatahol.
Sige na nga, ituloy na po natin ang pagbabasa……
*****ANG PAGTATAPOS***** Five years later…. Sa loob ng Edizon University. Maaga pa lang ay marami na ang media sa loob ng bakuran ng University. Sa harap ng napakalaking event hall, may mga camera na naka-set up na, nagla-live na ang ilang broadcast company habang ang mga reporters naman ay nag-aabang ng kanilang cue. Hindi ito ordinaryong coverage ng isang graduation, dahil hindi rin naman pangkaraniwan ang isa sa mga estudyanteng magsisipagtapos ngayong araw na ito. “We are here today at the graduation ceremony of the woman hailed as the ‘Future of Philippines Technology. At ang susunod na Chairman ng InovaTech– and the youngest ever to be appointed to such a position in the history of the local tech industry.” wika ng isang reporter na nagsasalita sa harapan ng camera at may hawak na mic. Sa harap ng screen ay nakalutang ang pangalang Georgina Mojares-Tuazon sa headlines: *From Genius College Student to Tech Trailblazer: Graduates with Highest Honors *Married to Hot
4 months later, sa Neumann Hospital…Sa loob ng operating room, katahimikan ang bumalot habang sinisimulan ang operasyon. Sa tatlong naglalakihang monitor ay mapapanood ang 3D imaging, vitals at real-time diagnostics. At sa gitna ng lahat ng ito, kumikilos nang napakaingat at eksakto ang makabagong robotic arm ng RvSurg2, isang teknolohiyang itinuring dati ng Medical Field sa Pilipinas na imposibleng maabot.Pero ngayon, ito ang ipinagmamalaki ng kumpanyang InovaTech. At ang pasyente ay walang iba kundi si Chairman Eduardo Tuazon, ang haligi ng kumpanya at kauna-unahang susubok ng RvoSurg2 para sa kanyang operasyon.Sa glass viewing deck na nasa itaas ng operating theater, nandun si Gray, seryoso itong nakatanaw sa bawat galaw ng machine habang nakahawak sa likod ni Gigi na nakatayo sa tabi niya. Pareho silang tahimik at kinakabahan. Dahil hindi ito isang simpleng proyekto lang.Nandun din ang ilang board members para mag-abang at umaasa na magiging tagumpay ang RvoSurg2.Sa contro
Umikot ang paningin ni Madam sa paligid.At nang makita niya ako ay agad itong lumapit sa akin.“Gigi, bakit ka nakaupo diyan sa tiles? Malamig yan, baka lamigin ka at kabagan. Hindi yan maganda sa mga buntis.” anito na may pagka-exag na naman.Sinalubong ko agad siya at nang makalapit siya sa akin ay bineso beso niya ako.“Biyenan ko po.” baling ko sa mga naglalaro ng Bingo.Umugong at dinig namin ang sinabi ng mga ito.“Kaya naman pala ang gwapo ng asawa mo. Ang ganda ng biyenan mo.”“Siguradong magiging maganda ang mga magiging anak nyo.”Mukhang natuwa si Madam sa narinig at ngumiti siya sa mga ito.“Dun po tayo sa loob.” aya ko sa kanya.Saka ko pa lang nakita si Nancy, pati pala ito ay isinama niya.“Nancy..” masayang bati ko sa kanya.“Ms. Gi.” malawak ang ngiting bati nito. May hawak itong food container.Pumasok kami sa loob. Sakto namang labas ni inay mula sa kusina.“Gigi, magmerienda ka na. Bawal sayo ang malipasan ng gutom.” rinig kong sabi ni inay.Nahinto siya sa pagla
Gigi POVMaagang lumuwas ng Maynila sina ate Tintin dahil may trabaho pa mamaya si kuya Andrew.Paalis na rin sina ate Mutya pero dumaan muna si kuya Drake dito sa bahay para pag-usapan nang mabilis ang tungkol sa nangyari sa kumpanya.Pahapyaw lang naman ang kwento ni kuya Andrew. Ngayon ay detalyadong ikinuwento sa akin ni kuya Drake ang lahat at totoong nangyari.Ngayon ko naramdaman na napakaswerte ko talaga. Kahit hindi kadugo ay may pamilya akong totoong nagmamalasakit sa akin, sa pangunguna ni kuya Drake. Napakalaki talaga ng utang na loob ko sa kanya. Hindi matutupad ang aking mga pangarap kung hindi rin dahil sa kanya. Dahil din kay kuya Drake kaya kasama ko na ngayon ang lalaking mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako.Magkatabi kami ni Gray sa upuan at hawak niya ang kamay ko habang ikinukwento nila sa akin ang lahat. Hindi ko tuloy mapigilang hindi tumingin sa asawa ko. Siguro, ang ganda ganda ko kaya mahal na mahal ako ng gwapong ‘to. Kahit mahirap ay gagawin niya
Gigi POV Napahiwalay tuloy ako kay Gray ng marinig ko si ate. “Tara sa baba.” sabi ko saka tumalikod. Nahihiya ako kasi baka isipin pa ng mga kasama namin na may ginagawa kaming kababalaghan dito sa kwarto ko. Awkward para sa akin ang ganitong sitwasyon sa harap ng pamilya ko. Ngayon lang kasi ako umuwi na may tinatawag na asawa at kasama ko pa ngayon sa loob ng silid. Eh months ago lang, kinukutusan pa ako ni inay. “Sandali.. mag-usap muna tayo.” pigil ni Gray sa akin sabay pulupot ng dalawang braso niya sa bewang ko mula sa likuran kaya dumikit ang dibdib niya sa aking likod. “Mamaya na, baka isipin nila kung anong ginagawa natin.” sabi ko habang marahang inaalis ang dalawang kamay niya sa tyan ko. Pilyong ngumiti si Gray. “Bakit, ano ba sa tingin mo ang iisipin nilang ginagawa natin?” pabulong na sabi nito. Napapilig pa ako ng ulo nang bumulong ulit ito. “Mag-asawa naman tayo ah, nilagyan ko na nga ng laman yang tiyan mo. Kung gusto mo lagyan ulit natin yan. Ng
3rd Person POVNakapagpalit na ng damit sina Andrew at Gray.May kasabay silang pulis habang papalabas ng club. Natanaw agad nila ang dalawang pamilyar na lalaking papalapit sa kanila. Si Drake at si Mang Carding.Nasa Batangas din si Drake para humabol sa birthday ni mang Carding. Malayo pa lang ay malawak na ang ngiti ng mga ito na at natatawa sa nangyari kina Andrew at Gray.Nang makalapit sila sa isat isa, agad na nagmano ang pulis kay mang Carding.“Magandang gabi po, Ninong.” magalang na bati ng bagitong pulis.Ngumiti si mang Carding dito.“Maraming salamat sa tulong mo, Ruel.”“Walang anuman po yun. Under surveillance na po talaga itong lugar na ito. Wala silang legal permit para mag-operate ng bar. Sakto lang po yung tawag nyo.” paliwanag ng pulis.“Kilala mo si Dante di ga? Tumawag sa akin yung pamangkin ko, kinukutuban daw siya na parang may problema ang mga areh sa loob. Buti na laang at naalala ko na pulis ka na nga pala, kaya ikaw muna ang tinawagan ko.Sya, eh salamat