Share

Kabanata 7

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2024-11-14 11:32:41

Tintin POV

“Ano, hindi ka inihatid ni Andrew pauwi?” gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Mutya sa kabilang linya.

Tinawagan ko kasi agad si Mutya upang ikwento na kagagaling lang namin ni Andrew mula sa sinehan kaso nauwi naman ang usapan namin sa reaksyon ni Mutya na hindi makapaniwala sa ginawa ni Andrew.

Nang matapos kaming manood ng sine ay nagyaya na itong umuwi. Ikinuha niya ako ng taxi, hindi ko naman naisip yung inirereklamo ni Mutya na dapat daw ay si Andrew ang naghatid sa akin pabalik mula sa sinehan. Malay ko ba kung paano makipagdate. Basta ang alam ko lang kanina ay masaya ako kahit pa nakatulog ako.

“Hindi ganyan ang Andrew na kilala ko. Napaka-gentleman nun at very protective. Hindi ako makapaniwalang hinayaan ka niyang magbyahe mag-isa kahit gabi na. May sasakyan naman siyang dala.” ani Mutya.

“Isa pa, ni hindi ka man lang niya niyayang kumain pagkatapos nyong manood.”

“Hay naku, alam mo namang sinasadya niya yun para sumuko na ako.” balewala kong sabi.

“Yun na nga Tin, ipinamumukha nya sayo na hindi ka talaga niya gusto. Maghanap ka na lang ng iba, obvious naman na hindi ka niya gusto. Ang tanga mo!”

“Oo na, tatapusin ko lang itong 7 days namin. Kapag wala talagang nangyari, hindi ko na ipagpipilitan. Aleast sinubukan ko di ba?”

Hindi ako nagsisinungalin nang sabihin ko yun. 4 days na lang at matatapos na ang kasunduan namin ni Andrew. Ibubuhos ko sa natitira pang mga araw para ipakita sa kanya na gusto ko talagang maging kami. Walang kasing sarap sa pakiramdam kung makakatuluyan ang childhood crush ko pero hindi naman habang buhay na susuyuin ko si Andrew. May sariling buhay din naman ako.

*******************

Out ko na pero dumaan muna ako sa nurse station. Malayo pa lang ay kita ko na ang kumpulan ng mga nurse at mukhang may pinagtsi-tsismisan na naman ang mga ito.

“Anong kaguluhan yan?” pangbubulaga ko sa mga nurse na nagkukwentuhan.

Mukhang hindi naman sila nagulat at tuloy lang sila sa kanilang pinag-uusapan.

“Sinabi ko na sa inyo, binata nga yun. Halata naman eh”

“Ay naku lalo tuloy akong inspired na pumasok araw araw.”

“Dati nga ayaw na ayaw ko ng night shift eh. Ngayon gising na gising talaga ako.”

“Pinag-uusapan nyo siguro yung bagong doktor no?” singit ko sa usapan nila.

“Nakita mo na ba siya Kristina? ” ani Liezel.

“Hindi pa, naririnig ko lang kasi palaging laman nang usapan nung mga kasamahan ko sa umaga yung pangalang Dr. Tuazon.” tugon ko.

“Ay grabe! Parang model ang tangkad, ang gwapo pa.” Kilig na kilig si Liezel.

“Tuazon? Parang hindi naman tunog doktor. Parang barangay tanod naman.” ani Tintin.

“Si Kristina lang yata ang hindi interesado sa kanya.” ani ate Beth.

“Ay naku, wag na siyang makigulo sa atin. Sinira na nga nyan ang pantasya natin kay Dok Andrew. Ipagpaubaya na niya sa atin si Dr. Tuazon.” ani Judith

Napatawa ako sa sinabi niya.

“Kristina may bad news ako sayo.” ani ate Beth.

“Ano naman yun?” tanong ko sa kanya.

“Yung ex ni dok Andrew na si doktora Natalia Santos, balita ko maa-assign dito.”

“Patay! May tulog ka ngayon.” ani Liezel.

“Ah yung ex nya.” kunyari ay balewala kong sabi. Ngunit ang totoo ay intresado ako sa balita ni ate Beth.

“Pero siya yung first love ni dok Andrew.”

“Ako naman ang present girlfriend niya ngayon.”

Tawanan ang isinagot nila sa akin. Wala talagang maniwala sa mga ito. Isa pa ay hindi rin nila sineseryoso ang mga sinasabi ko dahil tingin nila ay puro pagbibiro lang ako.

“Ate beth alam mo ba kung bakit sila nagbreak?” gusto ko talagang malaman kung bakit sila naghiwalay ni Andrew.

“Oo naman! Ang alam ko yung babae ang nakipagbreak dahil mas pinili niyang mag-aral sa abroad. Mataas kasi ang pangarap niya. Balita ko, dinamdam talaga yun ni dok Andrew kaya 2 years pa bago siya nagka- girlfriend ulit pero wala namang tumagal.”

Hindi ako makapaniwala na yung babae pa ang nakipaghiwalay. Ang tanga naman niya. Samantalang ako, hirap na hirap pasagutin si Andrew, tapos siya ibe-break lang.

“Naku, kung ako sayo Kristina, kalimutan mo na yang si dok, mukhang tagilid tayo dyan lalo na at magbabalik na ang original.” ani Liezel.

Nagkibit balikat lang ako. Ayokong ipahalata na apektado ako.

“Okay, eh di si Dr. Tuazon na lang ang pagtutuunan ko ng pansin. Ano bang schedule niya at nang masimulan ko na ang panliligaw?”

Sabay sabay silang nagtinginan sa akin at mga nagprotesta.

“Hay naku Kristina, ban ka kay Dr. Tuazon. Hindi ka namin gustong karibal.” ani Nancy.

“Mahirap kalaban yang si Kristina. Marami yang baong pick-up lines.” ani ate Beth.

“Pag nagsawa na ako kay dok. Andrew kay dok Tuazon naman ako.” pabiro kong sabi at saka umalis. May pupuntahan pa kasi ako.

****

Habang naglalakad papunta sa coffee shop na tagpuan namin ni Andrew ay hindi mawala wala sa isip ko ang sinabi ng mga ito tungkol sa first love ni Andrew. Babalik siya? Trabaho ba ang babalikan niya o si Andrew? Nagsisimula na akong makaramdam ng kung ano sa aking dibdib ngayon. May kung anong sumusundot na kaba pero madali ko rin naman itong pinawi. Ganito naman talaga ako, ayoko mag-entertain ng negative sa utak. Dapat lang masaya ako dahil magkikita kami ni Andrew maya-maya lang..

As usual ay nauna na naman akong dumating sa tagpuan namin. Kagaya ng bilin ni Andrew na wag ko daw siyang itetext at kukulitin kaya yun ang ginawa ko. Nagkasya na lang akong maghintay sa pagdating niya kahit pa mayat maya na akong tumitingin sa cellphone ko. Tuksong tukso na rin ako na tawagan siya.

Napakislot ako ng marinig kong may tumatawag sa telepono. Dali dali ko itong kinuha upang tingnan kung sino ang tumatawag, ngunit hindi nakaregister ang number sa phonebook ko. Hindi ko ito pinansin. Muli na namang tumunog ang aking cellphone yun pa rin ang number ng tumatawag kaya sinagot ko na ito.

“Hello sino to?” tanong ko agad sa tumatawag.

“Hello, is this Kristina?” boses lalaki ito.

“Ako nga. Sino nga to?”

“Hi…” wika ng lalaki sa kabilang linya-- sakto ring isang matangkad na lalaki ang huminto sa harapan ng lamesa na tinatambayan ko.

Tumingala ako at isang matangkad at napaka-gwapong lalaki ang nakita kong nakangiti habang hawak nito ang cellphone na nakatapat sa kanyang bibig. Nagsalita ito sa harap ng kanyang telepono.

“I’m Gray!” anang nasa sa telepono ganun din ng baritong boses mula sa lalaking kaharap ko ngayon.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit alam niya ang phone number ko at kung bakit nasa harapan ko ang lalaking ito. Siya kasi si Oppa, yung gwapong lalaki na bumangga sa akin nung isang araw sa harapan ng hospital.
Kara Nobela

Wanna know what my secret superpower is? -- I can write a beautiful story without relying on a toxic male character or unhealthy settings, providing readers with a thrilling yet stress-free experience, full of exciting chapters they'll look forward to. -- KARA NOBELA

| 99+
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (38)
goodnovel comment avatar
Cristina Rendon
hala nagbaback talaga pala, pagkatapos mong tyagain ang mga ads, makarating ka sa episode 30 tapos pag open mo back to 1,
goodnovel comment avatar
Leah Garin Sandoval
andon npo ako sa nilasing ni Tintin at mutya c Andrew..
goodnovel comment avatar
Leah Garin Sandoval
bkt bumalik Ako dto kabanata 14 n ako kaninang madaling araw e
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 318

    “I’m so proud of you.” bulong nito pagkatapos ay binigyan siya ng matamis na halik. Nahinto sila ng marinig ang boses ng anak nilang babae. Kaya dun napunta ang kanilang atensyon. “Congratulations, Mommy!” wika ni Grayce. “May gift kami sayo.” sabi ni Gavin saka inabot ang isang graduation ca

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 317

    *****ANG PAGTATAPOS***** Five years later…. Sa loob ng Edizon University. Maaga pa lang ay marami na ang media sa loob ng bakuran ng University. Sa harap ng napakalaking event hall, may mga camera na naka-set up na, nagla-live na ang ilang broadcast company habang ang mga reporters naman ay na

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 316

    Si Madam mismo ang nagplano ng halos lahat, mula venue hanggang caterer, mula sa listahan ng mga bisita hanggang sa kulay ng mga bulaklak sa bawat mesa. Ginanap ang kasal sa isang private estate sa Tagaytay. Dumagsa na ang mga sasakyan, mga luxury SUV, black sedans at ilang vintage cars. Dumating a

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 315

    4 months later, sa Neumann Hospital…Sa loob ng operating room, katahimikan ang bumalot habang sinisimulan ang operasyon. Sa tatlong naglalakihang monitor ay mapapanood ang 3D imaging, vitals at real-time diagnostics. At sa gitna ng lahat ng ito, kumikilos nang napakaingat at eksakto ang makabagong

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 314

    Umikot ang paningin ni Madam sa paligid.At nang makita niya ako ay agad itong lumapit sa akin.“Gigi, bakit ka nakaupo diyan sa tiles? Malamig yan, baka lamigin ka at kabagan. Hindi yan maganda sa mga buntis.” anito na may pagka-exag na naman.Sinalubong ko agad siya at nang makalapit siya sa akin

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 313

    Gigi POV Maagang lumuwas ng Maynila sina ate Tintin dahil may trabaho pa mamaya si kuya Andrew. Paalis na rin sina ate Mutya pero dumaan muna si kuya Drake dito sa bahay para pag-usapan nang mabilis ang tungkol sa nangyari sa kumpanya. Pahapyaw lang naman ang kwento ni kuya Andrew. Ngayon ay d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status