Mahalia Athariena Villarica, isang dalaga na labingwalong taong gulang, ay namuhay ng payapa sa Mt. El Tigre. Maganda siya at naniniwala sa kabutihan ng mga tao, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang kaakit-akit na doktor na may lihim na mga iligal na gawain. Dr. Floriust Gaine Barquin, isang mapanganib, at guwapo, ay hindi madaling mahulog sa mga babae. Ngunit nang makilala niya si Mahalia, unang kita pa lamang niya dito, nakaramdam na agad siya ng kakaiba. Sa tawag ng pagnanasa... hinayaan niya ang kanyang sarili na sirain ang inosenteng pagkatao ng babae, at nangyari ito sa ibang paraan.
View MoreMahimbing na natutulog si Mahalia nang may tumapik sa kanyang balikat upang gisingin siya. Nakita niya ang kanyang ama na nakatayo sa gilid ng kanyang kama.
“Tay, anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba sa akin?” tanong ni Mahalia na may pagkalito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pumasok ang kanyang ama sa kanyang silid sa gabi. Naguluhan siya sa reaksyon sa mukha nito. Para bang may nangyayaring masama. “Tay, ikaw ba—” pinutol ng kanyang ama ang kanyang sinasabi.
“Huwag kang maingay, Mahalia kung ayaw mong mamatay tayo,” pabulong na sabi ni Lando. “May mga armadong tao na naglalakad-lakad sa paligid ng ating bahay. Mukhang may balak silang masama para sa atin.”
Naramdaman ni Mahalia ang takot sa narinig mula sa kanyang ama. Agad siyang tumayo mula sa pagkakahiga sa katri at naging alerto sa posibleng mangyayari.
Pinasunod ni Lando ang kanyang anak, at sumunod naman ito palabas ng silid. Dumeretso sila sa silid ng mag-asawa kung saan naghihintay si Tessa, ang ina ni Mahalia, nag-iimpake ito ng mga damit sa isang bag.
“Dadaan tayo sa kusina at anuman ang mangyari, huwag kang titigil sa pagtakbo. Naiintindihan mo?” plano ni Lando.
Tumango si Mahalia habang mahigpit na hinawakan ang kamay ng kanyang ina. Huminto si Tessa sa kanyang ginagawa at tumingin sa kanya. Tinitigan siya nito na may pag-aalala.
“Mahalia, laging tandaan na mahal na mahal kita,” bulong ni Tessa.
“Mahal din kita, nay,” tugon ni Mahalia habang may mga luha sa kanyang mga mata.
Nang alas-diyes ng gabi, sinag ng buwan ay ang nagbibigay liwanag sa buong kagubatan. Lumabas sila mula sa likod ng kubo at diretsong tumakbo sa gubat. Nakita ng mga armadong tao na tumatakas sila, hinabol sila ng mga ito. Nag-isip si Tessa ng plano upang iligtas ang anak. Alam niyang ang tanging nais laamng ng mga ito ay ang anak. Huminto siya sa pagtakbo at hinawakan ang mga kamay ni Mahalia.
Hindi naintindihan ni Mahalia ang nangyayari. Ang alam lang niya ay may mga tao sa labas ng kanilang kubo. May mga baril sila kaya sigurado siyang nasa panganib ang kanilang buhay.
“Ano bang ginagawa mo, Tessa? Tara na, umalis na tayo! Sinusundan pa rin nila tayo.”
Humarap si Tessa sa kanyang asawa. “Hindi natin siya maililigtas kung patuloy tayong nasa tabi niya, Lando. Kailangan nating magsakripisyo para sa kanya.”
“N-nay, anong sinasabi mo?” nahihirapang tanong niya sa takot. “Hindi! Hindi ako aalis dito nang wala kayo ni tatay!” iginiit niya.
“Umalis ka na muna, Mahalia! Ipromise mo sa akin na lalabas ka dito,” sabi ni Tessa habang may luha sa kanyang mga mata.
“Paano naman kayo, nay?” umiiyak si Mahalia. “Sama-sama tayong umalis dito.”
Nakasunod pa rin ang humahabol sa kanila. Sigurado siyang papatayin ng mga ito ang kanyang mga magulang kung hindi sila aalis kasama siya. Hinding-hindi siya papayag sa gusto nila. Mas pipiliin niyang mamatay din kung wala ang kanyang mga magulang.
“Hindi, mahuhuli tayo!” tutol ni Lando. “Makinig ka sa akin, Mahalia. Kailangan nating gawin ito para iligtas ka.”
Humarap si Mahalia sa kanyang ama, si Lando. “Pero tay—”
“Walang pero-pero, Mahalia. Kailangan mong sumunod sa amin!” itinutulak ni Lando ang kanyang anak na umalis. “sige na, huwag matigas ang ulo, umalis ka dito! Iligtas mo ang iyong buhay!”
Wala nang ibang pagpipilian si Mahalia kundi ang sumunod sa kanyang mga magulang. Tumakbo siya sa gitna ng gubat, hindi mapigilan ang mga luha na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Nawawalan na siya ng pag-asa. Nanalangin na sana ay may tumulong sa kanya.
Huminto si Mahalia sa pagtakbo nang marinig niya ang mga putok ng baril. Pumihit siya at tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga palad. Nais niyang bumalik sa kanyang mga magulang upang iligtas ang mga ito pero biglang may lalaking nakasuot ng itim na bonnet na humarang sa harap niya. Napahakbang patalikod siya, sinusubukang makatakas.
The man grabbed her waist. "Where are you going!? You can't escape from me now!" bulalas nito gamit ang britinong boses.
“Bitiwan mo ako! Nasaan ang nanay ko? Anong ginawa mo kay tatay? Nagmamakaawa ako, huwag mo akong saktan!” she begged.
Walang tugon mula sa lalaki. Tinitigan lang siya nito. Natatakot si Mahalia ngunit kailangan niyang maging matatag para sa kanyang mga magulang. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari sa kanila.
“Nasaan ang mga magulang ko!? Huwag mong subukang saktan sila. Papatayin kita! Lahat kayo!” banta niya sa kanya habang nanginginig ang kanyang mga kamay.
“Patay na sila, kaya tumahimik ka na!” sigaw ng lalaki na may inis. “Kung hindi ka titigil, papatayin kita tulad ng ginawa ko sa mga magulang mo!”
Dumadaloy ang kanyang mga luha. “Hindi, hindi totoo 'yan! Hindi mo kayang gawin 'yan!” singhal ni Mahalia.
“Well, there's nothing you can do now except crying, young lady,” he said in a hard voice. “I already killed them.”
Kahit nasasaktan si Mahalia sinubukan pa rin niyang lumaban para makatakas ngunit sinuntok siya ng lalaki sa tiyan na nagdulot sa kanya upang mawalan ng malay.
Kinuha ng lalaki ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan ang kanyang amo. Dialed niya ang numero nito ng dalawang beses bago ito sumagot. Inilagay niya ang cellphone sa kanyang tainga at naghintay na magsalita ang tao sa kabilang linya.
"What's the news?" tanong ng nasa kabilang linya. "I hope you have a good news to me," dagdag nito.
"They are dead, boss...don't worry. They are now rest in peace." he responded seriously. "And I have a gift for you. I know you would like it, boss."
"What is that? Tell me right now!" his boss asked again. "What kind of gift is it?"
Ngumiti siya habang pinapanood ang babaeng nawalan ng malay. Alam niyang magugustuhan ng kanyang amo ang kagandahan nito.
"Be patient, boss. You will find out later. Bye for now, boss..." sagot nito.
“What the f*ck, Crisostomo! Bumalik kana dito.” singhal ng nasa kabilang linya.
Pinutol ng lalaki ang tawag nang dumating ang kanyang mga kasama sa kinaroroonan niya. Inutusan niya silang ilagay ang babae sa loob ng sako at dalhin ito sa helikopter.
Magkasabay silang kumain ng tanghalian. Hindi maipinta ang mukha ni Gyvanne dahil sa broccoli na nasa kanyang harapan. Katabi niya si Mahalia habang nasa nakaupo si Gainne sa harapan ng kanyang mag-ina.“Kumain ka na, anak. Maglalaro tayo mamaya sa labas,” wika ni Gainne sa anak niya.“Hindi siya pwede lumabas, maalikabog sa labas, Gainne,” sabat ni Mahalia.Nakatingin ang anak sa ina na may namumuo na luha sa mga mata. “Pero mama, gusto ko maglaro sa labas…” ngumuso siya para maawa ang kanyang ina.“It’s safe outside the house, Mahalia, Sasamahan ko naman siya, don’t worry hindi ko hahayaan na may mangyari sa anak ko. He is my son too, hindi ako papyag na may mangyari sa kanya.”Bumuntonghininga na lamang si Mahalia. Sa pagkakataon, pakiramdam niya pinagtutulungan siya sa kanyang mag-ama. Umiling-iling na lamang siya habang nagsimulang subukan ang anak.“Mama payag kana po, behave naman ako sa labas, hindi po ako hahawak ng madumi.”Nakaramdam ng awa si Mahalia sa anak. Pakiramdam ni
Tumayo si Gainne at lumapit kay Mahalia. Walang pagdadalawang-isip na niyakap niya ito. Lalong humahagulhol ang babae habang nasa bisig niya ito.“Ang anak ko, Gainne.”“Hindi ko hahayaan na mapahamak ang anak natin, kahit pa buhay ko ibibigay ko sa kanya para maligtas lamang siya.”Kahit papano gumaan ang nararamdaman ni Mahalia dahil sa sinabi ng lalaki. She hugged him back. Ang dala-dala niyang bigat sa puso ay unti-unting nababawasan. Alam niya sa pagkakataon na ito mayroon na siyang katuwang sa pag-aalaga sa anak nila. Sigurado siyang hindi nito hahayaan na mawalay sa kanila si Gyvanne.Bumitaw sila sa isa’t isa. Pinunasan ni Gainne ang pisngi ni Mahalia na basa sa luha. Humihingus-hingos ang babae. Napalayo na lamang sila sa isa’t isa nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok roon si Crisostomo na hawak-hawak ang kamay ni Gyvanne at hila-hila palapit sa kanila.“Huwag ninyong subukan na sundan itong anak ninyo dahil hindi ako magyayo,” bulalas ni Crisostomo.Dumako ang paningi
Chapter 88 Seeing his son eating ice cream makes gainne’s heart ache with regret. Nasasaktan siya dahil kung nalaman lamang niya ng maaga na anak niya ang batang nasa harapan niya ngayon, marami na sana silang masasayang alaala na nabuo. Pakiramdam niya kulang na kulang na ang mga araw na gumawa nang masayang alaala. Pinunasan ni Gainne ang gilid ng bibig ni Gyvanne na nagkalat ng ice cream. Tumigil naman rin ito sa pagsubo at hinayaan ang ama na gawin ang paglilinis sa nakakalat sa bibig. “Ayaw mong kumain, papa?” tanong ng bata sa ama. “ayaw mo ba sa ice cream?” Natapos na punasan ni Gainne ang gilid ng labi ng bata. “Of course, gusto ko rin iyan. Bibigyan mo ba ako?” nakangiti siya sa anak niya. Tumango si Gyvanne. Nilahad niya ang isang box ng ice cream sa harapan ng ama niya. Masaya siya na ishe-share niya ang paborito niyang ice cream sa kanyang ama. tinanggap naman ito ni Gainne. Dinampot niya ang kutsara at sumalok sa ice cream saka sinubo. Ngayon hindi na siya nagtataka
Bumalik agad si Crisostomo dala ang mga pinamili niya. Halos limang oras rin siyang nasa labas, pagdating niya sa bahay, naabutan niya si Gainne at Gyvanne na nanunuod ng cartoon sa living room.Napangiti na lamang siya habang nakatayo sa hindi kalayuan.It was his first time na makita ang kaibigan na nanunood ng cartoon. Kahit siya hindi kapagnaunuod hndi niya ito mayaya. Ang alam niya hindi ito mahilig manuod ng ganito. Ngunit sa nakikita niya ngayon nagsasaya ito kasama ang anak.“That’s a cool ending papa!”“Me too!” natatawang sabi ni Gainne.Lumapit si Crisostomo sa dalawa. May dala itong limang malalaking paperbag. Tumingin ang dalawa sa dereksyon niya. Kitang-kita sa mukha ni Gyvanne ang excitement nang makiita siya. Tumayo pa ito sa sofa habang inalalayan ni Gainne.“Tito Cris, you’re here!”Nilapag ni Crisostomo ang dala sa center table. “Ito na ang mga pibili ninyo. Gyvanne nandiyan na rin ang iyong strawberry ice cream.” Umupo siya sa kaharap na sofa kung saan nakaupo ang m
After they finished eating, Gainne gave his son a bath. He was enjoying being the father of Gyvanne. Nagtatawanan pa silang lumabas ng bathroom at dumeretso sa closet ni Gainne. Nakatingin siya sa damit niya nang maisip niya kung anong isusuot ng anak. Hindi man niya ito nabilhan ng masusuot. Napatingin na lamang siya sa anak niya nakatayo sa kanang gilid niya. Nakabalot ito ng tuwalya.“bakit papa?” tanong ng bata.“Wala kang maisusuot,” sagot naman ni Gainne.Gyvanne pouted. “Anong isusuot ko ngayon?”Pumili ng masusuot si Gainne sa mga damit niya. Nakuha ng kanyang pansin ang isang itim na T-shirt, kinuha niya ito at ipinakita sa bata. Napakurapkurap na lamang ito sa kanya. “How about this? Papalitan lang natin mamaya kasi magpapabili tayo ni tito Cris mo ng iyong damit,” wika niya, may pangungubinsi pa itong kidhat sa anak.Tumango si Gyvanne. Tinanggal muna ang nakabalot na tuwalya sa katawan niya saka pinunasan ang kanyang buhok saka pinasuot sa kanya ang t-shirt. Hindi maipinta
“You two, tumayo na kayo diyan, kakain na tayo,” tawag ni Crisostomo na nakadungaw sa pintuan. “Bilisan n’yo na d’yan kasi gutom na ako.” Isinira niya ang pintuan.Muling napatingin ang mag-ama sa isa’t isa. Kumunot ang noo ng anak, hindi naiintindihan ang mga nangyayari. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid na parang may hinahanap. Nang hindi niya ito makita ibinalik niya ito kay Gainne.Hindi parin masabi ni Gainne ang totoo sa anak. Naduduwag siyang sabihin dito na siya ang tunay nitong ama.“Where’s mama, Mr. Gainne?” tanong ng bata.“Hm… kasi may pinuntahan lang sila ni—”“Saan sila pumunta ni Tito Primo?” sabat ni Gyvanne. “Kailan siya babalik? I want to see mama.” May luhang namuo sa mga mata nito.Hinawakan ni Gainne ang bawat balikat ng bata. He was panicked. He wanted to prevent not him to cry. Buti’t hindi naman ito umiyak.“I want see my mama.” Gyvanne pouted.“Babalik rin si m-mama mo, pero ngayon dito ka muna sa akin. Don’t worry, Gyvanne, aalagaan kita. Maaari m
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments