CHAPTER 5
MAKAILANG ulit ng napalunok si Summer para pigilan ang pag-iyak habang pinapanood ang pagbaba ng kabaong.
Humahaya ng iyak si Tita SK—ang asawa ni Tito Handsome. Nakayakap dito ang mga anak na si Sean at Katkat.
Wala ang panganay na si Vitoria Alexie—nawawala!
Alejandro went to rescue his daughter from kidnappers alone. Walang kaalam-alam ang daddy niya o kahit sino sa mga kaibigan nito. May tumawag na lang sa bahay ng mga Almeradez na natagpuan ang katawan ni Alejandro sa abandonadong gusali na halos hindi na makilala.
Ang ipinagtataka ni Summer ay kung paano basta-basta na lang nakuha si Vitoria Alexi?
That woman is a Scout Ranger! Highly trained in combat and weapons.
“Mommy!”
Nagkagulo na sa sementeryo nang nahimatay ang maybahay. Hinawakan niya sa braso ang daddy niya na bagaman ay seryoso ay panay ang igting ng panga nito at mugto ang mga mata.
“It’s going to be okay.”
Walang sagot ang daddy niya kaya muli siyang nagsalita.
“I’m gonna find who's behind all these. Ibabalik ko si Vitoria Alexie,” puno ng determinasyon ang kanyang boses.
May humawak sa balikat ng daddy niya. Uncle Riguel offered a man-to-man hug to her dad.
Nang lumingon siya ay nagtama ang mata nila ni Amber. Kaswal na tinanguan niya ito at sibil ang pakikitungo.
Kahapon lang dumating ang pamilyang El Greco kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap.
Hindi sila malapit ni Amber katulad ng pagkakaibigan nila ni Vitoria dahil sa Russia ito namalagi. Habang sila naman dalawa ng anak ng Tito Handsome niya, ay magkapitbahay lang.
“Matagal na nang huling beses kitang nakita.”
Ang boses ay mahinhin, ang ganda-ganda…
Tahimik niyang minura niya ang sarili dahil ganun na ganon siya noon. D amn insecurities!
“Busy. You?”
“Pine-peste ng lahat,” tawa nito at saka sinulyapan ang direksyon kung saan kausap ni Giovanni at Zacharias si Angus Channing.
Biglang pumait ang panlasa niya.
“Hahanapin ko si Vitoria Alexie. Sa tingin mo ba matutulungan ako ni Raegan?” tukoy niya sa nakababata nitong kapatid.
Alam niyang maraming koneksyon ang lalaki at magaling maghanap ng mga impormasyon.
“He’s busy studying, but you can try contacting him. Kung hindi,” lumingon ulit ito kina Giovanni, “pwede mong hingan ng tulong si Van.”
Ipinagpasalamat niya na sumingit ang Mommy ni Amber dahil baka rolyohan niya ito ng mata.
M aldita na kung m aldita ngunit may inis pa rin siyang nararamdaman kay Amber. Delikadesa na lang sana na hindi ito ‘pumatol’ noon sa may asawa kahit pa sabihin na ito ang mahal ni Giovanni.
Tapos ngayon, mukhang hindi na naman mag-on ang dalawa. May ibang karelasyon na naman siguro ito o kaya si Giovanni ang may babae. Dhenaly never mentioned the two getting married.
Ayaw na ayaw niyang makarinig tungkol sa dalawa. Pero naku-kyuryos siya ngayon kung bakit hindi kasama ng mga ito si Lucian?
Her parents left with Tita SK’s family. Siya naman ay kay Zacharias sasabay nang tinawag siya ni Angus.
They went to the same military school, but Angus’ specialization was Weapon Engineering.
“Suspended?”
“Shut up,” irap niya.
Angus chuckled and put his hand around her shoulder.
Hinatid siya nito kung saan naka-park ang mga kotse. Subalit, wala na roon si Zacharias, sa halip ay si Giovanni ang nakasandal sa Black Lamborghini nito habang naninigarilyo.
“Zacharias’s been waiting.” Natural na masungit ang tabas ng mukha lalo pa’t magkasalubong ang makakapal na kilay ni Giovanni.
“Where is he?”
“Umuwi na.”
“I can give you a ride,” sabi ni Angus kaya natuon ang malamig na tingin dito ni Giovanni.
“She’s riding with me.”
“Kay Angus na lang ako sasabay,” tutol niya, nararamdaman na hindi maganda na sila lang ni Giovanni sa loob ng kotse.
But her ex-husband didn’t think the same.
“Ibinilin ka sa akin ni Zacharias,” mababa ngunit madiin nitong wika. “If you have problem with that, call him.”
Wala siyang nagawa kundi pumayag. Hinarap niya si Angus para magpaalam nang hinawakan ni Giovanni ang palapulsuhan niya para ipasok na siya sa kotse.
Umugong ang sportscar nang paharabas nitong pinatakbo paalis ng sementeryo.
“You don’t have to be that rude.”
“He’s way younger than you.”
“So?” kunot-noo niyang tanong.
Umigting ang panga nito sa halip na sagutin siya.
Pasimple niyang tinakpan ang ilong. Tinapunan siya nito ng tingin bago binuksan ang bintana at saka itinapon sa labas ang may sindi pang sigarilyo.
Alam pa rin ba nito na ayaw niya sa amoy niyon? He’s smoking when he’s stressed.
“Things were messy these days,” wika nito.
Summer’s mind went back to the past when he would say things that bothered him. Pero mag-asawa pa sila noon. Ngayon ay kahit pagiging magkaibigan nga ay hindi siya sigurado.
Hindi na lang siya umimik. Eksakto naman na nag-text sa kanya si Rozen na nasa Vesarius Airline na ang mga ito.
“Can you drop me off here?”
“Why?”
“Kailangan ko kasing kunin si Autumn sa opisina. Magta-taxi na lang ako.”
“Autumn…” banggit nito na para bang itinatatak sa isip ang tunog niyon. “She has a very beautiful name. And really pretty too.”
Lihim siyang napangiti. Kung maririnig siguro iyon ng anak niya ay siguradong magmamalaki na naman sa lahat.
“I’ll drive you there.”
“Out of the way ang Airline. Baka abala na kami sa ‘yo.”
“You were never a bother to me,” anito sa namamaos na boses.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang pamilyar na kiliti sa kaibuturan ng kanyang dibd ib.
“Okay,” simple niyang sagot at sakay p inatay ang nararamdaman.
Sumama si Giovanni hanggang sa opisina ni Rozen. Galit agad ang kapatid niya ngunit wala naman sinabi pa.
Cute na cute ang baby girl niya sa suot nitong kulay violet na princess dress na hanggang kalahati ng hita ang haba. Sa paa ay ang paborito nitong ankle boots. May headband pa na bagay na bagay sa kulot nitong buhok.
“It’s you Ser na Mister!” malakas ang boses ni Autumn. Sa halip na salubungin siya ng yakap ay nanakbo ito kay Giovanni.
Kita ang gilagid na ngumisi ang beybi niya.
“Here ka ulit para give mo ako money?”