Laking probinsya si Lylia at maagang naulila kasama ang kapatid niyang may malubhang sakit. Dahil sa hirap ng buhay, namulat siya sa realidad at kinailangan dumiskarte para sa kapatid at sa pang araw-araw nilang gastusin kaya naman naisipan niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan. Ngunit matapos niyang madiskubre na si Raze—na kapitan ng barangay nila ang pinagkakautangan ng mga namayapa niyang magulang ay napilitan siyang tanggapin ang deal nito at 'yon ay makasal sila bilang kabayaran sa kalahating utang niya kung hindi ay ipapa-demolish ng kapitan ang bahay pati ang karinderya nila na siyang pinagkukunan nila ng hanapbuhay. Lingid sa kaalaman ng lahat, bukod sa pagiging mag-asawa nila, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay para bayaran ang natitira pa nitong utang sa kapitan. Kilala si Raze bilang kuripot at mahigpit na kapitan sa Barangay Abueña. Strikto siya pagdating sa pag-implementa at pag-apruba ng mga proyekto lalo na sa paggamit ng pondo sa barangay. Matagal siyang nawala sa lugar pero namo-monitor pa rin niya ang nangyayari sa barangay. Ang hindi alam ng iba, isa pala siyang sekretong bilyonaryo na nagmamay-ari ng airlines, hotels at resorts sa Pilipinas na tanging mga may dugông maharlika ang in-accomodate. Nang bumalik siya, sa sabungan niya unang nakita ang babaeng sa larawan lamang niya nasilayan—si Lylia, ang babaeng nagkakautang sa kanya at doon nabuo ang mapaglaro niyang plano at 'yon ay pilitin itong pakasalan siya. Posible kayang mauwi sa totohanan ang deal nila o isa sa kanila ang madudurôg at uuwing luhaan?
View MoreLYLIA'S POV
Habang nagse-serve ng mga tao mula sa sabungan, napansin kong nagsisikuhan sina Lira at Love na para bang may minamataan sa labas ng karinderya. Maya-maya pa ay nagbulungan sila at bumungisngis animo'y kinikilig. Anong pinagbubulungan ng dalawang 'to? Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nila at bahagyang napaatras nang makita ko si Kapitan. Anong ginagawa niya rito? “Miss ganda, ayos ka lang? Ba't parang nakakita ka ng multo dyan?” tanong ni Keano, isa sa mga regular customer namin. “Ah wala,” sagot ko at mabilis inilipat ang tingin sa ibang bagay nang magtama ang mata namin ni Kapitan. “Wala na kayong i-o-order?” “Wala na, busog na nga kami sa ganda mo,” biro pa nito na tinawanan ng mga kasama niya. “Bolero. Kumain ka na nga dyan.” Sikmat ko at inamba sa kanya ang dala kong tray. “Ito naman, ang sungit—oy kapitan! Dito na! May magandang dalaga rito!” kaway niya sa direksyon ni kapitan. “Baliw!” dali-dali akong umalis doon nang mapansin kong papunta na sa direksyon namin si Kapitan. Kahit kailan talaga, pahamak ang Keano na ‘yon. “Miss ganda! Bumalik ka rito! Ipapakilala ka namin kay kapitan!” Napapikit ako nang mariin at marahas na umiling. “Busy ako! Mga trip niyo ha! Wag ako!” sigaw ko pabalik. Pagakalapit ko ng counter, kumunot ng noo ko nang biglang lumapit sa akin ang kapatid at kaibigan ko na nakangisi. “Oh, napaano kayo? Ngisi-ngisi niyo dyan?” Nagkatinginan sila at humagikgik na parang mga bata. “Bagay kayo ni Kapitan,” sabay nilang sagot. “Akala ko namamalikmata lang ako no'ng isang araw na nandito siya pero hindi pala. He's staying for good,” Love said, still grinning. “Ewan ko sa inyo, magtrabaho na nga lang kayo—” “Miss ganda! Dalawang serve ng lumpiang shanghai at sisig please!” sigaw ni Keano kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik doon. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako habang patungo sa table nila. Si Keano kasi, nang-asar pa. Matagal na simula no'ng makita ko si kapitan sa personal at ngayon, ang matured na niyang tingnan. Last time na nakita ko siya ay payat pa pero ngayon, ang bulky na ng katawan. Halatang nag-gym. He looked sexy and hot with his braided hair. “Miss ganda?” Keano snapped. Napakurap ako at napatingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nakarating na pala ako sa table nila at titig na titig kay kapitan. Nakakahiya! “Ah, ito!” Nataranta ako sa paglapag ng mga pagkain nang mapansin kong nakasunod ng tingin sa akin si Kapitan. “Careful!” Mabilis na kinuha ni Kapitan ang kamay ko nang muntik nang matapon ang mainit na sabaw sa kamay ko. “Are you hurt? Hindi ba natapunan?” “H-Hindi naman,” I replied, a bit shy. Nakita kong umangat ang sulok ng labi niya na para bang nagpipigil na ngumiti. Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya agad akong nag-iwas. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at tumalikod. “Enjoy,” tanging nasabi ko. Bago ako maglakad pabalik, narinig ko pa silang tumawa nang mahina kaya mas lalo akong nahiya. “Her name is Lylia, right?” rinig ko pang tanong ni kapitan. “I like the softness of her hand.” Natigilan ako. Ako? Malambot ang kamay? Sa dami ng ginagawa ko rito sa karinderya? Imposible! — Ala sais ng gabi no'ng matapos ang sabungan kaya nagsimula na rin kaming magligpit. “Ate, hindi pa ba uuwi sina kapitan?” tanong ni Lira na nagpupunas ng table habang ako naman ay nagliligpit ng pinagkainan. “Malay ko. Napasarap yata usapan nila.” Nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa mapunta ako sa table nila kapitan. “Excuse me, kunin ko lang,” tukoy ko sa mga plato na nakaayos sa lamesa. Hindi ko pinansin ang paninitig ni kapitan at akmang kukunin ang mga plato nang maunahan niya ako. “Let me,” he said, coldly. Hinayaan ko siya at no'ng mailagay na niya lahat sa tray, tinalikuran ko sila. “Hindi man lang nagpasalamat?” rinig kong sabi ng isa nilang kasama. “Hayaan mo na. Ganyan talaga si miss ganda,” Keano added. “Masungit pero mabait naman.” “Kinda bastôs, bro. Hindi na nga pinansin si kapitan kanina tapos ngayon hindi man lang nagpasalamat? Babae nga naman.” Pumintig ang tenga ko sa sinabi ng lalaki. Huminga ako nang malalim at nilingon ang kinaroonan nila. Padarag kong inilapag ang tray sa lamesa at tiningnan ang lalaki na salubong ang kilay. “Ikaw ‘yong nagsalita, ‘di ba? Ba't ikaw ang nagrereklamo? Ikaw ba si kapitan?” kalmado kong tanong pero deep inside gusto ko na siyang suntûkin. “Oo, ako nga,” pag-amin niya na tila nanghahamon. “He helped you at wala man lang pasalamat?” Natawa ako. “Patawa ka rin ‘no? Ikaw ba si kapitan? And actually, magsasara na kami. Ano pa bang ginagawa niyo rito? Pag-usapan ako behind my back?” bumaling ako ng tingin kay kapitan na matamang nakatitig sa akin. “Maraming salamat sa pagtulong kapitan pero sana hindi niyo na lang ginawa kasi kaya ko naman. Tingnan mo tuloy, pumuputôk butsi ng kasama mo,” sarkastikong dadag ko. Napatayo ang lalaki at tingin ko nainis na sa akin. “Why don't you tell her, Raze? That you're here for her debt!” bulalas ng lalaki na nagpatigil ng mundo ko. Kung gano'n, s-si kapitan pala ang pinagkakautangan ng mga magulang ko? “Hey, hey, Ashel, calm down—” “Not now, Keano. Naiinis ako sa babaeng ‘yan.” “Mas lalo ako!” sigaw ko. “You're here for my debt, right? Fine, magbabayad ako!” Pero ang totoo wala akong maipapambabayad sa kanila. Akmang tatalikuran ko sila nang may humawak sa kamay ko at no'ng lingunin ko ay panandaliang tumigil ang pagtibôk ng puso ko nang makita kong si kapitan. “A-Ano pa ba ang gusto mo?” “I am here to demolish your house,” deritso at walang kaemo-emosyon niyang sabi. “As of this moment.” “W-Wala kang karapatan para gawin ‘yon.” Utal kong sabi. Ngumisi siya. “Sad to say, I can since this is my property,” kaswal niyang sabi at namulsa. “But I would like to make an offer.” Bahagya akong napaatras nang ilapit niya ang mukha sa akin. “A-Ano n-naman?” “Be my wife.”Pagod na pagod na ako mula sa pabalik-balik na utos ni Raze kaya ito sumalampak ako sa counter at pinikit ang mga mata at pinagdaop ang palad na hindi ko na halos maramdaman. Akala ko makakapagpahinga na ako pero narinig kong may tumawag na naman sa akin. This time bodyguard na naman. Hindi ko alam kung kaninong bodyguard pero tingin ko si Ylona. "The princess is requesting you to see her, miss," wika ng bodyguard. Napatingin sa akin si Kevin at Titus na halatang malungkot para sa akin. Parehong nag-aalangan kung pipigilan ba nila ako o hahayaan na lang. Pero wala na akong lakas para tumanggi. Tumango na lang ako, pilit na kinaladkad ang katawan ko para sumunod. Habang naglalakad papunta sa opisina ni Ylona, nararamdaman ko ang hapdi ng talampakan ko mula sa katagalang pagtayo at paglalakad. Parang naglalakad ako sa ulap, wala nang pakiramdam ang katawan ko, puro bigat at sakit na lang ang nararamdaman. Pagdating ko sa harap ng opisina, marahan akong kumatok. Ilang segundo ang lu
Kinabukasan, maaga pa lang ay balik trabaho na ako sa royal kitchen. Tahimik ang paligid pero ramdam ang bigat ng tensyon. Akala ko matapos ang gabing iyon, makakahinga na ako kahit paano, pero mas lalo pa palang magiging mahirap ang lahat. Isang oras pa lang ako sa pagbe-bake ng prototype wedding cakes nang biglang dumating si Kevin, dala ang utos mula sa executive office. “Chef Lia, Prince Raze wants you to deliver the first cake sample now.” Napapitlag ako. “Ngayon agad?” “Yes,” sagot ni Kevin sa malamig ang tono. “He said it’s urgent.” Wala akong nagawa kundi ihanda agad ang tray ng cake at pumunta sa opisina ni Raze. Muli, mabagal ang lakad ko sa hallway, dala ang tray na parang mas mabigat kaysa dati. Pagpasok ko sa opisina niya, naroon agad si Raze, nakaupo sa likod ng mesa. Inilapag ko ang tray sa harap niya ng tahimik lang. Hindi siya nagsalita agad, pinagmasdan lang ang cake na ginawa ko. Makalipas ang ilang segundo, kinuha niya ang tinidor at tiningnan iyon na
Habang nagpapatuloy ang hapunan sa royal table, bahagyang nag-iba ang daloy ng usapan. Mula sa magagaan na pag-uusap tungkol sa pagkain at kultura, biglang nabaling ang lahat kay Raze at Ylona. “It’s time we make an official announcement,” sambit ng hari, malamig ngunit pormal ang tono. “Prince Raze, Princess Ylona, the date of your wedding has been decided.” Napatingin ako agad kay Raze, ngunit nanatili lang siyang tahimik, tila walang narinig, walang pakialam. Si Ylona naman, agad na ngumiti, at parang mas lalong humigpit ang pagkakalapit niya kay Raze. Parang linta na ayaw bumitaw. Sumikip ang dibdib ko sa narinig at nagkunwari na lang na nakikinig kahit gustong-gusto ko nang umalis. “I’m honored, Your Majesty,” masiglang sagot ni Ylona at lumingkis pa lalo ang braso sa bisig ni Raze. “Finally, the kingdom will see our union.” Ramdam ko ang biglang paglamig ng katawan ko. Pinilit kong panatilihing steady ang hawak ko sa wine glass. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na kahit pap
Pagkatapos ng mahabang pag-uusap sa ballroom, isang servant ang lumapit sa akin, magalang na nag-yaya, "Miss Lia, please join Prince Kael and the royal family at the main table." Hindi agad ako nakapag-react at nanigas na lang sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaasahan 'yon. Ngunit wala akong choice kundi sumunod. Mabagal ang hakbang ko papunta sa main table kung saan nandoon na sina Raze, Ylona, Kael, pati ang hari at reyna, ang mga magulang ni Raze. Ramdam ko agad ang bigat ng tingin sa akin mula sa paligid. Ang mga royals, mga bisita, lahat nakatingin. Hindi na ako simpleng staff lang ngayon. I had to act like I belonged. Umupo ako sa tabi ni Kael, ramdam na ramdam ang malamig na tingin ni Raze mula sa kabilang side ng table. Nanuyo ang lalamunan ko, lalo na nang mag-angat ng tingin ang reyna sa akin, pero parang walang nakikitang kakaiba sa pagkatao ko. Parang wala lang ako. She was pretending like she didn't know me when in fact, nagkausap na kami noon sa probinsya. Mabait, nga
Matapos ang sayaw, pinili kong lumayo muna sa gitna ng ballroom. Sa bawat hakbang ko, ramdam ko pa rin ang mga matang sumusunod sa akin, si Raze, si Kael, pati si Ylona. Pero kailangan ko munang huminga. Pakiramdam ko ubos na ubos na ako. Para na akong nasasakal. Hindi ganito ang mundong gusto kong galawan. Hindi ko gustong makipagsocialize sa mga mayayaman pero pinili ko pa rin. Ginusto ko d-dahil... kahit itanggi ko, alam ko sa sarili kong siya ang dahilan bakit nandito ako. All I want is a simple life in province, kasama siya at ng anak namin. Pero ito, sumubok pa rin ako kahit alam kong ikawawasak ko. Mahirap ang mundong ginagalawan niya pero eto ako, nakikisumiksik dahil sa kanya. It wasn't the job anymore. It was my heart. Ang tanga-tanga ko lang sa part na kahit nasasaktan na ako, kahit wasak na wasak na ako, nandito pa rin ako. Pinagpipilitan ko pa rin ang sarili ko. Minsan, naiisip ko, may ilalaban pa ba ako? Kaya ko pa ba siyang ilaban kung kaya't parang ako na lan
Punong-puno ng tao ang ballroom, maririnig ang mahihinang halakhakan, tunog ng wine glass, at ang klasikong tugtugin mula sa malaking orchestra sa unahan. Kahit nakangiti ako sa tabi ni Prince Kael, ang isip ko, wala roon. Ramdam ko pa rin ang matalim na tingin mula sa kabilang panig ng silid. Si Raze. Nakatayo siya roon kasama si Ylona na nakangiti sa mga royal guests. At kahit anong gawin ko, hinahanap pa rin ng mga mata ko si Raze. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal pero sisikapin ko kahit sobrang hirap. “Smile a little, Lia,” mahinang sabi ni Kael sa tabi ko. “People are watching.” Pinilit kong ngumiti. Kael’s hand gently rested on my back, guiding me through the sea of people. Hanggang sa narinig ko mula sa host, “Mag-uumpisa na po ang royal dance. Maari na pong pumunta sa dance floor ang ating mga panauhin.” Kael turned to me with his killèr smile. “Shall we?” Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. Habang ginagawa ko iyon, alam kong may nagmamasid sa amin. And
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments