Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)

Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)

last updateLast Updated : 2025-05-19
By:  EmilyLovesParisUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Bago makuha ni Valeria Solano ang kayamanang iniwan ng kanyang pamilya, kailangan niyang magpakasal sa isang mayamang lalaki at magkaanak bilang kundisyon. Nang muling bumalik si Luciano Navarro — ang lalaking unang kumuha ng kanyang pagkabirhen. Nakita ni Valeria ang pagkakataong gamitin ito para sa kanyang mga plano. Desperada at handa siyang gawin ang lahat kaya pumayag siyang pumasok sa isang kasunduan para makuha ang mga yamang iniwan sa kanya. Ngunit may lihim si Luciano na magpapabago sa takbo ng buhay ni Valeria, at ang kalayaang inaasam niya ay maaaring maging kanyang pinakamalaking pagkakakulong.

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Ano?!" Parang biglang nabingi si Valeria sa narinig mula sa kanilang family attorney. "Pakiulit nga, attorney ang last will and testament na yan!"

"Kailangan mong magpakasal at magka-anak, bago mo makuha ang ari-arian ng mga magulang mo, Valeria," pag-uulit ng attorney.

Sa lahat ng pwedeng gawin, bakit ang magpakasal at magkaroon pa ng anak ang ipapagawa para lang makuha niya ang mana?

"What the heck?!" halos bulyaw niyang tugon kay attorney.

"Wala ka nang magawa, Valeria. Ito ang nakasaad sa last will and testament ng magulang mo."

Nilapag ni attorney sa harapan ni Valeria ang folder. Agad namang binuklat at binasa ni Valeria ang nakasulat roon.

Pabagsak niyang binaba ang folder nang mabasa ang gustong mangyari ng magulang niya. Wala siya sa sarili nang angat ang tingin kay Attorney Herrera, at mariin niya itong tinitigan.

"Kaka-graduate ko lang ng college!" Hinilamos niya ang mukha. "Kahit boyfriend ay wala ako!"

"May panahon pa para makahanap ka ng lalaking—"

"Gusto mo akong pumatol sa kung sino-sino lang para makuha ang kayamanan ng mga magulang ko? Attorney naman!" Nangilid ang luha niya sa inis.

"Iyan lang talaga ang solusyon, Valeria." Nagbuntong-hininga si Attorney Herrera. "Kailangan mo gawin ito sa lalong madaling panahon kung ayaw mong mauunahan."

Doon siya mas lalong natigilan. Umusbong ang galit niya, dumilim ang paningin.

"Sino pa ang ibang kakompetensiya ko sa pagkuha ng ari-arian ng magulang ko?"

"Sino pa ba? Ang half sister mo. Si Mariah Dantes..."

Ilang saglit siyang natigilan.

"Bakit siya kasali sa bibigyan ng kayamanan ng magulang ko? Anak lang siya sa labas!" apila niya sa iritasyon.

Naiisip pa lang niya ang nakakapikon na pagmumukha ng babaeng 'yun, gusto niya na siyang sugurin ng sampal, kagaya nang ginawa nito sa kaniya noong mga bata pa lang sila.

"Isa rin si Mariah ang makakuha ng kayamanan kaya kumilos ka na dahil kapag siya ang unang makagawa ng nakasaad rito sa last will and testament, sa kaniya mapupunta ang 70% shares ng properties ng magulang mo. Kasama na roon ang malaki niyong bahay at ang malaki niyong kumpanya sa BGC. Siya na ang magiging CEO kung hindi ka kikilos. Tanging 30% lamang ang maiiwan sa iyo."

"Hindi ako papayag na mapunta sa kaniya ang mga properties!" apila niya.

Pumikit siya nang mariin. Naguguluhan pa siya sa tamang desisyon. Sa tuwing naiisip niya ang nakasaad sa last will and testament, gusto niyang magwala sa inis at sumbatan ang magulang niya.

Pero hindi niya hahayaang makakuha sila maski kusing sa pinaghirapan ng mga magulang niya.

"Bigyan mo ako ng sapat na panahon. Maghahanap ako ng lalaki para pakasalan. If they want me to get pregnant, I will do it."

Kinuha na niya ang maleta para lumabas na sa private room na iyon, ngunit natigil siya sa sinabi ng Attorney.

"Saan ka tutuloy ngayon? Sa pagkakaalam ko, simula noong namatay ang magulang mo, doon na rin naninirahan sina Mariah at ang kanyang ina sa bahay niyo."

Kinuyom ni Valeria ang dalawang kamao. Ang kapal talaga ng mukha ng ma-inang iyon.

"Kakalbuhin ko ang pagmumukha ng mag-inang Dantes!"

Akmang aalis na si Valeria, ngunit agad na naman siyang pinigilan ng Attorney.

"Huwag kang padalos-dalos."

Napahilot si Valeria sa sentido. Galing pa siya sa ibang bansa, kadadating niya lang rito sa Pilipinas kaya may hila siyang maleta ngayon.

Pagkalapag niya pa lang sa airport, sinalubong na agad siya ni Attorney Herrera para ipaalam sa kaniya ang mangyayari sa mga properties ng mga magulang niya.

Kahit ayaw niyang bumalik sa bansang ito, kailangan niyang ipaglaban ang karapatan niya bilang legal na anak. Lalo na't ang kabet ng Daddy niya ang humahawak sa negosyong ngayon ng magulang niya.

Nagbuntong-hininga si Attorney. May kinuha ito sa suit case na dala. Nilahad nito iyon sa kaniya. Isang mapa na luma.

"Isa yang private land na ayaw ibenta ng magulang mo dahil importante sa kanila ang bahay na tinayong iyon na minana pa sa Lolo mo. Pwede ka munang manirahan diyan habang inaasikaso natin ang mga properties na pwedeng kuhanin."

Tiningnan ni Valeria ang mapa na medyo nakalamukos na. Hindi na siya nagreklamo pa. Ayaw niya rin naman makasama ang mag-inang Dantes sa iisang bahay. Siya na muna ang iwas, dahil for sure... makukuha niya rin ang lahat ng properties ng mga magulang niya.

Pinuntahan niya ang lugar na sinasabi ni Attorney Herrera. Gumamit lang siya ng isang app para matuntun agad ang lugar. Umabot ng apat na oras ang byahe bago siya nakarating sa malaking lupain.

Nilibot niya ang buong lugar dahil hindi siya sigurado kung saang bahay siya patungo. Ilang beses na niyang kinontact ang numero ni Attorney Herrera, pero walang signal rito.

“Bwesit naman! Bakit walang signal sa lugar na ito!” frustrated niyang sabi.

Huminto siya sa tapat ng malaking bahay na may bakal na gate. Hininto lang niya ang kotse sa labas. Tinanaw na lamang niya ang malaking two-storey house na maaliwalas tingnan mula sa labas. Malinis at may fountain pa na umaandar. May ilaw na rin na naka-sindi kaya hindi ito nakakatakot tingnan.

“May caretaker kaya rito? Bakit ang linis naman yata ng bahay na ito? Akala ko ba walang nakatira rito,” kausap niya ang sarili habang papasok na sa malaking gate.

Hindi naman naka-lock kaya dire-diretso siya sa pagpasok. May malaking hardin ang bahay, may mga bermuda grass na nakapalibot at malapad ang kalsada rito sa bakuran hanggang gate.

Naisip niya na baka may inutusan ang Attorney na iyon para linisin ang bahay na ito kaya ganito na lang ka-aliwalas pag gabi.

Walang sinabi sa kanya ang mga magulang niya na may pagmamay-ari pala silang malaking bahay kaya namangha siya sa bawat interior rito. Kahit luma na siya, pero nahaluan naman ng modernong design.

Maski sa loob, namangha siya sa sobrang laki, maaliwalas rin tingnan.

Hinanap niya agad ang master’s bedroom. Bawat madadaanan niyang kuwarto, lock lahat ng rooms na ipinagtataka niya, kaya noong nasa pinakadulo na siya, mas nagtaka na lamang siya kung bakit ito lang ang hindi naka-lock. Pagkapihit niya sa seradura, agad bumukas.

Patay ang ilaw pero may lampshade sa bedside table kaya kahit papaano, nakikita niya pa rin kung gaano kalawak at kaganda ang kuwarto na ito.

“I like the ambiance in this house.” Pasasalamatan niya si Attorney Herrera kapag makakuha na siya ng signal.

Hindi na niya inabalang buksan ang ilaw ng kuwarto. Nakikita niya pa rin naman ang loob dahil sa lampshade. Nilagay niya sa isang tabi ang maleta niya. Nanguha lang siya ng susuotin pangtulog saka tuwalya.

Hinubad niya ang lahat ng damit at naligo na siya. Ngunit nakalimutan niyang kuhanin ang sabon at shampoo pati conditioner sa maleta.

Akmang lalabas na siya ng shower room nang may nakita siyang shampoo at conditioner sa lalagyan, may sabon na rin at toothbrush.

“Pati ba ito hinanda rin ni Attorney?” kunot noo niyang tanong sa sarili.

Siguro nga alam ni attorney ang gagawin kaya nito siya pinapunta rito. Hindi naman ito magsu-suhestiyon na dito muna siya titira kung alam nitong madumi pa ang bahay na ito.

Nagtapis lang siya ng tuwalya palabas. Kumakanta-kanta pa siya habang nilalagay sa ulo niya ang maliit na towel na kinuha ko lang din sa banyo.

Kukunin niya na sana ang damit sa kama, ngunit biglang gumalaw ang puting comforter.

Lumukso ang dugo niya sa gulat.

Hindi niya alam kung hallucinations niya lang ba ‘yon pero binalewala na lang niya.

Kung ano-ano na lang talaga ang na-iimagine niya. Tuluyan na niyang kinuha ang pantulog. Isusuot na sana niya ang sleeveless top nang gumalaw na naman ang comforter. Bumaba na iyon at nakita niya sa dulo ng headboard na may ulo ng tao roon na nakabaon sa unan.

"M-May tao ba rito?" bulong niya. Dim light ang kuwarto kaya hindi siya sigurado kung ulo ba talaga ng tao ang nandoon sa tapat ng headboard.

Kinabahan na siya sa puntong iyon. Dahandahan siyang naglakad para silipin kung may tao ba talagang nakahiga sa kama. Nawala na sa isip niya ang magbihis dahil sa kaba.

Pagkarating niya sa gilid ng kama, nanlaki ang mga mata niya nang makakita ng buhok roon. Nakabaon ang mukha ng tao sa puting unan. Hanggang leeg nito ang comforter. Nakadapa ang posisyon niya.

"Walanghiya ka! Sino ka! Umalis ka rito!"

Hinablot ni Valeria ang makapal na comforter at sinapak-sapak niya ang taong nakahiga. Narinig niya ang pagdaing nito habang sinasangga ang sapak niya gamit ang kamay. Nilagay nito ang kamay sa ulo, just to protect his head.

"Holy shít!" bulalas nito habang naka dapa pa rin. Sobrang baritone ng boses.

"Manyak ka! Bakit nandito ka sa bahay ng magulang ko?!"

Sinapak niya ang ulo ng lalaki. Sobrang lakas nun dahilan para bumangon ito sa pagkakadapa.

Natigil siya sa pagsapak nang galit na mga mata ang sumalubong sa kanya galing sa lalaki.

"U-Umalis ka rito kung ayaw mong magtawag akong pulis!" matapang niyang sabi.

Lumunok siya at pinagmasdan ang katawan nito. Wala itong pang-itaas na damit, klaro sa kanya ang matikas nitong dibdib at hulma ng abs.

"Who are you?" galit niyang tanong.

"Dapat ako ang magtanong sa'yo niyan!" Tinapangan niya pa rin ang sarili kahit gusto na lang niyang lamunin ng lupa. Malakas niya itong sinampal.

Umigting ang panga ng lalaki sa ginawa niya at bayolente itong nagpakawala ng hininga.

"You should be the one who leaves! Get the fúck out while I can still control myself not to hurt you!" mariin nitong utos. 

"Bahay namin ito!"

He breathed irritatedly. Hinagod nito ang buhok gamit ang daliri habang nanaliksik sa galit ang mga mata. "Kung sino ka mang babae ka, ayaw kong makita ang pagmumukha mo. Hindi mo ito bahay... This house and this room is mine! Lumayas ka sa pamamahay ko kung ayaw mong kaladkarin kita palabas!" singhal nito.

Napalayo si Valeria sa kama dahil sa nakakatakot nitong itsura. Lumundag ang puso niya sa kaba. Nangatog ang binti niya.

Hindi kailanman siya natakot sa isang tao, pero unang beses na nakaramdam siya ng labis na takot sa lalaking kaharap niya ngayon.

Sino ba ang lalaking ito?

Sigurado ba talaga si Attorney Herrera sa mapa na ibinigay sa kanya?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status