The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance

The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance

last update最終更新日 : 2025-05-23
作家:  M.E Rodavlas たった今更新されました
言語: Filipino
goodnovel16goodnovel
評価が足りません
60チャプター
2.8Kビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

CEO

Divorce

Regret

Second Chance

Contemporary

Nagsimula ang lahat sa arrange marriage, ngunit nagwakas din sa divorce dahil sa sangkot na third party. Walang ideya si Nigel na ang asawang si Nathalie na sinasabi n'yang hindi n'ya magagawang mahalin ay ang s'ya palang totoo niyan'g minamahal, nang madiskubre niya ang taong totoong nagligtas sa kanya mula sa sunog tatlong taon na ang nakakaraan. Nang tuluyan na silang magkahiwalay ay nilamon si Nigel ng matinding pagsisisi, gayunpaman ay hindi n'ya akalaing muli n'ya itong makikita. Sa kasamaang-palad ay hindi na kagaya ng dati si Nathalie na halos sa kanya lamang umiikot ang kanyang mundo. Mapagbibigyan kaya ang paghingi n'ya ng tawad at pagkakataon? Magagawa kaya s'yang pagbigyan ng dating asawa?

もっと見る

第1話

Chapter 1 – Other Woman

NATHALIE ANDEZA

Agad akong naupo nang naalimpungatan ako sa pag aalalang baka late na ako ng gising. Nang tingnan ko ang wall clock ay saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makitang sakto lang pala ang gising ko. Nagtungo ako sa kusina para magluto na ng almusal para sa aking kamahalan, para sa aking mahal na asawa na si Nigel na laging maagang pumapasok sa kumpanya.

Mabuti na lamang ay wala pa kaming anak dahil kung hindi ay baka lagi na lang akong pagod sa pag-aasikaso sa kanila. Pero paano nga ba kami magkaka-anak kung wala namang nangyayari sa min?

Ipinagkasundo kaming makasal ng aming mga magulang, ngunit noon pa man ay minahal ko na si Nigel, since college pa. Sa kasamaang-palad ay wala siyang nararamdaman para sa kin.

Nagluto ako ng masustansiyang almusal na dinisenyuhan ko pa ng puso na hindi din pinansin at na-appreciate ng asawa ko. Tahimik lang siya'ng kumakain at tila walang pakialam sa paligid n'ya.

"Bakit ka nagluto nang marami?" Tanong n'ya.

Sa wakas may napansin na rin siya, kinuha ko ang pagkakataon na ito para may makapagpa-alala sa kanya. "Nagluto ako nang marami dahil espesyal ang araw na ito para sa ating dalawa."

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit, anong meron?"

Nakaramdam ako ng lungkot nang hindi n'ya maalala kung ano ang dapat naming i-selebra ngayong araw. "Hindi mo ba talaga maalala kung anong meron ngayon? Nalimutan mo na ba?"

"I don't remember." Walang pakialam niyang sagot. Tumayo s'ya at dinampot ang kanyang coat na nakasampay sa sandalan ng isang bakanteng upuan. "Aalis na ko." Aniya at nagdiretso na s'ya nang alis. Kung ibang tao lang siguro s'ya, malamang ay maiisip n'ya na bigyan ako ng isang halik bago umalis. Nakakalungkot lang dahil parang hindi asawa ang turing n'ya sa kin.

Nilaro-laro ko na lang ng tinidor ang aking pagkain dahil nawalan na ako ng gana. Sinulyapan ko ang ibang nakahaing pagkain na hindi nagalaw. Pakiramdam ko ay ang tanga ko para isiping maa-appreciate n'ya ang mga ito.

Pero hindi dapat ako panghinaan ng loob, dahil katulad nga ng sinabi ko, espesyal ang araw na ito para sa amin, dahil, wedding Anniversary namin ngayon. Kailangan kong maghanda at maghanap ng magandang venue.

Dahil pinili kong maging housewife na lang ay wala akong ibang ginagawa kundi ang gumawa lang ng mga gawaing bahay, kaya nakapag hands on ako para sa selebrasyon. Inimbitahan ko ang malalapit niyang kaibigan, sayang nga lang dahil nasa ibang bansa ang mga magulang ni Nigel.

.

.

Nakatayo ako ngayon sa labasan at pasukan ng venue. Tinitingnan ko ang mga bisitang dumadating ngunit ang talagang hinihintay ko ay hindi pa rin dumarating; sino pa nga ba? kundi ang asawa ko.

Tumawag ako sa kumpanya nila at ang sabi ng sekretarya niya ay nasa meeting pa si Nigel. Sinabi din ng sekretarya na importante ang meeting kaya kahit abutin ito ng madaling araw ay kailangan itong tapusin.

Nang lumalalim na ang gabi ay lumapit na ang kaibigan kong si Michelle. "Nat...." Tawag niya. "Bakit wala pa rin ang asawa mo dito? Darating pa ba s'ya? Naiinip na ang mga bisita."

Napabuntong-hininga na lang ako. "Sige, sabihin mo sa kanila na puwede na silang kumain.

Muli akong tumawag sa kumpanya nila Nigel, nang makausap ko ang sekretarya ay sinabi nito sa kin na kaninang nakalipas na isang oras pa raw nakaalis ang asawa ko at nagmamadali daw ito.

Kaninang nakalipas na isang oras pa? Kung ganun ay dapat nandito na siya, maliban na lang kung hindi na naman niya binasa ang text ko at hindi alam ang tungkol sa selebrasyong ito. Ngayon nagsisisi ako kung bakit hindi ko ito sinabi sa kanya nang maaga. Well actually, sorpresa ko kasi ito para sa kanya pero ngayon ay nabalewala na lang.

Nataranta ako at agad tinawagan ang telepono ni Nigel pero hindi ito sumasagot, at katulad ng ikinatatakot ko; hindi na nga sumipot ang asawa ko.

Nang makaalis na ang mga guests ay tumulong ako sa paglilinis sa venue. Magalang akong inawat ng mga staff pero gusto ko talagang tumulong sa pagliligpit. Bagaman hindi ko ito trabaho pero gusto kong mag-loosen up dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay baka tumulo na lang ang mga luha ko.

I'm so disappointment with Nigel, bakit hindi man lang n'ya binasa ang text message ko? Hindi ko na nga siya tinawagan dahil alam kong ayaw na ayaw n'yang tinatawagan ko s'ya, pero bakit hindi man lang n'ya sulyapan ang message ko? Ganun ba talaga ako ka-walang halaga sa kanya? Habang nag-uurong ng mga pinag-kainan ay tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko.

.......

Kinaumagahan, nagising ako sa mga ingay na sa tingin ko ay nanggagaling sa kitchen area. Bumangon ako at nang magtungo ako doon ay tumambad sa kin ang asawa ko habang naka-squat para pulutin ang ilang laman ng refrigator na nasa sahig. "Sorry, I'm so clumsy, na-gising ba kita?" Tanong n'ya.

Nang masilayan ko siya ay tila nalimutan ko na kung paanong hindi n'ya ako sinipot kagabi at kung paano ako umiyak nang dahil sa kanya. Mukhang hindi siya kumportable at mukhang nandidiri pa sa sauce na nasa kamay niya habang nililinis ang nagkalat na pagkain at sarsa sa sahig.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga, ano ba ang gagawin ko sa lalaking ito? Kahit sinasaktan n'ya ang damdamin ko hindi ko pa rin s'ya kayang tiisin na makitang ganito. "Ako na diyan." Lumapit ako sa kanya pero natigilan ako nang maka-amoy ako ng malakas na amoy ng pabango ng babae. "M-may kinatagpo ka bang babae kagabi?" Biglang naibulalas kong tanong sa kanya.

Natigilan s'ya at napamaang sa kin, kung hindi ako nagkakamali ay parang nagulat ang reaksyon n'ya. "Busy ako sa kumpanya buong gabi kagabi, paano ko magagawang makipagkita sa kung sinu-sino?" Sagot n'ya na tila wala man lang bahid ng guilt.

Sinungaling! Ang sabi ng sekretarya n'ya ay nagmamadali siyang umalis ng kumpanya nang matapos ang meeting nila..... Nigel, bakit ka nagsisinungaling?

Ang utak ko ay lumilipad habang nagluluto. Ayoko itong isipin, pero kinukutuban ako na may ibang babae ang asawa ko. "Aray!" Nabitiwan ko ang skillet nang mapaso ako, humagis ang itlog na aking niluluto kaya kinailangan kong magluto ng panibago.

Nang nag-aalmusal na ay pasimple kong pinanonood ang asawa ko habang elegante itong kumakain, hanggang sa bigla na lang kumunot ang noo at kilay nito. "Ang alat ng itlog."

Saka lang ako naalimpungatan. "S-sorry, hindi ko natantiya ang paglalagay ng asin."

Muli ko siyang tiningnan. Ang malamig at dominado niyang hitsura ay hindi naman nakakatulad gaya ng isang Casanova o ng isang babaero na mahilig maglaro ng apoy, kaya kahit may pag-aalinlangan ako ay pinili ko na lang na balewalain ang hindi maganda kong kutob. Nigel, pagtitiwalaan kita ngayon, pero sana ay hindi mo talaga ako niloloko, dahil baka hindi ko kayanin.

Nang pumasok na sa kumpanya ang asawa ko ay bumisita naman ang bestfriend kong si Elaine Sanchez. Mag-bestfriend na kami since highschool pa at sa kanya ko lagi sinasabi lahat ng pasakit na dinaranas ko nang dahil kay Nigel. "Ayos lang yan nat. Ganyan naman talaga ang mga lalaki e, hindi nila alam kung ano ang talaga ang gusto nila." Aniya.

"Pero Elaine, hindi n'ya lang ako inind'yan kagabi, kaninang umaga, paglapit ko sa kanya, naka-amoy ako ng malakas na amoy ng pabango ng babae mula sa katawan n'ya..... Elaine, ano sa tingin mo, tingin mo ba ay may babae s'ya sa labas?" Maluha-luha kong tanong.

Nakita ko ang pagkagitla sa mukha ng bestfriend ko pero tila nakita ko rin ang saglit na pagkinang sa mga mata n'ya. "A-ano? Tingin mo ay may babae ang asawa mo?"

"Paano kung may babae nga siya, anong gagawin ko?"

"Kung may babae nga siya, edi i-divorce mo na siya. Normal lang naman na maghiwalay na kayo kung wala namang pagmamahal sa relasyon n'yo....... saka, paano kung may mahal si Nigel na iba pero hindi lang n'ya masabi?"

Nang marinig ito ay hindi ko na mapigilan ang umiyak. "Anong gagawin ko kung ganun, Elaine, siya ang buhay ko."

Bumuntong-hininga s'ya at inalo-alo ako. Inaya n'ya akong mag-mall para daw malibang ako at para mawala ang lungkot ko. Nag-shopping kami at nanood ng movie. Habang kumakain sa isang restaurant ay pinag-usapan namin ang tungkol sa kanyang sakit.

May heart condition si Elaine, kailangan niyang sumailalim sa surgery pero kailangan munang makahanap siya ng match na heart donor. "Hirap na hirap pa rin akong makahanap ng heart donor, siguro nga ay ito na ang katapusan ko."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Huwag ka ngang magsalita nang ganyan, mabuti kang tao kaya sigurado akong makakahanap ka rin ng donor."

Nang maghiwalay kami ni Elaine ay hindi muna ako umuwi sa apartment namin ni Nigel, nagpunta muna ako sa hospital.

"So, naalala mo pa pala na may pamilya ka. Anong ginagawa mo dito?" Tanong at pagsusungit ng kuya ko sa akin.

"Nico, stop it!" Saway ni mommy. "Kakatulog lang ng daddy mo, gusto mo ba siyang hintaying magising?"

"Hindi na 'ma. Kailangan ko na rin kasing umuwi agad. Baka umuwi na rin si Nigel."

"Humph! Asawa mo lang ang mahalaga sayo."

"Nico!"

Hindi ko na pinansin pa si kuya. "Mom, tungkol sa binanggit ko noon.... Kung hindi mag-improve ang kondisyon ni dad–"

Bago ako matapos ay biglang nagalit si kuya. "Damn Nathalie! I swear, kapag hindi ka pa umalis, baka mapatay kita!"

Dahil sa biglaang pagbulalas ni kuya ay nagising si dad. Ibinato niya ang kanyang unan sa kanya. "Ano bang isinisigaw mo diyan, hindi mo nakitang nagpapahinga ako? Saka bakit ka pa nandito?" Biglang natuwa si dad nang mapansin n'ya ako "Nat! Nandito ka pala! Halika, bakit ngayon ka lang dumalaw? Kumusta ka na?"

"Dad, huwag kang masyadong masaya porke dinalaw ka niyang bunso mo, bad news lang ang dala niyan." Singit ni kuya.

Lumapit ako sa gilid ng kama. "Dad, na-aalala mo ba yung request ko sayo last time nang magpunta ako dito?"

Sa tanong kong ito ay biglang nanahimik ang paligid. Natigilan ang daddy ko habang ang mommy ko naman ay biglang sumimangot. Ang kuya ko naman ay parang gusto na akong bugahan ng apoy.

"Nakita n'yo na? Bad news lang ang dala ng babaeng ito." Bumaling si kuya sa kin. "Nat, bago pa kita gulpihin, mas mabuti pang umalis ka na. Sige na, alis na!"

Nang ma-diagnose ng stage three colon cancer ang daddy ko ay kinontrata ko na s'ya. Kung hindi s'ya makaka-survive, ido donate n'ya ang puso n'ya kay Elaine, pero ang pag-uusap namin last time tungkol dito ay hindi naging maganda. Pakiramdam kasi nila ay para ko na ring isinuko ang buhay ni daddy para kay Elaine.

Nang hilahin ako ni kuya palabas ng kwarto ay biglang nagsalita si dad: "Nat, alam kong concern ka para sa bestfriend mo..." Bumuntong-hininga s'ya. "Sige, kung hindi ako makakaligtas sa sakit na ito, payag akong i-donate ang puso ko sa kanya."

Madilim na nang makabalik ako sa apartment. Nagmadali talaga akong umuwi kasi baka nakauwi na rin ang asawa ko. Pero pagdating ko ay wala pa s'ya. Nagluto ako ng hapunan ngunit mag-isa akong kumain dahil hindi na naman siya umuwi.

.........

As usual, nang sumunod na umaga ay nakita ko na lang ang asawa ko sa living room na humihigop ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.

Habang kumakain kami ng almusal: "Nigel, saan ka nagpunta nitong magkasunod na gabi, kasi hindi ako naniniwala na nasa kumpanya ka lang sa buong magdamag." Lakas-loob kong tanong ngunit hindi ko akalain na wrong move pala iyon.

Malamig n'ya akong tiningnan. "Hindi ko na problema kung hindi ka naniniwala." Tumayo na siya nang hindi tinatapos ang kinakain n'ya. Dinampot n'ya ang coat n'ya at naghahanda na'ng umalis.

"S-sandali Nigel!" Agad akong tumayo at hinabol s'ya. "I'm sorry, galit ka b–"

Huminto naman s'ya at hinarap ako. "Alam kong matalino ka, at siguro ay alam mo na rin na ayokong pinakikialaman ako sa mga diskarte ko. Arranged marriage lang ang kasal natin kaya alamin mo sana ang lugar mo, naintindihan mo?" At umalis na siya.

Pabagsak akong napaupo, dahil dito ay lalo akong nakumbinsi na meron nga siyang kinalolokohang babae. Ngayon ay desidido na akong alamin ang lahat.

.

.

Kinagabihan ay naghintay ako at kumubli sa labas ng kumpanya nila Nigel. Nang makita ko ang paglabas niya at ang pagsakay nya sa mamahalin niyang sasakyan ay sumakay na rin ko sa taxi na inupahan ko at pinasundan s'ya.

Makalipas ang ilang sandali ay natagpuan ko na lang ang sarili ko sa tapat ng isang private room sa isang pang mayaman'g hospital.

"Nigel, you're here! I miss you!"

Narinig ko ang masayang tinig ng isang babae sa loob ng silid. Lumapit ako at dahan-dahang binuksan ang pinto nang walang nililikhang ingay. Pagsilip ko ay nagulat na lamang ako nang makita ko ang babae sa kama na ngayon ay nakayakap sa asawa ko.

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

コメント

コメントはありません
60 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status